Chapter 15. "Sweet Messages"
Laarni's POV
Hinatid niya ako sa bahay. Buong byahe. Pigil ang ngiti ko, baka kasi mapansin niya at biglag magtanong. Pagalis ng kotse niya. I wave my hands and say goodbye to him. Nang makalayo na ang kotse niya. Dahan kong ibinaba ang kamay ko habang nakangiti. Hindi ko alam, pero ang saya ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. I feel so safe with his companion. Para bang, kahit na tahimik siya. Basta nasa tabi ko lang siya. Everything will be alright.
Pinagmasdan ko ang kamay kong hinawakan niya kanina. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ito. Ramdam ko pa rin ang palad niyang nakahawak sa kamay ko. Ang init at ang lambot nito.
"Abrylle De Mesa..." nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay. "Nandito na ako Ma." Pagpasok ko nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng bahay. Pero parang walang tao.
"Nasaan naman kaya si Mama? Dapat nandito na 'yun ah?" kinuha ko naman ang cell phone ko para tawagan si Mama nang mapansin kong may message. "Text? Sino naman 'to?" binuksan ko muna ang message. Pagbukas ko. Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa nabasa ko.
From: Abrylle
Bye, thank you for your time. Practice tayo bukas, in my place.
Yes. May smiling face sa dulo ng text niya. Naupo naman ako sa sofa at nag-reply sa text niya.
To: Abrylle
Nakauwi ka na ba? Ingat ah.
I type in my phone and press the key send. Mayamaya pa, tumunog agad ang phone ko. Agad ko namang tinignan ang text. Galing uli sa kanya. Binuksan ko ito at binasa.
From: Abrylle
Oo, Salamat.
Nag-reply ulit ako.
To: Abrylle
Ah, mabuti naman.
Naghintay ako sa text niya. Pero lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring text na dumadating. Mayamaya naman ang tingin ko sa phone ko habang nakahiga na rito sa sofa. Minabuti ko na muna na magbihis ng damit.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis. Nagmamadali pa ako dahil naiwan ko ang phone ko sa sala. Dali dali akong bumaba sa sala. At nakita kong umiilaw ang phone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Naupo ako sa sofa. May text na, baka si Abrylle 'to. Binuksan ko ang text message, pero hindi si Abrylle ang nag-text.
From: Poging Lexter
Arni, nandito ako sa labas ng bahay niyo. >^<
Napatingin naman ako sa bintana. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto, nandon nga ang mokong. Sinimangutan ko siya at lumabas ng bahay. Ang mokong todo naman ang ngiti.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito habang nakanguso. Nakakainis naman 'tong si Lexter, akala ko pa naman text nan i Abrylle ang dumating. Binuksan ko naman ang gate at pinapasok siya.
"Oh? Bakit parang irritable ka? Haha" tanong nito habang naglalakad papasok ng bahay.
"Hindi naman, bakit ka nga nandito? Kamusta ang practice niyo ni Leicy?" tanong ko rito. Pinaupo ko muna siya sa sofa.
"Hahaha, ayos naman. Handa na kami sa presentation, pero may practice ulit kami bukas. Oh, Saturday bukas, sama ka samin." Yaya nito sa akin.
"Hindi pwede eh, may practice rin kami ni Abrylle bukas." Sagot ko rito. Napapatingin pa rin ako sa phone ko.
"Ah, kamusta naman ang practice kanina?" tanong nito habang tumitingin sa mga picture na naka-display sa sala namin.
"Hindi naman kami nag-practice" walang buhay kong sagot dito. Napalingon naman siya sa akin.
"Oh? Bakit naman? Ayaw ni Abrylle?"
"Hindi naman sa ayaw. Pagod na kasi raw siya. Galing kasi kaming bookstore, nagpasama ako sa kanya. Mukhang nainip kaya ayaw na niya. Pero ayos lang, bukas naman sa bahay nila kami."
"ANO?" Gulat na tanong nito. Nagtaka naman ako sa reaksyon nito sa sinabi ko.
"Oh? Bakit? Ang OA mo naman." Mukha namang ewan 'to.
"Ah, nakakapagtaka lang kasi. Hahaha. Well, kung bukas ka pupunta 'don, pwede bang sumama ako?"
"Ano? Bakit ka naman sasama? Eh di ba may practice rin kayo ni Leicy?"
"Edi sabay-sabay na tayo mag-practice, di ba? The more, the merrier. Hahaha"
"Tatanong ko muna kay Abrylle, baka isipin niya ang kapal naman ng mukha ko."
"Nope, wag na. Ako na bahala.Osya, uwi na ako. Nakakapagod mag-practice Hahaha." Tumayo na 'to sa sofa at tumungo sa pinto.
"Eh ano nga ba kasing pinunta mo rito?" tanong ko. Natahimik naman 'to habang nakatingin sa akin. Seryoso ang mga mukha.
"I just wanna make sure that you're safe home." Sabi nito. Nabigla naman ako sa sinabi nito at parang sincere na sincere siya.
"Hahahaha, thank you for your worries mister, ayos lang ako." Sabi ko rito.
"Hahaha sige, Ja ne!" sabi nito tsaka lumabas ng bahay. Hinatid ko naman siya sa gate. May sasakyan pala siyang dala.
Pumasok na ako sa loob nang maka-alis ang sasakyan niya. Pagpasok ko, naiwan ko pala ang phone ko sa center table. Kinuha ko ito.
Nanglaki ang mata ko sa nakita ko. May message na galing kay Abrylle. Agad koi tong binuksan.
From: Abrylle
I'll pick you up tomorrow.Good night, have a sweetdreams. ^_^
Napangiti ako sa nabasa ko. Nag-reply ako.
To: Abrylle
Thank you, sige sayo rin. ^O^/
Nakatingin lang ako sa phone ko. Ang tagal ma-send. Tapos biglang appear sa screen na 'message sending failed'.
"Wala na pala akong load. Hahaha ano ba 'yan sayang naman."
The next day.
"Ma, anong oras ka na umuwi kagabi?" tanong ko kay Mama habang nagb-breakfast.
"Mga 11 na rin anak. Galing kasi akong party." Sabi naman ni Mama habang umiinom ng kape.
"Sabi ko na nga ba eh, uminom ka 'no?" nagulat naman siya sa tinanong ko at iniwas ang tingin. Ang obvious talaga niya. "Tsk. Tsk. Tsk. Di ba sabi mo sa akin masama ang alak sa katawan?"
Sa scenario namin, parang ako ang nanay at siya ang anak.
"Eh anak naman, party 'yon so dapat makibagay ako."
"Hay, basta hindi na 'to mauulit ma ah?"
"Oo na anak. Pasensya." Natigil naman si Mama, kumain na ako ulit habang kanina pa silip ng silip sa phone ko sa tabi ng pinggan ko. "Oh anak, anong oras ba lakad mo? Sino bang hinihintay mo? Si Lexter ba?" pansin ko naman ang excitement sa mukha niya.
"Hindi po Ma, si Abrylle po." Sagot ko rito habang nakakunot ang noo at hawak ang isang kutsara.
"Hay, akala ko si Lexter. Alam mo anak, nalaman ko na tumutulog pala siya sa hotel naming? Wow! Grabe, ang sipag niyang bata. Responsible at matalino." Manghang manghang sabi ni Mama.
"Opo, alam ko. Pumunta kaya kami sa hotel nila." Sagot ko rito.
"Oh? Bat't di mo sinabi sa akin. Baka break ko nun."
"Eh lumabas din naman kami agad kasi kumain kami." Sagot ko rito sabay kain ng fried rice at hot dog. Nang tignan ko si Mama, kakaiba naman ang ngiti nito na parang nang-aasar. "Oh? Anong ngiti 'yan Ma?"
"Wala lang, so? Nag-date kayo?" nabigla naman ako sa tinanong nito at muntik ko na mabuga sa kanya ang pagkain sa bibig ko. Kumuha ako ng tubig at uminom.
Nang mahimasmasan.
"Ma, ano ka ba, kaibigan ko lang si Lexter!"
"Sus, alam mo kami dati ni Fred, kaibigan lang, pero ngayon..." kinikilig naman 'to.
"Well, iba naman kami Ma."
"Alam mo anak, yung ibang babae na kasing-edad mo pinagbabawalan pang mag-boyfriend, pero ako? Payag na payag na."
"Ma, I'm 17." Naniningkit kong tugon dito.
"Sabi ko nga, at alam kong study first ka muna Hahaha." Na-gets din niya ang sinasabi ko.
"Osya, anak papasok na ako. Uuwi rin ako ng maaga. Umuwi ka before 6 ah? Magluluto ako." Natatawa nitong sabi.
"Haha sige po Ma, take care ah!" tumayo ako at nag-kiss kay Mama.
"Love you Ma!"
"Love you Nak"
Lumabas na si Mama at naiwan na ako sa dining table. Uminom naman ako ng juice, habang umiinom nakatingin pa rin ako sa phone ko. Bigla kong naalala ang mga text niAbrylle kahapon. Kusa na lang akong napangiti ng di ko alam at tsaka ako may narinig na busina ng kotse. Napalingon ako sa labas.
"Baka nandiyan na siya."
Lumabas na ako. Nakabihis na rin naman ako at hinihintay na lang siya. Pero paglabas ko, natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang dalawang kotse. Sunod 'non ay lumabas si Lexter at si Abrylle sa magkaibang sasakyan.
"Good Morning Arni!" masayang bati ni Lexter habang kinakaway pa ang kanang kamay. Bihis na bihis ito.
"Ano namang ginagawa mo rito?" tinatamad kong tanong dito sabay labas ng gate.
"Susunduin ka? Hindi mo naman alam ang bahay nila Abrylle di ba pero mukha yatang..." natigl ito at lumingon sa kanan niya kung nasaan si Abrylle nakatayo. Ang cool pa rin nito, nadagdagan pa dahil sa porma nito. "May sundo ka na, Hahaha."
Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa nang magkatitigan ito sa harap ko. Para silang mag-aaway.
"Tara na Laarni." Tawag ni Abylle sabay talikod kay Lexter at naglakad na pasakay sa sasakyan niya.
"Ah sige." Sumunod naman ako rito, nilingon ko pa si Lexter at sinabing 'see you', pero mahina lang.
Sumakay na ako sa loob ng kotse. Magkatabi kami ulit sa backseat. Umandar na ang sasakyan. Habang nasa byahe. Hindi ko makuhang lumingon sa kanya. Para kasing ang init ng ulo niya. Bakit kaya ganun silang dalawa ni Lexter, I thought they're friends.
Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino, si Lexter. Sinagot ko ito.
"Hello? Bakit Lexter?"
"Hahaha, wala naman, nasa likod niyo lang kami." Sagot nito. Napalingon naman ako sa likod at nakita ko n gang kotse niya.
"Oh, nakita ko nga."
"Sasama nga kami sa inyo." Sabi nito.
"SANDALI! Bakit naman?" nataranta kong tanong. Napalingon ako kay Abrylle at nakatingin siya sa akin. Blanko ang hitsura ng mukha.
"Hahaha mas masaya 'yon. Oh, si Leicy gusto kang kausapin." Kasama niya na pala si Leicy. "Arni! Masaya 'to! Uy, anong feeling sa kotse ni Abrylle?" kumunot ang noo ko at nagkibit-balikat sa tanong ni Leicy. Umatake na naman ang pagiging ususera niya.
"Mamaya na lang, sige guys! Sasabihin ko muna sa kanya." Binaba ko na ang tawag. Tinignan ko ito at nakatingin pa rin sa akin. "Uhm, Abrylle—"
"Okay lang. Hayaan mo sila."
"Ano?"
"Hayaan mo silang sumama. I can't refuse a friend." Seryosong sabi nito at iniwas na ang tingin sa akin.
"Ah, ganun. Sige. Okay." Tumahimik na lang ako sa buong byahe.
Nakarating na kami kaagad. Mabilis lang naman ang byahe at malapit lang naman ang bahay nila. Nasa labas palang kami pero nakatingala na ako sa buong bahay nila. Ang laki nito! Parang mansion! Mali, parang hacienda! Tapos ang lawak ng garden nila at may fountain pa. ang gate nila, ang laki.
"Arnibabes!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nandito na pala sila Lexter at Leicy. Akmang yayakapin ako ni Lexter ng pigilan ko 'to.
"Tumigil ka nga Lexter!" sigaw ko. Napatingin naman ako kay Abrylle at Leicy na nakatingin sa amin ni Lexter habang nagbabangayan. "Ah—eh, pasensya na kayo." Tinitigan ko ng masama si Lexter pero ang loko loko nakangiti pa rin.
"Pumasok na tayo." Malamig na sabi ni Abrylle sa amin at naglalakad na papasok sa malaking gate.
Pagpasok namin, mas namangha pa ako sa nakita ko. Ang aliwalas at ang ganda sa loob. Para akong nasa paraiso. Ang garden nila ang ganda, ang mga kulay ng bulaklak at paro-paro akmang akma.
Pumasok si Abrylle sa isang terrace sa gitna ng garden.
"Maupo muna kayo." Sabi nito sa aming tatlo tsaka lumabas at pumasok sa bahay nila. Pareho kami ni Leicy na palinga-linga sa buong paligid.
"Ganito pala ang bahay nila Abrylle." Manghang sabi ni Leicy habang nagpapaikot-ikot ang tingin.
"Oo nga, ang ganda." Sang-ayon ko rito.
"Ay Leicy, anong feeling pag nasa sasakyan ka ni Abrylle?" sabik na tanong nito. Ayan na naman siya. "At tsaka pareho kayong naka-upo sa backseat. So? Katabi mo siya?"
"Ano ka ba, ang awkward nga eh. Kasi hindi naman kami nag-uusap. Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan buong byahe." Sabi ko rito.
"Hay, ano pa nga bang aasahan natin sa Mr. Cold ng campus?"
"Pero minsan pinapansin niya ako."
"Oh? Talaga?"
"Kaso mukha namang ewan. Alam mo 'yun? Walang emosyon ang mukha, walang buhay ang boses parang bangkay ang kausap ko."
"So? Naguusap din kayo?"
"Alangin namang maghapon kaming nakanganga. Nagsasalita rin naman 'yung tao."
"Hahaha, well, tignan natin mamaya. Kapag kumanta na siya." Sabik nitong sabi. Bigla kong naisip. Oo nga 'no? kakanta pala kami.
"Oh? Nasaan na si Lexter?" nagulat ako sa sinabi ni Leicy. Hinanap namin si Lexter sa paligid pero wala ito. Nasaan naman kaya 'yon?
Lexter's POV
"Hindi ka pa rin nagbabago Abrylle." Sabi ko rito habang nasa loob kami ng kusina at kumukuha siya ng pitcher of juice sa fridge.
"Ano namang sa palagay mo Lexter?" tanong nito sa akin. Walang bahid ng emosyon.
"Hahaha. Ayaw mo pa ring nagpapatalo sa mga bagay-bagay." Sagot ko rito at sumanda sa haligi ng pinto ng kusina nila. Huminto naman 'to at nilapag ang pitcher sa lamesa.
"Nagpapatalo? Naglalaro na naman ba tayo tulad ng mga bata pa tayo?"
"Ah, kelan nga ba ang huli nating paglalaro? Ah! Oo nga pala. Bago ka ma-kidnapped."
"Shut up!" sigaw nito. Tinignan ko naman ito ng seryoso.
"Di mo dapat sinisigawan ang isang tagapagmana ng isang mayamang pamilya."
"Tumigil ka na,"
"Hahaha wag ka namang hot, chill, nandito ako para bantayan lang si Arni. No more, no less."
"Bantayan?"
"Yes!" sagot ko rito at muling nagbanggaan ang aming mga tingin.