webnovel

U.B

Blood XIII: U.B

Savannah's Point of View

Mabilis kong iminulat ang mata ko kung saan ang nag-aalalang si Zedrick ang unang nakikita ng mata ko. Wala rin ako sa kwarto ko, nasa'n ako? "You are finally awake."

Nakatitig lang ako sa kanya nang dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Ngunit napahawak sa leeg nang maramdaman ko ang sakit. "That hurts..." Tinaggal ko rin iyon pagkatapos. Oh, righ. He bit me. 

 Tumunghay ako upang makita si Zedrick. "Are you okay?" I asked and averted my eyes. "I'm sorry for being selfish, even though you told me you don't wanna do it. I still insisted to give you my blood--" he suddenly hugged me.

"It doesn't matter anymore, pero ayoko ng maulit pa ito ulit. Baka 'di ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod." Pakiusap niya at mas niyakap ako nang mahigpit. "You could die, Savannah. So, please. Please.." His body is cold as ice but the words he gave to me is warmth as his heart, I want to stay like this for awhile. 

 

 But what am I saying? I can't do that. 

Humiwalay ako sa kanya habang napatingin naman siya sa leeg ko. "Masakit pa rin ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Humawak ulit ako sa leeg ko't naglabas ng hangin sa ilong. "Hindi naman." sagot ko kahit na medyo mahapdi 'yung sugat ko ro'n na 'di mo malaman. Umakyat siya sa kama at gumapang palapit sa akin, nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang hawakan niya ang leeg ko.

"Let me heal it." Inilapit niya ang kanyang labi sa leeg ko saka ito hinipan.

Nakiliti ako kaya napapikit ako. Sandali kaming nanatili sa gano'ng posisyon nang humiwalay na rin siya sa akin, kaso may kakaiba roon sa tingin niya kaya sumimangot ako. "Why are you making a perverted face?"

Namumula rin kasi ang mukha niya 'tapos sa paraan ng pagtingin niya sa akin, parang may ginawa ako para maakit siya. "Natu-turn on ako." Sinabi niya 'yan ng nakapoker face. How could he be so calm while saying such embarrassing things to me?

Tumayo na ako at umayos ng tayo. "Never make me see you again"

 "Eh...?" Reaksiyon niya at ngumuso. "Pangit ba ako sa paningin mo?" nagtatampo pa nitong sabi. Paano kaya kami napunta sa ganitong usapan kung kanina lang, ang seryo-seryoso naming dalawa?

 Humph. Okay na rin siguro 'yon para hindi na magkaroon ng conflicts 'yong usapan namin. But why did I do it? Why did I let him? 

 Pasimple akong bumuntong-hininga at napahawak sa aking noo bago ko inayos ang aking damit. "Oo, ang pangit mo kaya lumayo ka sa akin." Taboy ko kay Zedrick at tumalikod na para maglakad paalis sa kwarto na 'to. 

Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama. "Then aside of being your so-called servant, allow me to be your lover." Kinuha ko ang bag na nakasabit sa lean seat nung upuan at lumingon sa kanya. 

'Di ko ipagkakaila na lumalakas ang pagtibok ng puso ko nung sabihin niya bigla 'yun. "Ako na lang ang piliin mo, pangit na nga wala ka pang kaagaw. 'Di ba? Hindi ka na magseselos?" 

Napairap ako sa kawalan at simangot na humarap sa kanya. "Kung anu-ano sinasabi mo, Zedrick. Love is not a game, okay?" pagpapatay ko ng malisya. 

 Ayoko lang maging awkward kaya mas maganda kung aakto akong parang wala lang. 

 Naglakad siya palapit sa akin na may seryosong tingin sa kanyang mga mata . "Why are you treating me like a kid? I'm not even joking nor play with your feelings." Kalmado nitong wika na nagpaiwas sa akin ng tingin. Mayamaya lang noong tumagilid ako sa kanya.

"Stupid." Nasabi ko na lang saka lumabas ng kwarto niya para makauwi. Ngunit hindi iyon natatapos dahil hinawakan niya ang kamay ko. "What is it--" hinila niya ako palapit sa kanya 'tapos ipinulupot ang kamay sa beywang ko't gayun din ang paghawak niya sa baba (chin) ko upang iangat ito sa kanya. 

 I could feel his breathe, it's touching my skin, "Kung hindi mo magawang mahalin ako, then I will make you fall in love with me." 

 

 Tinulak ko siya sa mukha para ilayo sa akin. Bumitaw naman siya kaagad at hinawakan ang magkabilaang pisngi gamit ang isang kamay. "I know you're not that kind of person, Zedrick." 

 Tumaas ang parehong kilay niya. "You called me 'person'" hindi niya makapaniwalang sabi kaya bigla naman akong namula 'tapos sinipa ang tuhod niya. "Aray-- Isa pa." This time, pinisil ko ang magkabilaan niyang pisnge at pinanggigilan iyon. 

 "Are you a masochist or something?" ini-stretch stretch ko pa iyon habang pilit na pinapakalma ang sarili na mainis sa kanya. 

 "O-okay, I give up. Mashakit." pagsuko niya kaya binitawan ko na siya. Hinimas himas na niya ang kanyang pisngi kaya tumalikod na nga ako. 

 "See you tomorrow." Ngiti kong pagpapaalam saka isinara ang pinto ng kanyang kwarto. 

Zedrick's Point of View 

Kinabukasan...

Nakatuon lang ang tingin ko sa board habang naghihintay sa susunod na period, wala si Savannah ngayon dahil pinatawag sa office. Hindi ko tuloy siya nakikita ngayon, ang lungkot ko lang.

 Dapat ngayon din ang punta namin sa horse field pero dahil sa medyo maambon ngayon ay hindi na kami natuloy. Acid rain daw kasi ito kaya puwede kaming magkasakit kung tutuloy pa kami. 

Pero hindi kasi nagkakasakit ang mga bampira, este HINDI pa talaga kahit isang beses.

Nasasaktan lang kami by physical.

Nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa kaya palihim kong kinuha iyon at binasa, galing siya kay Savannah kaya bigla kong inilapit ang mukha sa screen nang makita ko ang text niya. Ngayon lang siya nag send sa akin ng message! Ang saya ko! 

From: Savannah Curry

Meet me at the rooftop after 2nd period. I have something important to tell you. Tell the teachers. 

Napatayo ako dahil sa tuwa. "YES!" I shouted kasabay ang pagbato ng teacher ko ng white board marker sa dibdib ko. Inilahad niya ang mga kamay niya na parang may kukunin mula sa akin. "CONFISCATED!" Tukoy niya sa hawak kong phone.

***

BUNTONG-HININGA kong binuksan ang pinto ng rooftop saka lumabas. Kailan ko kaya makukuha 'yong phone ko? Paano kung magtext ulit si Savannah doon?

 Sinarado ko na ang pinto saka ibinaling ang tingin kay Savannah na nasa kaliwang bahagi ng lugar na ito. Naglakad ako papunta sa kanya na may ngiti sa labi, nakakawala ng negative vibes kapag nakikita ko 'tong babaeng ito. 

 Kumbaga lowbat ka kanina pero nakita mo 'yong kinakailangan ng phone mo kaya nakakapag recharge ka. Charger ko si Savannah. My happy pill. 

 Tumikhim ako para ikalma ang sarili. "Hey!" Bati ko. Nasa malayo lang ang tingin niya noong lumingon na ito sa akin at humarap. Nasa harapan na niya ako, "Bakit mo pala ako pinapatawag?" Ngiti kong tanong. 

Hinawakan niya ang baba (chin) niya na tila parang nag-iisip. "Hmm... How would I say it...?" Nag-aalanganin niyang sambit. 

Kuminang ang mga mata ko nang pumasok sa isip ko na baka aamin na rin siya sa akin at papayag na siya sa sinasabi ko. Is she gonna confess to me?

Tinaliman niya ako bigla ng tingin. "If you dare to think about confession, I will kill you."

 Umatras ako. "H-hindi ba?"

 

 Nag bored look siya. "Of course, it's not." Flustered niyang sabi pero nanatiling kalmado. 

 Bumagsak naman ang mga balikat ko dahil sa aking narinig. "Akala ko matitikman ko na ang matamis na oo." 

"Adik ka rin eh, 'no?" Tumagilid siya kasabay ang paghalukipkip. "Listen. I went to the Prison of Atlante and found... this." Inabot niya sa akin ang isang asul na panyo na mayroong bulaklakin na disenyo.

 

 Kinuha ko naman iyon at inamoy na kung 'di ako nagkakamali ay pabango ng isang lalaki. 

 "It looks like hindi talaga nanggaling 'yang panyong 'yan sa Prison of Atlante, at hindi puwedeng manggaling 'yan sa iba pang mga vampire hunters dahil tanging mga armas lang ang dala-dala namin."

Naningkit ang mata ko. "Mas maganda kung pupuntahan natin 'yong lugar kung saan mo 'to nakita." Napaharap na siya sa akin. Marka sa mukha niya ang gulat habang seryoso ko lang siyang tiningnan.

 "Sasama ako kahit saan ka magpunta. I will join the organization."

*** 

 LUMABAS KAMI ng elevator nang makababa kami sa pinakailaliman ng lugar na ito-- ang tinatawag sa U.B o Underground Basement. 

 Nasa pinaka dulo lang kami ng K.C.A at wala sa labas. Sabi ko na nga rin at marami talagang nakatago't nakaukit dito kahit na ilang beses na pagtapal tapalin ng kung anu-ano ang lugar na 'to. 

 Naipaliwanag sa akin ni Savannah ang nakaraan ng lugar bago ito maging eskwelahan, alam ko ang pinaka una't dulong kwento dahil ako mismo ang nakatira sa lugar na ito. Walang nakakaalam no'n kundi ako lang.

Sa sobrang bilis ng araw at paglipas ng panahon ay wala ng nakakaalam na namumuhay ang mga bampira rito noon. Kahit na ilang taon lang ang nakakalipas. 

 

 Malamang, kagagawan din iyon ng isang abilidad ng bampira, na burahin ang alaala ng bawat tao sa mundong ito. 

 

 Naglalakad kami sa gitna habang nakatuon ang atensiyon ng mga Vampire Hunters sa akin. Mas tumabi pa tuloy ako kay Savannah dahil nako-concious ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin. "They're looking at me." tukoy ko sa mga kasamahan niya. Mukhang mas matanda sila sa 'min. 

Hindi ako dinaanan ni Savannah ng tingin pero sinagot naman niya ang tingin ko, ang seryoso naman niya masyado. "Alam nila kung sino ka, at ngayon lang sila nagkatanto ng bampira na naglalakad sa area na 'to." Sagot niya dahilan para mapaawang-bibig ako. Ang bilis namang kumalat nung balita. Dinaig pa 'yong virus. Pero ibig bang sabihin niyan, sikat na ako?

We entered the room where we could see all types of fire arms like Blunderbuss, Musketoon, Submachine Gun, etc. May mga iba't iba ring klase ng patalim na nakasabit sa puting pader. 

Sa harapang bahagi, may limang kwarto na makikita. Dalawa sa kaliwa at kanan tapos isa sa harapan. Naglakad na si Savannah at kumuha ng dalawang Katana at Double Handed Gun. Quadra, eh? 

 Inaayos na ni Savannah ang kanyang sarili. "Are you going to use that?" Nakanganga kong tanong at tukoy sa mga kinuha niyang armas. 

 Lumingon ito sa akin habang nanatili pa ring nakasimangot. "What do you think? Kukunin ko ba kung wala akong gagawin sa mga 'to?" Pagtataray niya at nilapag ang kinuhang armas sa metal na lamesa. "Kumuha ka na rin ng puwede mong gamitin" Tukoy niya sa mga armas na gagamitin ko mamaya. "Kapag kinuha mo, ikaw na ang magiging owner ng armas na 'yan. Lower Class Arms lang ang na sa kwartong ito at hindi pa Anti-Vampire Weapons." 

 

 Tumaas ang dalawang kilay ko. "Compare sa Lower Class Weapons na gagamitin natin ngayon. Ginagamit lang ang Anti-Vampire Weapons sa mataas na lebel ng bampira-- Iyong bampira na walang talab sa kahit na anong pag-atake ng kahit na anong armas. Plus, it only works on vampire hindi sa tao." Mahabang paliwanag niya. 

 

 "Huh? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. 

 Kinasa niya ang baril at tinutok iyon sa kung saan. "It has no effect on human. Kumbaga kahit na saksakin mo sila gamit ang Anti-Vampire Weapon, o putukan ng baril. Automatic na titiklop ang mga patalim while for the guns, gagawa ng barrier para hindi tumama sa katawan ng tao." Namangha naman ako sa nalaman ko. Ang advance naman pala nung armas na iyon. 

 "Nasa'n na iyong kwarto ng mga Anti-Vampire Weapons?" Tanong ko pa. Siyempre, wala naman akong alam sa mga ganitong bagay kaya puro ako tanong. Eh, ayoko namang silipin ang iniisip ni Savannah para doon na lang niya ipaliwanag, 'di ba? 

 

 Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng kwarto. "Nandiyan, pero ililipat din 'yong laman niyan sa susunod." Sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit at lumapit na lang sa mga armas na nakapaskil sa pader. 

 Tiningnan ko isa-isa. Wala pa akong karanasan sa paghawak ng mga 'to kaya hindi rin ako makapili.

Napakamot ako sa aking ulo at hinarap si Savannah na ngayon ay pinapanood lang din ako sa ginagawa ko, hahh... She's looking at me. "Hindi ko alam kung ano 'yong mas compatible sa akin, eh?" kibit-balikat kong sabi na ikinabuntong-hininga niya.

"Geez, what am I going to do with you?" Parang napapagod nitong sabi saka lumapit sa akin. Humawak siya sa braso ko nang kunin niya ang isang espada na kung 'di ako nagkakamali ay ito ang tinatawag sa Jian1.

 

 "Here, medyo mabigat 'yan but I think mas okay ito sa 'yo." Abot niya na kinuha ko naman, pero muntik ko ng mabitawan iyon dahil sa biglaang bigat nito. Sh*t, nakakahiya naman kay Savannah. Kinuha niya 'yong Jian na parang wala lang samantalang ako, halatang bigat na bigat. 

 

 Mayamaya lang nang may marinig akong nag click kaya napatingin ako sa spada na iyon, doon kasi nanggaling ang tunog. "Hmm, I see. Tinanggap ka ng Jian bilang owner niya. Good for you." Walang imik kong tinitigan ang espada. Ganoon pala kapag nahawakan mo na ang armas. 

 "Ano ba'ng mangyayari kapag hindi tinanggap ng armas ang pwedeng maging owner niya?" Tanong ko. 

 "Makukuryente ka." Cool na sagot ni Savannah kaya ibinaba ko ang tingin sa Jian Sword. Wow. 

 

 "Pero bakit hindi ka nakuryente?" Taka ko namang sabi. 

 Tinuro niya ang Jian Sword. "It was mine." 

 Nagtakip ako ng bibig gamit ng aking likurang palad. "And you're giving it to me? How can you be so adorable?" 

 Umatras naman siya at parang nandidiri na tiningnan ako. "Stop it, you're creeping me out." 

 Umayos na ako ng tayo at inilabas ang dibdib ko na may ngiti sa aking labi. "Malakas ako, malakas!" Wika ko na may determinasyon para mawala ang nararamdamang bigat na nagmumula sa Jian na ito.

 Nakatitig lang siya sa akin nang tumalikod ito at manginig. Napataas ang kilay ko at 'agad na pumunta sa harapan niya upang tingnan kung okay lang ba siya. Namumula siya habang nakahawak sa bibig niya, tila nagpipigil ng tawa. "S-stop, h-hindi kita tatawanan, swear" Tumagilid siya habang 'di inaalis ang pagkakatakip ng bibig.

Namula rin tuloy ako dahil sa kahihiyan, alam ko kung ano tinatawanan nito, eh. Hahh… Kalalaki mong tao pero parang ikaw pa ang babae sa inyong dalawa!

Humawak ako sa batok ko. "Tss! Tawanan mo lang ako." Sabi ko at ngumiti, "Atleast, alam ko na sa pagtawa mo ay ako ang may dahilan." Bulong ko kasabay ang kanyang magandang paghalakhak.

Chương tiếp theo