webnovel

Chapter Forty

Tama ba yung narinig ko? Uminit bigla yung mukha ko at parang gusto kong magtatalon at magpagulong-gulong sa tuwa. Pero hindi ako makapaniwala na nagpa-uto sya kay Red.

*smooch* Hinalikan ko sya sa pisngi.

Gulat at namumula na napahawak si TOP sa pisngi nya. Nginitian ko lang sya. Ang totoo nyan mukha kaming gumagawa ng music video para sa valentines day. Kahit sobrang layo pa ng February.

"Here, this is for you," inabot nya sa'kin yung paperbag na kanina pa nyang hawak.

Hmm... Mukhang alam ko kung ano ang laman nito ah. Bear! (≧∇≦)

"Ano 'to?" itinaas ko ang itim na bagay sa kamay ko.

"Isang baboy." -___-

Tama. Isang kulay itim na biik ang stuff toy na binigay ni TOP. Kulay itim ang buong katawan nya maliban sa pink na ilong. ASAN NA YUNG TEDDY BEAR NA MAY CAP?!

"Pero hindi ito yung bear!!" reklamo ko.

"F*ck! Alam ko, tingin mo sa'kin bulag?"

"Eh asan na yung bear?"

"Bakit ba gustong-gusto mo ang pangit na oso na yon?! Mas gusto mo ba yon kaysa sa binigay ko?! Mas gusto mo ba 'yon kaysa sa'kin?!"

Hindi ko sya maintindihan. Ako lang ba o ganito lang talaga kami? Kapag may ginawa syang maganda at romantic para sa'kin pagkatapos nun bigla nalang masisira at mauuwi sa sigawan? Kami lang yata ang ganito eh.

Tinignan ko ulit ang itim na baboy. May naaalala ako.

*boink!*

"Aray! Para san yon?!" sigaw ko kay TOP. Hinampas nya kasi ang ulo ko. Mahina lang naman pero kahit na!

"Your face is weird. May iniisip ka bang ibang lalaki?" -___-++

"Wow! Nahulaan mo?" na-amaze na tanong ko.

"Who?! I'm gonna kill him."

Nalukot yung mukha nya hanggang sa mukha na syang kakain ng tao. WAAAH! Hayan na naman sya, The Jealous Hulk!

"I'm gonna rip his f*cking balls off! F*CK!"

"This," itinapat ko sa mukha nya si Piggy. "Kamukha nya si Piggy. Remember? Yung kumidnap sa'kin dati na may leather jacket?" mahinahon na sagot ko.

Ilang minuto syang ntahimik then tinanong nya ako;

"You like men... with fats?" -___-

"Huh?" tinignan ko sya nang nagtataka.

"Ah shit!" hinablot nya yung laruan na biik at ihinagis sa malayo.

"TOP! Bakit mo tinapon?!" Tumayo ako at tumakbo para kunin 'yung itim na biik. Kamukha nya talaga si Piggy. Haha!

"Bakit mo kinuha? Itinapon ko na nga para mawala ibinalik mo naman!" galit na tanong nya.

"Che! Mag-tigil ka nga, binigay mo na to sakin kaya wala kang karapatan na itapon to," pinag-pagan ko si Piggy, nadumihan kasi.

Bigla na naman nyang hinablot ang laruan at tumakbo. What the..?! Nakita ko syang lumapit sa isang babae na naka-pink. May sinabi sya tapos ngumiti yung babae at kinuha yung laruan. NOOO!! Akin yun eh!

"I HATE YOU!!" tinapakan ko yung paa ni TOP nang makalapit sya sa'kin.

"F*CK!!"

Nag-walk out ako at iniwan syang nag-cu-cuss habang tumatalon dahil sa tinapakan kong paa. Kainis! Ano bang problema nya?! Bakit nya binigay sa ibang babae yung laruan ko?! Akin yun eh! Sa'kin yun! .・゜・(ノД')・゜・.

"What the hell was that for?!" hinarangan nya yung daan ko.

"Playboy! Sa harap ko pa talaga ikaw nambabae! Ayoko na! Break na tayo!" Itinulak ko sya at naglakad ng mabilis palayo.

"Wifey! Wifey!" tawag nya.

Hindi ko sya pinansin at mas binilisan ko ang lakad. Tumakbo sya at hinila ang kamay ko. Napaharap ako sa kanya.

"Bakit ka ba nagagalit?!" sigaw nya. "Nambabae ako? Kailan?!"

"Kanina! Bakit mo binigay sa babaeng 'yon si Piggy?!"

Tinignan lang nya ako. -___-

"WAAAAH!!" umupo ako sa sahig na parang bata.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi! WAAAAHHH!"

"F*ck, here we go again," bulong nya na mukhang frustrated na.

"WAAAAAAAHHH!!!"

"You're embarassing me! Stop it!"

"WAAAHH!! WAAAAHH!!" Umiyak lang ako ng umiyak.

"Friend tignan mo yung girl oh, mukhang shunga umiyak. Hahaha!"

"Oo nga. Hahaha!"

"THE F*CK DID YOU SAY?! YOU WANNA GET BEAT?!" singhal ni TOP sa dalawang babae na dumaan.

Natakot sila kaya nagmadaling tumakbo palayo. Bleh! Bumuntong hininga si TOP bago lumuhod sa harap ko.

"Ibinigay ko yun sa iba dahil ikukuha kita nang mas maganda," pinunasan nya luha ko.

"T-Talaga?" ( ̄^ ̄)ゞ

"Oo, tara na," tinulungan nya akong tumayo at naglakad kami papunta sa shooting booth.

"Bakit nga pala bigla mong pinamigay si Piggy?"

"Ayokong may ibang lalaki kang naaalala sa mga regalo ko. Gusto ko ako lang!" -___-

Aaahh. Nagse-selos sya kay Piggy? Naalala ko bigla ang weirdong tawa ni Piggy.

"Pero aminin mo, kamukha talaga nung lalaking kumidnap sakin yung laruan na binig—"

Bigla nyang pinulupot ang braso nya sa leeg ko at kinatok-katok ang ulo ko.

"Ilang lalaki ba ang laman ng ulo mo Wifey?" patuloy sya sa pag-katok sa ulo ko.

"Ahhh! Masakit 'yan! TOP! Tigil na!"

"Not until you stop thinking about that disgusting pig!"

"I'm NOT thinking about Piggy! Will you please let go now?!"

"PIGGY?!! YOU GAVE THAT WUSS A F*CKING NICKNAME?!! THAT SON-OF-A-B*TCH! YOU GAVE HIM A GODDAMN PETNAME!" sigaw nya malapit sa tenga ko na ikinabasag ng eardrums ko.

"Stupid gangster! Let go!!"

"NO!!"

"LET GO!!"

"Don't tell me what to do Wifey, I ain't lettin you go."

"Ugh! Youre pissing me off!!"

"That's good, now we're both pissed off!" he continued hitting my head.

"UGH! THAT'S IT!! IF THIS IS THE WAY YOU WANT IT, FINE!!" sigaw ko bago ko kagatin ang braso nya.

"AAHH!!" he immediately yanked his arm away from me.

"I told you, you're pissing me off. And that's what I do whenever I'm pissed!"

"Abusive Wife," he glared at me. -___-+

"Accussive Jerk," I glared back. =___=+

May namumuong tensyon sa pagitan namin at may kuryente na naglalaban sa mga mata namin. Makalipas ang ilang minuto umiwas na sya ng tingin at in-examine ang bite mark sa braso nya.

Nagulat ako nang mapadako roon ang tingin ko. Mukhang isang pisil nalang dun eh may lalabas nang dugo. WAAAHH!! Hindi ko alam na napadiin pala ang pagkakakagat ko sa kanya. Nagi-guilty ako, I mean, hindi naman talaga masakit yung ginawa nya sa ulo ko pero yung ginawa ko sa kanya, siguradong masakit.

"Hubby," lumapit ako sa kanya. Tinignan ko yung bite mark at naluha ako.

"Retard, what's wrong? Did I hurt you? I'm sorry," he kissed my head.

"No! I'm sorry hubby, I didn't mean to hurt you. I'm sorry please don't be mad!" I cried.

"It's okay," he hugged me. "love hurts...physically."

Eh? ('・_・')

Matapos ang madramang LQ namin ni TOP, pumunta na kami sa booth kung saan naghihintay ang aking Teddy Bear na may cute na cap! (*u*)

Pagkadating namin don may couple na naglalaro. Ooohh. Sayang naman mukhang kailangan pa namin maghintay para sa turn namin.

"Hey you f*ck off," sabi ni TOP dun sa guy na may hawak na toy gun.

"Dude nauna kami dito, matuto kang maghintay," sagot nung guy. Mukha syang typical na pa-cool guy. Hindi sya cool, pa-cool lang. Kahit saang banda sya tignan hindi sya cool.

"Psst! TOP, we should wait for our turn you know—" he cut me off.

"F*ck, that's bullshit. Wait for our turn?" he said, pissed. "Hey you, f*ck off now will you?"

Hala. Wala na, nag-umpisa na naman sya. Siguradong hindi na sya mapipigilan. Ayaw pa naman nyang pinaghihintay sya. Umiral na naman ang pagiging gangster nya.

"Ah, hijo ikaw na naman pala? Hahaha! Hindi ba nagustuhan ng asawa mo yung itim na biik kaya ka bumalik dito?" tanong ni manong.

"Nah, I threw it away. My wife wants that big bear. That cheap looking bear," again, he glared at Mr. Bear. -___-+

"Ah ito ba?" turo ni manong tapos nag-tsk sya. "Naku hijo, iisa nalang kasi ang bear na ito. Hand-made kasi ito ng asawa ko kaya espesyal."

Naging gloomy bigla yung aura ko. Hala. Pano na yan iisa nalang pala yun? Eh pano kung makuha nung pa-cool guy yung bear?!

"Wifey, trust me, I'll get that bear for you. What my wifey wants my wifey gets," he turned to me and said it with determination.

May ganon talaga? Kailangan ba talaga nya akong pakiligin lagi?

"Get a room will you?" the pa-cool guy scoffed.

"Bitch want to get beat? You jealous or something? Just f*ck off and take that monkey with you," he said to the guy then pointed to the girl.

"What?! Honey, tinawag nya akong monkey!" the girl whined.

"Shut up," sabi nung guy sa girl then tumingin kay TOP. "Ganito nalang since iisa nalang yung laruan, maglaban nalang tayo. Magpustahan tayo kung sino ang makakakuha ng bear. Kapag nanalo ka sa'yo na 'yon, kapag ako nanalo," nag-smirk yung guy. "Magpapalit tayo ng date."

Chương tiếp theo