webnovel

OneSoul6

Nagmamadali akong lumapit sa kanila pansin kong hindi pa din mapakali ang aking nobyo habang kausap siya ng aking mga kapatid.

"wag kang mag alala kuya magaling lumangoy si ate marahil ay sumisid na naman iyon kaya hindi natin makita" rinig kong sabi ni Vaughn sa kanya hindi pa nila napapansin ang paglapit ko, nakatalikod kasi ang pwesto nila sa akin.

"may problema ba?" painosente kong tanong sabay sabay naman silang lumingon sa akin, agad agad akong hinatak ng aking mahal at kinulong sa kanyang mga bisig.

"mahal pinag alala moko" mahinang bulong niya sa akin napangiti na lamang ako , hindi niya pa kasi alam na kaya ko talagang mag tagal sa ilalim ng tubig.

"Sabi ko naman sayo kuya Lamang tubig yan si ate di yan mapapano sa ilog" pagbibiro ng bunso kong kapatid

napatawa na lamang ang aking nobyo habang umiiling iling, tiningala ko naman siya at nginitian napaka tangkad naman kasi ng lalaking ito hanggang ilalim lang ako ng kanyang tenga kaya napapatingala pa ako.

nagkayayaan bumili ng softdrinks ang aking lalaking kapatid at ang aking nobyo, naiwan naman kami ni Veera nag papalaman ng dala dala naming tinapay.

"ate buti nakauwi ka alalang alala na si inay at itay sayo gustong gusto ka na ngang puntahan ni inay sa maynila" napalingon naman ako sa kanya, araw araw naman akong tumatawag sa kanila ngunit wala naman silang nababanggit na nais ni inay na puntahan ako

"bakit naman? diba't kausap ko naman kayo araw araw? Wala naman nababanggit ang inay" nagtatakang tanong ko

"ayaw na sabihin ng inay dahil ayaw niyang mag isip ka pa, Ilang ulit na nilang napapanaginipan ni itay na may nangyari sa iyong masama kaya't tuwing tumatawag ka gumagaan kahit papano ang kalooban nila" napakunot ang noo ko, bakit pati sila inay? ano bang nangyayari?

"hindi naman siguro magkaka totoo iyon"

hindi ko talaga alam ang nangyayari, Isa ba iyong pangitain? ayoko pang mawala sa mundong ito gusto ko pang makasama ng matagal ang ang aking mga mahal sa buhay.

wala ng kumibo sa aming dalawa hanggang sa dumating na ang dalawang lalaki. agad kong inalok ng tinapay na may palaman ang aking nobyo pawis na pawis ang aking kapatid ngunit wala man lang kahit butil ng pawis si Garen sanay na sanay talaga siya sa init.

muli ulit kaming nag tampisaw sa ilog sa pag kaka taong ito lalo akong nagtagal sa pag sisid sa ilalim ng tubig, mahigit isang oras yata akong walang ahon ahon kahit matagal na akong hindi nakakapag langoy kayang kaya ko pa ding magtagal sa ilalim pakiramdam ko'y nakakahinga ako.

mag iika apat na ng hapon ng mag ka yayaan kaming umuwi, may malapit na public cr sa ilog kaya nakapag palit kami ng aming damit, niyaya ko din ang aking kapatid na pumunta sa bayan at may bibilhin lang ako titignan kona rin kung nasa terminal yung nasakyan namin kagabi para makapag bayad ako.

"mahal sapat ba ang damit na dala mo? para makabili narin tayo dito" nilingon naman niya ko pero patuloy pa din ang ginagawa niyang pag hagod sa buhok ko. napakunot ang noo ko parang ang tahimik yata ngayon ng lalaking mahal ko

"may problema ba? bakit ang tahimik mo?" pagtatanong ko ulit. ngunit nginitian at niyakap lamang niya ko ng mahigpit kasalukayan parin kami sa loob ng tricycle bumabyahe papuntang bayan, nais ko sanang gumawa ng Graham cake para may panghimagas sa bahay kaya nag yaya ako sa bayan

"hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina, nung mawala ka sa paningin ko yung kaba ko sobra akala ko mawawala kana sakin" Sabi na nga bat yun pa din ang kanyang iniisip, masyado niya kasing iniisip ang mga napapanaginipan niya kaya masyado siyang nag aalala sakin.

hindi na ko sumagot yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit, nakarating na kami sa bayan agad agad na kaming bumaba ngunit walang makitang maparkingan ang aking kapatid kaya sinamahan siya ng aking nobyo na maghanap.

"mag titingin tingin muna kami tumawag na lamang kayo pag pupuntahan niyo na kami" sabi ko sa aking nobyo tumango naman ito Kaya agad agad konang inakay si Veera para makapamili na kami.

naisip ko namang dumaan muna sa terminal tutal ay malapit lamang

"Bunso punta muna tayong terminal hanapin kolang yung sinakyan namin kagabi, bigla kasing umalis dipa kami nakakapag bayad" paghatak ko sa aking kapatid

habang nag lalakad kami patungo sa terminal tinawagan ko ang aking nobyo para sabihing papunta kami doon para hanapin ang driver na sinakyan namin kagabi, iniisip ko na baka may emergency siya kaya nag madali siyang umalis kagabi.

hindi namin natagpuan ang lalaking nasakyan namin kaya hinintay nalang namin na puntahan kami dito ng aking kapatid at nobyo, para hindi na kami maghanapan.

Napansin kong nasa kabila na ang aking nobyo at kapatid Kinawayan ko naman sila upang mapansin nila agad kami, agad agad naman akong tumawid hatak hatak ang aking kapatid.

Hindi ko namalayang may sasakyang padating naramdaman ko na lamang na bumabalibag ang aking katawan bago ako ma walan ng malay nakita kong tumatakbong lumuluha ang aking mahal at kapatid, ito na siguro ang pinapahiwatig ng mga panaginip.

Chương tiếp theo