webnovel

Chapter One Hundred Forty-Six

Eksaktong alas otso ng gabi nang bumaba ako mula sa kwarto ko. Sinuot ko ang polka dot na black and white dress na ipinasuot sa akin ni Mama. Hindi naman sya mukhang baduy since sa palda lang ang mga bilog bilog at puti na ang sleeveless top nito. Wala naman kasing masama kung maniniwala sa mga pamahiin.

Sana nga swertehin ako ngayong darating na taon. Lalo pa at may isang malaking desisyon akong dapat gawin. Bumaba na ako sa staircase, nakita ko na ang ibang kamag-anak namin na nasa ibaba at may kanya-kanyang kwentuhan. Maliit lang ang pamilya namin. Yung ibang imbitado ay puro malalayong pinsan nina Mama at Papa kasama ang mga asawa at anak nila.

Nilapitan ko si Mama. "Nandito na pala si Samantha," sabi ng malayong pinsan ni Papa, si Aunt Cynthia.

"Ang laki na ng anak mo Selene at maganda," sabi ni Aunt Millie.

Ngumiti lang si Mama.

"Kanino pa ba magmamana?" biglang sumingit sa usapan si Papa.

"Crisostomo mabuti naman at naisipan mo rin na bumaba at magpakita sa amin," tawa ni Aunt Sylvia.

"Hahaha! Hindi yata alam ng ibang tao na bakasyon kami ngayon ni Selene kaya patuloy ang bigay ng reports at contracts," sagot ni Papa.

Nakatayo lang ako sa tabi nila. Ang boring talaga kapag puro usapang matanda ang nasa paligid mo.

"Samantha hija, bakit hindi mo muna samahan si Vanessa? Mag-bonding muna kayo ng pinsan mo, I'm sure kanina pa kayo naiinip sa mga usapan namin," suhestyon ni Aunt Lilibeth.

Si Vanessa?! Nandito?! Yung pinsan kong ubod ng kaartehan?! Na kung umasta sa bahay namin eh talo pa ako sa pagiging Señorita?! Ngumiti nalang ako ng ubod ng tamis kay Aunt Lilibeth, bakit ba magkaiba sila ng ugali ng anak nya?

"Sure po." Tumalikod na ako tsaka pinakawalan ang simangot ko.

"Napaka-sweet na bata ng anak mo Selene," dinig kong sabi ni Aunt Lilibeth.

"Tama, napaka-angelic rin ng mukha nya," dinig kong puri ni Aunth Millie.

"Of course," sagot ni Mama.

"Nagmana sa Daddy," singit ulit ni Papa. Narinig ko silang nagtawanan.

Nasan ba yung Vanessa na yun? Hindi ko nalang sya hinanap. Naupo nalang ako sa may veranda at pinanood ang fireworks. Simula nang mag-dilim wala nang tigil ang pag-putok ng mga makukulay na fireworks sa langit. Ang ganda. Kumusta na kaya si Red sa New York? Ganito rin kaya kaganda ang nakikita nya sa langit?

Si Timothy kaya? Bakit hindi na sya nagparamdam sakin simula nung nag-date kami? Hindi pa ako tinatawagan nun ah. Kapag naman nagtetext ako, sinasabi lang nya na busy sya. Busy saan? Bumuntong hininga nalang ako. Ano bang nangyayari sa dalawang 'yon?

***

"Wazzup Wazzup!"

"My God," narinig kong bulong ni Mama.

Napatigil kaming lahat sa pagkain nang dumating sina Lolo at Lola. Nalaglag ang panga ng nakakarami sa atensyon na nakukuha ng mga damit nila. Parehas sila ng suot, may cap, pulang jersey jacket at basketball shorts na may katernong rubber shoes. Meron din silang malaking dollar sign na kwintas.

"Yow Yow! Give me some beat! Yeah! Are we late yow?" rap ni Lolo.

"Uhuh! Dear we are-are-are late you know!" rap din ni Lola na may kasamang hand motion.

"Oh no! We are S-O-R-R-Y mah dawg~!" rap ni Lolo.

"I say LeLeLe-Let's go! C'mon! Uhuh! Yeah! Follow me~!" rap ni Lola.

PFT!! Nagpipigil na ako ng tawa.

"Sorry Sorry Sorry Naega Naega Naega Meonjeo." Nag-umpisang sumayaw sina Lolo at Lola.

"Oh my God Ma, Pa!" tumayo si Mama at nilapitan sina Lolo at Lola.

"Hahahaha!" tawa ni Papa bago tumayo at nilapitan din sina Lola at Lolo.

"Mabuti po at nakarating kayo, Mama, Papa," sabi ni Papa.

"Yow Yow Cris! Mah Dude!" sabi ni Lolo.

Hinila ni Lolo si Papa at nakipag-weird handshake na madalas kong nakikita sa mga lalaking...bagets. May mahinang sinabi si Mama at hinila nya sina Lolo at Lola palabas ng dining room. Bumalik sa pwesto nya si Papa na may amused look. Napatingin nalang ako sa mukha ng mga kamag-anak namin. Meron silang stunned expression. Hehe. Kaya masaya kapag nandito sila eh.

***

Pagbalik ni Lolo at Lola sa dining room wala na silang suot na cap at wala na rin ang malaking dollar sign na kwintas nila. Hindi na rin sila gaanong nagra-rap. Tinignan ko si Mama, tahimik lang syang kumakain. Pinagalitan nya siguro.

"Kumusta na ang apo naming si Milagrosa?"

"PUF!" Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. MILAGROSA?!

"Pa, Miracla po hindi Milagrosa," pagtatama ni Mama.

"Ito namang si Selina, ano ba sa tagalog ang pangalan nya diba Milagro? At dahil babae sya lagyan natin ng 'sa' sa huli," pakikipagtalo ni Lolo.

"Munch, baka gusto nya na Himala ang itawag natin," singit ni Lola.

"Hindi na," naiinis na awat ni Mama.

Munch? Nakakatuwa naman ang tawagan nila.

"Ano Milagrosa? May buhay pag-ibig ka na ba?" tanong ni Lolo.

"Buhay... pag-ibig?"

"May sinisinta ka na ba apo?" tanong ni Lola.

"Sini...sinta?" Dudugo yata ang ilong ko sa lalim ng tagalog nila.

"Mama, Papa, ikakasal na po si Samantha sa oras na makapag-tapos sya ng pag-aaral nya," paliwanag ni Mama na patuloy na kumakain. Nararamdaman ko ang tensyon sa katawan nya.

"Ikakasal?" tanong ni Lolo. IKAKASAL!! 0__0

"Aba dapat dun yan ganapin sa Cebu," sabi ni Lola.

"Dapat engrande, yung may kalesa katulad ng kasal namin ni Munch," sabi ni Lolo.

"Baka po beach wedding sa El Nido," sagot ni Mama.

"Beach?! Papano ang kalesa?" tanong ni Lolo na hindi makapaniwala. "Aba mahirap mag-kalesa sa beach!"

"At bakit ikaw ang sumasagot dito? Si Milagrosa ang tinatanong namin," saway ni Lola kay Mama.

Alam kong pinipigilan na ni Mama ang sarili nya na magalit. Napatingin silang lahat sa akin. Pati yung mga tahimik naming kamag-anak ay naghihintay sa sagot ko.

Pilit akong ngumiti? "Ano po?"

"Apo saan mo gustong magpakasal?" tanong ni Lola.

Napatingin ako kay Mama at Papa. "Ah.. Ano po kasi..." Ibinaba ko ang kubyertos ko. Kasal. Magpapakasal ako kay Jared katulad ng plano nina Mama.

"Yung nobyo mo ba, pinag-usapan nyo kung saan kayo magpapakasal?"

Si Red? "Ano po kasi..." bulong ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko!

"Hindi namin alam na may nobyo na pala si Milagros," anunsyo ni Lolo.

"Paano ka ba nya niligawan apo?" tanong ni Lola.

Ano bang sasabihin ko? "Uhh." Lumunok ako.

"Siguro mala-fairytale ano?" nakangiting tanong ni Lola.

"Kaya dapat ang kasal sa simbahan, para may kalesa," suhestyon ni Lolo.

"Ano ka ba munch, mas bagets ang kasal sa beach."

"Hahaha! Oo nga pala! Pakasal ulit tayo, sa beach naman, kabayo nalang ang gamitin natin."

"Kaya mo pa bang sumakay sa kabayo?" tanong ni Lola kay Lolo.

"Aba'y anong tingin mo sakin? Uugod ugod na? Gusto mong sayawan kita ng Bonamana?"

Tatayo na sana si Lolo pero pinigilan sya ni Lola. "Hindi na, 'to namang asawa ko," tawa ni Lola.

"O baka gusto mo sayawin ko yung Ringa Linga? Aba yakang yaka ko yung steps na yon!" pagmamalaki ni Lolo.

"Oo sa susunod yon ang sasayawin natin," natatawang sagot ni Lola.

"Masyado pang maaga para pag-usapan ang kasal ng anak ko," singit ni Papa. Nalipat sa kanya ang tingin nina Lolo at Lola.

"Natatakot ka bang tumanda na kapag nagka-apo ka na Crisostomo?" tanong ni Lolo.

"Pa!" awat ni Mama.

"Hahaha! Opo Papa parang ganon na nga," tumatawang sabi ni Papa. "Ano bang oras na? Bakit hindi na natin umpisahan ang pagsalubong sa bagong taon," tumayo sya.

Tumayo na rin ang iba naming kamaganak. Nakahinga ako nang maluwag. Buti nalang.

Chương tiếp theo