webnovel

TNQ 1 : The Commencement of the Quest

~~~~kring....kring....kring.....kring.....kring....~~~~

"What the hell!!!!!"

Inis na sigaw ko. Ang aga- aga nambubulabog tong pesteng orasan na ito. Tinakpan ko ng unan ang aking tainga at sinubukang matulog ulit.

~~~~~kring....kring....kring...kring...kring....~~~~

Patuloy pa rin sa pag-iingay ang pesteng orasan. Diniinan ko ang pagkatakip ng unan sa aking tainga at nagpagulong-gulong sa aking malambot na kama. Subalit ,

~~~~~kring....kring....kring...kring...kring....~~~~

Rinig ko parin ito...

"Aaaaarrrrrggghhh....! Bat ba ayaw mong tumigil huh?!!!" inis kong sabi sabay tabig ang unan at kinapakapa ang orasan sa side table ng aking kama.

~~~~~kring....kring....kri------------....~~~~

~~~~bbbbooooooogggggghhhhhhssssss~~~~'

"Yan ang bagay saiyo! Hay! Salamat , tumahimik na rin. Tsk. "

Bumalik na ako sa pagkakatulog.

Nang malapit na sana akong maidlip ulit bigla na lang nagising ang boung diwa ko ng may malamig na liquid na dumampi sa aking balat.

"Bullshit! Sinong nagbuhos sa akin ng tubig?!" sigaw ko.

Kinusot-kusot ko ang aking mata at agad nilibot ang aking paningin sa aking silid. At bumungad sa akin ang salarin ng pagkabasa ko. Pacool na nakacross arms, nakasandal malapit sa pintuan ng aking silid at ngumiti na parang demonyo ang loko.

"Good Morning, Princess." bati nito.

"Curse you to death, Ares Eros Perez Maxwell!" inis at galit kung turan.

"Inis ka na ba niyan mahal na prinsesa? At ganyan ba bumati ang isang prinsesa kapag umaga?" tanong nito at hindi inalis ang nakakalokong ngiti.

"AGH! PANIRA KA NG TULOG! DEMONYO KA!"

Ngumiti lang ito ng abot tainga.

Inis na nga ako dito at umuusok na ang ilong ko sa galit, siya prenteng nakangiti lang. Ang kapal ng mukha! Ayy , putang-ina! Siya pa talaga ang nambulabog sakin sa masarap kung pagkahimbing. Patayin ko kaya ito.? Tss..Oooppps! Huwag! Kahit ganyan yan, mahal ko kaya ang bakulaw na ito. No other woman na makakapantay sa pagmamahal ko sa kanya. Kung may hihigit pa sa pagmamahal ko sa demonyong yan naku papatayin ko talaga pero charot lang, daming nagkakandarapa diyan kaso dedma lang, feel na feel ang pagkagwapo niya. Tsk!

And wait, nakalimutan ko, inis pala ako sa mokong, kung makapantrip to, wagas na wagas, di naman ako magpapatalo kaya kinuha ko sa tabi ko ang nabasa kong unan at boung lakas kong ibinato sa kanya.

"Bulls eye!"

"What the fuck! Athena Tyche Perez Maxwell!" mura nito ng tumama sa mukha niya ang unan na ibinato ko sa kanya.

Tinaas ko ang isa kung kilay nang tingnan niya ako ng masama.

"Yan ang napala mo sa pagiging sweet na kapatid!" inirapan ko ito.

Ibinato naman niya pabalik sa akin ang unan ko ng pagkalakaslas, buti matalas ang reflexes ko kaya nasalo ko ito't di tumama sa mukha ko.

"Ngayon ikaw pa ang may ganang magalit. Binulabog mo na nga ang pagkakatulog ko. At sinong nagsabi sa iyo na maglagay ng alarm clock sa side table ko? You know that I don't want that thing! Panira lang yan sa napakasarap kong tulog. Yan tuloy nabasag, ang mahal kaya niyan. Porket mayaman tayo, mag-aakasya ka na lang ng pera. Tsk. At may permiso ka ba na buhusan ako ng tubig, huh?!" Sermon ko sa kanya.

"Ngayon ikaw pa ang may -------------"

"Tse, gaya-gaya ng mga words. Wala kang ori------------------"

"Shut up STUBBORN BRAT! Hindi pa ako tapos magsalita!" Nagagalit na turan nito.

Napaayos ako ng upo sa kama, kasi nagmumukhang demonyo na talaga ang kaharap ko. Well,di ako takot sa kanya, rumerespeto lang.

(N/A: Di ka pa takot sa lagay na iyan? Napaupo ka nga ng tuwid ehh)

Shut up Miss Author! (N/A:Tsk.*zipper mouth*) Hayyss..umipal pa tong si author.

So, di nga ako takot sa kuya ko kaya't sinalubong ko ang mga matatalim na titig niya at tinaas ang aking dalawang kilay. Hindi na man ito natinag, as I've expected. We're in the same blood after all.

"As I've said, ikaw pa ang may ganang magsermon? Eh, ikaw na nga ang ginising. At alam mo po MAHAL NA PRINSESA, hindi ako ang nagsayang ng pera kundi ikaw!"

"Ano---------------"

"I said, Shut up!"

Saan ang hustisya? Wala ba akong karapatang ipagtanggol ang aking sarili? Naiinis na talaga ako. Sirang-sira na ang maganda kong umaga.

" Bakit ba binasag mo? At may permiso akong liguin ka, dahil sa sakit mong tulog mantika."

"Eh ano naman ngayon?" sabi ko sabay irap.

Di ko na mapigilan na magsalita. Bahala siyang lamunin sa inis at galit niya. Pakialam ko ba sa kanya.

"Akala ko matalino ka? Bakit di ka makaintindi ng simpleng English. Tatagalugin ko na lang. Ang sabi ko tumahimik ka. Ako ang kuya kaya ako lang dapat ang magsalita."

"Porket ikaw ang kuya, wala na akong karapatan na ipagtanggol ang sarili ko? Asan ang hustisya diyan? This is a free country, everyone is allowed to speak out."

"Tsk." Turan na lang nito at tinaas ang dalawang kamay na nagpapahiwatig na sumusuko na ito sa akin.

Napa-evil laugh na lamang ako sa isipan ko. And I flip my hair. Wagi na naman ako sa kuya kong demonyo.

Napabuntonghininga na lang ito.

"Sa bahay na ito ako pa rin ang batas. Fix yourself! It's 5:30 already. Malelate na tayo."

"Bakit naman tayo malelate? May lakad ba tayo?" taka kong tanong sa kanya.

As far as I know wala naman kaming appointment ngayon. And besides, it's Sunday. Rest day ko.

"May amnesia kaba, huh?" balik na tanong nito. "FYI Princess, Monday na ngayon. Vacation is over. Time to face our studies."

"WHAT?! "

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba." napailing ito "Hurry up. Tumayo kana diyan at maligo na. You know I am the president of the academy and at exactly seven in the morning ay dapat nandoon na ako. Di ako pwedeng malate dahil sayo."

"Duh, paki ko na malate ka! Nasa akin ba ang oras mo?" sabay tayo't irap sa kanya at pumasok sa banyo.

Sampung minuto lang akon naligo at nagbihis ng school uniform ng academy which is a light brown above the knee skirt, a white collar blouse under a dark blue long sleeve with a dark blue tie.

Uniform. Check.

Knee sack. Check.

2 inch heels school shoes. Check.

Braces. Check.

Thick eye glasses. Check.

Wristwatch. Check.

Perfect! I'm ready!

Pagkababa ko, nadatnan ko ang limang maids na naglilinis sa mga frames at mga furnitures namin. Nahalata yata nila na may bumaba kaya't napalingon sila sa gawi ko.

"Good mor-------------" putol na bati nilang lima at palipat lipat ang tingin sa isa't isa.

Inihanda ko naman ang kamay ko at tinakip sa aking tainga at dahandahang pinikit ang aking mga mata. Alam ko na kasi ang susunod na mangyayari.

"Aaaaahhhhhhh........multo!.."

"Aaaaahhhhhhh........magnanakaw!.."

"Aaaaahhhhhhh........may panget!.."

"Aaaaahhhhhhh........unggoy!.."

"Aaaaahhhhhhh........halimaw!.." sabay nilang sigaw.

See? Sabi na ehh.

Sa tinis at lakas ng kanilang tinig, di kataka-taka na mabubulabog ang loob ng mansyon. Kaya naman nang dumilat ako nasa harap ko na ang sampu naming knights. Nakatutok ang kanilang samurai sa akin samantalang ang sampung reapers at ang limang butler naman namin ay itinutok sa akin ang kanilang mga baril at nagsisilapitan naman ang lima naming chef at iba pang kasambahay.

"Anong nangyari dito?" tanong ng nilalang sa likuran ko.

"Kasi, Young mas------------------"

"Por dios por Santo, Athena. Ano na naman ang kahibangan na pumasok sa isipan mong bata ka? Ba't ganyan na naman ang ayos mo?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Belle, na halatang galing pa sa orchids garden namin.

May flower spray kasi itong dala. Siya ang sumusubaybay sa paglaki namin at nag-aruga naming magkapatid mula ng maulila kami.

Nang napagtanto nila kung sino ako, binaba naman ng mga knights ang kanilang mga samurai na nakatutok sa akin at ibinaba na rin ng mga butler at reapers ang kanilang baril. At sabay sabay na lumuhod sa harap ko.

"You can kill us now, young lady. We take responsibility for our actions a while ago. And for not knowing that it's you." Turan ni Butler Fing.

"Tsk"

"It is not all your fault, kaya tumayo kayo diyan at bumalik sa mga trabaho ninyo. Bago pa kayo mapatay ng kapatid kong multo, magnanakaw, pangit, unggoy at halimaw" walang emosyong sabi ng gwapo kong kuya.

Halata sa mga ito na nagpipigil ng tawa nang sinabi iyon ni kuya. Napailing na lang ako.

Tumayo na sila at nagsibalikan sa kanilang mga ginagawa. Kaya kami na lang nina kuya, Nanay Belle at ang limang kasambahay namin kanina na nagsimula ng kaguluhan na ngayon ay pinagpatuloy na ang paglilinis sa sala.

"At ikaw."

Sabi ng kuya kung demonyo este gwapo na nakatutok pa sa akin ang hintuturo nito. Di ko namalayan nasa harap ko na pala ito.

"Ano na namang kalokohan to?"

"Anak, kunin mo nga yang eye glasses at braces mo. Nagmukha kang di tao." sabat naman ni Nanay Belle.

Kaya tumawa na naman ang kuya kona tila ba tuwang-tuwa nagmumukha akong maligno. Tinanggal ko ang eye glasses ko upang makita nila ang ipinukol kong nakakamatay na tingin. Kaya napatigil sa pagkakatawa si kuya. Napabuntonghininga nalang ako bago nagsalita.

"Grabe ka naman Nanay Belle porket ganito ang itsura di na kaagad tao? Kawawa na man ang mga tao na ganito na talaga ang nakasanayan na pananamit. And beside di na ba kayo nasanay, gawain ko to."

"Di naman sa ganoon Anak, sa akademya ka na ng pamilya ninyo mag aaral, Hindi na sa St. Paul. Remember?"

"Also just to remind you , Alvarez Maxwell Academy is a school for elites. 90% of the population there are the daughters and sons of the big fishes in the business world. At maraming bullies doon and delinquents. Kadalasan ang mga bagong salta ang nakikita nila, di imposibleng mapagdidiskitahan ka doon kung ganyan ang ayos mo. Daig pa sayo ang dumalo sa halloween." Dagdag pa ni kuya.

"At pinapataas nyo naman ang mga sungay ng mga bullies at delinquents doon." taas kilay na saad ko. "Wala akong paki kung mabully ako. I'll let them do what they wanted to do to me. I assure you that I can handle them. So, 10% of the students of AMA were trash for the eyes of that 90% elites, huh? Tingnan natin kung uubra sila sa anak ng dating Queen at King doon."

" Wait, wag mong sabih--------------"

"What you think is what I wanted to do." putol ko sa kanya.

"Your insane, Athena!" bulyaw nito sa akin.

"My insanity leads me in a good way when I am in St. Paul. And its my basis that I can do the same in our own academy. Well, lemme see if uubra sa akin ang mga naghaharian doon. Ang kapal din ng mga mukha nilang pumusisyon sa tronong di sa kanila. Tsk. And I guess this look of mine is a good thing for a disguise on this mission in my hands right now. Ang di ko lubos maisip bakit sa akin nakatuka tong misyon na to? What's the use of hiding me for 13 years? Kung ipapain nyo ako sa malakas nating kaaway?"

"Kahit ako di ko alam ang sagot sa tanong mo."

Napabuntong hininga ako.

"Tsk. Makaalis na nga. Wala na akong ganang kumain."

Tumalikod na sana ako sa kanila nang pinigilan ako ng kuya ko.

"Late na nga ako dahil sa paghihintay sa iyo, ngayon iiwanan mo lang pala ako? Nice!" Nakasimangot nitong sabi. Nagmukha tuloy itong aso.

"Tsk. Wag kang mag-emote, di bagay. Di ko sinabi na hintayin mo ako. I hope I'll enjoy this semester with you my brother and with that cassanova, manwhore, jerk, pervert, bad ass or whatever he is!"

Hindi ko na siya pinasagot at tumalikod na. Narinig ko ang sigaw ni Nanay Belle.

"Anak, kumain ka muna....Magugutom ka niyan."

Napailing na lang ako sa turan ni Nanay... Halleeerrrr! Anong gamit ng cafeteria sa academy?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

N/A:

Ito na po ang first chapter. We hope nagustuhan ninyo. Sorry po talaga sa wrong grammar at mga typos. And also, warning po sa mga mura at medyo maselan na mga salita. Binabagay lang po kasi namin sa personalidad ng mga characters. We hope that you guys will be matured enough in reading the story. Huwag pong gayahin ang masasamang habits na mababasa sa kwento. This is only for fun and entertainment, nothing but fiction.

Hope excited kayo malaman ano ang mga sususunod na mangyayari sa buhay ng ating bida. Comment your thoughts and opinion to our story. Di po mabubuhay ang istoryang ito kung wala pong magbabasa.

God bless po sa inyong lahat.

Chương tiếp theo