webnovel

T I M E

Blood XLVII: T I M E 

Zedrick's Point of View 

 I hope my voice will reach you, 

 Just once more, once more. 

 Ilang beses ko na bang naririnig ang umiiyak na boses na iyon? Since when? 

 Malakas kong narinig ang mga hiyawan ng mga estudyante gayun din ang kanilang mga halakhak. Alas otso ng umaga, marami rami na ang tao't naghahanda na sa kani-kanilang mga sasalihan. Mga outsiders na nagpapasukan upang masubukan ang ibang mga booths na mayroon sa K.C..A gayun din ang pagsuporta sa miyembro ng kanilang pamilya. 

 

 Lumingon-lingon ako sa paligid pagkatapos ay pasimpleng napahawak sa aking sintido. Sumasakit ang ulo ko at tila nawawala na sa pandinig ko ang ingay. I also have this feeling that I've been seeing this over again. Is it a deja vu? I'm not sure. 

 Nakarating kami kanina sa Dawn Chamber, gaya nga ng sinabi ni Sodi from Platoon XXVI na tumawag at nagbalita kay Savannah kanina, tanging abo na lamang ang naabutan namin pagkarating namin kung nasa'n ang prison cell nila Yue and Zue. Nandoon din si Miss Eirhart sa Dawn Chamber at kasamang nag I-imbestiga kasama ang Platoon XXVI. Kaya pala nagmamadali siyang umalis kanina sa classroom. 

 Tiningnan ko mula sa peripheral eye view ko ang mga teachers-- na vampire hunters na palihim na nagmamasid sa paligid upang bantayan ang mga estudyante. 

 

 'Yung gumawa ng pagpatay kina Yue. Sinusubukan ba niyang mataranta't matakot kami? 

Flash Back: 

 "Humihingi po ako ng paumanhin, Sir Sakai. Pero hindi ko talaga nakita na mayroon na pa lang nagaganap, ni wala rin po akong naramdaman na kahit na anong presensiya na mayroon na pa lang sumalisi sa loob." Paliwanag ni Pastor na nagbabantay sa Dawn Chamber. Isa sa mga Guardian ng K.C.A at ang nakakita sa abo nina Yue.

 Humalukipkip si Mr. Okabe. Nandito kami sa lobby ng Underground Basement at pinapakinggan ang nangyayari kasama ang isang grupo na mukhang na ka-edad lang din namin. Suot din nila ang K.C.A. uniform. 

 Lumapit ako kay Vermione at bumulong. Kanina pa kasi sila nakatingin kina Savannah. "Kilala mo ba sila?" Tukoy ko sa Platoon X. 

 Marahan na tinulak ni Vermione ang mukha ko palayo sa kanya. "Don't mind them." 

 "Ang kailangan lang nating gawin ay maging alerto." Tiningnan ng head ang bawat teachers ng K.C.A. at seryoso silang tiningnan. "Wala tayong ideya kung mayro'n nanamang pag-atake ang isa sa mga bampira. But stay close to K.C.A students, isara n'yo ang mga area na hindi dapat pang puntahan ng mga bata, pero magpapadala ako ng magbabantay para makasiguro tayo." Saad niya at tiningnan kami. "Balitaan n'yo kaagad kami kapag mayro'n kayong napansin na kakaiba. Huwag kaagad kayo umaksiyon ng hindi namin nalalaman." 

 Tumayo kami ng tuwid. "Yes, sir!" Sabay-sabay naming sagot. 

End of Flash Back: 

 

 We're guarding the students pero bakit pakiramdam ko, kampante pa rin sina Mr. Okabe? 

 Hindi ba sila nagtataka kung paanong nangyaring nakapasok ang kung sino sa Dawn Abyss para lang patayin sila Yue at Zue? Siguro oo, may posibilidad na baka gawa iyon ng abilidad nung bampira dahilan para hindi siya makita ni Pastor pero dapat naramdaman ko na ang presensiya niya dahil na sa area pa rin siya ng K.C.A.

 "Zedrick!" Tawag ni Savannah kaya lumingon ako sa kanya. Naglalakad siya palapit sa akin while I'm here, staring at her. 

I just realized, the more that I'll get to taste her blood, the more I desire them. 

 

 "Listen, your assigned place will be area 8. 'Wag ka kaagad gagawa ng kilos hangga't wala kami, pindutin mo lang 'yung binigay kong alert device kung may makita ka. Pupuntahan ka kaagad namin after that." Saad niya't tumingin sa kaliwa niya. "While I'm checking the back building, Vermione will--" 

 Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya dahilan para iangat nito ang kanyang tingin. I can't resist the fragrance that comes from her, the smell, her neck. The sweet taste of her blood. A big crisis, it is. 

 "What is I--" Napatigil siya nang mapatitig ito sa aking mata. "Your eyes…" Namimilog ang mata niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. "Wait, close your eyes. May makakakitang ibang tao sa 'yo." Ginawa ko naman 'yong inuutos niya at pumikit nga ako. I may become dangerous myself. 

 …if this keeps up, I might lose and just snap. 

 Thinking about what she said-- that Aria. It scares me to think that being a vampire will possibly kill the person I want to protect. 

How am I supposed to act if I am so conscious about it? What will happen if I can't control myself? Should I just distant myself and stay away from them? 

 Hinawakan niya ang kamay ko't hinila ako sa kung saan. While she's holding my hand, napahigpit ang hawak ko sa kanya. But I also want to stay. 

 Naramdaman ko ang paglingon ni Savannah. "You don't need to feel guilty or anything. It's my choice." She said as if she's already knew what I'm thinking. 

 Napayuko na nga ako ng tuluyan. "I'm sorry." 

*** 

 BINUKSAN NI Savannah ang pinto sa isang kwarto saka kami pumasok sa loob. Wala ng masyadong estudyante sa area na ito dahil na sa baba na lahat para makapag prepare sa activity. 

 Narinig ko ang pagsara nung pinto. "Okay, you can open your eyes." ani Savannah. 

 Dahan-dahan ko namang idinidilat ang mata ko. Medyo lumalabo ang paningin ko at nanghihina rin. Kumpara noon, hindi naman sumasakit ang dibdib ko pero nandoon 'yong kagustuhan kong uminum ng dugo. Bukas ang sliding window kaya pumapasok ang hangin na sinasabayan ng pag-angat nung puting kurtina. 

 Binuksan ni Savannah ang kanyang buttones saka ibinaba ang damit sa bandang balikat. At dahil na rin sa tumatamang liwanag na nanggagaling sa araw, nakikita ko ng maaliwalas ang balat niya. 

 "Eat up."

 Nakatitig lang ako sa leeg niya at nararamdaman kong umaakyat nanaman ang dugo ko't inaatake nanaman ng Savant Syndrome. Hinawakan ko ang mga braso niya't inilapit siya sa akin. Wala siyang ginagawang reaksiyon at seryoso lamang na nakatingin sa mga mata ko. 

 Alam ba niya ang consequence once I couldn't control my thirst? Hindi ba siya natatakot sa akin? 

 Hinawi ko ang buhok niya't inilapit ang bibig sa kanyang leeg. "I'm sorry for hurting you like this." Nako-konsensiya kong sabi pero umiling lang ito at tinapik ang likod ko. 

 "We must suppress the monster inside you. It's fine." As she said those words, I licked her neck that made her moan. Ticklish, I suppose.

 Ibinaon ko na ang mga pangil sa kanyang balat, siguro dahil sa nabigla siya ay biglang bumagsak ang katawan niya na sinasalo ko paupo. Patuloy pa rin ako sa pag-inum ng dugo niya kung saan sinabayan ng paglabas ng Savant Syndrome ko. 

 It hurts but it's not scary. 

 Rinig kong sabi ni Savannah gamit ang Mind Reading ko. 

 Inilipat ko ang tingin sa pamamagitan ng peripheral eye view, 'tapos ay humiwalay sa kanya para tingnan ang kanyang mukha. Medyo hingal ito na nakababa ang tingin. Dinilaan ko ang dugo na nasa labi ko't nginisihan siya. Pagkatapos ay inilapit ang mukha sa tainga niya upang bumulong. "Alam mo ba ang rason kung ba't hinahanap hanap ng katawan ko ang dugo mo?" Panimulang tanong ko't lumayo nang kaunti para iangat ang baba (chin) niya. "The heart says--" Tinakpan nito ang bibig ko kaya huminto ako sa pagsasalita. 

 Nakayuko lang siya ngunit nakikita ko ang pagpula ng kanyang tainga. "I know, you don't need to tell me." Tumayo na siya at inayos ang damit. 

 Tumayo na rin ako kasabay ang pagpunas ng bibig ko. "I love you." Diretsyo kong sabi kay Savannah na nagpahinto sa kanya. Tapos na rin siya sa pagsara niya nung buttones ng uniform niya kaya nung humarap siya sa akin, bibigyan niya sana ako ng malakas na paltok sa ulo nang kunin ko ang kamay niya't ihila siya palapit sa akin. Inilapit ko rin ang mukha ko sa kanya kung saan mas namula ang pisngi niya kaysa kanina. "Are you flattered that you don't know how to react, my lady?" Tanong ko kaya nagsalubong ang kilay niya. 

 "I'm impressed that you could actually say your I love you with a straight face." Kalmado niyang tanong nang hindi nawawala ang pagpula ng kanyang mukha. I confessed my love for the second time, and I already could see the progress. 

 "That shows how serious I am." Inilapit kong muli ang labi ko sa leeg niya para gumamit ng cure. Nagsara ang dalawang butas na gawa ng pangil ko, at bago pa man ako makalayo sa kanya ay dinilaan ko pa ang dugong natitira roon. 

 Humawak na rin si Savannah sa kamay ko dahil sa pagkabigla kaya 'di ko napigilang mapangisi. "And don't ever take off your clothes again, I might eat you up for real." Warning ko na mukhang nagpapikon sa kanya. Lumayo na siya sa akin at naglakad papunta sa pinto.

 Nagpamulsa ako't sinundan siya ng tingin, hindi sinasadyang mabasa ang kanyang iniisip. My heart's beating like crazy! Goodness, he's wrecking my emotions, he doesn't know how I feel. 

 Pipihitin na niya ang door knob nang magsalita ako. "That's not true." Tumigil siya't napalingon sa akin. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin habang malalim lamang akong nakatingin sa mga mata niya. "Hulog ka na sa'kin." 

 She opened her mouth with hesitation, then shut her eyes as she took a deep breath. Muli siyang humarap sa akin at unti-unting iminumulat ang mga mata, kaya nakikita ko 'yung mahahaba niyang pilik mata. 

 Lumakad siya palapit sa akin, I thought she's going to give me a pleasant answer but, "Say the magic words. I will forgive you for hiding it to m--" Sinikmuraan niya ako dahilan para mapadapa ako sa malaming sa simento. 

 Hindi ko inaasahan 'yun! 

 "Would I have the right to say I like you?" Tanong niya kaya inangat ko ang tingin ko. Hawak ko pa rin ang sikmura kong sinuntok niya. "...It's a bit unfair ngayon pa mang na sa Savant Mode ka. I can't really tell if sincere ka talaga sa mga sinasabi mo sa'kin." Kibit-balikat nitong sambit. Bumaba bigla ang epekto ng Hysteria ko kaya ang sunod naman na nangyari ay sumabog ako sa hiya. She likes me?! 

 But just wait a minute, how does she know about my Savant Syndrome?! 

 I slowly raised my hand to point my finger at her. "B-But are you trying to say you also like me?" 

 

 Muli siyang tumalikod kasabay ang pagpitik ng kanyang buhok. "Maybe." Ngiti niyang wika dahilan para unti-unting mapabuka ang bibig ko. You've got be kidding me. 

 Sumimangot siya. "But you know that I hate being spyed on the most. Pero ginawa mo pa rin, I won't talk to you 'till the end of the day." Binuksan na niya kaagad ang pinto at padabog din na isinara pagkalabas. 

 Naiwan lang akong nakadapa rito. Pabagsak na umupo't nag indian seat saka napatakip sa bibig dahil sa nalaman ko. Sh*t! Sh*t! 

Mabilis akong tumakbo palabas ng classroom kung sa'n nakikita ko pa ang papalayong si Savannah. Kumuha ako ng bwelo at sumigaw, "MAHAL NA MAHAL KITA!!!" Malakas kong sigaw na kaagad na nagpatigil kay Savannah sa paglalakad at pulang pula na napalingon sa akin. 

 There are some students who are passing by, pero hindi ko lang iyon pinagtuunan ng pansin at tinuloy ko pa rin ang paglalabas ng nararamdaman ko. 

"KAHIT MAY BUHOK KA SA KILI-KILI," Palingon-lingon si Savannah sa paligid niya at animo'y hindi alam kung ano ang gagawin. "…O MABAHO ANG HININGA'T PAA MO. TATANDAAN MONG HINDI MAGBABAGO 'YUNG PAGTINGIN KO'T MAHAL NA MAHAL KIT--" Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay natamaan na ang mukha ko ng kanyang sapatos. 

 "Silence!" Pulang pula niyang sigaw. 

*** 

 "CALLING FOR attention to the participants of batch XII! Please change your outfit to sports uniform and proceed to your respective lines. We have a minor changes due to some conflicts of schedule. I repeat..." Inalis ko na ang buttones ng uniform ko habang naglalakad ako papunta sa classroom kung saan ako magpapalit. Nandoon kasi 'yung gamit ko at wala namang tao. 

 Samantalang sila Savannah at Vermione naman ang magpa-patrol ngayon kaya nandoon sila sa isang area kasama ang isa sa mga vamipire hunter. 

 

 Tinulak ko na ang sliding door, lumakas ang tibok ng puso ko nang may bigla akong naramdaman na presensiya mula sa loob ng classroom ngunit noong makapasok ako ay wala naman akong naabutan na kung sino. 

 

 Humakbang pa ako paloob at luminga-linga hanggang sa bumaba ang tingin ko sa isang maliit na bote na gumulong sa paanan ko. Yumuko ako upang kunin iyon 'tapos tinitigan ito, nagtataka sa kung ano ang laman nung hawak ko. 

 Pumunta ako sa may bintana para itapat ang maliit na bote sa araw. May kulay ito ng dugo pero may kakaiba sa amoy nito. "Ano 'to?" 

 "Zedrick! Nandito ka lang pala! Ikaw na lang ang hinihintay." Napalingon ako sa kaklase ko at mabilis na itinago ang maliit na bote sa bulsa ko. 

 "Susunod ako." 

*** 

 IBINUHOL KO ang pulang tali sa ulo ko at pumunta na sa linya ko, bale ang rules dito ay kailangang maiabot ng first runner ang baton sa second-- last runner upang maitakbo ito sa finish line. 'Pag hindi mo nakuha ang baton at nahulog ito sa lupa ay disqualified ka na. Tig 100 meters ang kailangang takbuhin bawat runnners. Wala itong pinagkaiba sa mga solo sprinters, ang pinagkaiba lang rito ay dalawa kayo sa team na maglalaro upang magpaunahan. 

 Sumenyas si Hades kung ready na ba ako na binigyan ko naman ng thumbs up. Umakyat ang trainer sa pangalawang simento at tiningnan ang mga players, nang mai-check ito ay nagbigay na siya ng sign. "Ready!" Inilagay na niya sa bibig niya ang whistle at isinipol na ito dahilan para tumakbo na sina Hades. Ako kasi ang last runner na magtatapos sa finish line. 

 Tumili't naghiwayan ang mga estudyante, si Vermione naman ay parang nagliliyab ang paligid sa sobrang excitement at puno ng energy. Nandoon siya sa cheer squad at nagsisisigaw. Akala ko ba magpa-patrol sila ngayon? "If you guys don't win this! I'm telling you! Hindi ko ibibigay sa inyo si Savannah!" 

 "Oo nga!" Pagsang-ayon naman ng kararating na si Charlotte. 

 Napatingin lahat ng mga tao kay Vermione habang pilit lamang akong napangiti. Si Hades, mas ginanahang tumakbo kaya naunahan na niya ang iba. 

"Go, Hades!" 

"Para sa section natin!" 

 "Arghhhhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ni Hades kung saan nagmumukha na siyang nakakatakot sa paningin namin, hindi tuloy siya matapatan ng iba. 

Napailing na lamang ako't tumalikod dahil papalapit na rin siya sa akin. 

 Nagsisimula na rin akong mag jog. "Hades!" Tawag ko at inihahanda ng kunin ang baton. But he's an idiot, nilagpasan lang niya ako. "Gag*! Ano'ng ginagawa mo?!" 

 

 Kinuha niya ang cellphone mula sa loob ng shorts niya saka nag selfie, "Cheese!" 

 Wala kaming nagawa kundi ang ngumanga, mayamaya lang ay naglabas kami ng mabigat na hininga. 

Someone's Point of View 

 Pinapanood ko lang ang game nila mula sa malayo nang maramdaman ko ang presensiya niya mula sa likod ko. "Are you done?" Tanong ko. 

 Tumabi siya sa akin at inalis ang hood na suot-suot. "Of course" Sagot niya at inangat ang isang chain clock. "He's already on the other side, oras na lang ang hinihintay." Ngiti nitong sagot kaya sinuot ko na lamang ang hoodie ko at tumalikod. 

 "I see, ikaw na muna ang bahala." Bilin ko bago pumunta sa Lord. There are things you must endure and experience, so prepare yourself, Zedrick Olson. 

Chương tiếp theo