webnovel

Kabanata Katorse: Lihim na kaganapan (1)

HINDI MAKAPANIWALANG nakatingin lang ang dating prinsipe (ngayo'y emperador) Ringo sa kaisa-isang kawal na bumalik mula sa kaniyang pinagawa; upang hanapin ang bangkay ni Kira at dalhin sa Titania upang mabigyan ng disenteng libing.

Gulo-gulo ang kaniyang buhok na kakulay ng uwak habang umuupo sa kaniyang trono at ang makisig na mukha ng emperador ay halatang pagod dahil sa kaitiman ng gilid ng kaniyang mga mata dahil dalawang araw na siyang walang tulog at disenteng kain.

"Vien, ano'ng nangyari? Bakit ikaw na lang ang bumalik?" Halata ang pagod sa boses ng emperador habang kinakausap ang kawal na si Vien; na puno ng sugat at dumi ang katawan.

Yumuko ang kawal pagkaraa'y tinignan sa mata ang emperador at hindi man lang hinintay ang permiso ng emperador. "Patay na po si heneral Eode at ang ibang kawal pati na rin ang mga higante." natigilan ang emperador nang marinig ang tungkol sa mga higanteng hindi naman niya pinadala.

Tumayo siya sa pagkakaupo at tiningnan ang kawal. "Ano ang sinasabi mong higante? Wala akong pinadalang higante noong pinadala ko kayo roon! Papaanong-" pinutol ng kawal ang sasabihin sana ng emperador.

Naglakad palapit ang kawal sa emperador na hindi inaalis ang mga tingin sa emperador. Pakiramdam nga ng emperador ay matatalim ang mga titig nito. "Paumanhin sa pagpuputol ng iyong sasabihin, emperador. Ngunit, totoong may pinadalang higante at 'di ba ang iyong pinagawa ay suyurin lamang ang kagubatan at hanapin ang bangkay ni binibining Kira? Ngunit itong si heneral Eode at ang inyong asawa ay nagsabwatan at iniba ang inyong pinapagawa... Buhay pa si binibining Kira at inutos ng inyong asawa na tuluyan nang patayin ang binibini." Tila binuhusan ng malamig na tubig ang emperador nang marinig ang balita. Masaya siya nang malamang buhay pa si Kira ngunit nag-iinit siya sa galit sa nalamang pinapaggawa ng kaniyang asawa.

Naramdaman niya ang paglabas ng kaniyang lilang apoy (ang kaniyang kapangyarihan) kinuyom niya ang kaniyang kamao habang umiigting ang panga. "A-Ang hayop na babaeng iyon!" dumagundong ang boses ng emperador sa silid at halos mabasag ang mamahalin na plorera sa may trono dahil sa lakas ng kaniyang boses.

"Huminahon kayo, kamahalan. Kung susugurin niyo ang iyong asawa ngayon ng walang konkretong plano para siya ay mapabagsak ay baka ikaw ang kaniyang ipapabagsak." Hinawakan ng kawal na si Vien ang braso ng emperador at nilagiyan ng kaunting lakas upang mapaupo ang emperador sa kaniyang trono.

Ang emperador nama'y nagulat sa inasta ng kaniyang pinaka-tapat na kawal. Ang kawal na ito kasi ang tinaguriang pinaka-mahina at pinaka-matatakutin sa lahat ngunit kung magsalita ito ngayon ay mas may alam pa ito sa kaniya at isa pa, ito lang ang nakaligtas at nakabalik ng buhay.

Ngunit... Bigla niyang naisip-sino ang pumatay sa mga kawal at sa heneral?

Maraming misteryo sa storya na ito at ang buong kabanata katorse ang simula upang magkatagpi-tagpi ang lahat at lumalim pa at maging komplikado ang laban.

LaSolaPythia_creators' thoughts
Chương tiếp theo