webnovel

Reed's Route I - To Make Right What Is Wrong

Chapter 50: Reed's Route I - To Make Right What Is Wrong 

Reed's Point of View 

  Bago ako matulog kagabi, sabi ko sa sarili ko na 'I will let things happen according to fate'. And not because it's not happening doesn't mean it never will. 

If two(2) person are meant to each other eventually, they will find their way to be together. But to be honest, it's so pathetic to think that way. 

  Technically, it says you can't change destiny-- it is meant to happen, it doesn't give up on you. However, it can alter if the person wants to, your free will can postpone it. 

 

  Kung halimbawa, ang sinasabi ng kapalaran ko na makukuha ko 'siya' pero wala akong ginagawa and the other party is doing something that I should be doing. There's a possibility his fate that is supposed to present to me will change and go things his way. 

  Parang iyong opportunity na ibinigay ng fate sa akin, napunta lang sa iba. 

I don't know what other people believe, but one thing's for sure. If I don't do something. I will just regret it. REGRET. 

  Ang duwag ko lang talaga sa kaisipan na ayokong magsisi pero kampante pa rin ako na walang gawin. I have to decide, clear my mind, and do an action. 

 

  Papalabas na kami para dumiretsyo sa lobby, lilipat kasi kami mamaya ng building dahil doon isasagawa ng HarBarn 'yung 'welcome party'. 

Pero 'yung fireworks na magaganap ay mamayang gabi pa. Maghihintay pa ng ilang oras dahil may mga presentations, program pang magaganap bago ang mismong kasiyahan. 

  Eh, 10AM pa lang ng umaga ngayon. 

Naririnig ko iyong ingay ni Jasper habang nakikipagkwentuhan sa iba pa naming blockmates habang tahimik lang akong naglalakad at nakatungo. Mahaba haba naman ang tulog ko pero nandoon pa rin iyong pakiramdam ng pagkaantok. 

  Inakbayan ako ni Jasper. "Ano, p're? Okay ka na? Wala ka talagang problema?" Concern na tanong ni Jasper sa akin. 

  "Baliw, wala nga." Sagot ko at pumaharap ng tingin. "Na weird-uhan nga ako kasi wala talaga akong maalala sa panaginip ko." Hindi lang nagsalita si Jasper at tinanguan lang ako bago niya ako pabirong sinakal habang nanatili pa rin ang kanyang pag-akbay. 

  "Pero hindi ka naman siguro umiyak dahil binasted ka ni espren?" Tukoy ni Jasper kay Haley. 

  Nakatitig lang ako sa kanya nang iharap ko na lamang muli ang tingin at paismid na ngumisi. "Halikan ko siya kung aayaw siya sa akin." Tugon ko kaya nabigla si Jasper at mas lalo pa akong pasakal na inakbayan. 

  "Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?!" Umalingawngaw pa sa lugar 'yung sigaw niya. 

  "Aray ko!" Binatukan ko nga. "Masakit 'yon, ah!" 

  Tinakpan lang niya 'yung bibig niya at umakto na parang naiiyak. 

"Shet, nagma-mature na mga kaibigan ko." 

Aba, loko 'to ah? Sinasabi ba niyang immature kami? 

Narating na namin ang lobby. Nandito na karamihan sa mga babae kaya hinanap kaagad ng mata ko si Haley. At iyon nga't paparating pa lang at kausap si Claire.

Nag-uusap sila nang mapatingin siya sa akin. Nagtagpo ang tingin namin kaya hindi na ako nag-atubiling bigyan siya ng ngiti. 

  Namilog ang mata niya, it's like she's not expecting me to smile at her kaya tinasaan niya ako ng kilay pero napatingin na sa titser namin na si Sir Santos nang ibigay na niya ang anunsiyo o kung ano pa man 'yung kailangan niyang sabihin sa mga estudyante niya. 

 

  "Iyon lang. Wala na ba kayong nakakalimutan sa mga kwarto n'yo? Mamayang gabi pa tayo makakabalik dito kaya dalhin n'yo na dapat n'yong dalhin. Stop chitchatting and move. Na sa kabila na si Ma'am Puccino." Walang pag-atubiling sabi ni Sir Santos kaya nag check ng mga gamit ang mga ka-blockmates ko gayun din ako. 

  Habang chine-check ko 'yung gamit ko, napatingin ako bigla sa gawi ni Haley nang makita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit sa kanya ni Jin. Nagngingitian sila kaya napasimangot ako tsaka ako naglakas loob na lumapit sa kanila. 

  "Wala ka ng nakalimutan?" Tanong ko kay Haley nang makalapit ako sa kanya. 

  Pareho silang napatingin ni Jin sa akin na animo'y medyo na surpresa pa. 

"Wala naman na." Sagot niya na nginitian ko. "Pwede tumabi sa'yo mamaya?" Tanong ko kaya nakita ko sila Rose at Claire na may kanya kanyang reaksiyon, tila parang kinikilig dahil nagsisikuhan pa. 

  Nakita ko ang pagpula ng mukha ni Haley. "Eh? T-Teka, tatabi ka sa akin? Bakit?" Nalilito niyang tanong bago sumingit si Jin. 

  Tumikhim siya. "Nakikita mo naman sigurong kausap ko si Hailes, 'di ba?" Ngiti niyang tanong sa akin kaya humarap ako sa kanya at pinantayan siya ng ngiti. 

  "Ah… Nandiyan ka pala." Pagmamaangmaangan ko. "My apologies, it's my fault for wanting to avert my eyes from the fact that you even exist." 

  Nakita ko ang kaunting pagkunot noo ni Jin pero matigas pa rin niyang pinananatili ang kanyang ngiti. "Oh…?" Paggawa niya ng tono na tila parang naintriga sa pag-akto ko. 

  Pumalakpak ng tatlong beses si Sir Santos. "Kung wala na kayong kukunin sa mga kwarto n'yo, pumunta na tayo. Bilis." Pagpalakpak pa ulit niya kaya nagsilakad na ang lahat habang nanatili pa rin kaming naglalaban ng tingin ni Jin sa isa't-isa. 

  Naramdaman ko naman ang paghinto ni Jasper sa gilid namin. "Ahm… Reed," Pagpatong ni Jasper ng kamay niya sa balikat ko, "Bayaw," Paglipat naman niya ng tingin kay Jin kasabay ang pagpatong pa ng isa niyang kamay sa balikat nito. "Idaan n'yo na lang mamaya 'yang usapan n'yo kapag natapos na 'yung--" 

 

  Sabay naming inalis ni Jin ang kamay ni Jasper na nakapatong sa balikat namin tsaka namin sabay na nilingunan si Haley na nakatingin sa amin. Napaurong ang ulo niya nang ilapit namin ang sarili namin sa kanya. "Hailes. If I can be selfish, I want you to sit beside me." Malumanay na sabi ni Jin. Siyempre hindi ako papayag! 

  Inis ko siyang tiningnan. "Ha? I asked her first." 

  Nilingunan din ako pabalik ni Jin at kahit pa na nakangiti siya ay makikita mo na sa mukha niya iyong pagiging iritable niya lalo pa nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. "I have something to discuss with her." 

  Inilapit ko rin ang mukha ko sa kanya na may kasamang pagdikit-kilay. "So am I." Giit ko. 

  Napatingin kami kay Claire nang bigla na lang kaming itulak para mahiwalay kami ni Jin sa isa't isa. "Hindi ko alam kung ano na 'yung pinagtatalunan n'yong dalawa pero sa amin tatabi si Miles." Sabay hawak niya sa kamay ni Haley na pati si Rose ay ngiting hinawakan ang isa pang kamay niya. 

  "Hey--" Naputol 'yung sasabihin ni Haley nang magsalita si Rose. 

  "I have to agree." Pagtango ni Rose bilang pagsang-ayon. "If hindi kayo aware, pero pine-pressure n'yo si Miles sa bagay na hindi niya control." Sabay lagay niya ng isang kamay sa beywang niya dahil hawak pa rin niya 'yung kamay ni Haley. "Kung gusto n'yong makatabi si Miles." Tinuro niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Dadaan kayo sa akin." At nag form pa ng curl ang labi niya na may kasamang pagtaas-noo. 

  Binigyan namin siya ng walang ganang tingin habang sinilip naman siya ni Haley na may bored look sa mukha niya. "What are you? My Dad?" Pagkatanong ni Haley niyon ay hinawakan kaagad ni Rose ang pisngi niya dahilan para mapaurong ang ulo ni Haley para makaiwas sa panlalandi na ginagawa ni Rose. 

  "Your Mommy." And Rose even licked her upper lip kaya pareho kaming napalunok ni Jin at Jasper. Animo'y para namang tigre kung bigyan kami ni Rose nang naiinis na tingin kaya umiwas na nga lang kami ng tingin. 

  At iyon na nga't sinita na kami ni Sir Santos kaya dali-dali naman kaming naglakad para makalipat na sa kabilang building. At habang naglalakad kami ay pasimple akong tumabi kay Haley nang manguna si Claire. 

  I was about to say something nung paatras na naglakad si Claire at binangga ako sa braso. Inangat niya ang three(3) fingers niya. "3centimeters away. Shoo." 

  Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya bago niya iginiya si Haley palayo sa akin. Sumabay si Rose sa dalawa niyang kaibigan habang binibigyan pa rin kami nang mapang-asar na tingin. 

  Ngiting bumuntong-hininga si Jasper nang makatabi sa akin. "Mukhang ready ka na, ah?" Tanong niya kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. 

  "Anong… ready?" Taka kong sabi. 

  Binigyan niya ako nang malapad na ngiti at thumbs up. "Ready ka ng jowain si Haley." Sagot niya at ibinalik muli ang tingin sa papalayong sina Haley. "Kaso tulad ng dati, mukhang may mga hahadlang. Ipagpapatuloy mo pa rin--" 

  "Hindi na tinatanong 'yan." Pangungunang sagot ko na nagpahinto sa kanya. Seryoso kong tiningnan si Haley na kausap ang dalawa niyang kaibigan. "This time for sure, I will make it HAPPEN." Mariin kong sabi sa huli. "No regrets." 

  Napailing si Jasper. "Nawe-weird-uhan talaga ako, wala lang. Nakakapanibago lang kasi?" Hindi niya siguradong sabi. "Simula nang magising ka kanina nagka ganyan ka na. Parang dati kasi, hindi ka diretsyo magsabi ng na sa isip mo. Dinadaan mo pa ako sa kung anu-ano." 

  "Pessimism, perhaps? Though it's easy to think negatively to things you have no control with compare to the positive and wishful thinking. 

Kasi 'pag hindi nangyari 'yung gusto mo, madi-disappoint ka, eh. But if you consider the worst possible things na hindi naman pala mangyayari gaya ng iniisip mo? Iba 'yung impact nung relief and satisfaction. But it's not even healthy to begin with. Just don't expect too much." Mahabang linya ko. 

  "Ha? Kaya ba wala kang ginagawa kasi ganyan thinking mo?" Tanong niya sa akin. 

  Inilingan ko siya. "I… don't know, probably? Pero hindi ako magsisinungaing, ganyan nga 'yung mindset ko before kaya baka nga siguro iyan iyong dahilan kaya wala akong ginagawa kasi imbes na maging balanse ako sa way of thinking. Mas pinapairal ko 'yung negative…" Nginitian ko si Jasper. "Personally, I have to let go." 

  Napaatras siya't napahinto. "Huh?!--" Tinakpan ko iyong bibig niya bago pa man siya makagawa ng ingay. "@(&$#&47#6040!" 

  "Hindi pa kasi ako tapos! Patapusin mo muna ako!" 

  Tumangu-tango naman siya kaya ibinaba ko na ang kamay ko tsaka ulit kami naglakad. "Ano ba kasi ibig mong sabihin? Ang gulo mo kasi, eh. Kasasabi mo lang kanina--" 

  "I have to let go so that I can try again in a different context, or way to pursue her." Sabi ko at awkward na natawa. "Tama ba?" Hindi ko siguradong tanong habang nakatitig lang siya sa akin. 

  Mayamaya lang nang humagalpak na siya ng tawa. "P*tang ina. Alam ko namang complicated ka rin mag-isip pero…" Tawa pa rin siya nang tawa kaya pabiro ko siyang sinuntok sa braso. 

  "Pare naman…" 

  Hawak-hawak niya ang tiyan niya at medyo nahihimasmasan na. "Ewan ko sa inyo. Basta good luck." Pagtapik niya sa likod ko bago siya patakbong naglakad palapit kay Haley. "Espren ~!" 

  Palapit pa lang si Jasper kay Haley nang alisin ni Claire 'yung sapatos niya para akmang ibato kay Jasper. "Lumayo ka." 

Haley's Point of View 

  Na sa kalagitnaan kami ng program ngayon at nakikinig ng kung anu-anong session dito sa hall. 

Na sa gitna ako nila Rose at Claire habang na sa likod ko naman sila Caleb, Jasper at Reed. 

  Hindi ko sila nakikita dahil naka stay lang ang tingin ko sa harapan but for some reason, I can sense the tension between those two kaya pasimple ko silang tiningnan. 

Pareho silang nakatingin sa akin kaya nang magkatagpo ang tingin namin ni Caleb, binigyan niya ako nang matamis na ngiti. At nang ilipat ko naman ang tingin kay Reed ay sinimangutan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay bago ko ibinalik ang tingin sa harapan. 

  Lumapit si Rose sa akin. "May papayagan ka na bang manligaw?" Bulong niya sa akin tsaka lumapit si Claire sa akin para rin bulungan ako. 

  "In my opinion, if you're not ready. Huwag mo madaliin sarili mo, masakit sa ulo ang mga lalaki." Payo ni Claire habang blanko na nakatingin sa harapan. 

  Humagikhik si Rose. "Gusto ko na talaga kayong magkatuluyan ni Reed pero kung ayaw mo pang magkajowa, pwede kang makipaglandian sa Dating App. No expectation do'n, tamang landi lang." 

  Ipinatong ni Claire 'yung dala niyang novel book sa ulo ni Rose. "Mas sasakit ulo ni Miles kapag nakipaglandian siya sa mga tao sa dating app." 

  "Bakit?" Curious na tanong ko kahit wala naman din akong balak mag install ng dating app. 

  "May balak ka ba?" Parehong gulat na tanong sa akin nila Claire at Rose kaya umurong ako kasi masyado silang malapit sa akin. 

  "Wala!" Pagwawagayway ko ng dalawa kong kamay sa tapat ng aking mukha bago ako mapabuntong-hininga noong umayos na sila ng upo. Buti na lang wala kami sa harapan, kasi kung hindi. Hindi kami makakapagdaldalan ng ganito. 

Tsaka wala rin namang problema si Sir Santos kung hindi kami makinig kasi pati siya, halos natutulog na ro'n sa upuan niya. Si Ma'am Puccino naman, ewan ko kung nasaan. Pero nandito ang din siya kanina. 

  Siniko ako ni Rose sabay tingin kay Claire. "May nakita pala akong Korean Stall sa labas, gusto n'yong kumain mamaya ro'n pagkatapos nito?" Tanong niya sa amin na tinanguan naman namin ni Claire. 

  "Gusto ko rin i-try. Masarap daw 'yung Mandu nila ro'n, eh." Kumento ni Claire na may kaunting pagkasabik sa boses. 

  Pumaharap ako ng tingin. "Pero pwede bang lumabas sandali? Medyo nauuhaw kasi ako--" Pagkasabi ko pa lang niyon ay nakita ko sa magkabilaan ko ang bottled water. Eh? 

  Tiningnan ko ang may abot niyon. At sila Reed at Caleb iyon. 

"Kunin mo." Sabay na sabi nila kaya napakurap ako at tiningnan ang inaabot nila sa akin. 

  "B-Bibili na lang ak--" Hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko ay kinuha na ni Jasper at Rose 'yung dalawang tubig sabay bukas ng takip at lagok. 

Nagulat sila Reed at Caleb samantalang humikab naman si Claire at wala lang pakielam sa nangyayari. 

  Nakatigil si Reed habang nakatingin kay Rose. "Salamat!" Masigla pa nitong sabi sabay balik kay Reed ng walang laman ng bote. 

 

  Pinunasan naman ni Jasper ang bibig niya pagkaubos niya nung tubig. "Thanks, bayaw! The best ka talaga!" At binigyan pa niya ng thumbs up si Caleb. 

  Tsaka sila nag-away away ro'n sa likod kasama si Rose. 

"Miles." Tawag ni Claire sa akin kaya lumingon ako sa kanya. "Peanuts?" Alok niya sa akin ng dala niyang peanuts na may kasamang pag-abot pero tinanggihan ko lang siya. 

  "Hindi ako fan ng peanuts." Sagot ko.

*** 

  NATAPOS NA lahat lahat nung program at nagkaroon lang din nang kaunting closing prayer and such kaya ngayon, nauna akong lumabas dahil magbabanyo raw muna sina Rose. 

  Nakatayo lang din ako sa may tabing puno at hinihintay makalabas sina Claire nang mapatingin ako sa hindi kalayuan. 

  Ngayong palubog ang araw at maraming mga tao ang papunta sa isang area kung saan nililiyaban na ng apoy iyong magsisilbing bon fire mamaya para sa sayawan. Nagkaroon ako ng… kaunting pakiramdam ng deja vu. 

It feels like this scenario, the happenings at this moment is kind'a similar. At the same time, not. 

  Naglakad ako at iniwan na muna ang pwesto ko. Bigla akong nakaramdam na gusto kong mapag-isa sandali, and I want to check out that one area. 

Kung saan gaganapin iyong fireworks mamaya. 

Reed's Point of View 

  "Hindi ka na sasabay?" Tanong ni Jasper. Balak na kasi niyang pumunta sa welcome party dahil ilang minuto na lang din naman at magsisimula na. Bale katatapos lang din namin maggala gala sa mga booths dahil nagpalipas kami ng oras. 

  Eh, hindi ko nasabi na may plano na talaga ako pagkatapos niyon. 

"Susunod na lang ako. Hanapin ko lang si Haley, hindi raw kasama nila Claire, eh." Nakasalubong kasi namin sila Rose, at nasabi nga nila na iniwan daw sila ni Haley at hindi sinabi sa kanila kung saan pupunta. 

  "May load ako. Gusto mong tawagan?" Tanong niya sa akin. 

  "Ni hindi naman mahilig sumagot ng call 'yon kaya hahanapin ko na lang. Alam ko naman kung saan siya pwedeng makita." Sagot ko tsaka ako tumalikod ng hindi inaalis ng tingin sa kanya. "Maya na lang." At naglakad na 'ko paalis. 

  "Tawagan mo kaagad ako kapag hindi mo pa rin nakita." Habol ni Jasper na kinawayan ko lamang. 

  Marami talagang tao sa bawat lugar na pinupuntahan ko dahil marami nga rin namang invited na estudyante galing sa iba't ibang school pero kung tama itong hinala ko para mahanap si Haley. Doon ko siya pupuntahan. 

  Isa-isang nagbukas ang mga street lights. Nakikita ko na rin mula sa malayo 'yung isasagawang bon fire para sa kaunting sayawan mamaya kaya napapagala rin ang aking tingin sa paligid. 

  Sunod-sunod din ang mga food stalls at may mga kanya kanyang binebentang pagkain. May mga souvenirs din ng Harbarn. 

  "Ganda siguro kung kasama ko siya rito ngayon." Bulong ko sa sarili ko at tumakbo na para pumunta sa lugar na iyon. Gusto ko na siyang makita. 

Gusto ko ng sabihin sa kanya iyong gusto kong sabihin. 

  Ilang minuto rin nang marating ko kung saan kami dinala ni Sir Santos. 

Kung saan mapapanood ang magandang view, at hindi nga rin ako nagkakamali, nandito nga talaga si Haley. 

  Nakaupo siya ro'n sa bench at nakatingin sa malayo, subalit hindi rin iyon nagtagal dahil napansin niya yata iyong presensiya ko kaya mabilis lumingon sa akin. 

Walang tao sa area na 'to at kami lang. 

  Umangat ang mga kilay niya pagkakita pa lang niya sa akin. "Reed?" Taka niyang tawag sa akin at tumayo para humarap sa akin habang naglakad naman ako papalapit sa kanya. "Bakit ka nandito?" Tanong niya. 

  Tumabi ako sa kanya ng hindi inaalis ang tingin sa maganda niyang mukha. "Hinahanap kita." Diretsyong tanong ko kaya napanganga siya. 

  "Eh? B-Bakit mo 'ko hinahanap?" Taka niyang tanong at inilayo ang tingin. "Tsaka pwede mo naman akong hintayin na lang doon sa building dahil ilang minuto na lang din naman bago magsimula iyong party, babalik na rin naman ako." 

  Ipinasok ko ang isa kong kamay sa bulsa habang iyong isa naman ay napahawak sa batok ko. "I just wanna see you, kaya hinanap kita." 

  Hindi pa nakabukas ang post lights na nasa tabi kaya madilim sa pwesto namin at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin gayun din iyong mga ilaw na nanggagaling sa ibaba pero ilang segundo rin naman nang magbukas na ang post lights kaya clear kong nakikita kung gaano kapula ang mga pisngi ni Haley. 

  Natural na rosy cheeks pero mas nangingibabaw ito ngayon. 

  "Reed… Bibigyan mo nanaman ba ako ng maling ideya?" Tanong niya sa akin na may kasamang pag-iling. "Kasi kung joke lang 'yan, pakitigilan mo na ako." 

  Ano ang sign na mahina ako? Iyong madali akong masaktan sa ganoong salita niya. 

 

  Narinig ko ang pagbuga ng kanyang hininga. Napahawak din siya sa kanyang noo. "Alam mo ba, ang weird lang talaga nito sa akin. After I woke up this morning, parang… alam mo iyon? Lahat ng nangyari ngayong araw… It feels unreal, parang… deja vu na… alam mo iyong pwedeng mangyari pero hindi ka sigurado?" 

  Namilog ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. 

  "So right now, wala talaga ako sa mood makipaglokohan sa'yo, Reed." Pagtanggal niya ng kamay niya sa kanyang noo para ibalik ang tingin sa akin. "If everything you were doing is a joke. Please, drop it." She paused. "You're hurting me." Parang may kung anong pako ang tumusok sa dibdib ko pagkasabi niya niyon. I felt it-- Her voice is trembling… 

  Hindi ako umimik ng ilang segundo. Pero napahakbang ako para mas lumapit sa kanya. Humawak ako sa kanyang mga braso para titigan siyang mabuti sa kanyang mata bago ko siya yakapin. "It's… not my intention to hurt you. I'm sorry." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "But can you listen to me? Can I let out the right words to tell you at this moment?" Tanong ko sa kanya bago ako humiwalay para mas makita siya. 

  She's crying, 

  …really hard. 

  Kaya hinawakan ko ang pisngi niya para punasan ng hinlalaki ko ang basang luha mula sa kanyang kanang mata. Lumunok ako at pinagmasdan siya nang mabuti. Ang lapit niya sa akin… Sobrang lapit. 

  Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya nang malapitan ngayon. 

  Huminga ako nang malalim, looking for the right words to say. "Hal--" Bago ko pa man mabanggit ang pangalan niya ay mabilis niyang inilapat ang kanyang labi sa akin kasabay ang kanyang paglupot ng kamay niya sa aking leeg. 

  Sa sobrang gulat ko, nanghina ang aking tuhod kaya napaupo ako kasama siya na napaluhod sa lupa. 

  Isa-isang umakyat ang fireworks display at gumawa ng makukulay na liwaag sa madilim na kalangitan. Gayun din ang malalakas na ingay gawa ng pagkakaputok niyon. 

  Nanatili lang akong nakatingin kay Haley at hindi makagalaw nang humiwalay na siya sa akin. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata niya upang makita ako. "I don't wanna hear it…" Mahina ang pagkakasabi niya pero sapat lang para marinig ko. "Just be mine already!" Pag-amin niya na may pag-iyak pa rin. 

  Umakyat ang dugo sa mukha ko dahil sa mga biglaan niyang ginagawa't sinasabi na supposedly dapat ako ang gagawa kaya napahawak ako sa mukha ko para hindi niya makita kung gaano ako kapula ngayon. Sheesh! 

  Sa huli, si Haley pa rin gumagawa ng first move! 

Oo, na realize ko iyan kahit pasimple lang niya ginagawa dahil ayaw rin niyang umamin sa akin at the same time. 

  "A-Ako dapat magsabi niyan sa'yo!" Hindi makapaniwala kong sabi nang alisin ko ang kamay ko para makita si Haley. 

 

  Napatigil siya sa sinabi ko. Tila parang hindi iyon ang inaasahan niya sa akin. 

  "Kainis, bakit kailangan mong nakawin 'yung sasabihin ko?" Dagdag ko. Kumamot pa ako sa batok ko. 

 

  Napakagat labi siya, hindi malaman kung naiinis ba siya sa akin o ano pero sa pangalawang pagkakataon ay pasampal niyang hinawakan ang magkabilaan kong pisngi kaya halos mapangiwi ako sa sakit. "Aray! Bakit--" Naputol ang sasabihin ko dahil mabilis nanaman niya akong hinalikan. Malalim iyon na animo'y parang matagal na niya itong hinihintay. 

  Humiwalay siya sa akin. Tumutulo pa rin iyong luha niya at medyo humihikbi pa. 

"Bakit ka ba kasi umiiyak?" Hindi ko na napigilan, hinalik halikan ko na siya sa pisngi, ilong, at noo. 

  Ayoko sabihin pero naku cute-an talaga ako sa kanya. Iyong ilong niya namumula, para siyang Christmas reindeer 

 

  "I thought you don't want me…" Basag ang boses nang sabihin niya sa akin. "I'm deeply… in love that I don't wanna lose you, but…" Umiling siya at napatungo. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya nang magpasya akong yakapin ulit siya't ikulong sa aking bisig. Hinawakan ko ang ulo niya at hinalikan ang kanyang ulo habang pikit pikit ang aking mga mata. 

  "I won't run away anymore. I'm sorry…" Muli kong hinalikan ang gilid ng ulo niya. "I'm sorry, Haley." Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko. "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo. Pero kung… kung magiging selfish ako, papayag ka ba na…" Unti-unti kong iminulat ang mata ko. "Gumawa tayo ng mundo para sa 'ting dalawa?" Tanong ko sa kanya, simply asking her to go out with me. 

  Naghintay ako ng sagot niya nang yakapin na rin niya ako pabalik. Ibinaon niya ang mukha niya sa aking dibdib. 

Wala siyang sinabi pero tumango siya bilang sagot kaya nanginig ang labi ko kaya napahawak ako ro'n kasi pakiramdam ko, maiiyak ako. 

  Niyakap ko na lang ulit si Haley at hinalikan ang pisngi niya. "Mahal kita… Mahal na mahal kita… Sorry, it took you so long to wait." 

Caleb's Point of View 

  Pinapanood ko lang mula sa malayo sila Hailes at Reed habang patuloy pa rin sa pagputok ang mga fireworks display. 

Pumikit ako at huminga nang malalim bago ako mabigat na napasandal sa puno. Naramdaman ko iyong hapdi ng mata ko kaya napabuntong-hininga ako. 

  "Game over." Bulong ko sa sarili ko at tumingala para makita ang nagkikislapang bituin sa madilim na kalangitan. "Welp. I guess, if I force myself to move on, it'll only cause nothing but grief." Paismid akong ngumiti at huminga nang napakalalim. "Besides, there's no harm in holding on to this feelings of love. I should take it slowly before they vanish." 

***** 

Chương tiếp theo