NAAAWA ako kay Daryl at the same time ay nag aalala ako dahil sa sakit niya. But I can't give him what he wants. He wanted me to stay with him for the rest of the night.
But no...
Ayokong magkaroon na naman ng dahilan para mag-away kami ni Kenshin. Masaya na kami at nagkaliwanagan na kami. Nasampal na ako ni biatch para magising sa katotohanan at itama ang desisyong nagawa ko. Tama na iyong nagkasakitan kami ni Kensh.
"Daryl, sorry pero kailangan ko talagang umuwi."
"Please, Frey..." pagmamakaawa niya. "Ang sama sama lang talaga ng pakiramdam ko."
"Then I will bring you to hospital." Iyon naman talaga ang dapat kong gawin. Dahil doon, siguradong safe siya. Hindi naman ako doctor para manatili sa tabi niya na anytime ay matutulungan siya kapag may naramdaman siyang kakaiba sa katawan niya.
Alam kong may cancer siya. Malala iyon at alam ko ring doctor ang mas kailangan niya ngayon at hindi ako.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com