webnovel

Chapter Twenty-Three

Hindi ko parin pinapansin si Timothy. Kapag lalapit sya, lumalayo ako at kapag magsasalita sya umaalis ako. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Ami sa may kubo. Eeesh! Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi pa sapat na nakuha nya si Red pati si Timothy gusto nyang kunin? May balak ba syang tuhugin yung dalawa?

Pumasok nalang ulit ako sa loob ng bahay. Ayoko kasing makita si Ami, baka kung ano pa ang magawa ko. Hindi pa sapat ang sampal ko sa kanya eh. Gusto ko rin syang sigawan para sa ginawa nya kay Timothy at Red. Si Red alam ko namomroblema parin sya pero itong si Ami? Ch! Galing ha!

"Miracle," nakatayo si Timothy sa porch ng beach house. "Kausapin mo na ako."

"Go away..." bitter kong sabi at pumasok sa bahay. Umakyat ako ng hagdan.

"Please naman makinig ka muna sa—"

Sinaraduhan ko sya ng pintuan. Humiga nalang ako sa kama. Gusto ko syang patawarin kaso nangingibabaw ang galit ko. Hindi ko makalimutan ang nakita ko. At gusto ko syang parusahan sa ginawa nya. Gusto ko syang pahirapan. Natatakot kasi ako sa kanya. Sa mga sasabihin nya.

Kinuha ko ang unan at niyakap. Ayoko rin naman nito eh. Pero galit ako. At ayokong humarap sa kanya nang galit parin. Ayokong marinig ang sasabihin nya. Nakita ko na ang dapat kong makita at inamin nya na with permission nya ang halik na 'yon! At nagagalit ako sa tuwing ipinapaalala ko sa sarili ko 'yon.

Si Ami pinatulan sya ni Red at ngayon si Timothy naman! Nasa nature na ba talaga nila ang maging mahina pagdating sa mga babae? Bakit ako? Hindi ba naging willing naman ako para sa kanya noong isang gabi? Ibig kayang sabihin. Hindi attracted si Timothy sa'kin? Mas attracted sya kay Ami? Ganon ba? Pero hinintay nya ako! Mahal nya ako. Hindi nya ako hihintayin ng dalawang taon kung hindi nya ako mahal!

Pero dalawang taon din 'yon, at alam ko na may gusto sa kanya si Ami. Pero si Timothy? Hindi ko pa natatanong sa kanya kung sino si Ami para sa kanya. Kung ano ang nararamdaman nya para sa nurse na 'yon. Dalawang taon din 'yon. Hindi kaya pareho na nya kaming mahal?

No! Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari 'yon! Hindi pwedeng magmahal ng iba si Timothy! Hindi pwede! Ayoko! Hindi ako papayag! Hindi! Hindi! Dalawang taon. Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Ami sa loob ng dalawang taon? Ni wala akong alam. Hindi ko man lang natanong! Bakit nga ba hindi ko natanong? Naging kampante ba ako masyado? Inisip ko na wala naman aagaw kay Timothy mula sa'kin dahil hindi naman ako kayang iwan ni Timothy?

Masyado na siguro akong umasa. Oo nga, iniwan ko nga pala sya. Nasaktan ko sya at si Ami ang nakasama nya habang nagpapagaling. Sya ang nag-alaga kay Timothy. Baka nga ganon. Tumayo ako at naglakad pabalik-balik. Nag-iisip. Posible nga 'yon, pero si Red? Nagawang gawin ni Ami 'yon kasama si Red. Ano'ng ibig sabihin non? Bakit nya ginawa 'yon kay Red?

Hindi kaya ginamit ni Ami si Red para magising ang nararamdaman ni Timothy para sa kanya? Seloso si Timothy at may pagka-possessive. Hindi kaya ganon ang plano nya? Para marealize ni Timothy na mahal nya nga si Ami? At kaya hinayaan ni Timothy na halikan sya ni Ami kasi may nararamdaman nga sya? At nalaman nya na mahal nya si Ami nang malaman nya na may nangyari sa pagitan nila ni Red? Na nagalit sya at nagselos?

Napaupo ako sa kama. Hindi 'yon pwedeng mangyari. Hindi ako pwedeng iwan ni Timothy, mahal nya ako. Sabi nya mahal nya ako. Sinabi nya 'yon kaya hindi pwedeng mahalin nya rin si Ami. Kung mahal nya man si Ami mas mahal naman nya ako! Kasi mas matagal nya na akong kilala. Simula mga bata palang kami kilala na nya ako. Hinanap pa nga nya ako di'ba? Oo naman mas mahal nya nga ako. Tama. Mahal nya nga ako at hindi si Ami. Imposible lang talaga yon.

Siguro nga nag-iisip ako ng kung ano-ano. Natatawa ako sa mga naiisip ko. Bakit ko naman naisip na mahal ni Timothy si Ami? Eh ano ngayon kung lumipas ang dalawang taon na sila lang ang magkasama? It's ridiculous! Si Timothy 'yon eh, si Timothy na mahal na mahal ako. Hindi naman nya 'yon magagawa sa'kin. Pero bakit parang pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala?

Siguro mas mabuti pa kung kausapin ko nalang si Timothy. Tama, pakikinggan ko nalang ang sasabihin nya. Baka wala lang 'yon. Binuksan ko na ang pinto sa kwarto ko.

"Timothy?" tawag ko habang kumakatok sa loob ng kwarto namin.

Nang binuksan ko wala naman tao. Bumaba nalang ako sa sala, wala rin sya.

"Timothy? Nasan ka?"

Lumabas na rin ako ng bahay at lumibot sa paligid. Wala sya. Pumunta narin ako sa dalampasigan at sinilip ang mga cottage na nandon pero wala.

Kahit si Ami wala. Hindi kaya magkasama sila?

Chương tiếp theo