webnovel

Chapter Forty-Six

Napansin ko na kanina pa palingon lingon sa paligid nya si Jared. Sino kaya ang hinahanap nya? Baka naman...chix?

"Nasan ba ang kapatid ko?" tanong nya.

"Baka naghahanap ng yummy?" hula ni Maggie.

Sinamaan ng tingin ni Red si Maggie.

"Joke lang! Joke lang! Hahaha!" biglang bawi ni Maggie.

Pati pala kay Audrey istrikto si Red. Ooohh~ Natural na pala sa kanya 'yon? Kung sabagay para lang syang si kuya Lee sa akin. Namiss ko tuloy bigla ang pinsan ko. Kumusta na kaya sya ngayon?

"Baka nakidnap ng bading na alien at dinala sa planet ni Barney para gawing alipin?" biro ni Michie.

"Bakit naman dadalhin nung alien kay Barney?" tanong ni China na natatawa.

"Eh kasi bading si Barney!" sabat ko. "Galit sya sa mga babae."

"Kung sabagay kulay Purple sya eh! Diba? Diba? Hahahaha!!" tawa ni Maggie.

"I love you, you love me~" kanta ni Angelo. "Let's go up and kill barney~"

Sinabayan ko sya ng kanta. "With a shot gun BANG BANG! Barney's on the floor~" gumamit kami ni Angelo ng hand gesture. "No more stupid dinosaur~"

"WOW!!" pumalakpak ang Crazy Trios.

"Ako ang nagturo sa kanya ng kantang yan! Hohoho!" tawa ko.

"Ang galing galing naman!" manghang sabi ni Michie.

Tumayo si Red.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"Baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko. Hahanapin ko muna sya." Halatang nag-aalala na sya talaga.

"Sasama ako!" tumayo ako. "Crazy Trios kayo muna ang bahala kay Angelo ha?"

Nag-okay sign silang tatlo saka kinuha ang mga kamay ni Angelo. Ngumiti silang tatlo. Sana naman hindi nila turuan ng kung anong kalokohan si Angelo.

Umalis na kami ni Red. Habang naglalakad kami naramdaman ko'ng marami ang nakatingin. Nakasuot lang kasi ng puting sando si Red. Ang sexy sexy nya, nakikita pa ang tattoos nya sa likod. Meron din nakasulat sa kaliwang bahagi ng dibdib nya.

"Masyado ka naman nag-aalala sa kapatid mo Red. Nasa bakasyon tayo hayaan mo syang mag-enjoy."

"Hindi ako mapakali eh. Nag-aalala ako," sagot nya.

"Sus! Buti pala hindi kita naging kapatid. Haha! Ang strikto mo eh!"

"Kahit ikaw ang mawala sa paningin ko hahanapin din kita."

Eh? Oo nga pala, ganon din sya sa akin sa france. Tumahimik nalang muna ako. Nag-lakad nalang kami nang tahimik. Haaay. Napatingin ako sa langit. Bilog ang bwan ah. Timothy.. Naalala ko dati sa beach house. Nakaupo kami sa buhangin at nakatingin sa bilog na bwan. Pati na rin yung blue moon dati sa Christmas Ball.

"Haayy. Kumusta na kaya si Timothy? Sana naman maging maayos ang operasyon nya," buntong hininga ko.

"Malakas si TOP. Para ano pa at naging pinuno sya ng gang namin? Kaya nya ang surgery, magiging maayos ang lahat Samantha. Babalik sya," sabi ni Red.

Napatingin ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa'kin, diretso lang sya sa lakad nya.

"Talaga? Sana nga! Sana bumalik na rin sya kaagad. Sobra ko na kasi syang na-mimiss eh."

Bumuntong hininga din sya. May ibinulong syang hindi ko naintindihan.

"Ano 'yon? May sinabi ka?" tanong ko.

"Wala," umiiwas na sagot nya.

Naglakad kami nang naglakad pero wala parin si Audrey. Baka naman nagkasalisi kami? Ang dami na namin nadaanan, halos paikot ikot lang kami eh. Tinahak namin ang daan papunta sa hotel.

"Reeeed~ Bumalik na tayo baka nandon na si Audrey sa hotel room o baka nanunuod sya ng fire dancing event..." Gusto ko rin mapanuod 'yon eh. Hindi dahil madaming sexy na lalaki dun ah! Pinaka-sexy parin para sa'kin si Timothy!

"Sandali parang nakikilala ko 'yon," may tinitignan syang lalaki.

Unti unti namin syang nilapitan.

"Zeke!" Malakas na tawag nya.

Sino kayang Zeke? Nakita ko na lumingon sa'min 'yong gwapong lalaki na blond yellow ang buhok.

"Dude! Long time no see!" sabi ni Zeke kay Red.

Gumawa sila ng weird guy shake hands.

"Yeah, I guess," sagot ni Red.

"Is she your girl?" turo nya sa akin. "Finally, you found the one? Maaaaan how jealous am I?" biro nung Zeke na malapad ang ngiti.

"She's my....Uhh. This is Samantha. Samantha si Zeke pinsan ni Enzo, tanda mo pa naman si Enzo hindi ba?" tanong sa akin ni Red.

"Hi Zeke," bati ko.

"Nice to finally meet you," inalok ni Zeke ang kamay nya.

"Oh, Same here," inabot ko ang kamay ko.

Pero imbes na shakehands, hinalikan nya ang likod ng palad ko.

Umubo nang malakas si Red. Binitawan ni Zeke ang kamay ko. Bigla naman ipinatong ni Red ang braso nya sa balikat ko.

"Same old possessive brute," bulong ni Zeke.

"Tss! I'm looking for my sister, have you seen her?" usisa ni Red sa kaibigan nya.

"You mean Audrey? Is she your sister?"

"How did you know her name?" kunot noong tanong ni Red.

Ngumti si Zeke na parang may isinisikreto. "Lucky guess?" sagot nya saka bumulong. "Audrey Dela Cruz. Red Dela Cruz. Yeah, same last name."

"Do you know where she is?"

"Last time I saw her she went that way with her boyfriend," turo ni Zeke sa may pool area ng hotel.

"Boyfriend?! WHAT BOYFRIEND?! Walang boyfriend ang kapatid ko'ng 'yon!"

Bahagyang napataas ng kamay si Zeke. "Chill Dude, I don't know but the guy is blond and she seems to know him otherwise she wouldn't—"

Huminahon si Red. "Omi," sambit ni Red.

"Si Omi? Yung nasa restaurant kanina?" tanong ko.

"So you know the guy?" nakangiting tanong ni Zeke.

"Yeah, he's my friend."

"Seems like he has the same interest as I."

"What do you mean?"

"I think he likes her."

At doon ko nakita na nag-bulge ang muscle ni Red. Mukhang gusto nyang...manuntok. WAAAAAAA~~! Nakakatakot sya!!

Chương tiếp theo