Jared Dela Cruz
Dating gang nya. Kahit na naiintindihan ko noon si Uno, hindi ko magagawang magbulag-bulagan sa pagkakamali ng kapatid ko. Kahit si Audrey, kung gagawin man nya ang ginawa ni Ara... takte nalang. Ako mismo ang magkukulong sa kapatid ko sa kwarto nya. Ang kasalanan ni Uno nagbulagbulagan sya sa lahat. Kahit alam nya na interesado ang kapatid nya kay TOP hinayaan nya lang.
At nang sinabi namin sa kanya ang totoong nangyari, halos patay na kami bago pa kami makalabas ng Japan. Dahil sa isang gabing yon, nawala ang lahat sa kanya. At ngayong wala na si Ara alam ko na may binabalak syang paghihiganti sa amin. Sa amin nya isinisisi kung bakit naging suicidal ang kapatid nya. Akala nya plano na talaga namin na ipatapon sya bilang leader ng gang, palitan sya para mapunta sa'min ni TOP ang pamumuno. Ni hindi nya sinisi ang kapatid nya. Naniwala sya sa sinabi ng kapatid nya na may relasyon sila ni TOP at na magpapakasal sila. Ikakasal sa edad na fifteen? Ang laking TSS. Ang gago ng isang 'yon.
Nang tumanggi si TOP na ikasal sa kapatid nya, hindi naging maganda ang ending. Yun na rin ang huling punta ko sa Japan. Hindi na rin komportable ang mga magulang ko sa bansang 'yon. Kaya naman short trips lang ang ginagawa nila. Apo ng Prime Minister si Uno, kung nagkataon buong bansa ang makakalaban ng pamilya namin kaya nanahimik kami.
Sa tuwing nababanggit ko ang pangalan ng bansang 'yon, awtomatikong lumalanding ang kamay ng kapatid ko sa ulo ko. Masyado syang nag-aalala sa akin. Sya ang sumundo sa akin noon sa Japan nang halos hindi na kami makilala sa lagay namin.
May Yakuza rin pala ang loko. Tsk. Kaya alam na lahat ni Audrey simula palang kung ano ang nangyari sa Japan. Sana lang hindi idamay ni Uno ang kapatid ko. Tumingin ako kay Samantha na malalim na nag-iisip. Kung idadamay man nya ang malalapit sa akin, takte, pasensyahan nalang pero sya naman ang uuwi sa bansa nya na halos patay na.
*BEH BOM BRATATATA TATATATA~!*
Tinignan ako ni Samantha. Nginitian ko lang sya, hindi ko na napalitan ang ringtone ko.
"O?"
[RED MAY PROBLEMA!] Si Vin.
"Ano?" napaayos ako ng upo.
[Si Uno naghahamon ng laban kay Omi. Shit pare, pano 'to?!]
POTEK. Gusto nyang makapasok sa gang?