webnovel

Chapter 11: Forest 6

Tumayo ako at lumapit sa Eagle.. ginamitan ko ito ng spell at pinasok ko sa 'magical room' baka magamit ko ang Eagle na to sasusunod..

Habang abala ako sa pagiisip kung anong mangyayari sa future.. bumalik na sina Hiroshi at Kagome! agad akong niyakap ni Kagome at nagsalita

"Buti naman ayos ka lang! halos patayin mo kami sa pagaalala!"

"Ugh? nag alala si Hiroshi? impossible ang sungit ng lalaking yon"

Tumahimik muna ang lahat at biglang tumalikod si Hiroshi saamin at nagsabi

"Hhmp! kung alam mo lang!"

Lumabas sya ng kweba at nagiwan ng mga prutas. Si Kagome naman halatang may sasabihin.

"Ano yun?" Tanong ko

"Ahh.. kasi si Hiroshi talagang nag alala sya ng sobra! agad nga syang umaksyon.. na gu-guilty lang ako dahil wala akong masyadong na itulong! pero maniwala ka.. nagalala talaga ako sayo!"

Napangiti ako at niyakap ko ngmahigpit si Kagome

"Ano ka ba! alam ko naman yon sa mata mo palang! hindi ka peke... at saka, mag kaibigan na tayo diba? mag kang maguilty! paminsan pa nga mismong mag kakaibigan ang nagsasakitan!"

Ang totoo nyan.. wala talaga akong alam tungkol dyan sa pagkakaibigan na iyan! wala kasi akong tunay na kaibigan..

"Sandali.. talaga bang nagalala yang Hiroshi na yan?" Tanong ko

Pumasok naman si Hiroshi at sumigaw ng sumigaw!

"Bakit ba hindi ka naniniwala!?!? ehh kung bumalik na tayo!? kanina pa tayo dito!"

At yun na nga.. umalis kami at naglakbay nanaman pabalik sa bahay ni Hiroshi at walang dudang marami nanaman kaming madadaanang beast! syempre para pahabain lang ang kwento ko.

Habang nag lalakbay kami sa kagubatan.. nadaanan namin ang isang lawa! ang linis ng tubig at maligamgam! hinawakan ni Kagome ang lawa dahil talagang maganda ito! marami ring bulaklak ang nakapalibot

Nang hawakan ko.. biglang lumitaw ang mga Fairies at nag iba ang paligid! nilagay nila kami sa isang Illusion..

"Hiroshi! bakit nung ginawakan ko biglang lumitaw nag mga fairies na ito!?"

"Aba malay ko! bakit ako ang tinatanong mo!?"

Wala ring alam si Hiroshi dito?

"Grabe ka! hindi bagay saiyo yang pangalan! hindi ka naman generous" Sabi ko

"Ha!? hoi! hindi generous ang gusto mo ha!? edi ikaw ang maghanap ng paraan para makaalis dito!"

Tumalikod saamin si Hiroshi at umupo.. kulay white ang paligid.. na sa illusion nga kami! anong gagawin? walang kahit ano dito.. ano bang ginagawa ng mga taong na sa illusion? paano sila na kakaalis? Hhm..

"Hiroshi.. sorry na.. "

"Hhmp!"

"Ayy.. sorry na nga!"

Hindi sumago si Hiroshi at tumayo.. lumayo sya saamin at umupo nanaman

"The dead shall rise!"

Pinalabas ko ang ang lion ko para takutin si Hiroshi..

"Ahhhhhhh!!!!!! oo na! oo na! talagang gusto akong kainin ng hayop na yan!!" Sigaw ni Hiroshi

"Anong gagawin natin dito? paano tayo makakaalis..?"

"Huh.. aba malay ko!"

"Grrrrrrrrr Roarrr" Sigaw ni Hyosuke

"Ah.. ano ka ba! nag bibiro lang ako..hehehe"

"So ano nga?"

"Hhm.. alam ko madalas ehh sinasaktan ng mga taong na sa loob ng illusion ang sarili nila! para bumalik sila sa katinuan"

Kumuha ako ng patalim at nilaslas ko ang sarili ko! pero biglang gumaling kaagad ang sugat ko at nawala sa kamay ko ang patalim.. hindi rin ako nakaramdam ng sakit!

"Hhm.. masakit ba? kapag hindi ka nakaramdam ng sakit sa totoo mong katawan.. ahh! hindi tayo nasaloob ng illusion! na sa loob tayo ng panaginip! ang boses ng mga Fairy ang may gawa nito! hindi naman tayo pwedeng tumunganga at mag hintay magising! kapag wala tayong ginawa.. hindi tayo magigising.. pero anong magagawa natin? halos walang kahit na ano dito!"

Ha? hindi ko sya maintindihan.. bakit nga pala hindi nag sasalita si Kagome?

"Kagome? ayos ka lang?"

Uh? umiiyak ba sya!?

"Kagome! bakit ka umiiyak? bakit?"

"Ako ang may kasalanan kung bakit tayo nandito! ahh.. kung hindi ko hinawakan ang tubig di sa-"

"Hindi mo kasalanan! ako ang may kasalanan! nung hawakan ko ang tubig saka nangyari to! huwag mong sisihin ang sarili mo.. "

Unti-unti na syang tumigil sa pag iyak at si Hiroshi naman parang timang na nasa gilid kung ano-ano ang sinasabi

"Ramble Ramble nag nag nag Ramble tsk tsk tsk wag wag wag wag" Kung ano anong sinasabi ni Hiroshi

"Hoy? anong pinag sasabi mo dyan? ayos ka lang ba? kailangan mo ba ng tulong? Hiroshi!?"

Chương tiếp theo