The Day We Meet Again
Confession
Chapter 9
Matapos mag tatakbo ni Jerome palabas ng coffe shop, Dali dali itong sumumakay ng kanyang kotse at saka nag madaling pumunta sa airport para lamang habulin si Steaven. Ayaw niyang mahuli ang lahat at pag sisihan niya ito dahil hindi niya nasabi ang kanyang nararamdaman para dito.
Samantala, Nag aalala naman ang kanyang sekretary na baka maulit na naman ang nakaraan ni jerome, Mag mahal at muli na namang masaktan. Baka hindi na ito kayanin pa ni Jerome pag nag kataon kaya naman agad niya itong pinaalam sa Chairwoman ng sa ganon ay alam nila ang kanilang gagawin.
Habang nag babyahe si Jerome patungo sa airport ay panay ang dalangin nito na sana ay umabot siya sa flight ni Steaven. Pag Dating niya doon ay agad itong bumaba ng sasakyan at dalidaling nag tungo sa isang reception at tinanong kung nakaalis na ang flight patungong korea. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman niya na may isang oras pang natitira bago pa ito lumipad. Abot abot ang kanyang pasasalamat ng malaman niya ito. Halos nilibot niya ang buong airport para lamang makita niya ang kanyang hinahanap. Pero walang Steaven siyang nakita. Napaupo na lamang ito sa isang upuan dahil sa pag kadismaya dahil tatlumpong minuto na lamang ang natitira at aalis na ang eroplano. Nakaupo ito, nakayupyop lamang ito habang tumutulo ang luha. Ito na yata yung sinasabi nilang regret dahil mukang malabo na makita niya si Steaven dahil taon itong mawawala sa bansa kahit pa sabihing may kaugnayan ang kanilang kumapanya sa kanyang kumapanya. Habang nakaupo ito, Nakita niya ang isang nakasapatos at may dalaang bagahe, napatingala ito at nagulat siya ng maakita niya si Steaven pala ang nasa harapan niya. halos hindi siya makapaaniwala sa kanyang nakita dahil ang taong kanyang hinahanap ay naasa harapan naa niya ngayon. Nagtaka ito at nag isip kung paano nangyaring andito siya ngayong malapit na ang oras ng kanyang pag lipad. naluluha ito at halos hindi makaimik. Niyakap siya ni Steaven at sinabing alam niya ang nararamdaman nito at ganun din siya. Sinabi ni Steaven na wag na mag tanung kung bakit dahil bago pa man ito makarating sa airport ay naitawag na ni Jusper na hinahanap siya ni Jerome at nag mamadaling pumunta ng airport kaya naman nag pasya siyang wag lumipad papuntang korea. Yakap yakap ni Steaven si Jerome ng mahigpit at tila wala silang pakialam sa kung sino man ang makakita. ''tahan na, wag kana umiyak. Andito na ako at hindi na muling aalis pa'' ang sabi ni Steaven sa kanya habang nakayakap sa kanya. Masayang masaya si Jerome sa kanyang narinig na salita mula kay Steaven. Sa tagpung iyon.. Niyakag na ni Steaven si Jerome na umuwi na at biniro pa nito na kung hindi padaw sila aalis ay abot pa ito sa kanyang flight. Kaya naman hinapas ito ni Jerome sa dibdib at sina maan ng tingin. Umalis ang dalawa at nag tungo ito sa bahay ni Steaven. Sa kauna unahang pag kakataon ay nakarating si Jerome sa bahay ni Steaven. Nagulat ang binata sa laki ng bahay nito. Mayaman talaga ang pag katao ni Steaven. Sa straktura palamang ng mga materyales ay imported na, maging sa mga disenyo at palamuti ay hindi basta basta. Inabot ni Steaven kay Jerome ang isang baso ng tubig at inaya itong umupo sa isang soffa. maging ang soffa ay hindi basta basta kaya naman kahit na sino ay komportableng makakaupo dito. Habang nakaupo silang dalawa ay tumingin si Steaven kay Jerome kaya naman napatingin din sa kanya ito. ''bakit ka nakatingin'' ang tanong sa kanya ni Jerome ng mapansin niyang nakatitig sa kanya si Steaven. Sinabi nito na masaya siya dahil hindi niya akalain na ang akala niya ay hanggang pangarap nalang, ngayon ay natupad na. Nakaharap sa kanya si Steaven at sinabing ''mahal kita, umpisa palang. Natatakot lang ako na baka hindi tayo pareho ng nararamdaman kaya naman mas minabuti kong huwag na lamang ipaalam sa iyo kung ano talaga ang nararamdaman ko'' ang paliwanag sa kanya ni Steaven. Halos pareho ang kanilang nasa saloobin. ganon din ang kanyang nararamdaman.. Mahal din niya si Steaven, Takot lang din itong mag tapat kung ano ang kanyang nararamdaman kaya naman isinantabi lang din niya ito. Mag kahawak sila ng kamay at nag babasa ng kung ano ang nasa isip. Nag palitan ng sweet na salita. Hindi nila alam kung ano ang magiging epekto nito sa hinaharap. Hawak ni Steaven ang kamay ni Jerome habang hinihimas himas na akala moy isang alaga naa inaamo. Masarap sa pakiramdam ni Jerome ang ginagawang iyon ni Steaven. Hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari habang nakaupo sila sa soffa. Tinanong ni Steaven kung ano ang nais kainin ni Jerome habang nasa kanyang bahay. Sumagot naman ang binata pero sa halip na pag kain ang hingin nito ay isang alak ang kanyang nabanggit. Sumang ayon naman si Steaven sa gusto nito. Tumayo ito at saka kumuha ng isang bote ng imported na alak sa kanyang refregerator at dinala sa isang maliit na lamesita sa harap ng kanilang kinauupuan. Muli itong bumalik sa kusina para kumuha ng glass whine na gagamitin nila. Umupo ito sa tabi ni Jerome at iniabot sa kanya ang isang baso ng whine. Kinuha iyon ni Jerome at saka sila nag toase at sinimulang inumin ang alak. Madilim ang paligid at tahimik ang kapaligiran. Kasabay nito ang isang malamig na tugtog na maririnig at nag papaingay sa buong sala. Malamig din ang simoy ng aircon at dala lamang ng alak ang nag papainit sa kanilang katawan buhat ng silay mag umpisang uminom ng malamig na whine.