webnovel

Hesitation

Blood XXVIII: Hesitation

Savannah's Point of View 

She used her fingers to brush the strands of my hair, calling me 'princess' while staring at my face with her crimson blood eyes. Where did I saw this kind of eyes again? 

 "Aren't you the blind one here?" She asked me, trying to manipulate my mind with the ability she has. "What are your reasons that you're fighting until now?" 

 Inilapit niya ang katawan niya sa akin at hinawakan ang aking pisngi upang himasin ito. "Do you love sweet fiend?" Tanong niya sa akin saka inilapit ang mga labi sa aking tainga. "Because I do." 

 Sa isang iglap. Bigla na lamang akong napunta sa lugar na 'di kailan man magugustuhan ng mga mata kong makita. Iginala ko ang tingin sa paligid, kulay dugo na may halong itim ang nakikita ko habang na sa harapan ko ang babaeng ito na kanina'y malapit lamang sa akin. 

 Medyo nakatungo ito ngunit makikita mo ang linya ng ngiti sa kanyang labi. Nang ibuka niya ang bibig niya, bigla akong nahilo dahilan para mapapikit ako't mapahawak sa aking noo. 

She made a bit distance and smiled, I still can't see her face but I'm trying to read her actions. "Are you still dreaming? Don't try to read my thoughts." Blanko lang akong nakatingin sa kanya nang magsimula na akong manginig. 

 I am seeing a very dark and fearful thing in this world. The shadows are trying to near me, trying to drain and kill me. "If you're afraid of darkness, you are afraid of your own soul." Sambit ng babae na nasa likuran ko na pala. Napasinghap ako lalo na noong unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman. "You have no choice but to show the real YOU that you are seeking for." 

 Naningkit ang aking mata. Sino nga ba ako? 

 Hinawakan ng anino ang leeg ko't tila para akong sinasakal. Ngayon, para naman akong nalulunod sa tubig habang paunti-unting kinakapusan ng hininga. Binitiwan ako ng anino sa kailaliman ng tubig habang nanatili lamang akong nakatingin sa kawalan. 

 

 I could feel it. This overflowing sadness that tries to make me disappear into a blank empty space-- darkness. Which I never understood the meaning of it. This confusion pulls me within blackness. I want to end this despair. 

 I closed my eyes. Ready to end everything yet, "Savannah!" Boses ng kung sino ang aking naririnig. Paulit-ulit, walang hinto. "Savannah!" Iminulat kong muli ang aking mga mata. 

 Wala pa rin akong nakikita kundi dilim, pero noong titigan ko kung ano ang na sa itaas. Nagkakaroon nang kaunting liwanag, sinubukan kong abutin iyon pero mayroon nanamang humilang anino sa akin pailalim. "Savannah!" 

 Sino ka? 

 Unti-unti nang nagpapakita ang liwanag hanggang sa may makita akong kamay na pilit akong inaabot. "Savannah!" Tawag pa ulit nito kaya humiwalay ako sa mga aninong hawak-hawak ako. They're screaming my name, crying, agonizing, seeking, and shouting. Hindi ko sila nagawang lingunin at inaabot lamang ang kamay na nasa itaas.

 The light shines upon from the cold darkness. 

 When I finally got to reach her hand. Tila nabasag ang kung anong barrier at nakita si Vermione na nakangiti at hawak ang aking mga kamay. 

"Vermione." Tawag ko sa pangalan niya kasabay ang aking pagdilat sa realidad. 

 

 Nagulat ang babaeng naglagay sa akin sa sandaling pagtulog saka siya umatras nang mai-swing ni Vermione ang kanyang Scythe. Lumanding sa harapan ko si Vermione at tumalikod sa akin para protektahan ako. 

 "Don't ever try to look into her eyes, she can also manipulate minds by giving you drugs." Napatingin ako kay Vermione. Drugs? Siya rin ang may gawa niyon sa mga kaibigan ko? 

"Another disturbance." Iritableng sabi ng babae saka lumapit sa kanya si Zoe. 

"Also that doll." Turo ni Vermione sa manika ni Zoe. "SIya 'yung bampira na nakakasapi sa katawan ng tao-- Yoko Doll." Umawang-bibig ako.

 Nagsalubong ang kilay ni Zoe habang ngumiti lamang si Vermione kasabay ang pag-ikot niya ng Scythe at pumosisyon. Umismid siya at kumpara kanina ay tumalim ang tingin ni Vermione. "Huwag na nating patagalin, pwede ba?" 

 Itinungo nang kaunti ni Zoe ang ulo niya. "You got me, huh?" 

Vermione's Point of View

Wala talaga akong balak pumasok sa K.C.A dahil nahihiya akong magpakita kina Savannah, kaso hindi naman pwedeng manatili na lang ako sa kwarto at magkulong doon dahil mas marami akong iisipin. 

 Kaya ngayon, nandito lang ako sa banyo at nag-iisip kung papasok ba talaga ako sa classroom o hindi. Wala pa rin akong tiwala sa anak ni Bryan Olson dahil ano ba'ng malay natin? Paano kung umaarte lang siyang kakampi pero sa huli ay magiging kalaban din namin? Pa'no kung siya rin ang papatay sa amin ng palihim?

Inangat ko nang kaunti ang polo ko para makita ang naiwang peklat sa itaas ng pusod ko. Medyo humahapdi ito for the past few weeks gawa ng stress at init. 

 This scar isn't an ordinary scar, it has a pattern of I don't know what kind. 

Ito ang kagagawan ng mga bampira noong idinikit nila sa akin na nakakapasong bakal na ibinabad sa napakainit na apoy. Ginagamit nila ito para sa mga taong gagamitin nilang Blood Stock. Parang ito 'yong simbolo na isa ka lamang sa pagkain nila. 

 Puno ng mga halakhak ng nakaraan ang naririnig ng utak ko kaya napayukom ako. 

Hinding hindi ko na gugustuhing mangyari ulit 'yung mga pangit na nakaraan pero hindi ko pwedeng makalimutan kung anong pagdudusa ang sinapit ko bago ako makatakas sa impyernong iyon. 

 Lumingon ako sa hindi kalayuan. 

...if I'm going to eliminate Zedrick Olson, mas mababawasan ang mga nilalang katulad nila. Hindi namin kailangan ng mga bampira sa mundong 'to. Para lang ito sa mga tao. Kung mananatiling buhay si Zedrick, saan siya kukuha ng dugo? Sa Hayop? 

Hindi pwedeng magtagal ang mga bampira sa kakainum lang ng dugong hayop, kailangan nila ng dugo ng tao para manatili sa gano'ng anyo. Nakalimutan ko kung saan ko ito nabasa pero kung hindi sapat ang iniinum ng bampira at puro mga dugong hayop lang ang tanging mayroon sa kanilang katawan. Magiging Class-A Vampire sila. 

At ayokong tine-take advantage ni Zedrick si Savannah just because she gave him permission to do so. Ano ba'ng akala niya sa amin? Pagkain? 

Tumingala ako't tumingin sa sarili sa salamin na magkasalubong ang kilay. "No. Time will come when I have to kill him with my own hands." Tumayo ako ng tuwid at umayos ng tayo. 

 Lumabas na ako ng banyo at naglakad papunta sa classroom ko. Late na talaga ako dahil ilang oras din akong nakatayo sa harapan ng salamin. 

 Na sa corridor na ako at medyo nag-aalanganing pumasok. Sino nga ang adviser namin? 

Nandiyan kaya si ma'am Eirhart? 

 Sandali pa akong nag-isip hanggang sa magkibit-balikat na lang ako't nagtuloy-tuloy sa paglalakad. 

Palapit na 'ko sa classroom noong biglang tumunog ang emergency alarm. Umilaw sa pula ang paligid habang nagsisimulang magsitakbo ang mga natatarantang estudyante palabas para mag evacuate. 

Luminga-linga ako. "Ano'ng nangyayari?" Bulong sa sarili saka ko nakita sa hindi kalayuan ang mga kaklase ko na tumatakbo papunta sa akin. Si Hades, hingal na hingal na huminto sa harapan ko. "B-bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong niya na hawak-hawak ang tuhod. Inangat niya ang tingin sa akin. "Nakita mo ba sina Sav?" Hanap niya rito. 

"H-hindi." Nautal kong sagot kasabay ang paghila ni Ma'am Eirhart kay Hades. Sinundan ko lang sila ng tingin. "Ma'am, nakakasakal!" 

Huminto si Ma'am Eirhart para lingunin ako. "Na sa U.B sila. Puntahan mo" Tukoy niya kina Savannah dahilan para mapahigpit ang hawak ko sa strap ng Concealment guitar. Dala ko ang Scythe. "Inaasahan namin kayo, future Platoon VII" Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya iyon. 

 Platoon VII?

Bakas naman sa mukha ni Hades ang pagtataka at pabalik balik ang tingin sa 'ming dalawa ni Ma'am Eirhart. " U.B? Platoon VII? Ano 'yang tinutukoy niy-- Ma'am! Sandali lang kasi!" Hinila na kasi siya ni Ma'am Eirhart paalis. I

 Kinuyom ko ang kamao ko. 

 In the past, previous Platoon VII with five members is the group of elite students in the Vampire Community who killed thousands of vampires in just one day. They're famous due to their unbelievable skills, they always find a new way to win the battle. They never lose even once--An Undefeated Vampire Hunters. 

Vampires always tried to kill all human beings but was able to eliminate by Platoon VII. But unfortunately, noong naganap ang pinaka digmaan between human vampire hunters and vampires, sila rin ang unang namatay. But as far as I know, there was this only survivor of the war from Platoon VII na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapangalanan. 

Wala akong ideya kung ba't nabanggit ni Ma'am Eirhart iyon pero tumalikod na lamang ako't tumakbo upang pumunta sa Underground Basement ng K.C.A. 

*** 

WALANG TAO pero nag-aalanganin akong bumaba upang makarating sa U.B para nga puntahan sila. Ngunit wala akong naabutang Savannah kaya napatingin ako sa Fushion Gate. "Nasa kabila kaya sila?" Tanong sa sarili tapos lumapit doon. Inilabas ko na rin ang Scythe ko mula sa Guitar Concealment bag pero nakarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa itaas dahilan para mapatingin ako sa pinanggalingan nito at dali-daling umalis sa lugar na ito. 

 Malapit na akong makalabas ng U.B pero sa kasamaang palad, nakaramdam ako ng kakaibang kaluskos kaya hindi ko itinuloy ang pag-alis sa lugar at nagtago lamang sa malaking gas galloon. "Arghh..." Ungol ng kung sino. 

 Huminga na muna ako ng malalim bago sumilip sa exit door, laking gulat na manika ni Zoe ito at animo'y mayro'ng hinahanap kakalingon sa kung saan-saan. 

Napahawak ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mata. 

 You're kidding me! Huwag mong sabihin na pati 'yong mga sapi-sapi, totoo na rin?! 

 Naglakad pa s'ya papunta sa katawan ng kung sino. 'Kala ko pa nga kamo, kung kaninong katawan pero nagulat na lang ako nang buhatin niya ang balikat ni Zoe na nakahilata sa damuhan. 

  

 "The Luminous has been vanished and the spell has begun." Pagsasalita nung manika na iyon na mas nagpagulat sa 'kin. Nag glow sa pula ang katawan ni Zoe pati ang manika at sa isang iglap, nagsisimula ng gumalaw ang katawan ni Zoe. Vampire Doll? 

 Tumayo na si Zoe at nagsimula ng maglakad. Nanginginig lang ang mata kong nakatingin sa papalayong Zoe. 

 "Basta ang alam ko, iniligtas ako ni Yoko." Naalala kong wika ni Zoe noong pinapaliguan ko siya sa condo ni Zedrick. Hindi lang ito ang unang beses na nag-isip ako na may kakaiba sa manika niya. 

 Noong natutulog ako kasama si Savannah, akala ko guni-guni lang ang paggalaw nito dahil nga sa medyo madilim kaya hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. 

Now, it makes sense. Zoe is not a vampire but a human and the named Yoko is the secret doll who possessed human's body to make it a vampire itself. 

 Pamilyar ako sa storya tungkol sa nakaraan ni Yoko dahil nabasa ko iyon sa isang libro mula sa library ng I.A.A. Nakatago iyon sa pinakalikod at dahil na-curious ako sa laman dahil sa sobrang luma nito. Binuklat ko. Tumuon ang atensiyon ko sa litrato ng manika at binasa ang nilalaman. 

 Kaya sinong mag-aakala na totoo pala iyon at dito ko pa matatagpuan? 

 Nakatungo lang ako't nakatingin sa ibaba nang lumapad ang ngisi ko. "Puno talaga ng kababalaghan ang lugar na 'to." 

*** 

UMISMID SI ZOE nang ipaalam ko kina Savannah ang tungkol sa sikreto niya, "You got me, huh?" Medyo naasar nitong sabi saka dumura. "Tatapusin kita ngayon." 

 Humagikhik ako at sinimulang ilinya ng ngiti ang aking labi. "My pleasure." 

Chương tiếp theo