webnovel

HER LOST MEMORIES KEPT FLASHING BACK

Napahawak ang dalaga sa gilid ng tokador nang 'di siya matumba sa kaba sa nakikita na namang galit sa mukha ni Dixal.

Ngunit sa halip na sugurin siya ng lalaki ay kinarga nito si Devon at lumabas ng kwarto.

"Ipapatikim ko sa'yo ang masarap na luto ni Dixal," anito sa bata habang karga ang huli at sa isang kamay ay bitbit ang binili nitong hipon kalakip ng mga ihahalo nito sa ilulutong sticky honey garlic butter shrimps.

Habang siya nama'y akma nang susunod sa dalawa nang biglang sumakit ang kanyang dibdib kasabay ng pamamanhid ng kanyang ulo.

"D--dixal--" tawag niya sa lalaki ngunit nakalabas na ito ng kwarto kasama ng bata.

Napahiyaw siya sa sakit kasabay ng biglang pag-flashback ng ilang bahagi ng kanyang nakalimutang alaala.

"You're mine from now on Amor. No one is allowed to touch even your skin aside from me." Nakikita niya ang lalaki habang nasa loob ng sasakyan at siya nama'y nagmamadaling lumabas ng kotse nito.

"Dixal---" tawag pa rin niya sa lalaki sa pagbabakasakaling marinig siya nito.

Sa sumisikip na dibdib at namamanhid na ulo'y nakita na niya uli Anton na inaakbayan siya.

"Didn't I tell you know one is allowed to touch you but me?" narinig niya na uli ang boses ng lalaki kaya't agad siyang lumayo sa kaibigan.

"'Wag mo akong akbayan, Beshie," wika niya kay Anton.

"Dixal, I swear, nasa gilid na ako ng daan. Wala talaga akong balak tumawid, pero ang sasakyan ang gumilid at--" nakikita niya ang sariling mahigpit na nakayakap sa lalaki.

"Ssshh, I know," tugon nito.

Agad siyang pinagpawisan sa mga alaalang biglang nanumbalik sa kanya. Subalit bigla rin nawala ang mga 'yon kasabay ng pagtigil ng sakit ng kanyang dibdib at pagkawala ng pamamanhid ng ulo. Huminga siya nang maluwang at pilit kinampante ang sarili saka dahan-dahang umupo sa gilid ng kama, ilang beses na huminga nang malalim.

Bakit halos lahat ng nakikita niyang alaala ay tungkol kay Dixal? Ga'no ba talaga niya kamahal ang lalaki noon na kahit si Anton ay pinagbawalan niyang akbayan siya nang dahil lang sa sinabi nitong walang pwedeng makahawak sa balat niya liban dito? Gano'n ba talaga siya ka masunurin sa lalaki? Kaya naninibago ito sa kanya ngayon at galit na galit dahil iniisip nitong lumalandi siya sa iba?

Pero malakas ang kutob niyang kaya bumabalik ang ilan sa nawala niyang alaala dahil nakita niya itong galit kaya sumakit agad ang kanyang dibdib. Ibig bang sabihing kailangan niyang galitin ang lalaki para sumakit na naman ang kanyang dibdib para maalala ang lahat ng kanyang nakaraan kasama ito?

Napailing siya. Nakakatakot ang mukha ni Dixal 'pag galit. Hindi man ito nananakit pero ramdam niya sa mga mata at mukha nito ang puot. Ayaw niyang ulitin ang pangyayari kanina.

Pero pa'no kung 'yon lang ang paraan para bumalik ang kanyang nawalang alaala? Ibig bang sabihin, sobrang bigat ng kanyang pinagdaanan noon at nang 'di niya nakayanan ay kinalimutan na lang ang mga bagay na 'yon? Kung ganun pala, bakit niya gugustuhing balikan ang mga 'yon? Bakit 'di na lang niya tuluyang ibaon sa limot ang lahat?

Ahh ewan, nalilito rin siya.

Nang masegurong okay na siya ay saka siya tumayo at sumunod sa dalawa papuntang kusina.

Sa may sala pa lang ay naaamoy na niya ang mabangong niluluto ni Dixal.

Marunong palang magluto ang lalaki.

"Hindi ka rin po kumakain sa luto ng iba?" narinig niyang tanong ni Devon habang nakaupo ito sa mataas na silya at nakaharap sa stove habang si Dixal nama'y tinakpan ang gamit na kawali sa paglululuto saka humarap sa bata.

"Yup. Pero minsan kumakain ako sa labas 'pag may ka-meeting ako. But I often cook my own food," nakangiting sagot nito sa bata ngunit nag-iba ang timpla ng mukha nang makita siya sa bungad ng kusina.

Halata ngang galit pa rin ito sa kanya. Pero wala naman siyang ginawang masama kanina. Alangan namang 'di niya asikasuhin ang pinsan ni Elaine eh kaibigan rin naman niya iyon no'ng nasa college pa siya. Sa katunayan nga, sa kabaitan at pagiging palabiro at masaya nitong kasama, muntik na niya itong maging bf kung 'di niya lang inisip ang anak at ang pag-aaral niya.

"Amor, come," nang lumingon ang bata at makita siya'y tawag nito saka tumayo mula sa pagkakaupo at patakbong lumapit sa kanya para hilain siya palapit sa niluluto ni Dixal.

"Look, Amor. Marunong ang daddy ko magluto ng ulam," anitong 'di maitatago ang saya habang kasama ang lalaki.

Tipid siyang ngumiti, pagkuwa'y panakaw na sinulyapan si Dixal na sumeryoso ang mukha nang makita siya.

"Amor, you should know how to cook food too," anang bata na sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag siyang Amor sa harap ng ibang tao.

Tumango siya.

"Sige--bibili akong cookbook at mag-aaral akong magluto para sa'yo," aniya sa batang sandaling natahimik.

"You will do that for me?" tila 'di ito makapaniwala sa sinabi niya.

Tumango siya.

"See, Dixal. Amor is trying to be a good mother to me now," pagmmayabang nito sa lalaki.

Namula siya sa narinig mula sa anak. Napahiya siya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung anong mga bagay ang na-miss nito sa kanya bilang isang ina. Pero gaano ba nananabik sa kanya ang bata na ultimo pagluluto ng pagkain ay gusto nitong matutunan niya? Wala siyang hilig do'n, sa totoo lang. Noong nag-aaral siya, nakasubsob ang ulo niya lagi sa mga aklat. At ngayong may trabaho na siya, nakatuon naman ang kanyang atensyon sa trabaho. Wala na siyang panahon para ipakita sa bata ang pagiging isa niyang ina.

"Gusto mo bang tumira sa bahay kasama si Amor?" alok ng lalaki rito pagkatapos patayin ang stove.

Nagliwanag ang mukha ng bata saka tumingin sa kanya.

"Amor, will you agree with it?" usisa nito sa kanya.

Maluha-luha siyang umiwas ng tingin sa bata. Ngayon siya naniniwalang 'di nga ito nagmana sa kanya ng ugali. She's a selfish woman na sarili lang ang iniisip samantalang ang batang ito sa kanyang harapan, sa halip na sumagot agad ng oo ay siya muna ang tinanong kung papayag siya.

"Mag-aaral na lang akong magluto ng ulam anak, para hindi mo na kailangang kumain sa luto ng iba," sagot niya habang ilang beses na kumurap bago bumaling rito. Nahuli pa niya ang pag-awang ng bibig ng bata saka lumapit sa kanya at nagpakarga.

"Dixal, will you just stay here with us? Ayaw ng mommy ko lumipat sa bahay mo,"

wika ng bata ngunit sa kanya mahigpit na nakayakap.

"No, kiddo. I'll surely make your mom agree with me," paniniyak ng lalaki habang nagsasandok ng ulam sa malaking mangkok at inilapag 'yon sa mesa.

"Amor, why don't we just stay in dad's house?" bulong nito sa kanya.

"Saka na 'pag bumalik ang alaala ko." Hindi niya alam kung bakit 'yon ang naisagot niya.

"'Pag naalala mo na si Dixal, uuwi na tayo sa kanya?" tanong na uli nito.

"Maybe, I'm not sure," an'ya.

"Hey, kiddo. Come, let's eat na. Seguradong magugustuhan mo 'to. This is one of Amor's favorite," yaya ng lalaki saka sumulyap sa kanya.

Saka lang bahagyang inilayo ng bata ang ulo mula sa kanyang leeg at tumingin sa mesa, pagkuwa'y nagpaupo sa silya nito at excited na tinikman ang luto ng ama.

Ang lalaki nama'y nagbalat agad ng isang hipon at ibinigay sa bata.

"Hmmmm, delicious!" bulalas nito saka kumuha pa ng isang piraso at ito na mismo ang nagbalat at nagtanggal ng ulo sa hipon.

Siya nama'y umupo na rin sa isa pang silya katabi ng bata habang ang lalaki'y ramdam niya ang galit sa kanya ngunit nakapagtatakang sa kanya pa rin tumabi ng upo.

Patay-malisya siyang kumuha ng isang pirasong hipon at tinikman ang lasa niyon. Masarap nga.

"Hmmmm, sarap nga.Lasang lasa ang kunting tamis ng honey sa ulam," anya't awtomatikong sumulyap sa lalaking noon niya lang napansing nakatitig pala sa kanyang pisngi.

"You're more beautiful without anything on your face," anas nito sa kanyang tenga nang pakaswal itong dumukwang at kumuha ng ulam sa mangkok.

Nag-blush siya agad sa tinuran nito. Ang alam niya'y galit sa kanya ang lalaki at wala itong balak kausapin siya. Kaya nakakagulat ang inusal nito ngayon lang.

"Nawawala ang mga cosmetics ko kahit suklay kaya 'di pa rin ako nakakapagsuklay hanggang ngayon," sagot niya rito.

Agad humagilhik si Devon, patunay na ito nga ang nagtago ng mga nakalagay sa tokador niya.

Ngunit wala siyang oras para mainis rito o singhalan ang bata.

At lalo siyang nagulat nang isinuklay ng lalaki ang mga daliri nito sa kanyang buhok.

"Hey, amoy hipon ang kamay mo," reklamo niya saka tinapik ang kamay nito't napatitig sa lalaki.

Nagtama ang kanilang mga mata. Himala, tila humupa na ang galit nito, sa halip na salubong ang mga mata'y malagkit na ang tingin sa kanya dahilan upang mapayuko siya at iiwas ang mukha.

"How long did you cry, Amor?" paanas na naman nitong tanong nang dumukwang na uli para kumuha ng ulam sa magkok at sinasadya man o hindi pero sa tuwing dudukwang ito'y tumatama ang pisngi nito sa basa pa niyang buhok.

Nagulat na naman siya sa inusal nito. Mali pala ang akala niyang 'di nito pansin ang namumugto niyang mga mata.

"Itanong mo sa sarili mo," pairap niyang sagot saka kumuha uli ng isa pang piraso sa mangkok.

"I really hate myself for loving you this much," matigas na naman usal nang tumigil ito sa pagnguya at awtomatikong mapabaling siya rito.

Umawang ang kanyang bibig para magsalita ngunit walang lumabas mula roon, nakatitig lang sa lalaking 'di niya matukoy kung anong emosyon ang nasa mga mata.

Pagkuwa'y muli niyang iniiwas ang tingin rito't dadampot na sana ng ulam sa mangkok nang mapansing dala-dala na 'yon ni Devon palabas ng kusina.

"Hoy, bata pahingi uli!" tawag niya.

"Uubusin niyo ulam ko eh!" nakasimangot na sagot nito ngunit humagikhik pagkuwan.

"Devon pahingi!" tawag niga saka tumayo pero hinawakan siya sa kamay ng lalaki at hinila na uli paupo saka siya biglang ikinulong sa mga bisig nito.

"Hanggang kelan mo ako sasaktan, Amor?" Ramdam niya sa boses nito ang pagtatampo sa mga bagay na pinaggagawa niya kanina lang.

"Pa'no kitang sinasaktan?" maang niyang tanong sabay taas ng kamay upang itukod sana sa dibdib nito at ilayo ang katawan mula rito subalit hindi niya ginawa.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayong walang pwedeng magmay-ari sayo liban sakin?"

Napapitlag siya nang sa mismong tenga niya ito bumulong.

"Don't hit my limit, Amor. I already told you I hate liars," babala sa kanya.

Ilang beses siyang napalunok lalo na nang humigpit lalo ang yakap nito sa kanya.

"We're just friends. Pinsan siya ni Elaine. Tsaka malapit ako sa kanya nung college pa kami. It was just natural for me to act like that in front of him kasi madalas naman din siyang magpunta rito noon kasama ang best friend ko," paliwanag niya, pero hindi alam kung mauunawaan siya ng lalaki.

"A friend is a friend. A lover is a lover! Don't be too naive when it comes to men!" tumigas na naman ang tono nito ngunit pinipigilan lang na itaas ang boses nang 'di marinig ng bata sa labas ng kusina.

"Dixal--"

Saka lang ito lumayo sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat saka siya tinitigan nang mariin.

"Listen to me, Amor. You're treating your friends as friends but not all of them are real. That bastard is a jerk. You really don't know him. Your husband is a businessman. Marami akong kalaban sa negosyo. And that man is one of them. He will just use you against me," paliwanag nito.

"Enough, Dixal!" awat niya rito, nakaramdam na ng inis sa mga lumabas sa bibig nito.

"'Wag mong sabihing pati si Elaine pinagbibintangan mo na rin. Kaibigan ko siya, matalik ko siyang kaibigan. At 'wag mo ring sabihing pati ako gusto mong akusahan dahil kaibigan ko ang pinsan ni Elaine." Bahagya niya itong itinulak saka siya tumayo ngunit nahawakan uli nito ang kanyang kamay at muli siyang niyakap.

"You're my wife. I'll do everything to protect you. Pero bakit ang kitid ng utak mo at 'di ka makaunawa? Your friends are my enemies when it comes to business. Pa'no kung gamitin ka nila laban sakin?" nasa boses na nito ang pag-aalala para sa kanya.

"They're not like that. Mababait silang tao, Dixal," pagtatanggol niya sa mga kaibigan.

Nang biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang boses ni Anton.

"Put--! You don't know her! She's a very dangerous woman! Gamitin mo kukuti mo, Flor! Mas lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon ng pamilya mo! Don't act as if you're so smart when you're not!"

Agad niyang nasapo ang ulo nang marinig ang galit na boses na 'yon ng kaibigan.

Nag-away ba sila ni Anton noon? Bakit galit na galit ito sa kanya? Dangerous woman? Sino ang tinutukoy nito?

Naitulak niya si Dixal saka napakapit sa gilid ng mesa habang sapo ang noo. Ang sakit no'n, 'di na niya mainda ang sakit.

"Amor, what's wrong?" nag-aalalang usisa ng lalaki at agad siyang inalalayan.

"Nag-away ba kami ni Anton noon? Bakit magkaparehas kayo ng sinasabi sa'kin? 'Di ba asawa kita? For sure, alam mo kung ano'ng nangyari samin ni Anton dati," curious niyang tanong rito ngunit 'di niya maititig ang mga mata sa lalaki't napapapikit siya sa sakit ng kanyang ulo kaya 'di niya nakita kung pa'no ito natigilan at pilit kinampante ang sarili bago nagsalita.

"Nakalimutan ko na ang mga bagay na 'yon." sagot nito.

Chương tiếp theo