webnovel

Chapter Fifty-Nine

Stranded parin ako sa cubicle at nag-iimagine ng mga gangster looking na biik na nakasakay sa isang motorbike. Nasaan na kaya si TOP? Bumibili parin kaya sya ng napkin? Ano kayang brand ang pinili nya? Sana hwag yung large ang bilhin nya, ayoko nun eh. Ano kayang hitsura ni TOP habang bumibili ng napkin?

Kahit papano naaawa ako sa kanya. Ginagawa nya iyon para sa'kin. Ang sama ko! Ang pride nya, ang reputation nya at ang pangalan nya, kapag nakita sya ng isa sa mga nakakakilala sa kanya habang bumibili ng napkin. Naiimagine ko na ngayon ang kahihiyan nya habang nasa feminine hygene section sya ng isang store. Sorry Hubby!

"Wifey?!" sigaw ni TOP.

"Waah! Hubby!" bumalik na sya.

"Nabili ko na, kunin mo sa ilalim," may narinig akong ingay ng plastic at pumasok mula sa ilalim ng pinto ng cubicle ang plastic bag.

"Ehh..." halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Nasa isang malaking grocery plastic bag ang iba't ibang brand ng napkins. Mukhang binili nya lahat ng klase. Isa lang naman ang kailangan ko eh. TOP talaga.

Kumuha ako ng isa sa mga nasa plastic at binuksan para kumuha ng isang pad. Ginamit ko kaagad.

"Hindi ko alam kung ano'ng brand ang ginagamit mo kaya kinuha ko nalang lahat," sabi ni TOP mula sa labas na nag-aalala parin. "Pwede na ba 'yan?"

"Yeah! Thanks!" inayos ko na ang skirt ko.

"Gusto kong pumasok, buksan mo!"

"Huh? Hwag na!"

"Open the door Wifey!"

"Hwag na kasing makulit TOP okay lang ako," finlush ko yung toilet bowl hanggang sa mawala yung kulay red sa tubig.

"Sumasakit parin ba?"

"H-Hindi na masyado."

"You're lying again, open this door!" kinalampag nya yung pinto.

Mukhang malapit nang bumigay yung pinto. Binuksan ko na.

"Woah!" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin nang mahigpit.

"Retard. Kung nasasaktan ka, sabihin mo agad sa'kin."

"Pero okay lang talaga ako. Sanay na ako sa sakit. Kung nakaya ko dati syempre walang ipinagkaiba ngayon."

"Iba dati, iba ngayon. Nandito na ako kaya hindi mo na kailangan pang solohin ang sakit na nararamdaman mo."

***

"TOP."

"Yes Miracle?" lumapit sya at umupo sa hospital bed kung saan ako nakahiga.

Dinala nya ako dito sa clinic. Pinilit ang tamang word. Ayoko sa lugar na pure white. Binigyan naman ako ng pain reliever ng nurse kaya nga lang may side effect yung gamot, inaantok ako.

"Dito ka lang." Hinawakan ko yung kamay nya.

"Of course." Umupo sya sa silya sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Hubby."

"Yeah?"

"Naaalala mo pa ba nung magkita tayo sa mall dati? Yung unang beses tayong magkita?"

"Oo."

"Ano'ng unang tingin mo sa'kin? First impression?"

Nag-isip sya saglit. Binabalikan nya siguro yung mga pangyayari dati.

"Lunatic."

"Hahahaha!" tumawa ako.

"Ikaw?"

"Nanghinayang ako sayo."

"Nanghinayang?"

"Yep! Kasi," napakagat labi ako at ngumiti.

"Mm?"

"Ang gwapo mo kasi kaso sayang manloloko ka pala," tumawa ako.

Tumawa din sya at mahinang pinitik ang noo ko bago nya halikan. May bigla akong naalala kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Nasabi ko na ba na.."

"Hmm?"

"Sorry sa ginawa ko sa'yo ha. Hindi ko naman kasi alam na pinagtripan ka lang pala nila Michie. Sorry ha. Masakit ba yung sampal ko sa'yo dati?"

"Yeah, a red handprint was etched on my face that day," he frowned and unconsciously touched his left cheek.

"Sorry, gusto mo ng gamot?"

"No thank you, matagal na 'yon."

"Pero ibang gamot ang ibibigay ko sa'yo," umupo ako sa kama at lumapit sa kanya.

"Kung may gamot ka palang dala, bakit hindi mo ininom kanina nung—" naputol ang sinasabi nya ng halikan ko sya sa left cheek nya.

"Kisspirin!" niyakap ko sya ng mahigpit. "At yakapsule!"

Hindi sya gumalaw nung una, mukhang na-shock, but eventually niyakap din nya ako at tumawa sya.

"These are the only medicines I want to take every hour."

"Baka ma-overdose ka?"

"Nah! I'm sure I won't," he said, chuckling.

Chương tiếp theo