webnovel

Chapter Four

Pinanood ko si Timothy na kumain. Naamaze parin ako sa tuwing kakain sya. Hindi ko naimagine kahit kailan kung paano kumain ang mga bulag.

"Hubby ano ang gusto mong pagkain? Iluluto ko."

"Paborito nya ang Kare-Kare," mabilis na sagot ni Ami. "Mahilig din sya sa isda at gulay."

Nagulat ako sa pag-sagot ni Ami sa tanong ko para kay Timothy. Ikaw na pala ang Hubby ko ngayon, Ami. Dalawang taon. Bukod kaya sa paboritong ulam ni Timothy, ano pa ang alam ni Ami?

WAAAHHHHHH!!! Magkasama sila sa loob ng DALAWANG TAON. .・゜・(ノД`)・゜・.

SILA LANG. DALAWANG TAON. Ano kaya ang ginawa ng nurse na 'to kay Timothy? Hindi kaya...? Nakita nya na ang hindi dapat makita ng iba kundi ako lang? Papaano kaya naliligo ang mga bulag? WAAAAAAAAHHHHHH!!! Minanyak nya ba si Hubby?!! Alam kong nurse sya at marami na syang nakikitang ganon pero... .・゜・(ノД`)・゜・.

NURSE O HINDI MAPAPATAY ko 'to kapag nalaman kong sinilip nya ang.. Ang... Ang... Hinding hindi ko sya mapapatawad! Sa'kin lang 'yon! Ako lang ang pwedeng maka-silip don! HUH?! AH! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?! Tanghaling tapat Samantha! Maghunusdili ka nga! Ito ang resulta ng ginawa sa'yo kanina ni Timothy eh. Ang HORMONES!! CENSORED thoughts go away! (>人<;)

"It's okay Miracle, I'll eat anything you cook."

Nagliwanag bigla ang paligid ko at tila nakarinig ako ng mga kumakantang anghel. Hubby ko. Mabuti nalang mahal nya ako. (´-`).。oO

Biglang tumayo si Ami at lumabas ng kusina. Saan naman kaya pupunta 'yon?

"Hubby, inumin mo na ang medicine mo," inilagay ko ang capsule sa palad nya.

"No."

"Hmm? Ano'ng 'No'?"

"I don't need that, I'm not sick."

"Timothy." Bakas sa mukha nya na ayaw nya talaga kaya hindi ko nalang sya pinilit.

Napatingin ako sa lalagyan ng gamot nya. Antidepressant. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman hinayaan ko nalang muna si Timothy na magpahinga sa kwarto namin. Pinuntahan ko si Ami sa kwarto nya. Nakabukas nang bahagya ang pintuan ng kwarto nya kaya naman pumasok na ako.

"Pwede ba kitang maistorbo?"

Nagulat si Ami nang makita ako sa loob ng kwarto nya. Nagbabasa sya ng makapal na libro at nakaupo sa may bintana. Isinara nya ang libro at tumingin nang diretso sa'kin.

"Ano po ang kailangan nyo?"

"Yung mga gamot na ipinapainom mo kay Timothy, para saan ba talaga ang mga 'yon?"

"Sinabi ko na sa inyo kung para saan 'yon," sabi nya sa akin na parang makulit na bata ang kausap.

Nainis ako.

"Hindi baliw si Timothy!"

Nagulat sya sa sigaw ko.

"Maam ang mga gamot na 'yon ay para makontrol nya ang emosyon nya. Hindi ibig sabihin non ay baliw sya. Walang masama sa mga gamot na iniinom nya."

"Maayos naman sya ngayon ah. Wala akong nakikitang mali sa kanya."

"Dahil hindi ikaw ang nakasama nya sa loob ng dalawang taon," mapait na sabi nya.

"Hindi nya kailangan ang mga gamot na 'yon," giit ko.

Inikutan nya ako ng mata. Tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Hindi nga ba?" Tumayo sya at lumapit sa akin. "Sigurado po ba kayo? Wala kayong alam sa mga pinagdaanan ni Sir Timothy! Hindi nyo sya nakitang halos mamatay sa lungkot, hindi nyo naramdaman ang sakit na dinanas nya."

Napaiwas ako ng tingin. Totoo naman kasi. Wala nga ako sa tabi ni Timothy nang mga oras na 'yon. Dahil nasa France ako kasama ang bestfriend nya. Pero hindi naman katulad ng iniisip nya, hindi ko iniwan si Timothy dahil gusto ko. Wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang sumunod sa mga magulang ko. At ngayong eighteen na ako, kahit paano nagkaron ako ng kaunting kalayaan.

"Kaya hayaan nyo nalang na inumin nya ang mga gamot na 'yon, mas makabubuti 'yon sa kanya."

"Hindi gusto ni Timothy ang mga gamot na ipinapainom mo sa kanya."

"Lahat naman po ng may sakit hindi rin gusto na umiinom sila ng gamot"

"Walang sakit si Timothy!"

"Maam trabaho ko na po ang pinapakialaman nyo"

"At trabaho mong alamin kung kailan ka kailangan o hindi ng isang pasyente. Nakikita mo naman na hindi na kailangan ni Timothy ng mga gamot na yon! Maayos na sya!"

Humalukipkip sya at matiim akong tinitigan.

"Hanggang kailan?" tanong nya.

"Ang ano?"

"Hanggang kailan sya magiging maayos? Habang nandito kayo Maam?"

"Hindi ko sya iiwan. Hindi na kahit kailan," mariin kong sabi.

"Nagiging dependent na sya masyado sa inyo, hindi nya kayang malayo nang matagal sa inyo. Naiisip nyo ba kung ano ang mangyayari kung aalis ulit kayo? Nakita nyo naman kung gaano nya kayo dikitan hindi po ba?"

"Mahal nya lang talaga ako, ganon na sya dati pa," depensa ko.

"Hindi. Hindi nyo kasi nakikita dahil iniintindi nyo sya, dahil kasalanan nyo kung bakit sya nagkaganyan ngayon," matalas na sabi nya. "Nagui-guilty kayo sa nangyari sa kanya. Bakit hindi nyo subukan na tignan sya nang mabuti?"

"Ano bang alam mo? Nurse ka lang!"

"Nurse nga ako, ako ang nurse na nag-alaga sa taong iniwan nyo. Kaya hwag nyong maliitin ang trabaho ko." Itinuro nya yung pinto. "Kung wala na po kayong sasabihin, pwede na po kayong lumabas. Hindi magbabago ang desisyon ko na ipagpatuloy ang pagbibigay sa kanya ng mga gamot. Hindi ako aalis sa tabi ni Sir Timothy hangga't kailangan nya pa ako."

Umalis na ako. LECHUGAS! BARABAS! HESTAS! Nakakainis ang nurse na 'yon! Pumasok na ako sa kwarto namin ni Timothy. Tumabi ako sa kanya sa kama. Natutulog sya. Niyakap ko sya. Pero nakakainis man sya, tama naman sya. Naiinis lang ako dahil may sense ang mga sinabi nya. Para lang akong bata kanina na nagtapon ng tantrums. Ang bata ko kumpara sa kanya. Gusto ko rin maging matured na babae.

"Hubby..." Kasalanan ko. Kasalanan ko talaga. "I'm sorry Hubby."

Chương tiếp theo