webnovel

Special Chapter

"Wheelchair"

Gabi na nang mapadaan kami sa isang sementeryo, galing kami sa lamay ng isang kamag-anak.

Sobrang dilim ng paligid, wala man lang kailaw-ilaw.

Nang may mamataan kaming lalake na nasa gilid ng kalsada.

Titigilan sana namin para tanungin kung kailangan niya ng tulong.

"Tanungin mo na," sabi ko sa boyfriend ko.

"K-kuya, k-kailangan po ninyo ng tulong?"tanong nito na kinakabahan.

Nakatalikod kasi ito sa amin kaya hindi namin makita ang mukha niya.

Nakasakay pa siya sa isang wheelchair.

Hindi siya sumagot, kaya minabuti namin na umalis na. Natatakot na rin kasi kami. Tapat na tapat kasi iyon ng sementeryo.

Nagulat na lang ako nang magsalita ang boyfriend ko.

"Siyete sinusundan tayo!"malakas na sabi niya.

Tumingin ako sa salamin, nakita ko nga parang lumulutang siya, sinusundan niya kami.

"Bilisan mo pa!"Sigaw ko, ramdam ko na ang takot.

"N-nawala na," sabi ng boyfriend ko.

Ilang minuto lang

"Nandiyan ulit siya!"Sigaw ulit nito.

Nakita ko nga, sinusundan niya talaga kami.

Kahit takot na takot ako, kinausap ko pa rin ang boyfriend ko.

"I-Itigil mo babe, baka may gusto siyang sabihin. Baka may gusto siyang iparating," sabi ko.

"Ha? Ayoko natatakot ako," sabi nito.

"Hindi niya tayo titigilan, susundan niya tayo kahit saan. Gusto mo ba na hindi niya tayo patahimikin?"seryosong sabi ko.

Habang patuloy pa rin sa pagsunod sa amin ang lalake.

"Sige na babe, pagbigyan na natin ang isang kaluluwang ligaw. Para sa ikatatahimik niya" takot pa rin na sabi ko sa kaniya.

Nakinig naman siya sa akin at unti-unting nag menor, hanggang sa tuluyan na kaming tumigil.

Ipinikit ko ang mata ko habang bumibilis ang kaniyang paglapit.

Pagkatapos ay tumigil siya sa mismong tapat ng bintana namin.

Tumingin siya sa amin, gusto ko na sanang sumigaw sa takot nang magsalita siya.

"Ano karera pa? Wala pala kayo eh!"sigaw niya at nilampasan kami.

-Anino

●●●●●●●●

"Puno"

"Wala ba tayong ibang madadaanan maliban sa puno ng duhat diyan?" Sabi ng kaibigan ng tito ko.

"Wala na, gusto mo lumipad ka salubungin mo sa ere iyong bantay diyan" si tito.

Napatigil kami sa p," glalakad dahil malapit na nga kami sa puno na sinasabi nila.

"Bakit ano ba meron sa puno ng duhat na 'yan?" Naguguluhang tanong ko. Nagbabakasyon lang kasi ako sa kanila. Galing kami sa isang halloween party sa school nila sa La Union kaya kami ginabi.

"May nambabato diyan mula sa puno eh. Mula lang naman noong inumpisahan nilang gawin itong kalsada," sabi nila

"Gano'n? Eh di bago lang pala?" Tanong ko.

"Oo, sabi nila lola nabulabog daw kasi iyong mga nakatira diyan na hindi nakikita" paliwanag ulit nila.

"Nakakatakot naman. Eh saan tayo dadaan niyan?" Takot na tanong ko.

"Wala tayong ibang choice, diyan lang talaga ang daan" ang tito ko.

"Takbo na lang tayo ha" sabi nito

Hindi pa man ako nakakasagot nag-umpisa na silang tumakbo.

Habang tumatakbo sila naririnig ko na may mga batong lumalapag sa sementadong daan.

Hinawi ko na rin ang tali na naka harang dito at inumpisahan ko na ang tunakbo, kahit nanginginig pa ang tuhod ko.

Hanggang sa naramdaman ko rin ang mga bagay na lumalapag sa kalsada. Nilingon ko ito, ngunit sa kasamaang palad natapilok ako sa kahoy na nandoon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nanlalamig na ang buong katawan ko sa takot.

Lalo na nang makita ko ang isang nakaputi na unti-unting bumababa galing sa puno.

Hindi ko na maigalaw ang mga paa ko, gusto mo nang himatayin sa takot.

Pinili ko na lang ipikit ang mga mata ko ng maramdaman ko na papalapit na siya sa akin.

Takot na takot na ako na parang gusto kong maihi sa salawal.

Nang bigla siyang magsalita.

"Hindi ba kayo marunong magbasa? Sabi dito WIT SIMINT"

Tinignan ko ang kahoy kung saan ako nadapa.

Binasa ko ang nakasulat dito.

"WET CEMENT"

●●●●●●●●

" ALE "

Kanina ko pa napapansin ang matandang babae na sumusunod sa amin. Titig na titig siya sa akin at sa tiyan ko pababa.

"Hon, kilala mo ba iyong babaeng sumusunod sa atin?" Tanong ko sa asawa ko.

"Hindi, huwag mo na lang pansinin" sabi naman ng asawa ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin sa kaniya.

Minsan nakikita ko pa siyang biglang ngingiti tapos titignan ako mula tiyan ko pababa.

Natatakot ako para sa baby namin, kabuwanan ko na kasi.

"Sandali lang hon, upo ka muna dito bibili lang ako ng inumin baka pagod ka na" paalam ng asawa ko. Gusto ko sana siyang pigilan dahil sa takot ko ngunit mabilis siyang nakalayo.

Medyo ninerbyos ako ng unti-unting lumapit sa akin ang matanda.

Lalo na ng umupo ito sa katapat ko na upuan at ngumisi. Lumabas ang ngipin niya na lalong nagpakilabot sa akin.

Nang bigla siyang magsalita.

"Misis, magka-iba ang tsinelas mo." Sabi niya na nakangiti.

Agad naman akong napatingin sa suot kong tsinelas. Isang kulay pula at asul.

Napatingin ako sa kaniya at sabi niya

"Ang tanga-tanga! HAHAHAHA!"

●●●●●●●●

Chương tiếp theo