webnovel

Chapter Twenty

Pinagmasdan ko ang tatlo kong kaibigan. Aliw na aliw sila sa mga kulay na nakikita nila sa loob. Naglabas sila ng cellphones nila at todo kuha ng pictures at selfie. Parang kanina lang, kailangan ko pa silang hilahin sumama alng sa akin pero ngayon... Ang saya rin nila kasi libre ang kakainin nila. Ang hilig talaga nila sa libre. May mga pera naman sila. Parang hindi sila nagmamay-ari ng hacienda kung kumilos.

"Sweety!" tawag ni TOP sa waitress.

Biglang lumaki ang mga tenga ko sa narinig ko. Ano raw, Sweety? Tinignan ko ang maliit na waitress na palapit sa amin. Siya na yata ang pinaka-cute na babae na nakita ko! Mas cute pa yata sya sa'kin eh! Nakasuot siya ng cute na pink at white na waitress uniform at nagba-bounce ang kanyang buhok na naka-ponytail. May dimples siya at nakangiti sa amin.

"Timothy!" biglang yumakap ang waitress kay TOP.

"Sweety, what are you doing?" kalmadong tanong ni TOP.

Sweety?! Akala ko ba sabi ni Red... sabi ni RED single si TOP! At AKO ang CRUSH NIYA! Sino 'to?! Nakangiti na lumayo ang waitress at tumingin sa amin.

"Nice to meet you! I'm Sweety. Mabuti naman nakapunta kayo sa ika-one hundred days namin ni TOP. Umorder lang kayo, libre namin to ni TOP ngayon!"

Biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Ah hindi pala, sa isip ko lang pala 'yon! BAKIT HINDI NIYA SINABI SA'KIN NA MAY GIRLFRIEND NA PALA SIYA?! AT BAKIT AKO NAGPAPANIC?! Teka nga! Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ang daming girlfriends ni TOP? Sila ba talaga? Nagsinungaling ba sa akin si Red?! Niloko nila ako!

"Huh? Sammy totoo ba yun?" pabulong na tanong ni China.

"Akala ko ba may three month rule pa?" pabulong din na tanong ni Maggie.

Hindi ko sila pinansin. Bakit ba ako isinama ni TOP dito? Balak ba nyang ipamukha na may bago na siyang ipinalit sa akin? Stupid stupid b@stard!

"Stop saying rubbish and go get our damn order," kalmadong sabi ni TOP. Parang hindi naman niya iniintindi ang sinabi ng babae. Siguro totoo nga na sila.

"Sweetheart naman masyado kang harsh! Teka ni hindi mo pa nga ako binibigyan ng kiss!" naka-ngiting sabi ng cute na waitress habang nakatingin kay TOP na parang may nakakatuwang nangyayari.

Sweetheart?!! Kiss?!! Nanlaki ang mga mata ko. Maghahalikan sila sa harap ko?! Subukan nila! Subukan talaga nilang gawin 'yon!

"Sam! Bakit mo pinilas ang napkins? Sayang naman, makulay, ang cute," tanong ni Michie.

Napatingin naman ako sa kamay ko at totoo nga na napunit ko ang lahat ng napkin sa lalagyan. Oops! Ngumiti sakin nang todo ang waitress. Nag-sparkle ang kanyang mga mata. Parang tuwang tuwa siya sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

"Oohh~ Ngayon alam ko na!" tumango-tango na sabi nya. Bigla siyang nag-wink sa'kin at ngumiti nang malapad kay TOP. "Pano ba 'yan Timothy, panalo ako sa pustahan!"

"What are you talking about?" tanong ni TOP. Bigla siyang tumingin sa'kin at muling tumingin sa cute na waitress. "You are the one who should pay up."

Umiling ang waitress at nag-tsk. "You're hopeless, Timothy."

Una, Ano ba ang pinag-uusapan nila? Pangalawa Timothy?! Who's she calling Timothy? Tumingin kami ng 'Crazy Trios' kay TOP at... Ngayon lang nag-sink in sa amin ang lahat.

"Timothy?! BWAHAHAHA!!!" we all laughed in unison. Tumigil kami at nagkatinginan ng Crazy Trios. "Timothy daw?! Pfft!! Bwahahaha!"

Who would have thought na Timothy pala ang pangalan nito? Kaya siguro hirap malaman ang buong pangalan niya dahil doon. Ang bait ng pangalan niya hindi bagay sa image niya. Naiiyak na nga kami ng 'Crazy Trios' sa sobrang tawa. Nang medyo huminahon na ako, napatingin ako sa paligid at una kong nakita ang mukha ni TOP. Ang blangko ng mukha niya.

Napatigil kaagad ako sa pag-tawa. Narealize ko na kami lang palang apat ang tumawa. Ang dilim ng tingin ng Lucky 13 sa amin na para bang wina-warningan nila kami. Nakalimutan ko na leader pala ng isang gang itong pinagtatawanan namin. Lagot!

"You wanna drop dead?" sabi ni TOP na may madilim na mukha.

"S-sorry?" kinakabahan na sabi ko.

"Apologies don't solve shit."

Bigla naman siyang hinampas sa likod ng cute na waitress.

"Timothy! Ilang beses ko ba na sinabing hwag kang magcu-cuss sa harap ng isang babae?!" nakapameywang na sabi ng cute na waitress. "At sanayin mo na nga ang sarili mo sa pagsasalita ng tagalog! Nasa Pilipinas ka, uso ang nose-bleed dito!"

Inaasahan ko na sisigawan ni TOP ang cute na waitress dahil hinampas siya nito at ngayon ay pinagsasabihan pero ang tanging lumabas sa bibig niya ay;

"Fine, whatever."

"Good!"

Medyo naging malungkot naman ang pakiramdam ko. Mukha kasing super close ng dalawa. Naiinis ako. Ito na naman ang weird na feeling na ito. Ano ba 'to?!

"Siya nga pala, pasensya na sa nasabi ko kanina! Hahaha!" nakatawang sabi ng cute na waitress, nakatingin siya sa'kin. Huh? "Ang totoo kasi nyan, hindi naman ako girlfriend ng pasaway na batang ito," paliwanag niya habang hinahampas ng paulit-ulit ang likod ni TOP.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Kung ganon, hindi pala sila.

"Ako nga pala ang kanyang fiancee!"

ANOOOOOOOOOOO?!!! E-e-e-engaged na s-s-s-sila?!

"EEEHHH?!?!" Napatayo sa silya ang 'Crazy Trios' at tinitigan sina TOP at ang cute na waitress.

Biglang tumahimik sa loob ng cafe. Pati ang ibang customers ay nakatingin sa table namin.

"PAANO NA SI SAM?!" sigaw ulit nila.

Parang gusto kong lamunin ng lupa o maglaho na lang mula sa kinauupuan ko! Ano ba?! Bakit ba ganito ang tatlong ito? Nakakahiya! Bakit nila kailangan itanong yan?! Mukha tuloy akong kawawa. Pero itinago lahat ng emosyon na lalabas sa mukha ko. Neutral lang.

Matiim na tumingin ang cute na waitress sakin na tila ba pilit niyang binabasa kung ano ang iniisip ko. At pagkatapos ngumiti siya.

"Haay. Ang hirap naman niya mabasa," sabi ng cute na waitress kay TOP. "Pero alam ko na panalo parin ako sa pustahan! Alam ko kasi babae ako!"

"Wazzup yow!!" bati ni Red na pumasok sa cafe at lumapit sa table namin. Hindi ko napansin na wala pala siya sa loob. Kaya pala pakiramdam ko ay may kulang. "Nag-aaway na naman ba ang kambal ng tadhana? Kumusta na Sweety? Pinapasakit na naman ba ni TOP ang ulo mo?"

Kambal ng tadhana? Julio at Julia?

Narinig ko naman na bumuntong hininga ang ibang myembro ng Lucky 13 including TOP pati na rin ang cute na waitress. Naguluhan ako. Nanatili namang walang imik ang 'Crazy Trios'. Ewan ko ba, mas behave sila ngayon. Bakit kaya? Napatingin naman ako sa tatlo.

"Michie! Maggie! China! Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?!" gulat na tanong ko.

"Sam..." sabi ni China, nag-collapse sa upuan.

"Gu... Gu—tom na..." sabi ni Maggie, nag-collapse ang ulo sa lamesa. I bet masakit yun!

"Gutom... Na... Kami..." sabi ni Michie na mukhang tutulo na ang laway.

"Ay! Sorry! Nakalimutan ko yung order nyo!" sabi ng makulit at weirdong waitress sabay hampas na naman sa likod ni TOP.

"F*ck! Damn it woman, stop slapping my back!"

Natahimik na naman sa loob at muling tumingin ang mga customers sa table namin. Bigla nilang tinakpan ang tenga ng mga anak nila.

"Mommy, what does the word f*ck means?" tanong ng isang bata sa kanyang Mommy. Halatang gulat ang Mommy niya sa sinabi ng anak niya.

Note to self; hwag na hwag pupunta sa mga ganitong lugar kasama si TOP. At hwag rin syang ilalapit sa mga kids! Bad Influence.

"Timothy Odelle Pendleton! You wanna die?!" nakataas ang kilay at nakangiti nang nakakatakot ang weirdong waitress.

"Uh-oh! I smell trouble! Lalo na sa kambal na ito. Double trouble," bulong ni Red sa sarili niya at lumayo ng kaunti sa dalawa.

Ano raw? Kambal? Sino? Si TOP at ang weird na waitress? Tinignan ko ang dalawa na ngayon ay parehong nababalutan ng itim na aura. Bakit biglang lumamig at dumilim?

"Die! Die!"

Napatingin kami sa nagsalita. Nakita namin ang isang batang babae na nakatingin sa table namin at sinasabi nang paulit ulit ang salitang 'DIE'.

Walang duda. Napatingin ako sa kambal. Magkapatid nga sila.

Chương tiếp theo