webnovel

CHAPTER 31

SUMMER POV

MALAMIG na ang simoy ng hangin pero hindi parin ako pumasok sa cabin lumabas ako kanina at naupo dito sa buhanginan malayo kina Parker at Anton.

Maraming bagay ang sumagi sa aking isipan at isa na dito ang sitwasyon naming dalawa ni Parker. Masaya nga ako dahil pareho naming naramdaman ang pagmamahal Sa isat isa pero hindi parin maiwawaksi sa aking isipan ang katotohanan na isa parin akong kabit sa kanya.

Masakit ang bansag na iyon kahit wala ng namamagitan sa kanila ng dati niyang asawa hindi parin natahimik ang konsensya ko.

Marahas akong napailing at panay ang pagbuntong hininga. Kong bakit pa kase sa maling tao ka pa tumibok paninisi ko sa puso ko kahit alam kong hindi naman ito sasagot.

Napayakap ako sa sarili kong braso ng umihip ang malakas at malamig na hangin.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Akala ko natulog kana andito ka pa pala."

Hindi kona nilingon ang pinanggalingan ng boses kilala ko naman kong sino ang may ari niyon. Nanatili lang ako nakaupo yapos ang mga balikat ko at nakatanaw sa kawalan.

Naramdaman ko nalang ang pagtabi nito sakin tumingin ito sa gawi ko kitang kita iyon sa sulok ng aking mga mata.

"Something's bothering you ,What is it?."agarang tanong nito sakin.

Yumuko ako at itinaas ang mga tuhod ko saka ipinatong ang baba ko sa tuhod habang yapos kona ang buo kong tuhod.

"Doy, Nahihirapan ako sa sitwasyon natin natatakot ako na baka isang araw idedemanda ako ng Asawa mo dahil sa kasong Pakikiapid. Alam ko naman na mali to eh pero bakit ganon? Ang hirap Doy ! Ang hirap labanan ang nararamdaman ko sayo naiisip ko palang na layuan ka parang gusto ko ng h'wag nang huminga."seryuso kong sabi kay Parker.

Nalulungkot talaga ako to the point na gusto kong umiyak ng umiyak nalang.

Niyakap ako ni Parker ng mahigpit saka dinampian ng halik ang buhok at bahagya pang hinagod hagod ang aking likod.

"Bakit ang dami mong iniisip ? Pano naman sumagi sa isip mo ang mga yun? Una sa lahat wala siyang karapatan na kasohan tayo dahil in the first place siya ang umalis sa bahay , at kong kakasohan niya tayo babaliktad yung kaso dahil siya ang may nakalatag na ebedinsya sa panloloko niya kahit naman hindi panloloko ang tawag dun dahil nakaalis na siya sa bahay non at wala na kaming relasyon. Alam kong hindi madali sayo pero andito naman ako Day wag mo naman solohin."mahabang tugon nito.

"Hindi ko parin maiwasan Doy, nandito parin sa loob ko ang pangamba at hindi ako handa na harapin ang Asawa mo."dagdag ko.

"Humarap ka nga sakin Day, Tumingin ka sa mga mata ko ."pumihit ako at humarap sa kanya.

Nag aalangan akong tumingin sa mga mata niya. Hinawakan niya ang aking baba saka itinaas iyon dahilan na mapatitig ako sa mga mata niya.

Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya nahihiya ako.

"Day, kahit anong mangyari wag na wag kang papaapi sa ex- wife ko. Wag kang mag aalala minamadali ko naman ang pag process ng annulment paper namin."

"Paano kong hindi ka niya papalayain Doy? Paano kong hindi siya pipirma sa annulment paper ninyo? Paano ako? Paano ta-."hindi ko natapos pa ang aking sasabihin matapos niyang sakupin ang bibig ko.

Napapikit ako ng maramdaman ang paggalaw ng labi niya. Tumitindig ang balahibo sa buo kong katawan ng marahan niyang haplusin ang aking braso.

Parang may nagliyab sa loob ko. Kakaiba ang dulot na iyon ni Parker, Nang matutunan ko na ang ginawa ni Parker sa labi ko ay automatiko na akong gumaya sa ginawa niya.

Napadaing ako ng marahan niyang sipsipin ang pang ibabang labi ko. Hindi kona naramdaman ang lamig bagkus napalitan iyon ng init at parang pinagpapawisan ako ng malapot.

Sumabog ang kaba sa dibdib ko ng magsimula ng maglakbay ang isang kamay ni Parker papunta sa dibdib ko.

Para itong napasong inilayo ang mukha niya sa akin at dumistansya.

"P-Pasensya na Day, Hindi ko sinasadya."

"Baliw ! Bakit ka naman naghingi ng Pasensya? Eh ano naman kong May mangyari sa ginawa natin hindi naman na tayo nga underage pa na matatakot sa kalalabasan ng gagawin natin."saad ko.

"Hindi mo lang alam kong gaano kahirap ang pagpipigil ko Day! Gusto na kitang angkinin ngayon na mismo pero hindi ko yun gagawin saka na pagnatapos na ang problema natin. Halikana baka hindi na ako makapagtimpi ."

Napangiti nalang ako sa tinuran ni Parker. Lalaking may respeto na kay Parker na.

Akmang tatayo na ako ng bigla niya akong buhatin na parang kinakasal. Napatili pa ako dahil sa pagkabigla nahampas ko pa siya sa dibdib. Na tinatawanan lamang niya.

Nang makarating kami sa cabin ay maingat niya akong inihiga sa kama. Akmang aalis na sana siya ng hawakan ko ang pulsuhan niya.

"Dito ka muna Parker, Samahan mo akong matulog kahit ngayon lang."pakiusap ko.

Ngumiti naman ito saka umikot sa kama at sumampa. Tumabi ito ng higa sakin tumalikod ako sa kanya.

Naramdaman ko nalamang ang mga braso niya sa maliit kong beywang at isiniksik pa niya ang mukha sa leeg ko ramdam ko tuloy ang mainit niyang hininga sa balat ko.

"Maaga ang alis ko bukas Day, isasama ko si Anton kayong tatlo ni Lixx at Lera lang ang maiwan pero wag kang mag aalala safe ka dito may ipapadala din akong mga tauhan na magbabantay sayo."

Nalungkot agad ako sa sinabi ni Parker. Kong gayon huli natong pag uusap namin ngagon?

"Kilan ka babalik?"

"Hindi ko pa alam Day, pero tatawag ako sayo at tawagan mo ako pag may importante kang kailangan sa ngayon magpahinga kana muna."

Nanatili lamang akong nakatakilid patalikod kay Parker yakap parin niya ako sa beywang.

"Goodnight Doy, I love you."

"Goodnight Day, I can't live without you."

Napangiti ako sa sagot niya kahit na hindi iyon ang gusto kong marinig pero mas maganda ang impact ng sagot niyang yan.

Napahikab ako. Ramdam ko ang pagbigat ng aking talukap at Tuluyan nang pumikit.

SALVIE POV.

KUYOM ang mga kamao ko habang nakatingin sa Screen ng sarili kong cellphone it's been 3 days pero walang tawag ni Lixx o kay Parker.

Naiinis na ako. Pakiramdam ko ay masayang masaya na sila ngayon kasama si Summer.

Napatitig nalang ako sa Screen ng umilaw ito at may tumawag na unknown number.

Mabilis ko iyong sinagot at natigilan ako ng marinig ang boses na iyon.

"Mrs. Servantes, Still remember me?"

"Of course, Anong kailangan mo?"

"I assume na hindi mo pa alam ang mga nangyari kaya wala kang ginawa pa, "

"What do you mean?"

"Nasa Isla paraiso ang mag ama mo with Summer at mukhang masayang pamilya na sila ngayon wala ka bang balak kunin ang mag ama mo?"

Pinutol ko ang tawag saka dali daling pumasok sa bahay. Para akong sasabog sa tindi ng galit na nararamdaman ko.

Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo babae ka! Makikita mo ! Isang kamalian ang ginagawa mo at pagsisihan mo kong bakit ako ang kinalaban mo !

Mabilis akong nag impake ng gamit. Natigilan pa ako ng maramdaman ko ang paggalaw ni Baby sa loob ng tiyan ko.

Malayo pa ang journey mo baby 5 months ka palang. Kukunin natin si Dady Parker mo at si Ate Lixx hindi tayo papayag na ibang tao ang mag aalaga sa kanila tayo ang pamilya niya tayo baby.

Chương tiếp theo