Isang linggo na ang nakakalipas simula noong aksidente kaming magkita ni Eevie. Everything was going smoothly. We became closer kahit may Marcus na aaligid-aligid sa aming dalawa. Sa isang linggong iyon ay hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin kung sino si Marcus sa buhay niya. Hindi ko alam kung natatakot lang akong malaman ang katotohanan mula mismo sa kanya na ang Marcus na iyon ay espesyal sa kanyang buhay.
Marcus was like an eagle watching my every move kaya sobrang ingat kong huwag magkamali when he's around. Ayokong may maipintas siya sa akin at iyon pa ang maging dahilan para layuan ako ni Eevie. One wrong move at lahat ng nagawa ko para makuha ang loob ni Eevie ay biglang maglalaho.
Sa isang linggong iyon ay nakita ko rin kung paano ingatan ni Marcus ang aking asawa na siyang dahilan ng pagkulo ng aking dugo kapag ipinapakita niya iyon sa akin ng harap-harapan. Kung pwede ko lang siyang yayain ng suntukan ay hindi ako uurong. Hindi ko maikakaila ang pagiging close ng dalawa. Oo, nagseselos ako tuwing nagtatawanan sila. Naiingit na sana'y ako ang dapat nandoon.
Trev decided to head back to Manila two days ago dahil kaya ko naman na raw. Sa tingin ko ay hindi pa. Trev left his car here para may magamit daw ako kung kinakailangan kong bumalik sa Manila.
At ngayon ang araw na iyon.
I sighed and decided to start packing up my things. Kung di pa ako gagalaw ay baka abutin pa ako nito ng siyam-siyam.
My business needs me right now. Nagkaroon kasi ng problema na pwedeng makaapekto sa long term investment sa kumpanya. I couldn't risk that. That company was my bread and butter.
Biglang nag-ring ang aking phone at napangiti ako nang makita ang kanyang pangalan. Kahit ganitong kasimpleng bagay ay kaya niya akong pangitiin. I put the loudspeaker on habang nag-iempake ako ng aking mga damit. "Goodmorning, Eevie. Napatawag ka?"
"You're leaving today, right?"
"Yup. May aasikasuhin kasi ako. I'm badly needed there." I tried to sound okay. Ayoko pa sanang umalis. Being near her made me happy these past few days. She became my happy pill. Kung papipiliin ako ay gusto ko na lang lumagi rito ngunit alam kong may taong umaasa rin sa akin.
I heard her sigh. "But...Uhm.. you'll come back?"
Hindi agad ako nakasagot. Depende kasi iyon. I couldn't afford to lose Mr. Takishima. Malaki ang naging tulong nito sa aking kumpanya. Someone is freaking messing up with me. Anong karapatan ng sinumang poncio pilato na iyon na manulot ng kliyente? Ngayon lang nangyari sa akin ito. Hindi naman sa pagmamayabang, businessmen fear me because of my connections. Ayoko namang mangako sa kanya at baka hindi ko matupad. Kung maari ay ayaw ko nang magbitaw ng salita na pwedeng makasakit sa kanya.
"Lex?"
"Hindi ko pa alam, eh. Eevie, I'll call you later. I really need to go. Promise, I call you agad, okay?" Kung magtatagal pa ang aming pag-uusap ay baka hindi na talaga ako makakaalis. I will really miss her. Ngayon pa nga lang ay nami-miss ko na siya, paano pa kung nasa Manila na ako?
"Ah ganun ba. Sige, ingat ka."
I tightly closed my eyes. Biglang bumigat ang aking dibdib. Kung puso ko ang tatanungin ay hindi na ako aalis talaga but my mind is telling me I should go. My employees have families. Sometimes we need to make mature decisions. "Eevie.." Oo, sumang-ayon ako na dadahan-dahanin ko ang pakikipaglapit sa kanya ngunit ayaw sumunod ng aking puso. Habang pinipigilan ko ay mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong mapalapit sa kanya. Hindi mo naman hawak kung ano ang gusto ng puso.
"Hmmn?" walang ganang aniya. Will she miss me too? Kapag ba hindi niya ako nakita ng ilang araw ay hahanap-hanapin niya rin ang presensiya ko? Sige, umaasa ka lang, my subconscious suddenly butt in.
"I will miss you." There. I said it already. What's the use of hiding my feelings for her kung halatang-halata naman ako? Simula pa lang noong lumapit ako sa kanya ay halatado naman akong may gusto na sa kanya.
Hindi na siya sumagot. I get it. Masyado akong mabilis ngunit nagpapakatotoo lang ako.
"Don't feel pressured to answer me back, Eevie. I really understand. Sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko."
"I'll miss you too."
"You don't need to say that, Eevie. Being near you means a lot to me kaya kontento na ako roon."
"Just come back, hmmn?"
Ayokong mangako. Ayoko na siyang masaktan dahil sa mga salita ko. I will come back for sure ngunit ayaw ko lang magbitaw ng salita. Iyan ang natutuhan ko sa aking mga magulang.
"Eevie, kailangan ko na talagang ibaba ito."
Agad na akong nagpaalam sa kanya. Kailangan ko na kasing magbiyahe. Tadtad na kasi ako ng mga text mula sa aking sekretarya. This is really an urgent matter. Mr. Takishima is demanding for my presence at kailangan kong ayusin ang problemang ito sa madaling panahon.
"Okay. Just be careful." And she ended the call.