webnovel

MISS RUSH HOUR

Maagang gumising si Angela para ihanda ang sarili sa pagpasok. Kailangan kasing makarating s'ya sa Hotel bago mag-alasais ng umaga.

Ngayon kasi ang unang araw ng kompitisyon. Halos tatlong araw din nila itong pinaghandaan. Nakakaramdam s'ya ng konting kaba, pero handa na s'ya sa mga mangyayari. Manalo man o matalo okay lang naman sa kanya, basta ibibigay n'ya ang best n'ya sa kompitisyong ito. Gagawin n'ya lahat ng makakaya n'ya bahala na at least lumaban s'ya kahit hindi s'ya ang manalo.

Kung papalarin naman s'ya, malaking bagay talaga ito sa kanya. Ito pa lang kasi ang pwede n'yang ipagmalaki na nagawa niyang mag-isa. At hindi lang ito para sa sarili n'ya, higit sa lahat para sa kinikilala niyang pamilya.

________

Pagbaba niya ng taxi deretso na s'yang naglakad patungo sa gilid na bahagi ng Hotel. Dito dumadaan ang lahat ng mga empleyado pagpasok ng Hotel. Dito rin nagpapacheck ng attendance ang lahat bago magsimula ng trabaho.

Pagdating n'ya sa entrance door agad n'yang inilabas ang kanyang Id at iniabot sa guard na nakaupo malapit sa entrance  gate. Marami s'yang nakasabay ng oras na iyon kaya saglit s'yang pumila para sa attendance.

Nang s'ya na ang magtatala, agad n'yang isinulat ang kanyang pangalan, oras at lagda sa isang Log book. Ito rin kasi ang magiging attendance nila sa gaganaping kompitisyon. Matapos s'yang magsulat agad na n'yang kinuha ang kanyang Id. Tatalikod na sana s'ya ng muli s'yang tawagin ng guard.

"Hey lady, Mary Angeline Alquiza right? I think this is for you. Someone's give it to you, here take it."

Dahilan upang muli s'yang mapalingon dito. Kasabay ng pagtataka sa tinuran nito, lalo na sa hawak nito na iniaabot sa kanya. Isang bouquet of flowers na pinaghalong red, orange and yellow tulips. Saglit s'yang nagbantulot na ito'y kuhanin. Pero dahil sa ganda at kahali-halinang itsura ng bulaklak, kusa itong inabot ng kanyang mga kamay. Bago pa man s'ya mag-alinlangan.

"Who send me this flowers, sir?" Tanong n'ya subalit nagkibit lang ito ng balikat at muli nang ipinagpatuloy ang gawain. Dahil sa mga nakapila hindi na n'ya ito nagawang kulitin pa, nakakaagaw na rin kasi s'ya ng pansin ng mga naroroon.

Nagpatuloy na lang s'ya sa paglakad papasok ng Hotel. Habang lumalakad binasa na lang n'ya ang tarhetang nakadikit dito.

My love,

I just want to say, good luck!

                                     J. D.

Napahinga s'ya ng malalim matapos basahin ang nakasulat. Batid na n'ya kung kanino ito nanggaling. Saglit pa siyang nag-alangang amuyin ito. Subalit sa huli napapikit pa s'ya upang samyuin ang halimuyak ng mabangong bulaklak. Kasunod nito ang pinaka matamis n'yang ngiti.

Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Subalit ng maisip ang oras, lakad takbo na naman s'yang nagpatuloy na tila may hinahabol. Hindi na tuloy n'ya napansin si Joaquin na nakakubli na naman sa isang malaking poste na tila sadyang hinihintay ang kanyang pagdating. Ngunit ng makita nito ang kanyang pagmamadali. Hindi na s'ya nito gustong abalahin pa, nagkasya na lang ito na pagmasdan s'ya habang palayo. Ang hindi lang nito naiwasan ang bumulong sa sarili.

Here it's you again, as always. Miss Rush hour..

Kasabay ng masaya nitong ngiti.

________

Abala na ang lahat sa kitchen ng dumating s'ya. Eksaktong nagsisimula na rin ang discussion about sa challenge. Mabuti na lang hindi lang s'ya ang nahuli ng dating.

Kasalukuyang ipinapaliwanag na ng organizer kung paano nila ito sisimulan? Pinagbuklod ang bawat kasapi. Bubuo sila ng grupo na may sampong m'yembro, ang bawat grupo ay maassign sa bawat section. Dalawa sa bawat assignment, isa s'ya sa napili sa desserts section.

Sa huli ng elimination round tatlong grupo ang maiiwan. Ang tatlong grupo ang maglalaban ulit kinabukasan para sa final round.

Sinimulan nila sa pagbuo ng grupo tinawag ang bawat pangalan. Nakabuo sila ng anim na grupo na may tig sampong m'yembro. Isa s'ya sa nakasama sa group 3.

"Ok let's the challenge begin, I know you can do it guys. Good luck, everyone." Ang kanilang organizer na si chef Francesca Perozzi habang pumapalakpak ito.

Matapos magpasalamat ang bawat isa at nag-usap usap ng dapat gawin. Pinasimulan na nga ang kompitisyon. Ang lahat ay bumalik sa kani-kanilang working place.

Nagpasalamat s'ya na isang half Pilipino Italian ang kasama n'ya sa grupo, mukhang magkakasundo sila nito sa loob loob n'ya. Nakikita na n'ya ito sa pantry section, empleyado rin ito sa Hotel.

Nginitian niya ito at personal silang nagpakilala sa isa't-isa.

"Boungiorno, I'm Allegra Messina?"

"Buongiorno anche a te, mi Angela Alquiza."

Saglit pa silang nag-usap usap ng mga dapat gawin, hanggang sa nagkasundo silang pasimulan na ang lahat. Sabay sabay silang kumuha ng supply na kakailanganin at naghanap ng sarili nilang pwesto kasama ng iba pang tulad nila na gagawa rin ng desserts.

Pinili n'yang gumawa ng cookies at cheesecake. Habang si Allegra ang gagawa ng mousse cake at sorbet.

Gumawa s'ya ng ibat-ibang hugis at disenyo ng mga soft cookies. Gumamit din s'ya ng ibat-ibang flavors sa bawat hugis at disenyo nito. Pagdating sa cake pinili n'ya ang gumawa ng cheesecake with almonds and dark chocolate.

Pagkaraan ng ilang oras, halos tapos na rin s'ya. Paglingon n'ya sa paligid halos patapos na rin ang lahat maging si Allegra. Ang iba nasa platings na, ang iba naman ay kasalukuyang nagdi-design na ng cake.

Pero s'ya nag-iisip pa rin kung ano ba ang pinaka maganda niyang magagawa? Nang isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang utak. Nang matanawan n'ya ang isang flower vase sa di-kalayuan. Naisip n'ya ang tulips na natanggap n'ya kanina.

Ano kaya kung ito na lang ang gamitin kong designs. Dahil babae naman ang celebrant, kaya dapat lang na may feminine touch ito? Bulong n'ya sa sarili.

In less than 30 minutes, Presto natapos din s'ya sa wakas. Halos lahat ay tapos na rin. Eksaktong pagdating ni Chef Francesca.

"Okay guys, finished or not bring your work here." Utos nito.

Nagulat man sumunod pa rin ang lahat.

Dinala nilang lahat ang mga nagawa nila sa isang pahabang mesa. Kung saan naka-tag ang kanilang mga group number.

Matapos ang lahat inatasan silang bumalik na sa kanilang duties. Eksaktong alas dose na ng tanghali, mamayang 4 pm ng hapon iaannounce ang tatlong mapipiling grupo. Ang mapipili ang muling lalaban para sa final round na magsisimula ulit sa ganap na alas 6 ng umaga bukas.

Dahil oras na rin ng break time nila. Naisip niyang kumain na lang muna bago bumalik sa trabaho. Pagdating niya sa canteen, kung saan dito rin kumakain ang halos lahat ng empleyado ng Hotel.

Hindi na n'ya nakasabay si Allegra pagkatapos nilang mag-out. Dahil may importante pa daw itong gagawin. Kaya mag-isa s'yang pumunta ng canteen upang doon kumain.

Dahil maraming kumakain, kaya nahirapan s'yang maghanap ng bakanteng upuan. Hanggang sa makita n'ya ang pandalawahang upuan sa dulong bahagi ng canteen.

Nagsimula na s'yang maglakad papunta dito. Subalit bago pa s'ya makarating may naulinigan s'yang nag-uusap na sa pakiwari n'ya mga Pilipino rin ang mga ito. Base sa salita kahit pa may kulay ang mga buhok. Nang saglit pa ulit n'ya itong tingnan, nakita n'ya ang isang lalaki at dalawang babae ang magkakaharap at abala sa pag-uusap. Marahil hindi na rin s'ya napansin ng mga itong dumaan.

Nakaupo na s'ya at handa ng kumain ng bigla s'yang matigilan..

"Alam n'yo ba guys kung hindi kasali ang babaing yun wala sana tayong magiging problema. Dahil magiging patas talaga ang laban." sabi ng isa.

"Ang kaso nga baka mas paboran nila ang babaing yun!"

"Kapag ganu'n naman ang ginawa nila ang sama talaga nila hindi tama yun!"

Bigla s'yang nakaramdam ng kaba, hindi man n'ya lubos na nauunawaan ang mga sinasabi ng mga ito. Pero may palagay s'ya na mayroon itong pinatutungkulan. Ayaw man n'yang isipin iyon pero iba ang pakiramdam niya ukol dito.

Binilisan n'ya ang pagkain habang patuloy sa palihim na pakikinig sa mga ito. Marahil inaakala ng mga ito na walang makakaintindi sa kanila. Dahil sa tagalog ang gamit nilang lengwahe. Mabuti na lang patalikod s'yang naupo mula sa kinaroroonan ng mga ito kaya hindi rin s'ya napansin.

"Bakit ba sumali pa s'ya, ano yun gusto n'ya lang magpaimpress?"

"Baka gusto n'yang magyabang kay sir J ano pa nga ba?"

"Ibang klase din s'ya ah"

Narinig pa n'yang sinabi ng mga ito pagkatapos ay nagtawanan pa. Dahil sa mga narinig mariin n'yang naikuyom ang mga kamay. Pigil ang emosyon na nararamdaman. Bakit ba may pakiramdam s'yang, s'ya ang tinutukoy ng mga ito. Kaya kahit hindi pa s'ya tapos kumain mas pinili na lang n'yang umalis sa lugar na iyon.

Kahit hindi pa tapos ang kanyang break time pinili niyang bumalik na lang ulit sa Kitchen. Tamang tama naman na abala ang lahat dito ng dumating s'ya. Tila nagmamadali ang lahat, ang pagkakaalam niya mas nagiging busy ang lahat kapag may VIP's sa Hotel.

Kaya agad na rin s'yang kumilos para makatulong mas mabuting kalimutan na lang muna n'ya ang nangyari. Mas kailangan s'ya dito ngayon.

"Ow! You there, thank God you come. Quick, come over here help us!" Ang kanilang senior Patissier na si Chef Paul Adelmo ng makita s'ya nitong dumating.

Isa itong French Italian may idad na ito pero matikas pa rin, hindi rin matatawaran ang galing nito sa kusina lalo na sa pagiging pastry chef. Ang totoo isa ito sa hinahangaan niya dito sa simula pa lang ng pananatili niya dito sa Hotel. Kaya ng alukin s'ya nitong maging assistant, hindi na s'ya tumanggi pa. Alam niyang marami s'yang matutunan dito. Lagi na rin s'ya nitong hinahanap mula ng pumasok s'yang assistant nito. Pinagkakatiwalaan din s'ya nito sa paggawa ng mga special na desserts sa mga special na okasyon sa Hotel na dati daw ay hindi nito ipinagkakatiwala sa iba.

Mabait naman ito sa kanilang mga crew para na nila itong ama. May pagka-istrikto nga lang ito sa oras ng trabaho. Mahalaga dito ang bawat oras at kailangan lagi kang naka-focus sa ginagawa mo.

Ang hindi lang n'ya talaga gusto dito kapag galit ito madalas kinakausap sila nito sa salitang pranses na talagang hindi n'ya maintindihan. Italian language nga lang quota na s'ya salitang French pa kaya? Hindi naman s'ya dictionary.

"Hey! Why you just staring at me,  I know I'am a good looking, but this is not the time for that, lady. I said come here, you help us pronto!" Sabi nito na saglit na ngumiti pero bakas pa rin ang pagka-istrikto ang tipid ng ngiti.

Nataranta na tuloy s'ya buti na lang suot na n'ya ang kanyang apron at handa ng magtrabaho.  Matapos s'yang bigyan nito ng instructions bumalik na ulit ito sa ginagawa. Saglit s'yang huminga ng malalim at nagsimula na s'yang gawin ang dapat gawin.

Matapos ang ilang oras na tutok ang lahat sa gawain naging maayos din ang lahat. Nakakapagod pero masaya s'ya, dahil naging makabuluhan ang buong maghapon nila ngayong araw. Nagawa nila ng tama at maayos ang kani-kanilang tungkulin. At higit sa lahat nasiyahan ang mga kumain ng mga niluto at inihanda nilang pagkain.

Halos hindi na rin n'ya namalayan ang oras. Mag-aalas kwatro na pala, ngayon na rin nila malalaman ang mananalong grupo na kasali pa rin bukas.

Eksaktong 4pm ng papuntahin sila sa function hall kung saan iaannounce ang mga pangalan ng mga nagwaging contenders.

Dahil excited na s'yang malaman ang resulta. Tulad din ng ibang mga contenders biglang napuno ang hallway papuntang function hall. Isa na rin s'ya sa mabilis na naglalakad patungo dito.

Kung kailan naman malapit na s'ya, saka naman s'ya natigilan. Ang lalaking hindi n'ya gustong makita o ang makasalubong man lang.. Bigla tuloy n'yang naalala ang nangyari sa canteen kanina. Napahinga s'ya ng malalim. Dahil sa pagkaalala n'ya dito. Hindi na s'ya nag-isip bigla s'yang umikot at tumalikod pabalik. Pero tila huli na..

"Bakit tila nais mo akong iwasan?" He said.

Again I'll take a deep breath for a while. Before I turn around to face him off.

Pagharap n'ya kahit hindi pa n'ya direktang tingnan ang paligid. Batid niya ang pagkagulat ng mga nasa paligid nila base sa mga konotasyon na kanyang naririnig.

Bakit nga ba wala naman s'yang ginagawang masama ah?

"Ah, hindi naman sir, may nakalimutan lang kasi ako gusto ko sanang balikan." Kasabay ng pekeng pagtawa.

"Do you want me to believe in your alibi. Ok I leave it to you now. But I just want to remind you. I want to take you home after this, okay?" Matapos itong sabihin nagtuloy-tuloy na itong lumakad palayo.

Wala na s'yang nagawa kun'di ang lingunin ito at ihatid ng tanaw. Nang maalala ang kompitisyon bigla s'yang nataranta. Nagsisimula na pala ang announcement. Agad s'yang umupo sa bakanteng silya at nakinig. Naroon na rin pala si Allegra. Saglit n'ya itong nginitian at ganu'n din ito sa kanya.

Hanggang isa isang banggitin ang mga pangalan ng mga maiiwang mga contenders na magpapatuloy pa rin bukas. Hindi n'ya naitago ang saya sa kanyang mukha ng kabilang sila ni Allegra sa pangalang  nabanggit.

Subalit saglit lang ang kaligayahang iyon. Dahil ang kasunod nito hindi rin naikaila nang kanyang pandinig ang biglang pag-ugong ng bulungan sa paligid. Sinikap n'ya itong balewalain, dahil wala naman s'yang ginawang masama ah?

Pero bakit ganu'n kahit pilitin n'ya itong h'wag pakinggan? Pakiramdam n'ya ang sama' sama' niya sa paningin ng lahat..

* * *

By: LadyGem25

Chương tiếp theo