webnovel

Chapter One Hundred Seventy-One

Ang sabi nila, marami raw ang namamatay sa maling akala. Isang akala na ginawa ng ating isipan para mabigyang rason ang isang bagay na hindi natin maintindihan. At siguro naging biktima rin ako ng maling akala ko. Dahil nang mga panahon na 'yon, patuloy ang pagtatanong ko sa sarili ko kung bakit? Naghahanap ako ng rason para maintidihan ko kung bakit niya ako iniwan. At nang mga oras na yon... nakagawa ako ng rason na pwede kong kapitan para maintidihan. Isang rason na nakita ko pero hindi ko lubos na naintindihan.

Hindi ako naging masaya sa mga nangyari pagkatapos. Sobra akong nasaktan. Sinaktan ko lang ang sarili ko. Iyon na siguro ang pinakamalaki kong pagkakamali na ginawa sa buong buhay ko. Nagawa kong baguhin ang sarili ko. Isinara ko ang puso at isipan ko pagkatapos non. Itinulak ko rin palayo ang mga taong nagmamahal sa akin. Nagbago ako. Hindi sila sumuko hanggang sa maibalik nila ako sa dati.

At ngayon, sa pagdilat ng mga mata ko, kasabay non ang pagbalik ng lahat ng emosyon na nawala sa akin. At ang pagkawala ng yelo na bumalot nang matagal sa puso ko.

"Sammy! Gising ka na!" Una kong nakita ang mukha ni Michie. Naluluha siya habang nakatingin sa akin.

"Gising na si Sammy?" Napunta kay Maggie ang tingin ko.

Nakapaligid silang lahat sa akin habang ako ay nakahiga sa loob ng tent.

Hinawakan ni Audrey ang noo ko. "Nawala na ang lagnat mo," sabi niya na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Langya ka, Sammy! Pinag-alala mo kami! Bakit ka biglang nahihimatay ha?" tanong ni China.

Lahat sila nagpupunas ng pisngi nila. Doon ko lang napansin na umiiyak pala sila maliban kay Audrey.

"Akala ko na-dengue si Sammy!" sabi ni Michie na napaiyak nang tuluyan.

"Ano'ng nararamdaman mo Sam? Nagugutom ka na ba?" tanong ni Audrey.

"Okay lang ako," sambit ko. Nasa loob kami ng tent namin ni Audrey. Madilim na sa labas. Umupo ako. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong nahilo.

"Dahan-dahan lang Sammy," sabi ni China.

"Ano'ng oras na?" tanong ko sa kanila.

"Alas-kwatro ng umaga Sammy, bakit?" tanong ni Michie.

"Wala. Hindi ba kayo natulog?" tanong ko nang mapansin ang nanlalalim nilang mga mata.

"Wow nagtatagalog si Sam," sambit ni Maggie na mukhang namamangha.

Bigla silang natahimik at tinitigan ako.

"Oh, bakit nyo ako tinititigan nang ganyan?" tanong ko habang tinitignan sila.

"Sam," tawag sa'kin ni Audrey na may seryosong mukha.

"Bakit?"

Tinignan niya ako at hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng tingin niya sa'kin. Bumuntong-hininga sya at umiwas ng tingin.

"Pupunta muna ako sa labas," paalam ni Audrey at lumabas siya ng tent.

"WAAAHHH!! SAMMY!!" Hinigit ni Michie ang braso ko.

Hinawakan nilang tatlo ang mga kamay ko. Pinipisil pisil nila at idinikit sa kanilang mga pisngi.

"Ano bang ginagawa nyong tatlo?" nawiwirdohan sa kanila na tanong ko.

"Ang init," Sabi ni China.

"Nawala na yung lamig nya," sabi ni Maggie.

"Buhay na ulit si Sammy!" sabi ni Michie.

"Namatay ba ako?" tanong ko.

"WAAAAAHHH! SAMMY!!" sigaw nila bago ako atakihin ng mahigpit na yakap.

"Mabuhay!" sabi ni Michie.

"Nagtatagalog ka na ulit!" sabi ni China.

"Di na kami dudugo sa pakikinig sa'yo!" sabi ni Maggie.

Napangiti ako. At ang pag-ngiti ko ay nauwi sa pagtawa na sinabayan nilang tatlo. "Maraming salamat," sabi ko habang niyayakap rin silang tatlo.

Tumatawa kami pero umiiyak din. Siguro dahil sa halo-halong emosyon ng kaba at sobrang saya.

"Ang saya-saya ko kasi bumalik na ang bestfriend ko," iyak-tawa ni Michie.

"Ako rin!" segunda nina Maggie at China.

"Hahahahaha!" tawa naming apat at sabay-sabay kaming nagpahid ng mga luha.

***

Tinignan ko ang Crazy Trios na mahimbing na natutulog sa tent. Nagsisiksikan kami sa tent namin ni Audrey. Magkakayakap sila habang natutulog.

Si Audrey. Mahigit isang oras na siyang hindi bumabalik. Saan kaya siya pumunta? Lumabas ako sa tent namin, hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya nakita. Bumalik ako sa loob ng tent at naghanap ng flashlight.

"Fried chicken... tumatakbo..." narinig kong salita ni Michie habang tulog.

Napangiti ako at nagpatuloy sa paghahanap ng flashlight sa bag ko. Nang makita ko na ay dahan-dahan akong lumabas ng tent. Madilim parin ang paligid pero alam ko na ilang minuto nalang ay sisikat na rin ang araw.

"Audrey!" tawag ko habang naglalakad

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero sinundan ko lang ang daan na alam ko.

"Audrey!" tawag ko pero wala akong sagot na narinig

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi naman siguro ako maliligaw. Malapit na rin namang mag-umaga kaya madali rin akong makakabalik. Naglakad pa ako habang tinatawag ang pangalan nya.

Bakit ba siya umalis? Saan kaya siya pumunta? Hindi kaya naligaw na siya? Ipinilig ko ang ulo ko. Matalino si Audrey kaya alam ko na makakabalik siya kahit na ano'ng layo pa nang nilakad niya.

"Audrey! Audrey!"

Baka naman nakabalik na siya sa tent? Babalik na ba ako? Napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako. Umupo muna ako saglit. Nasan kaya si Audrey?

May narinig akong kaluskos sa hanggang tuhod na damuhan. Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay. Nakita kong gumalaw ang mga damo.

"Audrey, ikaw ba yan?" tanong ko habang tumatayo at tinututukan ng flashlight ang mga damo. Lumapit ako. "Audrey?" patuloy ako sa pag-lapit.

Patuloy ito sa pagkaluskos. Napatingin ako sa lumabas mula sa damuhan Kaagad ko siyang tinutukan ng flashlight.

Tinitigan ko siya. Tinitigan niya rin ako. Nagtitigan kaming dalawa. Napasinghap ako.

"OIRNK!"

Namilog nang husto ang mga mata ko. Isang BABOY RAMO!!!!!

"ORGH!"

Biglang tumakbo ang baboy ramo papunta sa akin.

"AAAAAAAAAHHH!!" tumakbo ako nang mabilis.

Tumakbo lang ako nang tumakbo pero naririnig ko parin ang ingay nya. Hinahabol nya ako!

"Piggy!!! Hanggang dito ba naman, hinahabol mo parin ako?! At bumalik ka pa talaga sa dati mong anyo, ah! Waaah!! Tigilan mo na ako!!"

"OINRK!"

"Sumagot ka pa talaga?! Kampon ka ba ni Piggy?! Tigilan nyo na ako!!" sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo.

Ang laki niyang baboy! At nakakatakot ang hitsura niya, kulay itim! May mga sabi-sabi na ang mga aswang daw ay kayang magpalit ng anyo bilang mga baboy ramo. TOTOO KAYA 'YON?!!

"ORGH! ORGF!!"

AAAAAAHH!! Bakit naman ako hahabulin ng isang baboy?! Kakainin ba niya ako?! Bakit may ganito dito?! Akala ko ba safe dito?!

"AAAAAAAAAHHH!! HWAG MO AKONG HABULIN!!!!" sigaw ko habang tumatakbo parin.

Napatakbo ako sa isang direksyon kung saan puro puno, damo at bato na ang tinatakbuhan ko. Nawala na ako sa trail! Pero sa ngayon wala akong pakialam. Ang mahalaga makatakbo ako palayo sa baboy na 'yon! Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na hinahabol pa rin nya ako.

"Bakit ba ayaw mo akong tantanan?!" tanong ko. Bakit ba ayaw nya akong tigilan? Kakainin ba talaga nya ako?! "AAAH!" Sa hindi ko maisipang dahilan ay bigla akong napatid ng kung ano.

Chương tiếp theo