webnovel

Chapter Seven

Malalim na buntong hininga ang hinugot ni Daniel. Mahigit isang oras na siyang pinaghihintay ng evil queen sa harap ng mga bisita at nag uumpisa na syang kabahan na baka hindi ito sumipot.

Nagtataka siya, bakit nga ba para siyang in love na groom na natatakot na hindi siputin ng bride? Hindi niya naman iindahin kung makita ang sarili sa front page ng kung ano anong magazine na may caption na 'Business tycoon's bride, no show on the day of their wedding!'

Kung hindi siya sisiputin ni Abegail, walang mawawala sa kanya. Kagaya ng wala namang mawawala sa kanya nang bayaran niya ito para pumayag na pakasal sa kanya. Sinabi niya sa sarili na hindi siya direktang apektado kung hindi ito dumating. Si Lian ang dapat nyang problemahin. Handang handa na ang bata na maging Ina ang dating Yaya.

Pero iyon nga ba ang nararamdaman niya? Kung totoong usap kasi, dama niya ang pangamba sa dibdib niya. He was even praying silently na dumating sana ang babae. Ayaw niya lang talagang aminin sa sarili. Hindi niya na mabilang kung ilang beses nya ng idinayal ang cellphone number ni Abegail. Out of coverage area.

Nagsisisi siyang hindi nya nakuha ang numero ni Fatima. Ipinasundo nya sa driver ang pamilya ni Abegail ng nagdaang gabi. Magkakasabay silang bumyahe papunta sa venue ng kasal. Ang Mama nya at si Abegail ang nagdesisyon na sa isang resort sa Tagaytay ang venue. Nagpareserve na rin sya ng isang gabing accommodation roon para sa kanila ng magiging asawa at sa mga kani-kanila nilang pamilya at kaanak.

Malalim na buntong hininga ulit ang hinugot nya. Does the clever queen had a change of heart? Hindi na ba ito pakakasal sa kanya hindi na baleng wala itong matanggap na pera galing sa kanya? Damn to hell, dahil dama nyang naninikip ang dibdib nya isipin nya pa lang na hindi sisipot ang tusong babae.

Does he badly wanted her for a wife? Ganun ba katindi ang kagustuhan nyang makitang naglalakad palapit sa kanya sa maiksing aisle na iyon ang dating yaya ng anak?

'Where the hell are you, Abegail?'

Napaungol sya. Hindi nya gusto ang itinatakbo ng isip nya o ang nabubuhay at tumitinding damdamin nya para kay Abegail na alam nyang nag umpisa nung unang beses nyang nakita sa University ang dalaga.

Lumunok sya, gumigitiw ang pawis sa noo nya. Maaaring hindi na sumipot ang babae. Baka ang totoong gustong gawin nito ay ang ipahiya sya. Pero masisisi nya ba itong umatras gayong wala naman itong damdamin para sa kanya? Mas gusto nyang sisihin ang sarili dahil hindi nya naisip ang posibilidad na hindi sya sisiputin ng babae.

He was about to turn his back to talk to the judge para sabihing hindi na matutuloy ang kasal nang marinig nya ang komosyon sa entrada ng may kalakihang silid kung saan naroon ang mga bisita kasama nya at ang judge na kaibigan ng Papa nya na syang magkakasal sa kanila.

"Nandito na ang bride!"

Dumoble ang tibok ng puso nya. Napalingon bigla, para syang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ni hindi nya napansin ang bahagyang pag aliwalas ng mukha nya nang masigurong si Abegail ang dumating.

Nakangiti ito habang naglalakad patungo sa kinatatayuan nya. Her eyes sparkling - na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito. Nakahawak ito sa braso ng Tatang nito na nakasuot ng barong tagalog. Si Aling Remedios ay naupo na sa pwesto nito katabi ang dalawang nakababatang kapatid ni Abegail.

Bumuntong hininga sya. Isa lang ang alam nya na hindi nya maamin amin sa sarili. Si Abegail ang pinakamagandang bride na nakita nya sa buong buhay nya. Bumagay sa slim nitong katawan ang elegante at mamahalin pero simpleng wedding dress na pinili ng Mama nya na bilhin para sa mamanugangin.

Off white ang kulay ng wedding dress. Bagsak na bagsak ang malambot na tela. Bagay sa simpleng ayos ng babaeng ilang oras na lang ay legal nya ng asawa.

Kung sya ang pinapili, pipiliin nya ang parehong gown para kay Abegail. Gusto nyang magprotesta nang nagpumilit ito na simpleng damit pangkasal lang ang suutin sa araw ng kasal nila. Mabuti na lang at napigil nya ang sarili nya.

Curious syang makita ang hitsura ng babae habang suot suot nito ang wedding dress. He guessed the gown would look good on her, he was disappointed because he was right.

Kuripot si Abegail. Walang humpay nitong tinawaran ang kakilalang mag aalahas ng Mama nya na syang pinagbilhan nila ng wedding bond. Manghang mangha ang Mama nya nang makahirit nga ng discount si Abegail sa kuripot na alahera.

Kinamayan sya ni Mang Dario. Tiningala sya ni Abegail nang makaalis ang Tatang nito. Maluwang ang ngiti nito sa kanya at gustong sipain ni Daniel ang sarili nya. He can not believe he was captivated by the evil queen's grin.

"What took you so long?" iritadong tanong nya.

Ngumisi ang babae. "Kinabahan ka 'no?"

"Anong sinasabi mo?"

"Akala mo hindi ako sisipot." Sagot nito sa napaka kalmadong tinig. Nakatingin ito sa Judge na magkakasal sa kanila. "Matitiis ba naman kita? Sinunod ko lang po ang pamahiin ng Nanay ko."

Kumunot ang noo ni Daniel. "Anong pamahiin?"

"Yong kailangang maghintay ng kalahating oras ang groom sa bride para hindi ka titingin sa ibang babae kahit kailan."

Hindi makapaniwala si Daniel. "Thirty minutes? Jesus Christ, Abegail. You made me wait for almost two hours!"

Nilingon sya ni Abegail. Nakangisi pa rin. "Mas matagal, mas effective."

❤️

Mabilis lang ang naging seremonyas ng kasal. Nang ideklara ng judge na kasal na sila at pwede nya ng halikan ang bride, sabay silang pumihit paharap sa isa't isa.

Tumaas ang isang sulok ng bibig nya nang mapansing biglang naging tensyonada ang babae. Malikot ang mga mata nito, tumitingin sa lahat ng parte ng apat na sulok ng kwartong iyon maliban sa kanya. Nawala ang angas at nang iinis na ngiti na kanina pa nakapaskil sa kulay pink nitong mga labi.

"Kiss her! Kiss her!"

Bumaba ang mukha nya sa mukha ni Abegail na naestatwa na yata.

"H-hahalikan mo 'ko?"

"I don't have the heart to reject them, wife." Sagot nya, pabulong.

Mariing pumikit si Abegail at amused napangiti si Daniel ng lihim.

Napasinghap naman si Abegail nang pumulupot ang bisig ni Daniel sa baywang nya. Lalong dumiin ang pagkakapikit nya sa mga mata nya nang maramdaman nya ang pagdiin ng mainit at malambot na labi ni Daniel sa naka double zip nyang mga labi.

Alam nyang mukha syang robot na walang baterya sa paninigas. Si Daniel ang first kiss nya.. kahit sabihing hindi pa nasagad sa tatlong segundo ang itinagal ng pagdidikit ng mga labi nila, first kiss pa rin nya ang lalake.

Nangingislap ang mga mata ni Daniel nang hindi sinasadyang mapatitig sya dito. Alam nyang gumaganti ang lalake sa pang iinis nya dito kanina.

"Nervous?"

"Malamig ang Aircon." Sagot nya, ginawa ang lahat ng kaya nya para ngitian ito. Bakit nya naman aamining ni nenenerbyos sya? Eh di pagtatawanan lang sya nito? Pero mahabaging Dios, kailan ba papangit si Daniel sa mga mata nya? Napakagwapo nito sa suot na barong tagalog.

"Congratulations, brod. You're one hell of a lucky guy." Nakangising bati ni Trace sa pinsan. Nakaalalay ito sa asawa nitong si Nowan.

"Congrats. Welcome to the family." Ani Nowan na mukhang modelo sa suot na kulay pulang gown. Hindi ito mukhang twenty six, mukha lang twenty. Parang dalaga pa rin.

"Hindi ko alam na rubber shoes pa rin ang terno mo sa dresses hanggang ngayon, Nowan." Puna ni Daniel.

"Bagay sa akin, aminin mo." Nakatawang tugon ng babae na iniangat ng bahagya ang suot, pinapakita ang nike rubber shoes na naitago kanina sa mahaba nitong evening dress.

Natawa ang dalawang lalake. Bumaling sa kanya si Nowan. "Congratulations again, Mrs De Marco.. pagtyagaan mo si Daniel at iiwas mo sya sa mga babaeng naghahabol sa kanya, okay?"

Ngumisi sya. "Kahit lamok hindi makakalapit."

Natawa ang mag asawa samantalang niyuko naman sya ni Daniel. Nakangiti din ang lalake sa kanya. Bakit parang genuine naman ang kaligayahang nasa mga mata nito? Hindi ito nakangiti para lang ipakita sa lahat na masaya ito? Baka naman may crush sa kanya ang lalake nahihiya lang umamin?

Ngalay na ang panga ni Abby sa kakangiti sa mga bisitang bumabati sa kanila. Hindi naman humihiwalay sa kanya si Daniel. Nag a assume na naman sya. Panay kasi ang lapit, kausap at sulyap sa kanya ng isa sa mga kaibigan ng asawa. Si Jared na isang Fil-Am at vocal sa pagsasabing napakaganda nya. NAPAKA daw. Kaya feel nya talagang nagseselos ang asawa nya kaya binabakuran na sya. Iritable si Daniel sa kanya at kay Jared kaya in-enjoy nya ng bongga ang bawat eksena.

"Stop staring at him now, will you? Araw ng kasal nating dalawa pero kung kani kanino ka nakatingin." Pabulong at pormal na sita sa kanya ni Daniel habang isinasayaw sya nito.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nya, lumalawak lalo ang pagkakangisi. Dama nya pa ang mabangong hininga ni Daniel sa leeg nya. Kumunot na naman ang noo nito.

"Jesus. Ang sinasabi ko lang ano na lang ang iisipin ng mga bisita kung.."

"May gusto ka sa 'kin. Maiintindihan ko naman na nasa in denial stage ka pa hanggang ngayon. Aaminin mo lang naman. Walang masama dun."

Inilayo ni Daniel ang sarili sa kanya. Huminto sa pagsayaw bagaman hindi nito inalis ang mga braso sa baywang nya. "You're crazy. Better stop it."

Tameme naman sya sa nakikitang warning sa mga mata ng lalake. "Joke lang eh. Sungit."

Hindi na kumibo si Daniel. Kinabig sya ulit samantalang isinandal nya uli ang ulo sa matipunong dibdib nito... nakangiti pa rin. Lalampas sya sa cloud 9 isipin nya pa lang na nagseselos si Daniel. Nakaramdam na siguro si Jared na nabu bwisit na ang groom kaya dumistansya na ito sa kanya.

"Umakyat na tayo sa kwarto natin." Makalipas ang mahigit isang oras pa ay yaya na sa kanya nito. Alam nyang unti unti na ring nakakaramdam ng inip at pagod ang lalake.

"Maaga pa."

Unang gabi nila bilang mag asawa. Pagtatangkaan kaya sya ni Daniel o uunahan nya na ito?

"I'm dead tired. Let's go o magpapaiwan ka pa dito?" Si Daniel sa bored na tinig.

Ngumiti sya. Ayaw nyang mabasag 'yong naipon nyang kilig sa buong araw.

"Sabi ko nga let's go." Tumayo sya kasabay ng paghawak sa malalaking kamay ni Daniel. Humihilig pa sya sa balikat ng asawa habang naglalakad sila patungo sa labas. Napapailing naman ang lalake pero hindi naman nagreklamo.

Hindi na sila nagpaalam pa sa mga bisitang naroroon. Ang Tatang nya ay kanina pa sinamahan ang Nanang nya sa silid ng mga ito para makapagpahinga. Si Lian naman ay napagod kaya maaga ding nakatulog kasama ang Lolo at Lola.

Saglit lang ay nasa loob na sila ng suite room.

Iginala ni Abegail ang mga mata sa loob ng kwarto.

"Dinala mo yang teddy bear mo?" Tanong nito, nakakunot noo. Nalingunan nito ang lumang teddy bear na nasa ibabaw ng malaking kama.

"Mahirap matulog pag hindi ko yakap 'yan." Sagot nya na inayos ang teddy bear. Ibinilin nya talaga iyon kay Tere. Ito ang inutusan nyang magpasok niyon sa silid na nakareserve para sa kanila ni Daniel.

Hindi na kumibo pa ang lalake. Hinubad nito na ang suot na barong tagalog.

"Mauna ka nang magshower." Anito sa kanya. Naupo ito sa gilid ng kama at hinubad ang itim na leather shoes.

"Hindi ako sanay mag shower sa gabi. Baka sipunin ako."

Ang totoo ay nanlalamig ang katawan nya sa pinaghalong excitement at takot. First night nila bilang mag asawa. Kanina kaya nya pang magjoke tungkol sa honeymoon - honeymoon pero ngayong dalawa na lang sila sa kwarto natense sya bigla.

Alam nyang nakatingin sa kanya si Daniel pero hindi sya nag abalang makipagtitigan dito. Dios mio, saan sya huhugot ng lakas ng loob?

"Come here." Mahinang anito. Doon sya napalingon.

"At bakit?"

Kumunot naman ang noo ng lalake. "And why not?"

"Napanood ko na 'yan e. Papalapitin mo ako sa'yo, tapos papaupuin mo ako sa kandungan mo pagkatapos hahalikan mo ako tapos may mangyayari na sa atin diba? O dba tama ako?" Saglit syang nagpause. "Sinasabi ko na nga ba, hindi totoong walang epek sa'yo ang alindog ko. May gusto ka sa 'kin dinaan daan mo lang ako sa propo - proposal kuno."

Nahinto sya sa pagsasakalita nang umahon si Daniel sa pagkakaupo sa kama at walang salitang lumapit sa kanya. Nagpanic naman pati ang kaluluwa nya. Napaatras sya, natakot bigla. Baka pwersahin ni Daniel ang sarili sa kanya. Sisigaw ba sya? O Titili sya sa kilig?

"I-iibahin mo ba 'yong style para makahalik?" Namutawi sa bibig nya. Halo halo ang emosyon sa dibdib nya... lamang lang ng kaunti ang anticipation, dagdagan pa ng kaunting landi.

Tinalo pa ng puso nya ang tambol ng isang dosenang drums sa tindi ng lagabog nang huminto sa Daniel sa harap nya. May mga ngiting naglalaro sa mamula mula nitong mga labi sa pagkakatitig sa kanya. Nanigas sya nang iangat nito ang mga kamay patungo sa likuran nya. Naipikit nya ng mariin ang mga mata nang dumaiti ang mainit na mga kamay ng lalake sa bare back nya.

"F-first time ko kasi, Daniel.. Ngayon na ba talaga? Akala ko ba magsa shower ka muna?" Kandabuhol ang dilang tanong nya. Pigil pigil nya ang hininga. Para na rin kasing nakayakap si Daniel sa kanya sa posisyon nilang dalawa. Grabe ang pagtitimpi nyang huwag tuluyang selyuhan ang isang dangkal na layo ng mga katawan nila sa isa't isa.

Nagdilat sya ng mga mata nang maramdamang naibaba na ni Daniel ang zipper ng suot nyang gown. Naramdaman nya rin na dumistansya ito sa kanya.

"That's what I wanted to do nang tawagin kita para lumapit sa akin. You can't unzip that dress by yourself, can you?"

Chương tiếp theo