webnovel

Curse of the lady

******

Makalipas ang ilang araw na pamamalagi nya sa bahay ay naisipan ni Sotíra na maglakad lakad at makalanghap ng sariwang hangin. Sa kanyang paglalakad ay may nakita syang nagkukumpulang mga tao. Lumapit sya at nakipag siksikan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang dalaga na tila hinang hina at walang balak na tulungan ng mga nakakakita.

"Hoy! Magsitabi nga kayo! Padaanin nyo ako at dadalhin ko sya sa hospital! Mga wala kayong kwenta! Nakita nyo na, na kailangan nya ng tulong bakit hindi pa kayo rumesponde manlang o tumawag ng ambulansya!" Sambit ko

Dali daling binuhat ni Sotíra ang dalaga upang dalhin sa malapit na hospital, ngunit hindi nya alam ang lugar na iyon. Kaya nagtanong tanong sya.

"Sir, excuse me po. San po may malapit na hospital dito?" Sambit ko na tila hirap na hirap.

"Pasensya na, wala akong alam." Sambit nya sabay takbo ng mabilis.

"Anong problema nun? Nakita na ngang may dala akong kailangan ng tulong. Haaays. Dibale na nga. Kailangan ko tulong ni Dad. Pero paano ko pala sya tatawagin?" Sambit ko sa aking sarili.

*puff* "Ajax anak, anong kailangan mo?" Sambit ng kanyang Ama.

*Surprised* "What the?! Pano mo nalaman Dad na kailangan ko ng tulong mo?" Sambit ko na tila gulat na gulat.

"Naalala mo Ajax na may binigay ako sayong sing-sing? Nalalaman ko kung nasaan ka at naririnig ko ang lahat ng sinasabi mo. Hehe ayos ba?" Sambit nya

"Ayos na ayos Dad. Malaki pala naitutulong nito eh. Pero hindi ko gusto yung sinabi mo na naririnig mo lahat ng sinasabi ko. Hmmm. Wala rin naman siguro tong hidden camera no? *stare*" sambit ko

"Walang camera yan. Kung merong hidden camera yan edi sana hindi ko binigay sayo yan. Marami akong pagbibigyan na chix nyan. Hihihi..." sambit nya

"Tsss babaero ka talaga Dad. Nevermind that. Dad, Kailangan ko ng tulong mo. Etong babae na to nakita ko na tila hinang hina sya. May alam ka bang hospital na malapit dito?" Sambit ko

"Huh?! Hindi mo na kailangan ng hospital para pagalingin yan. Papakita ko sayo ang isa sa kapangyarihan ko. Healing Galing.." sambit nya

"Puro ka naman kalokohan Dad eh. Emergency to. Sige na Dad, mag teleport na tayo sa hospital." Sambit ko

"Hindi tayo pwedeng pumunta ng hospital. Maraming mga nagtatagong halimaw sa hospital. Ako na mag papagaling sa kanya. Ibaba mo sya."

Paglapag ni Sotíra sa dalaga ay hinawakan ng kanyang Ama ang dibdib ng dalaga.

*Shock* "Dad?! Anong ginagawa mo?! Sinasamantala mo ang kahinaan ng babae!" Sigaw ko

*smack* "Manahimik ka dyan! Tinutulungan ko ang babaeng to. Hinahanap ko muna ang sanhi ng panghihina nya." Sambit nya na tila seryoso.

"Aray ko Dad. Bakit kailangan mo pa hawakan ang dibdib nya?" Tanong ko.

"Mas madali mo kasing mahahanap ang sanhi ng sakit pag hinawakan mo ang malapit sa kanyang puso. (Thinking... Malambot)" Sambit nya.

"Wala ka namang ibang iniisip diba Dad? *stare*" tanong ko.

"Huh?! Wala! Bat ako mag iisip ng kalaswaan?" Natataranta nyang sambit.

"Ok Dad, sabi mo eh. Sana mapagaling mo sya Dad." Sambit ko

Makalipas ang ilang minuto, nagkaroon na ng malay ang babae.

"Huh? Nasaan ako?! Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Sambit nyang tila natatakot

"Ang daming tanong agad miss? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka muna? Para kang nasa pelikula na nawalan ng ala-ala nyan eh. Haha." Sambit ko

"Bakit ako magpapasalamat sa taong gustong manakit sa akin?!" Sambit ng dalaga

"Miss?! Ako mananakit ng babae? Seryoso ka? Napapaligiran ka ng mga tao kanina dahil sa nakahiga ka lang dun at parang hinang hina. Ako lang naman ang naglakas loob na tulungan ka tapos sasabihin mo na balak kitang saktan?" Sambit kong mahinahon

*stand up* "Huh? Nakahiga ako sa kalsada?" Sambit ng dalaga

"Oo miss, nakahiga ka at parang gusto kang tikman ng mga kalalakihan dun." Sambit ko

"Paanong nangyari yun? Eh nasa restaurant ako kanina, tapos may isang lalake na tingin ng tingin sa akin. Nagalit ang babae, ang sabi nya inaakit ko raw ang nobyo nya. Ang sabi ko hindi tapos inaway nya yung lalake tapos umalis na sila. Hinayaan ko nalang yun, matapos akong kumain Sa restaurant ay pumunta ako sa rest room tapos bigla nalang akong nandito." Paliwanag ng dalaga

(Invisible) "Ajax, isa sa mga kampon ni Elizar ang dahilan kung bakit sya nag kaganyan. Ang mabuti pa ay iwasan mo na sya. Natulungan mo na rin naman sya, sapat na yun. Wala na akong lakas para labanan pa ang naglagay ng sumpa sa kanya. Malakas ang halimaw na yun at sigurado ako. Halos maubos ang lakas ko sa pagtanggal lang ng sumpa. Umalis na tayo." Sambit nya

*Nod* "Sige miss. Mauuna na ako. Sa susunod na may lalake na may kasamang jowa. Iwasan mo na agad. Dahil sa susunod wala ng tutulong pa sayo na gaya ko." Sambit ko

"Teka sandali, anong pangalan mo?" Sambit ng dalaga

"Hehe... sa susunod na magkita ulit tayo. Sasabihin ko na sayo ang pangalan ko. Sige paalam." Sambit ko

Habang naglalakad pauwi ay naisipang tanungin ni Sotíra ang kanyang Ama tungkol sa kanyang abilidad.

[Sotíra] (Walking) "Dad? Yung mga ginagawa mo ngayon? Kaya ko rin bang gawin yan?"

[Dad] (Floating) "Mas higit pa ang kaya mong gawin dito. Hindi ko maaaring ituro sayo ito dahil gusto ng nanay mo na mabuhay ka ng ordinaryong tao. Ayaw nyang nalalagay ka sa peligro. Ganun ka kamahal ng nanay mo."

[Sotíra] "Kaya pala hindi ka nagtatanong sa akin kung gusto kong matutunan ang mga ginagawa mong kakaiba. Gaya nalang ng pagteteleport, pag lutang, pagiging invisible at marami pang iba."

[Dad] "Pasensya ka na Ajax, pero nangako kasi ako sa nanay mo na hindi ko maaaring ituro sayo lahat. Kaya nga limitado lang ang tinuturo ko sayo eh. Pero gusto kong malaman mo ang lahat at ang sikreto para kung sakali na kailanganin mo balang araw."

[Sotíra] "Hindi ko ma gets Dad! Ang sabi mo nuon, ipapasa mo sa akin ang kapangyarihan mo? Pero bakit parang hindi ka nagsasabi ng totoo."

[Dad] (Fall) *thugs* "huh? Eeeh. Sinabi ko ba yun? Haha." (Thinking) kailangan kong ibahin ang usapan.

[Sotíra] "Wag mo nang ibahin pa ang usapan Dad. Umamin ka na sa akin. Huli ka na eh."

[Dad] "ok fine, makinig kang maigi ah." (Wag mo akong patamaan ng kidlat sweetheart)

"Dati akong Dark Lord, yun ang posisyon na ibinigay sa akin ni Lucifer bago sya umalis ng mundong ito."

[Sotíra] "Dark Lord? Demonyo ka Dad?! Ibig sabihin demonyo rin ako?!"

[Dad] *smack* "Ang ingay mo masyado" *snap*

Napunta sila sa bahay na tinutuluyan ni Sotíra sa isang iglap lang.

[Dad] "Makinig ka muna at wag kang ingay dyan."

[Sotíra] "Ang kati ng kutos mo Dad ah. Sige na, ituloy mo na kwento mo."

[Dad] "Si Lucifer ay isang makapangyarihan at sya ang naghahari sa kailaliman. Pero ipinasa nya sa akin ang kaharian kahit na ako ang pinaka mahina sa lahat. May ginawa sa akin si Lucifer kaya ako naging malakas pero may kondisyon iyon. Hindi ko maaaring ipasa ang kapangyarihan ko. Pero maaaring mamana ng magiging anak ko. Namana mo sa akin ang kapangyarihan na kayang gawin ang ano mang iniisip. Actually, lahat talaga kaya mong gawin. Ikaw Ajax ang kinatatakutan ni Elizar. Ang sinasabi ng batang propeta na may ikatlong mata.

[Sotíra] "Paanong kayang gawin ang lahat? Hindi ko nga kayang gawin ang mga iniisip ko nuon. Atsaka anong ikakatakot sa akin ni Elizar kung eto lang ang kaya kong gawin."

[Dad] "Naalala mo na sinabi ko sayo na may isang anghel ang nag sealed ng kapangyarihan mo? Kaya ka naging ordinaryong tao lang. Sisihin mo yung anghel na yun. Kung sakaling magkita kayo. Haha"

[Sotíra] "Eh paano ko nagagamit ngayon ang kapangyarihan ko?"

[Dad] "Kasi ang pag sealed ng kapangyarihan sa isang katawan ay inaabot lang ng 30 years. Pero sa kalagayan mo. Mukhang napaaga lang. Pero mabuti na rin yan at makakatulong ka na rin sa akin at magagawa mo na rin ang gusto mo ng madali."

[Sotíra] "Hindi ko alam Dad kung paniniwalaan kita sa pinagsasabi mo."

[Dad] *smack* "Sinabi ko bang paniwalaan mo?! Bastos ka!"

[Sotíra] "Araaaay!!!!"

[Dad] "Haha hindi lang yan ang aabutin mo sa akin sa susunod. Haha.. Lalabas na muna ako, maiwAnan na muna kita.

[Sotíra] "Tss. . Sana madulas ka. Hmmp!"

[Dad] (slip) *Dang* "Anak ng tipaklong! Ang dulas naman dito!"

[Sotíra] "Pffft!! (Look away) *wistle*"

[Dad] (Confused) *Stare* (stand up) "Magaling ka ah. Hmmm... *Snap* Hihi bye. *snap*."

[Sotíra] "Reverse! Hihihi!!! Akala mo Dad maiisahan mo ako ah. Alam kong binabalak mo na gumanti sa akin agad. Sorry ka pero alam ko na kahit papaano ang kapangyarihan ko. Hehehe"

Nang makaalis ang kanyang Ama, napansin nito na bumalik sa kanya ang ibinigay nyang sumpa kay Sotíra.

"*Surprised* Hahaha!! Hindi na kailangan ng anak ko ng magtuturo sa kanya kung paano gagamitin ang kanyang kapangyarihan. *Snap* Haha magaling Ajax!" Sambit ng kanyang Ama na tila masaya.

Bumalik ang kanyang Ama sa anak nyang Stella upang tulungan ito. Sa kabilang banda... Patuloy na nilalaban ni Jade at Rafaela ang mga kampon ni Elizar subalit hindi ito basta basta nauubos. Hindi ito malalakas pero patuloy na dumadami ang mga kalaban nila na tila walang katapusan. Hindi maaaring makialam ang Ama ni Sotíra dahil sa maaaring lumitaw si Elizar kung sakaling kumilos ito. Walang magawa sila sa kampon ni Elizar kaya umatras muna sila sa laban.

Walang nasaktan sa kanila subalit halos maubos ang kanilang lakas dahil sa walang katapusan na labanan. Wala namang nadamay na inosente dahil sa naglagay sila ng isang spell na tanging sila lang ang maaaring makapasok. Ang spell na to ay tinatawag na Chrono sphere. Ang spell na ito ay ginagamit upang malimitahan ang mga may kapangyarihan na hindi makadamay ng inosente. Sa loob ng spell na ito ay marami kang makakayang gawin. Ngunit depende ito sa rules ng naglagay.

Sa isang banda. . . Mag isang namuhay si Sotíra sa kanyang bahay na ibinigay sa kanya. Matagal nang hindi bumabalik ang kanyang Ama kaya naisipan ni Sotíra na pag aralan ang kanyang kapangyarihan. Pero dahil sa sobrang pagka bored nya ay bigla nyang naisip ang kanyang matalik na kaibigan na si Isabella.

"Haays.. kamusta na kaya si Bell? Matagal tagal na rin nung huli kaming nagkita. Dapat hindi ako nagalit sa kanya. Siguro kaya nya nasabi yun sa akin dahil gusto nya akong protektahan kay Darwin. Haaays. Pasaway talagang babae."

"Ajax, namimiss mo na sya? Pwede ka naman ng bumalik dun. Hindi mo lang ako tinatawag." Sambit ng kanyang Ama.

(Fall) *thugs* "Ano ba Dad?! Paulit ulit mo nalang akong ginugulat. Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Tsss!!" Sambit ko

"Haha pasensya ka na. Halika lumapit ka sa akin at dadalhin na kita sa apartment mo." Sambit ng kanyang ama

"Talaga Dad? Ano pang hinihintay mo Dad. Tara na." Sambit ko na tila nagmamadali.

*Snap* "Nandito na tayo. Paalala ko lang sayo Ajax. Matagal akong mawawala. Iwasan mo muna ang pag gamit mo ng kapangyarihan mo ah. Walang sino mang ordinaryo o kahit sino pa man na nakakagamit ka ng kapangyarihan. Kapag nangialam ang langit, kahit ako hindi kita magagawang tulungan." Sambit ng kanyang Ama

"Matagal kang mawawala? San ka pupunta Dad?" Tanong ko

"Hindi pa tamang panahon para malaman mo Ajax. Marami lang akong aasikasuhin. Tandaan mo ang sinasabi ko sayo. Dadalawin ka ng kapatid mo dito, sya na muna ang bahala sayo habang wala pa ako. Bye" *snap* (Disappeared) sambit nya na tila seryoso.

"Anyare kay Dad? Hindi naman sya ganun sa akin ah. Haays. Mukhang seryoso ang sitwasyon nya. Mag iingat ka Dad kung nasan ka man ngayon."

Nang makaalis na ang kanyang Ama ay dali dali itong naglakad palabas ng apartment upang magpapansin kay Isabella. Nakita nya si Isabella na kasama nya si Darwin at mukhang magkagalit ito. Nakita sya ni Darwin at nilapitan sya nito.

[Darwin] "Hoy Sotíra! Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa harap ko ah."

[Sotíra] (Thinking) {mag pepretend nalang ako na hindi ko sya kilala} "Bakit sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko? Magkakilala ba tayo?"

[Darwin] (Confused) "Hindi mo ako kilala?"

[Sotíra] (Thinking) {pfft! Effective agad?} "Hindi... Bakit sino ka ba?"

[Darwin] "nevermind! Get lost!"

[Sotíra] "Tsss.. sino kaya tong baliw na to?makaalis na nga. (Thoughts) {Ganito ba talaga kahina utak ni Darwin? Simpleng arte lang naniwala agad.}

Nabigo si Sotíra sa kanyang plano kaya nagpunta nalang sya sa mall. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sila ni Sabrina kasama ang ate nya na si Solen.

Chương tiếp theo