webnovel

Kabanata 5

Jealousy

Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng Isang Mall, akala ko ay sa isang mini-groceries store lamang ito hihimpil na hindi ko naman kinwestiyon pa.

"Dito nalang ako, salamat sa pag hatid." I said, then gripped the door handle firmly.

"Hindi na kita mahihintay, may kailangan akong taposin ngayon sa opisina, mag paghatid ka nalang ng taxi pauwe sa bahay." he said.

Bahagya lamang akong tumango dito bago na itulak pabukas ang pinto. Hindi ko rin naman inaasahang sasamahan n'ya ako mamili kaya ayos lang saakin ang mag taxi pauwe.

Ilang sandali pa ay abot tanaw ko na ang sasakyan nitong paalis habang pinapawalan ang malalim na buntong hininga.

Atubile na akong tumungo sa Mall para mamili at dahil maaga pa naman ay pinili ko munang mag window shopping. I barely laughed at the back of my head. Hindi kasi ito ang nakasanayan ko, I owned a Mall at Queensland. May mga naka buntot saaking bodyguards, manager at ilang staff ng Malls pag bumibisita ako. Isang turo ko lang sa damit na gusto ko agad ko itong nakukuha, hindi ko rin kailangan pang pumila at makipagsiksikan sa mga namimile dahil sila pa mismo ang nag bibigay saakin ng daan para mauna.

Hila ko ang pushcart sa loob ng supermarket habang Isa-isang sinisilid ang mga kailangan ko. Marahan ko ring sinisipat ang listahan na inabot saakin ni Alessandra kanina.

"Emory!" someone's calling me from the distance na siya kong mabilis nilingon.

"Emory, ikaw nga!" the girl shouted my name, may kasama itong isang lalaki na siyang may tulak ng pushcart. Mabilis ang ginawa kong maglingap sa paligid, habang nangagambang may makakilala pa saakin.

"Cassidy, kamusta?" salubong kong bati dito, na bahagyang nakipag beso sakaniya ng malapitan.

"I'm fine! Ikaw kamusta? I'm sorry about the news, pasensya kana hindi ako nakarating sa burol ng asawa mo." she said with solace.

"Kanino mo nabalitan? He's still missing not dead." I clarified, brows arch with displeasing.

"Oh, I'm so sorry." aniya saakin, mabilis rin nitong ginagap ang kamay ko.

"It's okay, alam ko naman na iyan ang iniisip ng lahat." I replied, then I shrugged.

Hindi na ito nag komento pa, hindi ko rin ito masisi kung bakit Isa siya sa mga naniniwalang patay na nga si Zekiah.

"By the way, this is Ricafort my long time boyfriend." pakilala nito sa lalaking katabi niya.

"Honey, this is Emory Meredith, classmate ko siya noong high school with the highest honor," Cassidy introduced me.

"Its nice meeting you Emory," he held his hand and give me a handshake.

"Hi, Ricafort." I greeted back bago muling sumulyap kay Cassidy na nasa laman ng push cart ko naka tingin.

"Are you on a vacation? Mukang maraming stock ang pinamimile mo?" she asked curiously. Nag ilap ang mga mata ko at nag isip ng maaring tahiing rason.

"Yeah, ayoko kasi ng pabalik-balik sa groceries," pag sisinungaling ko.

"Hmm, maganda nga 'yan para hindi ka mahirapan. Saang hotel ka pala naka check-in ngayon? Kami kasi ni Fort sa City pa, kaya medyo malayo rin ang binyahe namin para mag beach ngayon. Dito na rin kami siguro magche-check-in sa isa sa mga hotel dito." Cassidy told me.

"I currently lived at my apartment, mas maganda kasi kung dito na mismo ako u-upa para hindi na mahaba ang byahe. I mean, mas gusto ko malapit sa beach kesa sa city." I explained

"Sabagay, kaya nga nagpa plano na kami ni Fort na lumipat ng hotel dito para less stress na rin sa byahe." Cassidy stated.

I swallowed hard when I heard what she's planning to do. Hindi pwedeng makita nito si Zekiah lalo na may kasamang ibang babae.

"Ganon ba? Mabuti yan para mas ma-enjoy n'yo ang bakasyon." I said truthfully.

"Why don't you join us? We are gathering a party tonight, pupunta rin yung iba nating classmate na malapit dito. I already contact them and they will join us later!" she excitedly said.

"Sorry, next time nalang siguro, medyo busy din kasi ako today." I shook my head with grimace.

"Sayang naman, ilang taon din tayong hindi nagkita-kita." she said with dismayed.

"Promise babawi ako, paano see you around?" mabilis ko ng paalam dito bago itulak ang pushcart paalis. Hindi ko na rin hinintay pa ang sasabihin nito dahil gusto ko ng umalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.

"Emory!" tawag muli nito saakin kay ako lumingon.

"Can I get your number, so I can contact you incase my reunion ulit ang batch natin?" maluwang ang ngiting binigay niya saakin na hindi ko nagawang tanggihan kaya sa huli ay binigay ko ang cellphone number ko dito.

Minadali ko na rin ang pamimili ko para makaalis na sa lugar na 'yon. Ayokong may iba pang makakilala saakin lalo na ang may maka alam na kasama ko na Hezekiah siguradong hindi nila maiintindihan kung bakit may bago na itong asawa ngayon.

Isa-isa kong nilapag sa oak table ang lahat ng pinamili para i-double check ang mga nasa listahan. Nang matapos ay Isa isa ko rin 'yon nilagay sa Cabinet at ang ilan ay sa fridge. Pinili kong mag bukas nalang ng can beans para hindi na ako magluto.

Taas pa ang paa kong naka upo sa couch habang hawak ang bowl ng rice and can beans habang nakaharap sa flat screen TV ng may biglang mag doorbell.

Tumayo ako para sinohin ang kumakatok at labis kong pinagtaka ang hindi pamilyar na muka ang sumilip mula sa gate. "Good afternoon, Sino po sila?" I asked curiously.

"Nand'yan ba si Gabriel?" tanong nito saakin. He is wearing a white long sleeve shirt and black jeans, may suot rin itong sunglasses at naka himpil ang sasakyan sa harapan ng gate.

"Wala po eh, sino po sila?" ulit kong tanong. Doon ito bumaba ng tingin saakin bago hubarin ang suot na sunglasses. He had a tousled black hair, which was thick and lustrous. His face was strong and define. A prominent jaw curved gracefully and his eyes were dark brown. Parang familiar ang mga mata nito ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nakita.

He lowered his head, "I'm Marcus Dimafelix, you must be?"

"Meredith Grant." pakilala ko, "Ako po ang bago nilang kasambahay dito sa bahay." I simply added, dahil may katangkaran ito ay tila sinisilaw nito ang mata ko sa puti ng kaniyang kutis dagdag pa ang sikat ng araw na tumatama dito.

Hindi rin nakaligtas saakin ang pag-suri nito sa kabuoan ko at sa huli ay sa muka ko. "What's your name again?"

"Meredith Grant." I utter again.

Hindi muna ito nagsalita, halatang iniisip pa ang sasabihin dahil sa pag tiim ng kaniyang labi sa'kin.

"Pasok muna kayo, Sir." aya ko dito.

"Tatawagan ko nalang muna si Gabriel, I'll just wait inside my car." he replied, matapos ay walang lingon na itong tumalikod saakin.

Nagtataka man ay hindi ko nalang iyon pinansin at muling isinara ang gate para bumalik sa pagkain. Ilang minuto pa ang lumipas buhat ng marinig ko ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas.

Ang sasakyan ni Gabriel ang dumating kaya mabilis akong lumabas para buksan ang gate.

His dark eyes greeted me, pakiramdam ko ay gusto itong gawin saakin dahil sa klase ng pagtitig niya.

"Bakit hindi mo pinapasok ang bisita?!" bungad nitong sinabi saakin buhat ng maka ibis ng sasakyan. Malakas din nitong sinara ang pinto kaya bahagya akong napa pikit.

"Inaya ko naman siya sa loob pero tumanggi siya." I explained. Mas lalong dumilim ang tingin nito, kaya ako napa atras bigla, nilingon ko pa ang lalaking kanina na ngayon ay nakapasok na rin ang sasakyan sa garahe.

"I don't need your explanation!" he grumbled, eyes having knife in my heart.

"It's alright Gab, ako naman ang tumangging pumasok sa loob." putol ng lalaki sa usapang meron kami.

"Let's get inside." he added, matapos ay bahagya pa akong sinulyapan bago mauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Nanatiling nakatayo sa harapan ko si Gabriel kaya hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Ipag handa mo kami ng pagkain sa likod bahay." Gabriel ordered me, matapos ay tumalikod na saakin. Napalunok muna ako bago ako sumunod sa kanila papasok sa loob.

"Maganda rin pala itong napili n'yong bahay." narinig kong sambit ng lalaking bisita ni Gabriel.

"Yeah, I bought this house a few months ago bago kami ikasal, konting renovation lang ay ayos na" Gabriel replied.

Lumiko ako papasok sa kusina kaya hindi ko na rinig pa ang pinag uusapan nila. Mabuti kapapamili ko lang kanina kaya nag pasya akong igawa sila ng bacon sandwich.

"Bakit hindi mo dalin dito si Abie?" I heard what Gabriel said to Marcus. Naglalakad ako palapit sa kanila sa likod bahay ng magsalita si Gabriel.

"Next time nalang." Marcus said to Gabriel.

"Here's your snack, Sir." magalang kong sinabi. Na antala ang kanilang usapan buhat ng ilapag ko ang bacon sandwich na gawa ko at pineapple juice sa mga ito.

"Thanks." Marcus told me, his voice came from the deep well. I couldn't recognize his voice. Parang may gusto itong ipakahulogan lalo na ang tingin nito saakin.

"Can you give us some wine instead?" Marcus requested. Tumingala ito saakin buhat sa pagkaka upo kaya agad akong napa labi.

"Sige," I utter, marahan akong umatras at tumalikod na dito para umalis.

"Pina plano namin ni Alessandra na ipa bless ang bahay, maybe next month, medyo busy pa kasi s'ya sa isang event." Gabriel said.

"Glad to hear that." sagot naman ni Marcus.

Bumalik ako sa loob at tiningala ang Wine rake para pumili ng wine. I choose Cabernet Sauvignon a noble grape variety. Isa ito sa mga paborito kong inumin kaya sigurado akong magugostohan nila ito. Mabilis akong bumalik palabas para ilapag sa glass table ang wine na napili ko.

"A wine from Bordeaux, best choice."  Marcus said, he looked down for a moment, pouring himself a drink and bringing the wine to his lips.

"How'd you know that wine?" Marcus asked me with his serious voice. Agad naman nag likot ang mata ko dito dahil pilit nitong binabasa ang magiging reaksyon ko.

I lightly shook my head, "Hinila ko lang yan sa Wine bar. " I Instantly replied and look away.

"Hmm," he nodded.

"Pwede kanang bumalik sa trabaho mo." Gabriel interrupted us kaya bahagya akong umatras.

"Thanks, Meredith." Marcus said, na siya ko naman simpleng nginitian. Bumalik na ako sa loob para umpisahan na ang pagluluto ng hapunan. Hindi ko alintana ang oras dahil masyado pa naman maaga, kaya naisipan kong mag luto ng menudo at roasted chicken, tutal ay may bisita naman kaya mas magandang dalawang putahe ang lutuin na siguradong magugostohan nila.

Inumpisahan ko ng maghiwa ng gulay ng maramdaman ang mga yabag papasok ng kusina. Gabriel came inside, open the fridge and took some bottled water and slowly turned his head to me. "What do you cooked for dinner?" he asked.

Binuksan nito ang cabinet para kumuha ng baso at naupo sa tapat ko. "I will cook menudo and roasted chicken and veggie salad as well." I murmured.

"Hmm." he didn't comment, at piniling uminom ng tubig sa baso. Bahagya akong natigil sa pag hihiwa para ito panoorin sandali. I can't help but to swallowed hard.

I blinked, when I heard the pounding glass at the table. "Gusto kong sarapan mo ang luto, ayokong mapahiya sa bayaw ko." he commanded, ganoon parin ang intesidad ng tingin niya saakin matapos ay walang pasabing tumay0 para lumabas ng kusina.

Napa buga nalang ako ng marahas na hangin sa ere, kaya pala may pagkakahawig sila ni Alessndra ay dahil pagkapatid pala ang mga ito.

Napabuntong hininga muli ako bago ituloy ang ginagawa. Hindi ko mapigilang isipin kung paano nito pahalagahan ang pamilya ni Alessandra. May mapait na ngiti gumuhit sa aking labi, ganoon rin si Hezekiah saakin noon, lalo na pamilya ko,ً kaya hindi ko ito masisi kung bakit ganoon nalang nito kabuti sa pamilya ni Alessandra.

Nang matapos akong magluto ay pinili kong pumasok sa loob ng aking silid para maligo. Isang simple T-shirt at black leggings ang pinili kong suotin. Lumabas ako na rinig ang tawanan na nag mumula sa Living room.

I heard Alessandra's laughing from the distance, dumating na pala ito galing sa trabaho. Papasok na sana ako sa kusina ng tawagin ako ni Alessandra.

Mabilis akong lumapit sa mga ito na siya naman pare-parehong naka tuon ang tingin saakin.

"Meredith, I'd like you to meet my kuya Marcus?" she turn sideways para sikohin si Marcus sa tabi nito.

"Yeah, nakilala ko na s'ya kanina." I replied back and smiled timidly.

"Oh?" sumulyap ito sa kapatid na ngayon ay titig na titig saakin. "I know what's on you mind, Marcus!" Alessandra told to Marcusً, then tease him.

"What exactly you're trying to say, Alessandra?" Marcus asked her with amusement on his face bago ako sulyapan na seryoso ang muka.

"Back off man, she's already married." Alessandra declared, bago ako sulyapan.

I heard Marcus smirked, "Silly girl." puna nito sa kapatid.

Ngumiti lang ako sa mga matapos gulohin ni Marcus ang buhok ng kapatid. Sandali pa akong sumulyap kay Gabriel na ngayo'y tahimik lang na pinapanuod ang magkapatid habang naka upo sa couch.

"Ah, Ihahanda ko lang ang hapunan, excuse me!" paalam ko sa mga ito. Naramdaman ko ang pagsunod saakin ni Alessandra kaya ko ito sinulyapan.

"Nabili mo ba lahat ng nasa listahan mo?" Alessandra asked me when she walks toward the kitchen sink.

"Hmm, nabili ko naman lahat. Nasa silid ko pala ang sukli, iaabot ko saiyo pag tapos kong mag hain ng hapunan."

"No, hayaan mo na saiyo, kung sakaling may biglaan kang bilhin na pang rekado sa gusto mong lutuin ay 'yon nalang ang gamitin mo. Oh kung may gusto kang bilin para sa sarili mo," aniya saakin.

"H-hindi na, mukang nabili ko naman ang lahat. Wala naman akong gustong bilin pa para sa sarili ko, iaabot ko ang sukli mamaya." pag pupumilit ko.

She look stun, and her cherry lips slightly open with astonishment. "Okay." aniya saakin, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Iyon ang totoo, wala naman akong gustong bilhin at kung may gusto man ako, bibilhin ko 'yon sa sarili kong pera. Mabibili ko 'yon sa sarili kong paraan.

"Wow! mukang espeyal itong niluto mo ha?" puna nito habang Isa-isa kong hinahain sa lamesa ang putaheng niluto ko.

"Hindi naman," sagot ko.

"Alam mo nakaka inggit ka, kasi marunong kang magluto. Sigurado akong busog parati ang husband mo dahil magaling kang magluto." he praises, eyes were amazed.

I smile then shifted my eyes. "Siya din naman ang nagturo saakin mag luto." I bitterly said..

"Really?! Wow!" halos mapatalon ito sa gulat, "Gusto ko rin matutong magluto para maipag luto ko rin si Gab someday.." aniya bago na ngalumbaba ng upo sa lamesa.

"I–I can teach you, If you want.." I murmurs, gusto kong ako lang ang makarinig pero nakita kong nagliwanag ang muka nito saakin.

"Are you sure about that?" tila may pag aalinlangan nitong tanong saakin.

"Of course, tutal nandito nalang rin naman ako, bakit hindi." pag sang ayon ko, bago pa simpleng tumalikod dito para harapin ang pag kuha ng mga plato't kutsara.

"I can't thank you enough, Meredith. Ngayon palang ay excited na ako." anito saakin na siya naman tumabi saakin para kumuha naman ng mga baso.

"Walang problema," I quickly said. Hindi ko na rin pinag damot ang ngiti ko, tutal ako naman ang nag suggest nito kaya paninindigan ko na.

"Oh wait, I'll call the boys para maka kain na tayo." palaam nito saakin bago na ako talikuran.

Sinunda ko lamang ito ng tingin habang bakas ang ngiti sa labi, pero unti-unti iyong napawi dala ng samo't saring emosyon. Hindi ko alam kung hanggang saan ko mapaninindigan ang larong ito. Lalo na ang mag panggap na hindi ako apektado.

"Hmm, the food is great." komento ni Marcus na saakin nakatingin.

Ayoko sanang daluhan sila sa pagkain ngunit mapilit itong si Alessandra, lalo na binida nito ang putaheng niluto ko sa kapatid.

"Right kuya? Dapat kagaya ni Meredith ang hanapin mo sa isang babae yung kaya kang ipagluto. Hindi yung puro pag papaganda ang alam gawin, gaya ng mga babae mo." she bitterly said.

Marcus, arch a brows at her. "I presumed you implied that to your self too, silly girl." aniya dito.

Napansin kong kumulot ang kilay nito sa kapatid bago sumulyap kay Gabriel.

"Mahal, okay lang naman saiyong hindi ako kasing galing magluto ni Meredith diba?" paglalambing nito kay Gabriel bago pa humilig sa balikat nito.

Gabriel smile sweetly at Alessandra, bago sumagot.

"Of course, sweetie.. I know you are better in everything you do, actually na miss ko agad ang luto mo." he sexily said to Alessandra, while pinching her nose.

I quickly averted my gaze para hindi ko madagdagan pa ang kirot dito sa puso ko. Unexpectedly, I catch the stern gaze of Marcus. There something about him that I couldn't explain. Palagay ko ay kanina pa niya pinanood ang reaksyon ko sa pag lalambingan nila Gabriel at Alessandra.

Mabilis akong nag iwas ng tingin dito ay hinagip ang baso ng tubig sa aking harapan para agad tunggain ng inom.

"Meredith right?" he gravelly said to me.

"Yeah," I simply said.

"Ilan taon kana?" he asked again, habang titig na titig sa mga mata ko.

"I'm 25.."

Bahagya muna itong sumulyap sa mag-

asawa bago saakin. "Nakatapos kaba ng pag aaral? I mean, what course did you graduated?" he continued.

"A business management." I answered truthfully, hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ilang mga bagay tungkol sa personal kong buhay pero kung mas lalampas pa doon ang tanong niya ay hindi ko na sigurado kung masasagot ko ba iyon ng totoo.

"Hmm, I think its better kung sa opisina ka nag tatrabaho kesa mamasukan bilang katulong, sayang naman ang natapos mo kung hindi mo gagamitin?" he comment, then shrug a bit. But he sounded like he suggesting something.

"I agree with you bayaw, I don't think she is capable of doing her job being housemaid." Gab, interrupted and shot me a lucid glare. Gaya ni Marcus ay halatang tila hindi rin ito naniniwalang pumasok akong katulong.

Tumango tango dito si Marcus. "You have any experience about business management, marketing or what?" he asked for the third time.

"Yeah, I came from the high end construction firm at Queensland Island, several months ago bilang secretary." I lied, and bowed my head.

"Hmm," he stare at me and nodded with disbelief.

"From secretary to being a housemaid?" he question me. I felt a sense of wonderment.

Kumibot ang labi ko para tumahi muli nang kasinungalin ngunit mabilis kaming pinutol ni Alessandra.

"Are you interrogating my housemaid, Marcus?" she asked, sounded irritated.

"Of course not. I having my back ground check here." Marcus said, stay cool and relax at his chair.

Sunud-sunod ang naging pag iling ni Alessandra dito. "I know your point kuya, I already asked her a frequent question, so ako na ang mag sasabi saiyo. She's passably good.

Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Marcus sa tinurang iyon ng kapatid. Hindi na ito muli pang nagsalita at pinag patuloy nalang ang pagkain.

Hindi na rin ako nag angat pa ng tingin, pinag pasalamat ko ang pag tatanggol ni Alessandra saakin. Kung mag papatuloy ang ganito ay baka malaman nila kung sino talaga ako at iyon ang ayokong mangyari.

Chương tiếp theo