webnovel

Grant My Wish

Blood XLIX: Grant My Wish 

Hade's Point of View 

 Malamig at blanko. Iyon ang pakiramdam ko ngayong nakatayo ako sa kalagitnaan ng walang hangganan.

Maraming bagay ang gumugulo sa utak ko pero hindi ko magawang mabanggit lahat, tila parang may importanteng bagay akong nakakalimutan. 

 Ano nga bang ginagawa ko rito? 

 Tumingala ako kung sa'n biglang nagpakita ang bahay na tinitirhan ko, laking gulat nang bigla itong bumungad sa aking harapan dahilan para luminga-linga ako. Huh?

 "Hades!" Tawag ng kung sino mula sa likuran ko dahilan para lingunin ko iyon. Tumambad sa akin ang nakangiting lalaki't babae.

 "Pa, ma." Tawag ko sa kanilang pareho kaya naglakad sila palapit sa akin saka nnila ako niyakap, mararamdaman mo kung gaano sila kasaya na makita ako. Tila parang ang tagal na nila akong hindi nakasama. "Na-miss ka namin, hindi ka kasi sumama sa bakasyon, eh." Natatawang sabi ng ina ko habang hindi lang ako nakaimik na nakangiti. I have this thought that I don't actually know them but at the same time, I'm happy that I have them with me. 

 [I will grant any wish you want. Just listen to your heart's desire.] 

*** 

 PUMASOK SA LOOB ng bahay si Curtis dala-dala ang kanyang regalo para sa pagbabalik ng magulang ko. 

 "Uy, 'yong nililigawan mo, oh?" Panunukso ni Mama kaya namula ang buong mukha ko't salubong ang kilay na tiningnan siya. Hindi makapaniwala sa sinabi. 

Si Papa naman ay bigla lang ginulo ang buhok ko. 

 "That's my boy!" Puri niya sa akin habang tumatawa. Yumuko lang si Curtis dahil sa sobrang hiya kaya hindi ko na naiwasang matawa't mapahawak sa batok ko. 

 Ano ko ba si talaga si Curtis? 

 "Don't interfere with the things you have no business with. Forget and move forward." Naalala kong sabi ng isang pamilyar na babae. 

 

 Minsan, kahit ilang beses nating pilit na alalahanin ang isang bagay kung may kumokontra rito ay hindi mo magagawang mawasak ang salamin na patuloy na humaharang sa gusto mo. 

Vermione's Point of View 

 Kadalasan sa isang tao, may mga kagustuhan sila na ginagawa nilang realidad kung sa'n tinatanggi nila kung ano ang totoo sa hindi. Kung ano ang peke sa orihinal. 

 Are you awake or asleep?

Halo-halong scenario ang makikita. Puro saya't walang halong kalungkutan, hindi ako mapakali na ito ang nararamdaman ko, do I deserve to feel all of this? 

 [Your wish is depends on what the heart desires.]

 "Apo." 

 Lumingon ako sa tumawag niyon sa akin at bumungad ang matamis na ngiti ng lolo ko habang sinasalubong akong pumasok sa tahanan niya. Katabi niya ang magulang ko't hinihintay ako. 

 "Pasok na tayo, baka lumamig 'yung pagkain." Masayang ani ng aking lolo saka ako tinapik ni Savannah na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tumabi siya sa akin at nginitian ako. Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran at ngiting sinilip ang mukha ko. 

 "Why are you spacing out? Tara na." Anyaya niya sa akin na marahan ko lamang tinanguan. Hinawakan niya ang kamay ko 'tapos binigyan pa ng matamis na ngiti bago ako iginiya paloob. 

 Nakatitig lang ako sa kung saan when I intertwined my fingers to hers as I closed my eyes. "Don't leave me, Savannah." 

Zedrick's Point of View 

 Nakapameywang ako habang tinatanaw ang papalubog na araw. Sa sobrang bilis ng araw, hindi ko na napapansin na ga-graduate na kami ng mga kaibigan ko. Kaya ngayon ay may advance celebration na magaganap kasama ang ina ko. Dito kami sa beach dahil dito kami magpapalipas ng araw. 

 Relaxation bago ang big event after 2 days. 

 Tumabi sa akin si Savannah at binunggo ako nang kaunti sa pamamagitan ng kanyang balakang. "Daming iniisip, ah?" Ngiti nitong wika. Inakbayan ko siya at tiningnan siya sa mata niyang kumikinang na nakatingin sa aking mga mata. 

 "Marami? Ikaw lang naman ang nag-iisang August sa mundo, ah?" Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napalayo ako nang kaunti sa kanya. Humarap sa akin at nagpameywang. 

 She pouted. "Smooth talker, baka naman sinasabi mo rin 'yan sa ibang babae, ha?" Panghihinala niya kaya nataranta ako kasi iba na 'yong itsura ng kanyang mukha. Bumubuka sara ang bibig ko nang magsalita 'yung ina ko sa gilid namin.

 "Ah, the two lovers are staring to each other. That's hot!" Pareho kami ni Savannah na lumingon sa kanya. Pulang pula ang mukha namin at hindi makatingin sa isa't isa. 

 "Mom!" Tawag ko sa kanya pero niyakap niya ako. 

 "Big boy na anak ko, parang dati lang umiiyak ka pa 'pag umaalis ako, eh." mas lalo akong nahiya dahil tinatawanan na ako ni Savannah. 

 "Mom, stop it! You're embarrassing me." Nahihiya ko pa ring wika pero tumawa lang ito at humiwalay na sa akin. Geez! 

Kinausap naman niya si Savannah tungkol sa kasal kahit wala pa sa isip namin iyon. Hindi naman siya naiilang at nakisabay pa nga sa ina ko't matamis na humahagikhik. What an angel. 

 Pasimpleng lumingon si Savannah para bigyan ako ng mapang-akit na tingin kaya inalis ko ang tingin sa kanya.

 Always looking at me like that... 

 Nauna na muna si mom kaya naiwan lang kami ni Savannah ngayon sa buhanginan at nakaupo. Pinagmamasdan ang unting paglubog ng araw hanggang sa mawala na ito sa paningin namin. 

 Ibinagsak ni Savannah ang ulo niya sa balikat ko kaya ipinatong ko naman ang ulo ko sa kanya. 

"Baby." Tawag niya sa akin. 

 "Hmm?" 

 "Naniniwala ka ba na tayo ang para sa isa't isa?" Tanong niya sa akin kaya hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa karagatan. Malakas ang hampas ng alon dahil sa lakas ng hangin kaya mas nararamdaman namin ang lamig. 

 "Tingin mo ba, hindi?" Tanong ko pero umiling lang siya't siningkitan nang kaunti ang mata. 

 "No, I'm asking because I'm so sure about you. We've been together for how many years and finally, magagawa na natin kung ano ang gusto natin ng walang pumipigil. But now that we are free, I can leave you anytime." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 'Di ko kasi naintindihan. "What if I told you that? Leave you for some reason, will you wait for me?" 

 Humiwalay ako para humarap sa kanya. "Ba't ka ba nag-iisip ng ganyan? Of course you won't leave me. Kung aalis ka man, I can go with you." Bumungisngis siya 'tapos inangat ang tingin para makita ako. 

 "I know." Simple sagot niya na nagpailing sa akin. Medyo hindi ko na-gets iyong punto niya kung bakit niya natanong 'yon pero hindi ko na lang pinansin. I spend my time with her the whole night, walang ibang nararamdaman kundi saya at sabik. 

 Kaso may parte sa utak ko ang hindi magawang maging masaya, pilit ko siyang inaalis pero hindi ko maiwasan. Mayro'n talaga akong nakakalimutan. 

 "Aray." Rinig kong reaksiyon ni Savannah kaya napalingon ako sa kaya, hawak-hawak niya ang daliri niya kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya upang tingnan iyon. Nagdudugo ang daliri niya na nagpabuka sa bibig ko. "Sorry, may nadampot kasi akong matulis na bato." Paliwanag niya. 

 Inangat ko ang ulo ko para matingnan siya. "It's fine, pero mag-ingat ka sa susunod." Pagpapaalala ko saka ibinalik ang tingin sa dugo. Titig lang ang ginawa ko sa dugo niya noong may biglang lumitaw sa utak ko. 

 Humawak ako sa aking ulo dahilan para hawakan ni Savannah ang balikat ko dahil sa kanyang pag-aalala. "Baby, bakit?" Pag-aalala nitong tanong na hindi ko kaagad nagawang masagot. 

 May isa pa akong nakikita sa utak ko. Pulang likido, tao at pangyayari na hindi ko pa nakikita. Ano 'yon? Natatakot ako… 

"Baby, you're shaking. What's wrong?" Hinawakan pa ni Savannah ang pisngi ko para iangat ang mukha ko.

 'Di pa rin nawawala ang pagnginginig ng katawan ko subalit nang yakapin niya ako, nawala 'yung nararamdaman kong takot. 

Niyakap ko siya pabalik. "Sorry, baby. Tinatakot lang kita para yakapin mo 'ko." Hinalikan ko ang leeg niya kaya hinampas niya ang braso ko. 

 "Dummy." 

 Nakapikit lang ako nang yakapin ko pa siya ng mahigpit. "Stay with me, Savannah." Isinubsob ko pa ang mukha ko sa leeg niya. 

 "Nakikiliti ako, baby. Sandali lang, punasan ko lang 'yung dugo sa daliri ko." Hindi ko pinansin si Savannah at hinayaan ko lang ang sarili ko sa gano'ng posisyon. 

 Stay… 

Curtis's Point of View 

 Savannah is looking at me with disbelief. It's already raining at walang gumagalaw sa mga pwesto namin. Dumiretsyo kaagad ako rito matapos akong kausapin ng Lord, while Bryan Olson is already on his way to meet their so-called princess. 

 "Why?" 

 Pinatalon talon ko sa mga palad ko ang ginawa kong apoy habang walang emosyon na nakatingin sa babaeng ito. "We meet again, huh?" Sambit ko samantalang ibinaba lang ng babaeng katabi ko ang kamay niyang nakalahad kanina. 

 

 "Mukhang hindi siya sasama sa 'tin." Nakasimangot na sabi na nagngangalang si Naomi. "Kunin na kaya natin siya? Nang matapos na 'yung problema natin." Hindi lang ako umimik. 

 Humakbang nang kaunti si Savannah. "Why are you doing this?" Nakatingin pa rin ako kay Savannah habang galit na galit siyang nakatingin sa mga mata ko-- I could feel the storm in her eyes. 

 And it's funny to think na nakikita ko rin 'yong mata ko sa kanya, how disgusting. "Ikaw ba pumatay kina Yue? Ikaw ba may plano ng mga 'to?" Mainahon pero nanginginig na ang tono ng kanyang pananalita. 

 No, I'm not... 

 I smirked. "And what if I did?" Pagmamalaki kong tanong. "May magagawa ka?" Dugtong ko kasabay ang malakas na pagkidlat. "Savannah, if you didn't exist, hindi naman mangyayari lahat ng mga ito, eh." Nagpipigil galit na wika ko. 

 "Sure. I'll take all the blame." Pagtanggap niya sa sinabi ko dahilan para mapaawang-bibig ako. Gano'n ganoon na lang 'yun?

 Nagsalubong ang kilay ko't umakyat ang dugo ko sa galit. "Bakit napakasimple lang sa 'yo 'yong nangyayari, huh?!" Sigaw ko dahilan para bigyan niya ako ng nakakapagtakang tingin. "Took all the blame?" Ulit ko sa binanggit niya at umisid. "Madali lang sa 'yo because you know nothing! Habang kami naghihirap ng dahil sa 'yo, ikaw nagpapakasaya ka! Nang dahil lang ba sa wala kang alaala sa nakaraan? That's bullsh*t! Don't be too proud of yourself, Savannah!" 

 Kumunot-noo si Savannah. "Pa'no mo…" Humakbang siya ng dalawang beses. "May alam ka? Kung ano ang nakaraan ko? Kung sino ako?" Sunod-sunod niyang tanong. 

 6 years ago before the war between human and vampires. The incident where a Fabled Fiend can't control its powers as she killed hundreds of the tribes including my family. This type of vampire is rare and famous among vampires and at the same time, the one who will change the world-- Savannah, 

 ...they said. 

 That's right, she changed my WORLD. She killed my parents and eliminated all of our kinds dahilan para idamay ko rin ang iba. 

 I'm the one who started the fire 6 years ago. My reason? Ayokong ako lang ang nakakaranas ng sakit at pait dahil sa ako lang ang nabuhay. 'Di ko alam, masyadong mabilis ang pangyayari, halos mabaliw ako dahil sa paghihinagpis kaya dahilan para mawalan ako ng kontrol. 

 I started making rumors that cause hatreds towards each other. They argued and fought. Habang ginagawa nila iyon, sinimulan kong paliyabin ng apoy ang paligid na ito, sa K.C.A.-- sa eksaktong lugar kung saan naganap ang huling digmaan na hindi ko rin naman inaasahan na makikilala ko si Bryan Olson. 

 Mas lumiyab at lumaki ang apoy na ginawa ko. Tumitig ako kay Savannah na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin samantalang mas pinanlisikan ko naman siya ng tingin. "I hate you for making me do this, Savannah-- A Fabled Fiend."

Chương tiếp theo