webnovel

Chapter Sixty

Jared Dela Cruz

'Kung totoo ngang kilala kita, siguro naman kung mahalaga ka sa akin maaalala kita'

Ano'ng ibig nyang sabihin doon? Aril kung alam mo lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang hindi nya na ako kilala. Kahit pangalan ko hindi nya maalala. Kahit ang mukha ko.

"Sandali lang," tawag ko sa kanya nang maglalakad na sya palayo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa buhangin.

"Bakit kuya?"

Kuya na naman ang tawag nya. Kahit kailan hindi ako tinawag na kuya ng dating Aril.

"Siguro nga mas maganda na hindi mo na lang maalala." Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. "Pero may gusto sana ako'ng sabihin sayo bago tayo maghiwalay."

Nanatili syang nakatingin sa akin.

"Two years ago may nagawa akong napakalaking kasalanan sa'yo Aril. Hindi mo man ito maalala gusto ko parin sana na sabihin ito sa'yo," tinanggal ko ang mga kamay ko sa balikat nya.

Lumuhod ako sa harap nya.

"I'm sorry."

"K-kuya? Ano ang g-ginagawa nyo?"

"Please hayaan mo lang ako."

"P-Pero." Puno ng katanungan ang mukha nya.

"Matagal ko na ito'ng gustong sabihin sa'yo. I'm sorry. I'm sorry kung naging gago ako at nasaktan kita. I'm sorry dahil umalis ako nang walang paalam. I'm sorry kung hindi kita napasaya. I'm sorry dahil nagkaganyan ka dahil sa akin. I'm sorry Aril. I'm really sorry."

Tumayo na ako.

"Hindi ko hihilingin na patawarin mo ako dahil sobra na 'yon kung hihingin ko pa mula sa'yo. Pero sana kung sobra ang sakit na naibigay ko sa'yo noon, sana nga, sana hwag mo na akong maalala. Gusto ko na sumaya ka, mas magiging masaya ka kung wala ako."

Nginitian ko sya. Kitang kita ko sa mukha nya na naguguluhan sya. Mas mabuti pa nga na lumayo, para hindi ko na sya magulo. Para hindi na sya magulo ni Papa. Two years ako, nagustuhan ko sya at muntik ko na syang mahalin. Pero na-engage ako kay Samantha at kinailangan ko syang kalimutan. Ibinigay na sa akin ni Papa ang lahat ng kalayaan na gusto ko para sa pagdating ng araw na makilala ko ang fiancee ko ay maging handa na ako na magseryoso ng isang babae. Hindi gugustuhin na malaman ni Papa na magkakaroon ng kakompitensya ang napili nyang babae para sa akin. Kinalimutan ko si Aril. Sinaktan ko sya para magalit sya sa akin at kalimutan na nya ako. Gusto ko'ng isipin nya na nagkamali sya sa akin.

Isa pa, kapatid sya ng mga kaibigan ko. Hindi ko parin sya pwedeng piliin kahit na wala pa si Samantha. Mas pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa mga babae. Nangako ako. Hindi ko sya mapapanindigan. Napangiti ako. Mas mabuti nga na nakalimutan nya na ako. Hindi ko na sya masasaktan pa. Mas mabuti na 'to.

"Good bye, bunny girl."

***

Pinanood ni Aril ang binata sa paglalakad nito palayo sa kanya. Bigla syang nakaramdam ng pangungulila sa pag-alis nito. Kahit hindi naman niya ito kilala ay para bang may napakalaking bahagi ito sa kanyang puso.

Kitang kita nya sa mga mata ng binata ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad sa kanya. Pero sa ano'ng dahilan? Hindi nya maalala na nagkaroon ito ng kasalanan sa kanya. Hindi niya ito kilala.

At ang nakakapagtaka pa ay kung bakit sya nakakaramdam ng sakit para rito. Red Dela Cruz.

"Aril nandito ka lang pala. Akala namin kung saan ka na nagpunta, halika na. Bumalik na tayo sa—Aril?"

Red Dela Cruz.

"Aril ano'ng problema? Sumasakit na naman ba ulit ang ulo mo?"

Napatingin sya sa mukha ng kaibigan nyang si Rex.

"Si..."

"Umiiyak ka ba? Bakit? May masama ba'ng nangyari sa'yo? May masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Rex sa kanya.

Umiling sya at ngumiti sa kaibigan.

"May bigla lang akong naalala. Yung movie na napanood ko, nakakalungkot. Hindi kasi sila ang nagkatuluyan sa huli."

Chương tiếp theo