webnovel

Chapter Forty-Four

"Mary Rose, wala ka sa concentration kanina. Ano'ng nangyari? May sakit ka ba?" tanong ni Mrs Cuenco kay Mary Rose na kanina pa tulala at wala sa sarili.

Nag-aalalang tumingin ang dalawa niyang teammates sa kanya.

"Sorry po," nakayukong sagot niya. Hindi niya masabi sa mga ito ang kanyang problema. "Medyo masakit lang po ang ulo ko. Sorry po."

Bago mag-umpisa ang contest, nakatanggap siya ng text mula sa kanyang kapatid. Sinabi nito na naaksidente ang kanilang ina at kasalukuyang nasa ospital. Nahagip daw ito ng tricycle habang naglalako ng mga kakanin.

Bukod sa nawalang kita para sa isang araw, napuruhan ang tuhod ng kanyang ina nang matumba. Matagal nang may iniindang sakit sa tuhod ang kanyang Nanay at hirap makalakad, ngayon ay nadagdagan pa ito.

Ang pinaka-problema nila ngayon ay ang pambayad sa ospital at gamot. Walang ibang kasama ang Nanay niya roon kung hindi ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi nito alam kung ano ang gagawin.

Gusto niyang umuwi at maghanap ng mauutangan sa lugar nila. Pero hindi siya makakauwi hangga't hindi pa natatapos ang contest. Nakapasok ang team nila ngayon sa semi-final round. Bukas na gaganapin ang finale. Alam niyang importante ito sa team at sa eskwelahan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"Kung ganon bumalik na tayo sa kwarto para makapagpahinga ka na," sabi ng guro at naglakad na sila paalis.

"Teka lang po, pwede po pa munang dumaan sa CR?" tanong ni Aisha.

"O sige, pumunta ka na," sagot ni Mrs Cuenco sa dalaga.

Nagpasama si Aisha kay Mary Rose at sabay silang dalawa na umalis.

***

"Congratulations to St. Celestine High! Babalik kayo bukas at lalaban para sa final round! May chance kayo na makuha ang trophy at cash price. Once again, congratulations. And now, we would like to thank..." Habang nagsasalita ang host ay makikita ang team ng tatlong babae na puno ng saya ang mga mukha. Nawala na ang kaninang matinding tensyon na nararamdaman nila. "Abangan ninyo ulit ang St Celestine High bukas. I am your host, Nathaniel Quizon, and this is the National Quiz Bee! That's all for todays event, see you all again tomorrow!"

"TAMMY!!!" sigaw ni Willow nang matapos ang contest at makalabas sa silid. Nakita nito ang kaibigan sa waiting area at kaagad na yumakap. "Tammy, nanalo kami! Pasok kami sa final round!"

Ngumiti si Tammy at ipinatong ang palad sa tuktok ng ulo nito. "Hmm. Very good. Nakapasok din kami. Ang ibig sabihin, magiging magkalaban tayo bukas."

'Eh?' Napaka-weird pakinggan na magiging magkalaban sila ni Tammy. Si Tammy ang kanyang bestfriend at ngayon lang sila magiging magkalaban. Hindi parin komportable si Willow na marinig ito.

"Eh... Tammy, nagugutom na ako. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Hinihintay kita."

"Waaaahh!! Tammy, mahal mo talaga ako! Huhu!" sobrang saya ni Willow sa narinig at muling yumakap sa kaibigan.

Natural na hindi palalagpasin ni Tammy ang pagkakataon na ito upang patabain ang kaibigan niya. Kailangan niyang damihan ang order mamaya.

Hindi alam ni Willow na isa na namang bitag ang naghihintay para sa kanya. Kawawang Willow na umiiyak pa sa tuwa at walang kamalay malay sa binabalak ng kaibigan.

Maglalakad na sana sila paalis nang makarinig sila ng kaguluhan. Napatingin sina Willow at Tammy at nakita nila ang teammate ni Willow na si Jasmine. Mukhang natataranta ito habang tinitignan ang bag.

"Wala na rito!" sabi ni Jasmine na halatang nagpapanic.

"Are you sure?"

"Magkano ba ang nawawala?"

"Five thousand," malungkot na sagot ni Jasmine. Namumula na ang mga mata nito.

"Atleast hindi nawala ang mga cards mo."

"That's not the point. Sino ang maglalakas ng loob na magnakaw dito?"

"Girl, saan mo ba huling iniwan ang bag mo?" tanong ng kasama nitong babae.

"Last time... Ah! Naiwan ko 'to sa washroom. Iniwan ko sa may sink, hinabilin ko sa isang estudyante na bantayan and then pumasok na ako sa cubicle," namutla si Jasmine sa sinabi. "Pero... imposible naman na kinuha niya, hindi ba?"

"Naaalala mo ba ang mukha niya?" tanong ng katabi nito.

Tumango si Jasmine.

"Don't worry, hahanapin natin siya."

Hindi man close si Willow kay Jasmine, teammate parin niya ito. Kaya naman nilapitan niya ang dalaga.

"Jasmine, gusto mo ba'ng tawagin ko si teacher?" tanong ni Willow.

"Wi-Willow..." Biglang umiyak si Jasmine at yumakap kay Willow.

Napakurap si Tammy sa tabi habang nakatingin sa dalawang babae. Nahihiya naman na humiwalay si Jasmine kay Willow nang marealize ang ginawa. Pinahid nito ang basang pisngi at napipilitan na ngumiti.

"Thank you, Willow. Pero ayoko naman na palakihin pa ang gulo. Baka... baka ma-disqualify ang team nila. Hayaan ko nalang. Hindi naman niya kinuha ang cellphone at credit cards ko e."

"You're too kind, Jasmine. Pero hindi pwede 'yon," singit ni Tanya.

"I agree! May gumagalang thief dito. Baka mamaya niyan mangyari ulit," sang-ayon ni Lincee.

"They have a point. Kailangan natin hanapin ang gumawa nito dahil baka may mabiktima na naman. Don't worry Jasmine, we will help you," sabi ni Erika.

"But... we have no proof," malungkot na sabi ni Jasmine.

"Kung hawak pa niya ang pera, matinding proof na iyon."

"Pero paano kung sabihin niya na sa kanya iyon at hindi niya ninakaw?"

"Mas mabuti pa na sabihin na natin ito sa teacher o organizers para masolusyunan," sabi ni Willow.

"No! No need. Ayokong lumaki ang gulo and besides baka masira ang pangalan ng paaralan nila."

"Nanakawan ka na, sila pa inaalala mo?"

"Alam mo ba kung ano ang pangalan ng school niya?"

"Hindi pero... nakita ko na rin siya kahapon. Actually, nakita ninyo na rin siya Lincee, Erika, Tanya. Nakita nyo siya kahapon."

"Really? Who?"

"Naaalala nyo pa ba yung babaeng may hawak ng antique na cellphone?"

"Antique...?"

"Oh, yeah! I remember! Yung matibay na cellphone na mahaba ang battery life!"

"Yeah, I remember now."

"Then what are we waiting for? Let's go find the culprit!"

"Calling her a culprit is a bit too much. She is considered innocent until proven guilty," singit ni Tammy na may seryosong tono. Tumingin siya kay Jasmine na nakadikit parin kay Willow. "At katulad ng sinabi mo kanina, you have no proof."

Namutla si Jasmine sa narinig at yumuko.

Tumango ang ever loyal kay Tammy na si Willow. Anumang sabihin ng kanyang bestfriend ay tama. "I agree with Tammy. Hindi natin pwedeng paratangan ang isang tao unless may matibay tayong proof sa ginawa niya. We can still ask her, pero sa maayos na paraan and without being too judgy."

Nagulat sina Erika, Lincee at Tanya sa biglang nagsalita na si Tammy. Seryoso ang tono nito at mabilis makakumbinsi ng tao. Hindi nila aaminin na naintimidate sila sa dalaga.

"That's..." Tumingin si Tanya kina Erika at Lincee.

"Well... I think you're right..." nahihiyang sabi ni Lincee.

"Siguro nga masyado lang kaming excited..." amin ni Tanya.

"Then let's find her and then ask her in a nice way nalang..." sabi ni Erika.

Nag-umpisa silang maghanap sa paligid ngunit mukhang nakaalis na ito. Bumalik sila sa hotel at pumunta sa dining area, nagbabakasakali na makita ang babae roon.

"Hey! Sa wakas nandito na kayo!" natutuwang bati ng isa pang teammate ni Willow, si Giselle. Mag isa ito sa table at mukhang loner, lalo na at napapaligiran ito ng mga one team per table. "What took you guys so long?"

"Giselle, ang bilis mo nakabalik," puna ni Willow.

"Syempre gutom na gutom na ako. Nagamit ko na lahat ng brain cells ko kanina. Food is life kaya naman bumalik agad ako rito. Natikman nyo na ba yung kobe beef nila rito? My goodness, so heavenly. Anyway, umupo na kayo dali. Order na rin kayo para hindi naman ako loner, kawawa naman ako mag-isa lang."

"May hinahanap kasi kami e kaya mamaya nalang siguro."

"Ehhh? Akala ko pa naman may makakasama na ako mag-foodtrip. Ano ba ang hinahanap ninyo?"

"Ganito kasi 'yon..." Kinwento ni Willow kay Giselle ang nangyari.

"Oh." Kumurap kurap si Giselle matapos marinig ang buong pangyayari. Tumingin ito bigla kay Jasmine. "Alam ko kung nasaan ang pera mo Jasmine."

"Huh? Alam mo kung nasaan?" tanong ni Erika. "Where? You took it?"

"Nakalimutan mo na ba, Jasmine? Inutang ko 'yon kagabi sa'yo. Na-limit na kasi ang credit card ko. Hehe. And then umutang ako sa'yo ng cash dahil may nakita akong sale."

"Seriously?!" sabay na tanong nina Tanya at Erika.

"Yup! Ito nga o, suot ko na yung damit na binili ko. Bagay ba? Ang cute no?"

"Wait, I also have that shirt," sabi ni Lincee habang nakatingin sa damit.

"Cute right? Fifteen thousand to normally pero five thousand nalang dahil sale. Lucky!" nag-peace sign pa si Giselle habang tumatawa.

Napabuntong hininga sila sa narinig. Hindi nila alam kung tatawa ba sila o ano. Pero nagpapasalamat sila dahil sa wakas ay tapos na ang paghahanap. Mabuti nalang.

"So, wala na pala tayong hahanapin," nakahinga nang maluwag si Tanya. Nagugutom na rin siya at ngayon ay pwede na silang kumain.

"Si Giselle pala ang may kasalanan," tukso ni Lincee.

"Okay, kasalanan ko na. Anyway kumain na rin kayo. Sabayan ninyo na ako, please?"

Natawa sila sa puppy dog eyes ni Giselle at nakumbinsing samahan itong kumain.

Tumingin si Tammy kay Jasmine at nakita ang madilim nitong mukha. Mabilis din iyong nagbago at nagpakita ng malumanay na ngiti. Tumingin ito kay Willow at lumapit.

"Ah!" gulat na sabi ni Willow nang bigla siyang hilahin sa braso ni Tammy. "Tammy?"

Humawak si Tammy sa noo niya at pumikit. "Nahihilo ako, Pillow."

"Eh?! Bu—Bumalik na tayo sa kwarto. Sorry guys, samahan ko muna si Tammy sa kwarto, okay? Bye!" nagmamadaling paalam ni Willow sa mga kasama nila. "Let's go, Tammy."

Pinanood ni Jasmine si Willow na muling sumama sa kaibigan nito. Naramdaman niyang bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad.

"Close talaga si Willow sa kaibigan niya."

"Wait, saan siyang school galing?"

"Sa Pendleton High," sagot ni Jasmine na may malumanay na ngiti.

"Pendleton High?!" sabay sabay na sabi nina Tanya, Erika at Lincee.

"Yung notorious school?"

"Isa siyang Zero?"

"Wow. Talaga bang taga-Pendleton High siya? Hindi ako mapaniwala."

"So, sumasali na rin pala ang Pendleton High sa mga ganitong contest?"

"Pero hindi ba puro... you know... ang mga pumapasok doon?"

"You mean trash, right? Iyon din ang naririnig ko."

"Good to know na misconception lang pala na puro trash ang pumapasok sa school na 'yon. I think okay naman pala sila."

"Right? Mabuti nalang pinakalma niya tayo kung hindi baka napahiya na tayo ngayon."

"Oh my gosh, you're right. Just thinking about it..."

"Here comes our food!"

"Yay! Let's eat!"

***

"Thank you, Aisha. Thank you talaga," umiiyak na sabi ni Mary Rose.

"Ano ka ba? Bakit ka umiiyak? Parang 'yon lang e. Tahan na," niyakap ni Aisha ang kaibigan.

"Sorry wala akong maitutulong, wala rin kasi akong pera e," hinging paumanhin ni Hazel. "Yayakapin nalang kita. Iyak ka rin sa'kin. Okay lang mabasa damit ko."

Natawa nang bahagya si Mary Rose at niyakap din si Hazel. Ngunit hindi parin siya mapahinto sa pag-iyak.

Nalaman ni Aisha ang tungkol sa aksidente kanina nang magpunta sila sa CR. Hindi siya nag-dalawang isip na ibigay ang pocket money na hawak. Dahil wala naman silang babayaran sa hotel, ibinigay nalang niya ang pera kay Mary Rose at kaagad na ipinadala sa probinsya.

Pumasok sa silid si Mrs Cuenco matapos pagbuksan ni Hazel ng pinto.

"Nakausap ko na ang Principal, hihingi rin daw sila ng tulong kay Mayor para sa gastusin sa ospital. Mabait naman si Mayor, siguradong magbibigay iyon ng tulong lalo pa at nandito ka bilang representative ng bayan natin. Hwag kang mag-alala Mary Rose, magiging maayos din ang lahat."

Mas lalong naiyak si Mary Rose. Nabunutan siya ng mabigat na pasanin, sa wakas ay nawala na ang sikip sa dibdib niya. Matutulungan na ang Nanay niya. Magiging maayos ang lahat. Gagaling na ang Nanay niya sa ospital at hindi magkukulang sa gamot.

"Ma...maraming salamat po. Maraming... s-salamat sa inyo."

"Tahan na Mary Rose, pati kami naiiyak na rin."

"May cash price na tayong matatanggap bukas! Lahat ng kasali sa final round ay may makukuhang cash price. Kaya naman paghusayan nating mabuti!"

"Tama ka Hazel. Kaya naman magpahinga kayo ngayon para bukas ay handa kayo."

"Opo teacher!"

Chương tiếp theo