webnovel

CAUGHT THROUGH HER OWN MOUTH

Nagsisimula na ang quiz bee nang bumalik sila sa kinauupuan. Mabuti na lang at Makabayan ang unang subject na tinawag at hindi pa kasali doon si Devon. Magkatabing umupo ang mag-ama samantalang siya'y pumagitna sa bata at sa guro nito.

"Ma'am, sir. Mathematics po ang sunod na quiz. Kasali na po si Devon. Ako ang maghahatid sa kanya sa entablado," anang guro.

Tiningnan niya ang entablado, naka-design ito tulad ng isang silid aralan, ngunit sa halip na upuan ay may mahabang mesa at tatlong silya sa bawat hanay ng mesa at malaki ang pagitan ng mga partisipante sa bawat isa upang maiwasan seguro ang kopyahan.

Ang bawat estudyante'y may hawak na illustration board na kasinlapad ng long bond paper at tig-iisang chalk at eraser.

Ngayon pa lang kinakabahan na siya para sa anak. Pa'no kung magtantrums ito doon 'pag 'di nito nalaman ang sagot? Knowing Devon, bigla pa naman itong bumubulyahaw ng iyak kahit sa maliit lang na dahilan.

Ngunit nang bumaling siya sa bata, halata ang saya nito sa mukha habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Dixal, iyong hawak na para bang natatakot itong iwan uli ng lalaki, habang ang huli nama'y hinalikan sa noo ang bata ngunit mula nang umupo sila ay 'di siya kinausap o sinulyapan man lang. Pansin pa nga niyang malalim ang iniisip nito kaya naiilang din siyang makipag-usap sa lalaki. Naiilang siya to the point na nakakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Galit ba sa kanya ang lalaki? Saan nito nakita si Devon? Bakit tila alam ng guro ng bata na ito nga ang ama ng huli? Magkakilala ang tatlo? Huwag sabihing si Dixal ang sinasabi ng gurong dumalo noon sa meeting ng anak niya at hindi si Harold.

Umawang ang kanyang mga labi sa pagkagulat.

Ibig sabihin, matagal nang magkakilala ang mga ito? Bakit wala man lang siyang alam tungkol do'n? At alam 'yon ni Harold? 'Wag din sabihing nang mawala ang bata sa Robinson ay kay Dixal ito sumama kaya umiiwas noon si Harold makipag-usap sa kanya dahil alam nitong uungkatin niya kung bakit gano'n na lamang humagulhol ang bata, marahil ay sapilitan na kinuha ng kapatid si Devon mula kay Dixal.

Nasapo niya ang biglang sumakit na ulo. Andami na pala niyang namiss na mga pangyayaring ngayon niya lang nalaman. Pa'no pa maniniwala ngayon si Dixal na wala itong relasyon sa bata kung magkaiba sila ng sinasabi ni Harold? Ang 'di pakikipag-usap nito sa kanya ngayon ay patunay lang na alam na nito ang kanyang sekreto.

Natapos nang gano'n lang ang unang subject.

Sunod na tinawag ay ang mathematics at tinawag isa-isa ang participant ng bawat division kasama ang mga coach ng bawat isang mag-aaral.

Subalit bago tawagin ang pangalan ni Devon ay magkasabay nitong hinawakan ang tig-isa nilang kamay ni Dixal saka pinagsaklop ang mga 'yon, pagkuwa'y nakangiting pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawang tila nagkaroon ng mataas na pader sa pagitan nila't 'di man lang nila magawang mag-usap ngunit himalang 'di tinatanggal ni Dixal ang pagkakadaop ng palad nito sa palad niya at wala rin naman siyang balak na hilain ang kanyang palad mula rito. Mas gusto niyang pagbigyan sa ngayon ang bata nang ma-inspire itong sumagot nang tama at 'di mag-tantrums.

"Dixal, do you think I can do it?" tanong nito sa ama.

"Yes kiddo. I trust you this time. But whatever happens, sportsmanship is a very good attitude for a contestant like you. You know what I mean?" wika ng lalaki.

Matamis ang ngiting pinakawalan ng bata sabay tango saka tumayo nang tawagin ang pangalan nito.

'Di sinasadyang mapisil niya ang palad ni Dixal. Siya ang nenenerbyos para sa anak.

Ngunit sa kabila nang ramdam niyang galit ni Dixal sa kanya'y gumanti ito ng marahang pisil sa kanyang palad, para bang sinasabing, it's okay, sweetie. Trust the kid on this."

Huminga siya nang malalim. Magtitiwala siya kay Devon. Magtitiwala siya sa angking katalinuhan ng bata.

Isa-isang ipinakilala ng emcee ang bawat mag-aaral na kalahok sa quiz bee kasama ang kani-kanilang mga coach o adviser, bale bente lahat ang mga mag-aaral na kalahok.

Pagkatapos ipakilala ang lahat ng participants ay pinaupo na ng emcee ang mga 'to at pinabalik na sa upuan ang mga guro.

Halos 'di siya kumukurap kakatitig kay Devon habang nakamasid ito sa kanilang dalawa ni Dixal.

Ang kanyang anak, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga kalahok na halos 'di makita sa taas ng mesa sa harapan nito kaya't nag request ang emcee ng mas mataas na silya nang 'di ito mahirapang magsulat sa ibabaw ng mesa.

"Listen carefully. There will be five questions for the easy round. Each question is worth 2 points. You will have to write the letter of your answer on a piece of illustration board. I will just repeat the question twice and you'll answer within thirty seconds," simula ng lalaking quiz master.

Napaayos siya ng upo sa narinig.

Sinimulan ng quiz master ang tanong. Sum of numbers lang naman ng five digit numbers.

Napanganga siya. Pa'no makakasagot nang gano'n kabilis ang anak niya eh ilang digits 'yon?

Subalit nagulat siya nang may nailagay na sagot si Devon, at lalo siyang nagulat nang isa ito sa mga tama ang sagot.

Pangalawang tanong, napisil niya nang madiin ang palad ni Dixal sa kaba. Pero nakapagtatakang tila 'di man lang nahihirapan ang anak na sumagot.

Anong tuwa niya na nang matapos ang easy round at I announce ng quiz master ang resulta ay ito lang ang nakaperfect ng sagot.

Nagsimulang magbulungan ang mga naroong guro at mga magulang. Pati ang mga board of judges sa unahan nila'y nagsimula na ring magbulungan, inaalam kung sino ang maliit na batang kalahok.

Si Dixal nama'y tahimik lang ding nakamasid sa bata, tila malalim pa rin ang iniisip ngunit ramdam niya ang pagpisil nito sa kanyang palad na nang mga sandaling iyo'y magkadaop pa rin, walang bumibitaw sa isa sa kanila.

Nagsimula na ang second round. Pahirap nang pahirap ang mga tanong ng quiz master ngunit tila balewala lang 'yon para kay Devon.

Nakakunot-noo na siyang nakatitig rito. Ga'no katalino ang anak niyang ito? Bakit para lang itong naglalaro sa mga tanong ng quiz master habang ang mga kalaba'y pinagpapawisan na sa bawat upuan ng mga 'to.

At natapos ang average round na 'yon na lahat ng sagot nito ay tama at lima na lang sa mga kalahok ang qualified for the next round, Difficult round.

Lalong napalakas ang bulungan ng mga naruon, halos lahat ay curious kung sino 'yong batang maliit na kalahok sa contest.

Siya nama'y nawala ang nerbyos saka kinawayan ang anak at nag thumbs-up. Napangiti lang ito, napahagikhik siya.

"Galing ng an--kapatid ko noh? " baling niya kay Dixal, muntik nang madulas ang dila niya, ngunit 'di ito nagsalita kaya 'di na rin siya muling nagsalita.

Nagsimula na ang last na round, ang difficult round.

"We also have five questions for this round and each question is worth twenty points. You only have thirty seconds to answer the question," simula na uli ng quiz master.

'Di na mapakali si Flora Amor sa kinauupuan.

Hahablutin na sana niya ang kamay mula sa lalaki ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak niyon.

"Dixal, naiihi ako. Teka lang iihi ako," bulong niya.

"Stay!" mahina ngunit matigas ang boses nito nang magsalita.

Wala siyang nagawa kundi manatili sa upuan at kontrolin ang nerbyos na nararamdaman.

"First question for the difficult round: What is the sum of the measures of the interior angles of a quadrilateral?" anang quiz master

"My gosh pang college na ang tanong na 'yan ah," pabulong niyang sambit kay Dixal ngunit hindi ito sumagot pero nahuli niya ang ngiting sumilay sa mga labi nito nang makita ang sagot ni Devon sa illustration board.

"360 degrees."

At 'di inaasahan ng lahat na ito pa ang makakasagot sa tanong na 'yon, maliban dito'y mali na ang lahat ng sagot ng apat na mga kalahok.

Nagsimula nang mag-ingay ang mga naruon. Lalo na nang matapos ang round nang walang nakasagot sa mga kalahok maliban kay Devon.

Hindi na siya halos humihinga nang iabot ng isa sa mga board of judges ang isang card kung saan nakalagay duon ang panalo sa quiz bee sa Math subject.

At nang banggitin na ang pangalan ni Devon, kapwa sila ng guro napalundag sa sobrang tuwa. Si Dixal nama'y napilitang bitawan ang kanyang kamay saka pinagkiskis nito ang dalawang palad at huminga nang maluwang saka nagmamadaling kinuha ang bata sa entablado at kinarga, sa mukha ay halatang halata ang pagmamalaki na tila nagsasabing, "Hey everyone! This is my kid. I'm the father of this kid."

At ang lahat ng paningin ng mga naruon ay napako sa mag-ama.

Subalit may isang lalaki sa lipon ng mga magulang ang biglang tumayo at nagsalita.

"Sir, I would like to ask kung ilang taon na po ang anak niyo. Kasi ang pagkakaalam ko, mula lang 10 hanggang 13 ang pwedeng sumali sa contest mula sa elementary level," wika ng lalaki.

Ang guro ni Devon ang sumagot.

"Sir, let me answer your question. My pupil is just six years old and a grade two pupil pero pumayag po ang mga board of judges na isali siya, why po, because he passed all the preliminary tests to qualify for the national quiz bee kaya nagpasya po silang ibaba mula 6 hanggang 13 taong gulang ang qualified sa contest, just in case hindi niyo po alam 'yon." malinaw na paliwanag ng guro.

"That kid is obviously cheating not unless he has mind like Einstein!" malakas na wika ng isa pang babae.

Nagkagulo na ang lahat ng mga naroon. Walang makapaniwalang ang pinakamaliit na batang kalahok ang siyang magiging champion sa math subject, tinalo pa ang labinsiyam na mga kalahok. Ang nasa isip ng lahat, nag-cheat ito.

"Okay po, mga ma'am and sir." anang isa sa mga judge na nang tingnan ni Flora Amor ay nagulat pa siya nang makilala si Joven na kasama sa mga board of judges at hawak ang microphone na ginagamit ng quiz master.

"Hello everyone. I'm one of the board of judges here and I myself can testify that no cheating had happened during the contest. Kahit kami po, 'di namin alam ang mga sagot sa tanong, tanging ang quiz master lang ang nakakaalam niyon dahil siya ang may hawak ng test questions and answers . But if you are all doubtful about it, bakit 'di natin uli isabak ang bata para sa limang karagdagang katanungan o kung gusto niyo kumuha kayo ng isang college participant, a genius one nang malaman natin kung karapatdapat bang maging Math champion ang batang to," anang lalaki.

"Hey, bakit niyo pinaglalaruan ang bata eh halata namang nanalo siya sa contest, ayaw niyo lang amining natalo ang mga anak niyo!" hindi niya mapigil ang sariling sumabad.

Nangunot ang noo ni Joven nang marinig siyang nagsalita.

Si Dixal nama'y napahinto rin sa paglalakad at napatingin sa kanya.

Subalit 'di nila kayang pigilan ang mga magulang na nagpopretesta at naninindigang nandaya ang bata at halatang may kudigo kaya nakaperfect sa contest.

Kaya't nagkaisa na ang mga board of judges na isali ang bata sa contest para sa tertiary level. Saka lang natahimik ang lahat.

"Dixal, this is really absurd," paghingi niya ng saklolo sa kalalapit lang na si Dixal karga ang nakayakap ditong anak.

"Bakit kailangan nilang pahirapan ang bata eh halata namang hindi siya nag-cheat. Paano siyang mangungupya eh malalayo ang agwat ng iba sa kanya at tanging siya lang ang nakaperfect ng score sa kanilang lahat," katwiran niya.

"Relax Amor, let them do what they want. This is just a contest," kaswal na sagot ng lalaki na sa wakas ay nagawa na ring magsalita.

"Dixal, kagagaling lang ni Devon sa lagnat. Baka mabinat ang anak ko sa gusto nilang--" paliwanag niya sa lalaki subalit laking pagsisisi niya nang sa mismong bibig manggaling na anak niya si Devon at huli na para bawiin iyon.

Kasabay nang pamumutla niya ay ang pagkuyom ng mga palad ng lalaki at pagtiim ng bagang nito habang tila nag-aapoy ang mga titig sa kanya.

"D-dixal--" Hindi na niya alam ang sunod na sasabihin sa galit na nakikita sa mga mata nito.

Chương tiếp theo