webnovel

Wan - Ang Plano

Felix's POV

"It's payback time! Asan na mga libre niyo?" bulalas ni MJ sa mga tukmol na nakadukmo sa table dito sa Canteen. Lunch break na kasi at gaya ng usapan nila, ililibre nila si MJ.

"Tangina. Sakit ng ulo ko, pre! Naka-ilang bote ba tayo kagabi?" reklamo ni Ben habang nakahawak sa ulo niya.

"Naka-anim ata tayo ng Red Horse tas may San Mig Light pa bago 'yon, di ko na mabilang! Pakshet! Sakit sa ulo!" dagdag ni Jin na gaya ni Ben, may hangover din. Pare pareho silang apat ng daing, pwera lang kay MJ na maliksing maliksi pa rin at nakangisi pa habang tinitingnan 'yung apat.

"Gago kasi kayo, e! Manghahamon hamon tas wala namang laban! Hahaha!" ani MJ habang nakalahad ang kamay sa kanila.

"Aba't malay ba naman naming sinlaki ng drum ang bahay alak mo! Ahh, shet! May gamot ba kayo d'yan sa hangover?" ani Kevin habang nanghahalukay ng bag ng may bag.

Maya maya'y dumating sina Kid at Ken dala ang mga pagkain. "O, mga ugok. Eto gamot sa mga kalokohan niyo." Ani Ken saka inabutan ng gamot bawat isa. "Iinom inom kasi di naman pala kaya," dagdag pa niya.

Habang sila e abala sa pagkukulitan dahil sa naganap na inuman kagabi, ako naman, nakatingin lang kay MJ na abot tenga ang ngisi habang binibilang 'yung perang naharbat niya dun sa apat.

Simple lang siyang pumorma kung titingnan. Simple, as in simpleng porma ng lalaki. Pero dahil nasa school kami ngayon, nakasuot siya ng school uniform na palda at blouse. Pero kung sa tipikal na babae, 'yung palda niya e, lagpas tuhod, 'yung manggas ng blouse niya laging nakalilis at lagi din siyang may suot na sombrero. Siga nga kung titignan, e. Tapos ang lagi pang kasama, kaming mga lalaki. Pero may mga tropa din naman kaming mga babae, ka-close din niya, oo, pero mas malapit siya sa mga lalaki.

"Pre, titig na titig ka naman kay pareng MJ. Hinay hinay, aba. Baka mamaya biglang malusaw 'yan, ikaw din." Puna ni Kid saka umupo sa tabi ko.

"May plano ka na ba kung paano mo paaamuhin si MJ? Usapang matino 'yung kagabi, ah. Di kami lasing ni Kid." Ani Ken.

"Oo, matino akong kausap. Sa ngayon, tinitingnan ko pa 'yung mga weak points niya, e. Kung ano 'yung mga dapat kong baguhin sa kanya. Tinitingnan ko pa kung saan at kelan lumalabas 'yung pagiging babae niya."

"Sus! Edi dalhin mo sa mga boutique! O kaya, sa mall! Kahina mo naman, pre!" ani Kid. Napatango naman ako sa suhestiyon niya. "Pwede."

"Pero ang tanong, paano mo kaya maisasama 'yan sa mga lugar na pambabae?" hamon ni Ken sabay ngisi.

Ginantihan ko din siya ng ngisi. "Watch and learn, pare." Sabi ko saka dumako ang tingin sa papalapit na si MJ. Sandamakmak na pagkain na naman ang dala at may kagat-kagat pa.

Tumayo ako at tinulungan siya sa mga dala niya. "Uy! Salamat, Felix! Tangina! Happy happy na naman mga alaga ko nito!" nangiting bulalas niya. "Gusto mo?" alok niya sa akin sa tinapay na kagat kagat niya. Umiling ako sa ngumiti sa kanya. "Choosy pa? Haha! Edi 'wag!" aniya at ibinaba sa lamesa 'yung mga pagkain niya. Nang akma pang kukuha si Ben, agad niya itong tinampal sa kamay. "MINE!" deklara niya.

Natawa nalang ako habang ibinababa ko 'yung iba pang nasa akin. "MJ," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya habang nakanganga, isusubo na kasi niya dapat 'yung nasa kutsara niya. Inalis ko muna 'yung crumbs ng tinapay na nasa gilid ng labi niya bago magsalita. "Pwede ka ba bukas? Samahan mo naman ako, o. May bibilin lang," sabi ko.

Hindi ko alam kung ano pero nung pahiran ko 'yung dumi sa mukha niya, pakiramdam ko nagulat siya. Para ding bahagyang pumula 'yung pisngi niya. Ewan ko kung imahinasyon ko lang 'yon o ano.

"So... pwede ka ba?" tanong ko ulit sa kanya. Marahan naman siyang tumango habang nakanganga pa rin at nakaabang 'yung kutsara.

"Ayos. Sunduin nalang kita sa inyo ah." Ngiti ko saka bumaling kina Kid at Ken na nakatingin din.

Chương tiếp theo