- Ipapakilala
Sa kabila ng mga pambabasag, pande-dedma at pang-isnob niya sa'kin sa mga sumunod na araw ay hindi ko pa rin siya nilubayan at tinigilan. Eto nga at kausap ko sina Kid sa phone dahil may plano ako. Sabado ngayon kaya't walang pasok at ilang araw na rin akong kinukulit ni Mama na ipakilala ko na daw 'yung nililigawan ko. Kaya tingin ko, eto na ang tamang panahon.
"Nasabihan ko na sina Ben pati buong tropa. Game daw sila," sabi ko habang namimili ng mga damit sa isang boutique.
"Ah, sige sige. Bale, Susunduin na namin ni Kid sina Maiko para maihatid kina MJ. Kita kita nalang tayo do'n," sagot ni Ken at binaba na ang tawag.
Nang may mapili na akong polo at tokong jeans ay iniabot ko 'yon sa saleslady para mabayaran na sa cashier. Kung inaakala niyong para sa akin ang mga 'yon, hindi. Pambabae kaya 'yon.
Nang maiabot sa akin ang mga damit ay agad na rin akong lumabas ng boutique, nakatanggap na rin ako ng text kina Kid na nandoon na daw sila sa tapat ng bahay nila MJ. Ayos.
Nang makarating sa parking ay agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive patungo kina MJ. Susunduin din kasi namin—este ko pala siya. Ilang minuto lang ay narating ko din ang bahay nila at doon sinalubong ako nina Kid kasama sina Maiko.
"IKaw na magdoorbell, pre. 'Kaw naman may pakana nito, e," ani Ken na ikinangisi ko lang. Lumapit ako sa gate at nag-doorbell, ilang sandali ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng Mama ni MJ na si Tita Jenny. "Good morning po, Tita," nakangiting bati namin sa kanya.
"Good morning din. Pasok, pasok," aniya at nilakihan ang bukas ng gate.
"Tulog pa si MJ, e. Kayo nalang ang gumising at napakahirap gisingin ng batang 'yon tuwing umaga," naiiling na sabi ni Tita. Napangiti ako nang makita ang oras sa aking relo. 8:14 am palang.
"Kami na ang aakyat nina Riz, baka magwala pa 'yon 'pag ikaw ang nakita niya," pagpiprisinta ni Maiko na sinang ayunan ko naman. "Paki bihisan niyo na rin. Eto 'yung damit niya, o," sabi ok at iniabot ang damit na kanina'y binili ko. Tumango lang sila at umakyat na sa kwarto ni MJ.
"Upo muna kayo mga hijo," ani Tita Jenny at pinaupo kami sa sofa sa sala nila. Umalis sandali si Tita para daw kumuha ng juice na siya namang pasok ng Papa ni MJ na si Tito Jun.
"Good morning po," sabay sabay na bati namin sa kanya. "Good morning din," nakangiti niyang bati at umupo sa upuang kaharap ng amin.
"Uhm, Tito, ipagpapaalam ko lang po na sa bahay na po namin magla-lunch si MJ. Magluluto po kasi si Mama, e. Tsaka... matagal na rin niya po akong kinukulit na makilala si MJ," nahihiyang sabi ko.
Tumawa naman siya at tumango, "Oo naman, hijo. Nasabi mo na sa amin kahapon."
Nagkukwentuhan kami sa sala nang bigla kaming nakarinig ng sigaw sa taas. Mukhang nanggagaling sa kwarto ni MJ.
"Tangina! Anong ginagawa niyo dito?! Sabado naman ngayon, ah?! Walang pasok!" dinig naming sigaw na si MJ nga ang may gawa. Napansin kong napailing si Tito at napahilot sa sentido. "Ewan ko ba naman kung bakit natutong magmura ang batang 'yan. Hindi naman siya ganyan noon," aniya at napabuntong hininga.
Napangiwi naman ako dahil may naalala na naman ako. "Ah-eh... mawawala din po 'yan kay MJ. May panakot naman po ako sa kanya, e," alangang sabi ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. "Oo nga pala." Aniya saka muling tumawa.
"Kala ko magwawala na naman siya, e," bulong ni Ken. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Dumating si Tita na may dalang juice. Umupo siya sa tabi ni Tito at nakipagkwentuhan na rin sa amin. Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin ay nakarinig kami ng mga yabag pababa ng hagdan at doon, nakita namin ang nakasimangot na namang si MJ.
"Shit. Sabi na nga ba't ikaw na naman ang may pakana nito, e." Inis na sabi niya pero hindi ko inintindi. Sabi ko na nga ba't bagay 'yung damit sa kanya, e.
"Buti sakto 'yung damit sayo," nakangiti kong sabi kahit na nakasimangot siya. Naka- red and grey checkered polo siya at tokong jeans tapos ay suot niya 'yung Vans niyang kulay itim at pula. Buti nalang 'yung ang ipinartner nila. May manipis na bahid din ng lip gloss ang labi niya na kanina niya pa pinagdidiskitahang burahin. Lalo akong napangiti dahil bagay 'yon sa kanya/ nag-thumbs up ako kina Maiko na ginantihan naman ako ng kindat.
"Kanino ba 'tong damit na 'to para alam ko kung kanino isosoli mamaya? Ba't kasi kailangang ganito pa itsura ko, e! Pwede naman 'yung mga damit ko! Ta's pati buhok ko tinirintas pa! Aist! Mukha akong babae tuloy!" inis na inis na sabi niya na ikinatawa ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero nginitian ko pa rin siya. "Sayo 'yang damit na 'yan. Binili ko kanina. Bagay nga sa'yo, e. Lalo kang gumanda," sabi ko sabay kindat sa kanya. Lalo lang niyang pinagsalubong ang kilay niya pero pansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. Uyyy! Nagba-blush siya!
"Ang tagal na mula nung huli ka naming makitang nakabihis ng ganyan, MJ," napalingon ako sa likod ko at doon nakita ang tila naiiyak na Mama ni MJ.
"Ma! Nakaganito lang ako, iiyak ka na? Ayoko ng drama!" ani MJ sa tonong tila inis pero lumapit naman siya sa Mama at Papa niya. Babaeng 'to parang mentos. Matigas kunyare sa labas pero malambot naman sa loob.
Yumakap at humalik siya sa Mama at Papa niya saka nagpaalam. "Sige, Ma, Pa. Alis muna kami nitong mga 'to."
Isa isa silang nagpaalam kina Tita hanggang sa ako nalang ang natira. "Salamat hijo at unti unti ko na uling nakikita ang dating siya," ani Tita saka ako niyakap.
"Hayaan niyo po. Konting tiis nalang at babalik din po siya sa dati." Tinanguan naman nila ako saka ako nagpaalam at lumabas na.
"MJ, sa'kin ka sasabay." Anunsyo ko nang kina Kid niya balak sumakay. Pabalagbag naman niyang isinara ang pinto ng kotse ni Kid at inis na bumaling sa kotse ko. Umikot ako sa passenger's seat at pinagbuksan siya ng pinto. "May kamay ako, di mo na kailangang ipagbukas ako ng pinto!" inis na sabi niya saka pumasok.
Napailing nalang ako at umikot na sa driver's seat saka ini-start ang kotse. Ibinaba ni Ken ang salamin ng kotse at dumungaw sa akin. "Una na kami sa bahay niyo? Kayo bibili ng mga lulutuin 'di ba?" tanong niya na tinanguan ko naman.
"Teka? Ba't kasama ako? Da't pala doon nalang talaga ako sumakay, e! Tangina!" inis na sabi ni MJ saka humalukipkip.
"Alam mo 'yang bibig mo? Konting kibot, mura. Konting galaw, mura. Sabihin mo lang kasi kung gusto mo ng kiss at pagbibigyan naman kita." Napangisi ako nang matahimik siya. Tumingin lang siya sa bintana at kunot noong nakikipagpatigasan sa salamin. Edi natahimik ka. Haha!
Nang makarating kami sa Mall, parang tanga lang, e 'no? Galing na ako dito kanina pero di pa ako bumili. Haha. Sadya 'yon. Gusto ko kasing makasama si MJ sa pamimili ng mga sangkap sa lulutuin ni Mama. Bonding na rin—kahit na inis na inis siya.
"Kain muna tayo ng breakfast? Anong gusto mo?" tanong ko nang makapasok kami sa loob.
"Pancake nalang," sagot niya nang hindi nagbabaling ng tingin sa akin. Dumiretso kami sa Pancake House at doon kumain.
~ ~ ~ ~ ~ ~
"Ano bang bibilhin natin?" tanong niya nang makalabas kami ng Pancake House. Natatawa nga ako kasi mahilig pala siya sa pancake. Favorite niya daw 'yung Chocolate Chips Pancake.
"Konti lang naman. 'Yungmga kulang lang na sangkap saka 'yung gagamitin natin mamaya sa pagbe-bake,"sabi ko habang tinitingnan 'yung listahan na tinext sa'kin ni Mama.
"Magbe-bake tayo?" Napatingin ako sa kanya nang marinig kong parang naexcite siya.
"Oo. Mahilig 'yung Mama kong mag-bake at gusto daw niyang magbake ng cookies. Mahilig ka ba sa cookies?" Unti unting lumapad 'yung ngiti ko nang halos kuminang ang mata niya sa tuwa. "Halig ako sa pastries!" aniya na talaga namang ikinatuwa ko. So ito pala ang soft side niya? Pastries? Haha!
Dumiretso na kami ng hypermarket para sa mga kailangan naming bilihin. Habang namimili kami, doon ko napansin na parang sanay na sanay siya sa pagpili ng kung ano ano. Karne, gulay pati iba pang sangkap.
"Marunong ka bang magluto?" natanong ko nang wala sa oras habang pinapanood siyang kinikilatis 'yung karne.
"Oo naman. Anong akala mo sa'kin? Walang alam sa bahay?" aniya na hindi inaalis ang tingin sa karne. Iniabot niya 'yon sa lalaki sa counter at agad ko naman binayaran.
Nang mabili namin ang lahat ng kailangan namin—pati na 'yung gagamitin namin sa pagbe-bake—ay inaya ko muna si MJ na mag-ikot ikot. Tutal may oras pa naman. Iniwan namin sa baggage area 'yung mga pinamili namin at nag ikot ikot na.
Nagtingin tingin kami sa iba't ibang shop at syempre, sa NBS, pati Precious Pages at Booksale kung saan may mga librong Wattpad. Tinanong ko nga kung may gusto siya, e. Wala pa daw 'yung inaabangan niya.
Huli naming pinasok ay ang isang accessory shop na talaga namang kinontra ni MJ. Puro daw pambabae do'n. Puro kung anong anong isinasabit sa katawan. Natatawa nalang ako sa mga pinagsasasabi niya pero sa huli, napilit ko din siyang pumasok.
Nagtingin tingin ako habang siya, e, akala mo asiwang asiwa sa mga nakikita niya. Sa isang estante, nakakita ako ng display ng mga singsing. Pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ang display ng mga mood ring.
"MJ!" tawag ko sa kanya saka siya hinila. "Sukat ka ng kasya sayo," sabi ko na ikinataas ng kilay niya.
"Mood ring?! Aanhin ko naman 'yan?"
"Para naman alam ko kung anong nararamdaman mo. Atleast 'pag suot mo 'to, alam ko kung naiinis ka, kung galit ka. Tsaka para na rin alam ko kung inlove ka na sa'kin! Malay ko ba naman kung may nararamdaman ka na pala sa'kin di mo lang pinapahalata."
Nangunot ang noo niya, "Ang feeling mo talaga kahit kelan 'no? Ang feeling!"
Tumawa lang ako at pinagsukat siya. Nang makapili siya, binayaran agad namin 'yon at binalikan 'yung mga pinamili namin para makapunta na sa amin.
"Siguradong matutuwa sayo si Mama lalo na't magkakasundo kayo sa kusina." Sinusulyapan ko siya habang nagda-drive ako at nakita kong tila natigilan siya.
"Di ko pa nga pala nakikilala Mama mo 'no?" aniya. "Teka, kaya mo ba ako pinagbihis ng ganito at isasama sa inyo dahil ipapakilala mo ako?!" Nanlalaki ang mga mata niya at laglag ang panga nang tumawa ako at tumango. "Tangina mo, Felix! Di mo agad sinabi! Putcha! Mukha na akong ewan tas... ugh!" inis na sabi niya na lalo kong ikinatawa.
"Ayos pa naman ang itsura mo, e. Maganda ka pa rin naman," puri ko sa kanya sabay kindat.
"Pakyu ka!"
Humalakhak ako. "Ay lab yu tuu!"
Nang makapag-park kami sa garahe ay napansin kong hindi mapakali si MJ. Tiningnan ko 'yung mood ring niya at kulay brown 'yon. Lumapit ako sa kanya at ibinaba muna ang mga bitbit ko para mahawakan siya sa magkabilang balikat.
"'Wag kang masyadong ma-tense. Di naman sila nangangain," natatawang sabi ko nang makita ang di mapalagay na ekspresyon niya. Hinila ko siya para mayakap at hinalikan ang ulo niya. "Relax, MJ. Mamaya mag-collapse ka pa."
Nang mapalagay na siya ay agad niya akong itinulak para makalayo sa'kin. "Ok na ako! Tyansing ka ah!" aniya at binuhat ang ilang plastic ng mga pinamili namin. Nakangiting napailing nalang ako at agad siyang sinundan.
"Nandito na po kami!" anunsyo ko nang makapasok kami sa loob. Nasa gilid ko si MJ at iginagala niya sa paligid ang mga mata niya.
"Nasa kusina kami, anak!" narinig kong sigaw ni Mama kaya naman hinila ko si MJ doon.
"Eto na po 'yung mga pinabili niyo." Isa isa kong ibinaba ang mga supot pati na rin 'yung dala ni MJ. Humarap sa amin si Mama na may suot pang apron. Napangiti siya nang mapadako ang tingin niya kay MJ na nakatingin lang din sa kanya.
"Siya ba si MJ, anak?" nakangiting tili niya. Tumango ako at agad niyang binitawang ang hawak niyang sandok para yakapin si MJ.
"Hi, MJ! Ako nga pala ang mama ni Felix! Tawagin mo nalang akong Tita Elixa!" nakangiting pakilala ni Mama at muli na namang niyakap si MJ.
"A-Ah.. he-hello po T-Tita..." agad kong inawat si Mama dahil sobrang higpit ata nung yakap niya. "Ay! Sorry! Na-excite lang kasi akong makita ka dahil lagi kang ikinekwento ni Felix sa'min!"
Tiningnan naman ako ng masama ni MJ na tila nagsasabing 'Anong kinekwento mo sa kanila?!' nginitian ko lang siya bilang sagot.
"Nasaan po pala si Papa?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nandoon sa garden. Kasama 'yung mga kaibigan mong nag aayos ng mga lamesa." Sagot ni Mama saka ko binalingan si MJ.
"Dito ka nalang para matulungan mo si Mama?" tanong ko sa kanya dahil mukhang gustong gusto na niyang maki-alam sa ginawa ni Mama.
"Marunong siyang magluto? Naku! Iwan mo nalang dito si MJ, Felix! Magba-bonding muna kami!" ani Mama saka hinila na si MJ papasok sa kusina. Saglit ko silang pinanood dahil kahit na kakakilala palang nila, magkasundo na agad silang dalawa. Lumabas ako ng garden at doon ko nakitang nagse-set up sila ng tent. Sina Maiko, Riz at Eliza naman ay abala sa paglalagay ng table cloth.
"Si MJ?" tanong ni Ben.
"Andun, kasama ni Mama. Nagkakasundo sa kusina 'yung dalawa. Haha!"
Pare parehong nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. "Marunong palang magluto si MJ?" ani Jin.
"Oo nga, e. Kanina ko lang din nalaman." Kibit balikat ko saka tumulong na sa pag-aayos nila.
Nang dumating ang pasado alas dose ay luto na rin ang pananghalian kaya naghain na kami.
"Heto na ang ulam na pinaghirapan namin ni MJ! Ang Kare-kare ala Elixa MJ!" anunsyo ni Mama saka ibinaba ang lalagyan ng ulam sa lamesa.
"Wow! Mukhang masarap ah!" ani Ken habang tinitingnan ang mga putaheng nakahain. May Menudo, Pininyahang Manok, Sinigang na Baboy, Afritada at ang Kare-kareng pinagtulungan daw nila ni MJ.
"Let us pray! Papa ikaw na ang mag-lead."
Nang matapos ang pagpapasalamat namin ay agad na nagsikuhanan ng kanin at ulam sina Ben. Halatang mga gutom na. Ako naman ay abala sa paglalagay ng kanin sa pinggan ni MJ. Katabi ko kasi siya, syempre.
"Ako na, Felix," aniya at pilit inaagaw sa akin ang lalagyan.
"No. Let me, please," bulong ko at buti sumuko din siya.
"'Tong si Felix, di pa man nagpapa-dessert na!" kantyaw ni Ben dahilan para magtawanan ang lahat maging sina Papa.
Habang nagkakainan kami at nagkukwentuhan, pansin kong parang kakaiba ang kinikilos ni MJ. Paanong kakaiba? Panay lang naman ang pagsubo niya kahit na hindi pa niya nalululon 'yung nasa bibig niya.
"Hinay hinay sa pagkain, MJ. Mamaya mabulunan ka," saway ko saka siya inabutan ng tubig. Sinamaan niya naman ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsubo niya.
Narinig ko ang tawanan nina Mama at Papa na kanina pa ata kami tinitingnan. Nakangiting pinapanood kami ni Mama at ganoon din naman si Papa.
"Naaalala ko tuloy noong ipinakilala kita kina Mama. Ganyang ganyan ka rin noon, e. Hahaha!" ani Papa na ikinatawa din ni Mama. "Oo nga. Nagpapa-bad shot ako pero hindi lang nila pinansin!" sagot ni Mama saka sila tumawang dalawa.
Nakiusisa na din sina Ben sa kanila at panay ang tanong kina Mama. Tawanan at kwentuhan kaya naman ang tagal naming kumain.
Muling napabaling ang atensyon ni Mama sa amin—lalo na kay MJ na panay pa rin ang pagsubo. "MJ, hija, ano bang ayaw mo dito sa anak namin?" tanong ni Mama na naging dahilan para masamid si MJ at ahitin ng ubo.
"Tubig, o!" Agad niyang kinuha ang basong hawak ko at tinungga ng diretso.
"Ma naman!" saway ko habang hinahagod ang likod ni MJ. Nang ok na siya ay ako naman ang uminom ng tubig.
"Pasensya na po kung bastos pakinggan pero ang ayoko po sa anak niyo, e lalaki siya." Dire diretsong sabi ni MJ dahilan para ako naman ang masamid.
"ANO?! Dahil lalaki ako?! Kasalanan ko ba 'yon?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hahahaha! Magpa-sex change ka daw muna Felix! Balik ka nalang 'pag babae ka na!" nang aasar na sabi ni Ken saka sila tumawa ng tumawa.
Bumaling naman ako kay MJ, hindi pa rin ako makapaniwala. Seryoso ba siya? Dahil lalaki ako? "Bakit? Babae ba ang gusto mo?"
Sa kabila ng mga tawanan at biruan nila Ben ay nangibabaw pa rin ang boses ni Papa. "MJ, hija," pagtawag niya ng atensyon kay MJ, "May... may galit ka ba sa mga lalaki?" tanong ni Papa na ikinatahimik ng lahat. Nag-iwas ng tingin si MJ, tanda na ayaw niyang pag-usapan at sagutin ito. So may nakaraan siya sa isang lalaki?
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Nang matapos kaming kumain at nang ihain ang mga cookies na binake ni Mama at MJ ay balik sa dating ingay ang mga barkada ko. Sina Ken at Kevin, nagpapadamihan ng makakain, sina Jin, Ray at Ben naman ay nagkukwentuhan na may kasama pang patukan. At sina Maiko, Riz at Eliza naman ay katabi si MJ, nagkukwentuhan din ata.
"Mukha ngang mahihirapan kang kuhanin ang loob niya, anak. Mukhang may nakaraan siyang pumipigil sa kanya," ani Papa na nakatayo sa likod ko. Nakatingin lang ako kay MJ at pinagmamasdan ang mga ekspresyon niya. "Bahala na, Pa." napapabuntong hininga kong sabi saka ko naramdaman ang pagtapik ni Papa sa aking balikat.
"May tiwala ako sa'yo, anak."
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
"Heto ang mga cookies, o. Para may makain pa kayo sa mga bahay niyo," ani Mama at isa isang inabutan ng mga naka-pack na cookies silang lahat.
"Ay, thank you po, Tita. Mukhang mauulit kami dito 'pag ganito. Haha!" biro ni Ken.
"Naku, basta magsabi lang kayo at ako nang bahala!"
"'Yon! Ang cool ng Mama mo, Felix! Da best!" ani Ken at nagtawanan sila. Pag talaga kainan, si Ken ang magaling d'yan.
"Hija, dalaw ka dito minsan, ha? 'Wag kang mahihiya sa'min kung gusto mong gumala!" ani Mama kay MJ na tinanguan naman ng huli.
"Sige po. Mauna na kami." Paalam niya kina Mama. Natawa ako dahil akala ko ay magkikipag-beso beso siya kay Mama pero hindi! Ang ginawa niya, hinawakan niya ang kamay ni Mama para mahila niya sa katawan niya saka tinapik si Mama sa likod. Ganoon din ang ginawa niya kay Papa na natatawa nalang.
"Lalaking lalaking umasta 'tong si MJ! Pati batian ng mga lalaki, alam!" natatawang sabi ni Maiko.
Nang makasakay sila sa mga sasakyan nila, ini-start ko na rin ang kotse ko. Ihahatid ko si MJ, syempre. Heto nga at tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ang tahimik mo naman yata." Basag ko sa katahimikan dahil hindi ako sanay ng tahimik siya, gaya ngayon.
"May iniisip lang."
"Ano naman iniisip mo?" usisa ko at pasulyapsulyap sa kanya.
"Kalalaki mong tao, napakachismoso mo. Magdrive ka na nga lang!"
Natawa nalang ako at napailing. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa tapat n bahay nila. Umikot ako para pagbuksan siya ng pinto.
"S-Salamat sa lunch." Nahihiya niyang sabi.
"Wala 'yun. Gusto ko rin namang ipakilala ka kina Papa. Sabi ko kasi mukhang nahanap ko na 'yung babaeng ihaharap ko sa puntod ni Lolo at ilalakad sa altar para maitali sa'kin habangbuhay." Sabi ko at napansin kong pinulahan siya ng pisngi. Agad niya itong tinakpan ng kamay niya pero wrong move. Lalo ko lang nakita 'yung ebidensya. "Tingnan mo. Namumula 'yung mood ring mo, o!"
"Aist! Ewan ko sayo! D'yan ka na nga!" inis na sabi niya saka nagmamadaling binuksan ang gate nila saka pumasok. Hindi ako umalis doon hanggang hindi ko naririnig ang pagsasara ng pinto nila, at nang marinig ko 'yon, nakangiti akong sumakay sa kotse ko. I knew it! I have an effect on her too!