webnovel

THE NEWLY APPOINTED FINANCE DIRECTOR

"Sa ngayon ay embezzlement lang ang kasong isinampa ng chairman sa inyong dalawa. Pero ang pakikipagsabwatan niyo sa JC Construction Company ay isa ring mabigat na kasong pinag-iisipan pang mabuti ng chairman kung idagdagdag sa naunang kasong isinampa sa inyo," pagbibigay alam ni Lemuel sa dalawang napatayo na at gustong magprotesta.

"Dixal, hindi totoo 'yang nakalagay sa USB. Wala kaming kinalaman ni Veron d'yan. Those are fake infos!" hiyaw ng ama ni Veron.

Tumaas lang ang isang kilay ni Flora Amor pagkarinig niyon.

Si Dixal nama'y nanatili lang nakayuko at walang sawang nilalaro ang pen.

"Papa, sabihin mo sa kanilang hindi totoo ang paratang nila. Wala namang nawawala sa pera ng kompanya. Imposible ang sinasabi nila, Pa. Ako ang may hawak ng finance department. Tugma lahat ng income ng kompanya sa mga financial statements na nirereport ko kay Dixal.

"This is a formal meeting! You should call the chairman formally and not just by his name!" malakas ang boses na sabad ng isang shareholder sa dalawang nakatayo.

"Because of the crime that you've committed, dapat lang na tanggalin kayo sa posisyon at ibalik ang perang ninakaw niyo sa kompanya!" sabad pa ng may katandaang shareholder sabay pukpok ng kamao sa mesa patunay na hindi na ito nakapagtimpi ng galit habang palipat-lipat ang tingin sa mag-ama.

Eksaktong katatapos lang nitong magsalita nang biglang bumukas ang pinto ng silid at agad na pumasok ang sampung mga pulis, lima ang lumapit kay Veron at ang lima pa ay sa ama naman nito lumapit, magkasabay pang pinusasan ang dalawa na 'di man lang nagtanong ang mga 'to kung sino ang mga hinahanap.

"Mr. Edmund Villaberde at Ms. Veronica Villaberde, kayong dalawa ay inaaresto namin sa salang pagdespalko ng 500 million pesos sa FLOWER OF LOVE BUILDERS INCORPORATION. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney," anang hepe ng mga pulis.

"Wait chief, mali ang paratang nila samin. Hindi totoo ang bintang nila," reklamo ng ginoo.

"'Pa, tulungan mo ako, ayukong makulong. Sabihin mo kay Dixal na hindi totoo ang binibintang niya. Wala akong kinalaman do'n." hiyaw ni Veron sa ama, panay ang palag habang pinupusasan.

"Shut up!"

"'Pa, kasalanan 'to ng haliparot na PA ni Dixal. Pinakialaman niya ang computer ko kahapon." nanlilisik ang mga matang bintang ng dalaga sa kanyang noon lang napatingin dito.

Nagsalubong agad ang kilay ni Dixal at sinenyasan ang mga pulis na ilabas na ang dalawa.

Ngunit biglang umalingawngaw ang malutong na halakhak ng ama ni Shelda.

"Ganyan ang napapala sa mga taong walang loyalty sa nagpapala sa kanila!" malakas na wika nito.

"You crazy asshole! Alam kong may kinalaman ka rito, gunggong! 'Pag nalaman ng lahat kung anong baho ang tinatago mo, ako naman ang hahalakhak sayo!" galit na galit na ganting sigaw ng ama ni Veron sa tumatawa pa ring si Donald Randall.

"Well, it won't happen dahil wala naman akong bahong itinatago." Mas malutong pa kesa kanina ang pinakawalan nitong halakhak hanggang sa mailabas na ang mag-ama sa conference room.

Naiwan ang lahat na iba't iba ang emosyong makikita sa mukha, 'yong iba'y galit sa mag-ama, ang ilan ay nakikisimpatya sa dalawa at ang ilan ay 'di pa rin makapaniwala sa natuklasan.

Ngunit si Flora Amor ay nanatiling tahimik lang sa kinauupuan habang ang ama ni Shelda ay tumiim ang tingin sa kanya, wari bang sinusuri ang kanyang mukha, pinag-aaralang mabuti ang bawat anggulo niyon. Napayuko siya agad. Baka mapansin nitong malaki ang pagkakahawig niya sa kanyang ina.

"Mr. Chairman, gusto naming malaman kung sino ang pwede nating ipalit kay Ms. Villaberde bilang bagong finance director," tanong ng isa sa mga shareholders.

"Dapat nating idaan yan sa botohan. Isipan nating nakasalalay sa finance director ang financial issues ng kompanya. Baka mamaya eh palpak na naman ang pumalit sa kanya," sabad ng isa pa sa mga shareholders.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng huling nagsalita.

"Okay, I'll vote for Miss Villaberde's PA as the new Finance Director." Noon lang sumabad si Dix sa usapan sabay ngiti sa kanyang nagulat sa sinabi nito.

Sa lahat ng naroon, bakit sa lalaki pa nagmula ang suhestyon na 'yon?

"I agree with the executive director. Sa dalawang araw niyang itinagal sa finance department, napatunayan kong kaya niyang maging isang finance director at magaling siyang humawak ng mga tao." Tumayo agad ang assistant finance director para sumang-ayon kay Dix.

Habang si Dixal ay tahimik lang na nakikinig sa usapan habang pinapaikot ang pen sa daliri.

"She's just a new employee in this company. How can we be so sure that she's capable as the finance director?" salubong agad ang kilay na sabad ni Donald Randall, halatang hindi ito papayag sa gustong mangyari ni Dix.

"For the information of all," sumabad na rin sa usapan si Lemuel. "Si Miss Salvador ang dahilan kung bakit nahuli na ang magnanakaw sa kompanya. Kung hindi dahil sa cooperation niya at dedication sa trabaho, marahil hanggang ngayon ay nangangapa pa rin tayo sa dilim kung saan napunta ang 500 million pesos na nawawala sa kompanya," paliwanag nito.

Nagsimulang magbulungan ang mga shareholders. Siya'y tahimik lang na nakayuko ngunit paminsan-minsa'y panakaw na sumusulyap kay Dixal kung ano'ng gagawin nito at kay Donald Randall kung nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Bakit hindi na lang ang fiancee ni Mr. chairman ang ilagay natin sa posisyon, tutal ay ikakasal na si Miss Randall sa chairman sa makalawa," suhestyon ng isa pang shareholder, ang katabi ni Donald Randall.

Marami ang sumang-ayon sa sinabi nito.

Subalit lahat ay natahimik nang ibagsak ni Dixal ang pen sa ibabaw ng mahabang conference table.

"I'm appointing Miss Salvador as the new finance director of FOL BUILDERS INC. If you have any questions about my decision, you're free to talk now," maawtoridad nitong wika na wala halos makapagsalita sa kahit sino sa mga nakapaligid, ni makaangal man lang.

Lahat natahimik.

Siya man ay nagulat sa kapangyarihang hawak ng asawa. Isang salita lang pala nito, batas na sa lahat. Tapos ginagawa niya lang itong utusan 'pag sila lang dalawa ang magkasama.

Gusto niyang humagikhik sa tuwa pero pinigilan niya ang sarili at taas ang noong tumingin sa lahat.

Nang sumenyas si Lemuel para magsalita siya at ipakilala ang sarili ay agad siyang napatayo.

"Good morning to everyone. This is just me, Miss Flor Salvador expressing my humble gratitude to the chairman, Mr. Dixal Amorillo for appointing me as the new finance director of FOL BUILBERS INC and to everyone for acknowledging me as a qualified finance director of this company. I won't boast myself in front you but I promise to give my best performance for the betterment of the company. Maraming salamat po sa lahat."

Simple lang ang kanyang sinabi ngunit lahat ay tumango sa kanya maliban sa tatlo, si Dixal na noon lang nag-angat ng mukha at tinitigan siya, si Dix na name-mesmerize sa ganda niya habang nakatitig sa kanya at si Donald Randall na matalim ang mga tinging binibigay sa kanya.

Pagkatapos magsalita ay agad rin siyang umupo at hindi na pinansin ang mga mapanuring tingin ng ilan lalo pa't tumayo na rin si Dixal at tinapos na ang meeting.

Nagtayuan ang lahat ng mga naroon kasama na siya at hinintay si Dixal na dumaan sa kanyang harapan para makaalis na sila sa lugar na 'yon.

"Who's this lady, really?"

Narinig niyang tanong ng isang shareholder sa katabi nitong si Dix.

"She's my girlfriend," sagot ng lalaki, dahilan upang kunut-noo siyang mapalingon rito.

Ngunit bigla na lang hinawakan ni Dixal ang kanyang kamay at isinama siya nito palabas ng silid.

Naiwang nagbubulungan ang lahat sa loob maliban kay Lemuel na agad na sumunod sa kanila.

"Dixal, baka mahalata nila tayo," awat niya sa asawa.

"I really don't care about them," aburidong sagot nitong mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanyang kamay hanggang sa naglalakad na sila sa lobby pabalik sa opisina nito at wala siyang lakas ng loob para bawiin iyon sa asawa. Sa halip, para pa siyang idinuduyan sa alapaap sa kaalamang gusto na talaga nitong ipaalam sa lahat na siya ang pinakamamahal nitong asawa.

Kung wala na itong pakialam sa lahat, mas lalo siyang walang pakialam sa sasabihin ng ng makakakitang magkahawak ang kamay nila ni Dixal. Ano bang ikatatakot niya? Siya ang legal na asawa ni Dixal, siya si Mrs. Flora Amor Amorillo.

Subalit tila yata walang tao sa loob ng building na 'yon, wala man lang nagdaraan sa lobby. Mas maganda na nga seguro 'yon nang walang makapansin sa kanila.

Chương tiếp theo