webnovel

Chapter Thirty

Jared Dela Cruz

"Kumusta ang France Red? Marami bang chix?" ang unang nakakalokong tanong ni Jack sa akin.

"Syempre marami ano ba naman klaseng tanong 'yan?" sagot naman ni Dos.

"Ang tanong eh kung naka-score ba 'tong kaibigan natin. Hahaha!" biro ni Jun.

"Mga lul. Nasaan ang kambal?" tanong ko. "Hindi kumpleto ah, akala ko ba welcome party 'to para sa'kin? Pati si Omi wala, nasaan ang mga 'yon?"

Nandito kami sa bar ni Enzo. Sarado 'to sa umaga at mamaya pang five pm ang bukas. Pero dahil si Enzo naman ang may-ari, pwede kami rito anytime.

"Si Omi sabi padating na raw may inaasikaso lang," sagot ni Vin habang abala sa cellphone nya.

"Babae siguro," hula ni Jack nang nakangisi.

"Hindi na yata makakarating ang kambal, sinusundo ang kapatid nila, galing kasing Cebu. Alam mo naman si Seven sobra kung makabantay sa kapatid nyang si Aril daig pa ang tatay," paliwanag ni Mond.

"Oo nga eh, kawawa naman malamang hindi na magkakaboyfriend 'yon," simpatya ni Sun.

Sabay sabay kaming tumagay at uminom ng tequilla. Ramdam ko ang init sa lalamunan ko.

"Lime pare?" inabot sa'kin ni Pip ang lime.

Umiling na lang ako. Muli akong nagsalin ng tequilla at ininom ng diretso. Si April Beatrice Barasque. Makikita ko na naman pala sya. Takte. Bakit kaya ang daming babae na biglang nasulpot ngayon sa buhay ko?

"Siguro tatandang dalaga 'yon hahaha!"

"Mm? Di'ba may boyfriend na 'yon?" tanong ko.

"Huh?" halos sabay sabay na tanong nila at nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"May boyfriend ba 'yon?" tanong ni Mond. Nagtataka.

Meron di'ba? Yung lintek na Rex Piccolo-este-Parco? Nahahawa na ako sa kapatid ko.

"Dumating na!!" sigaw ni Enzo at pumasok sa loob ng bar.

Kasunod nya ay mga babae. Ibang klaseng Welcoming 'to ah. Ngumisi nalang ako.

Chương tiếp theo