webnovel

Three words, Eight letters - 1

Marcielle – 6

June 2015

"Hello Chean!"

Isang matamis na ngiti ang naging sagot ko sa pagbati na iyon ng ilang estudyante na mga kasama ko sa dorm at gaya ko ay bumalik na din bago pa man magsimula ang klase. Isang linggo na lang at muli na naman magsisimula ang panibagong school year kaya marahil ay may ilan na din ang bumalik mula sa pagbabakasyon kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

I sighed to shoo away the envy that start creeping inside me just thinking about how they spend their time with their families. Mom asked me to come and visit her but I don't feel like traveling abroad. Dad on the other hand invited me to come to their house but I declined politely. Ayoko na mas lalong maramdaman na wala na akong lugar na kinabibilangan kapag nakita ko sila ng bago nyang pamilya. Kahit pa tanggap ko nang hindi na kami mabubuo pa, hindi ko pa din kayang makitang mas masaya na sya sa pamilya nya ngayon. I still need time.

Saglit akong huminto sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan ang ngumiti ng makita ang text ni Shiro, asking me to come right away in his room because Ju keeps on bugging him to call me. Somehow, it is a relief to have friends like them because even though I did not spend my whole summer with either of my parents, I have my friends bugging me all day and night just to hangout.

Kristine and Rei keeps on asking me to accompany them almost every single day during summer vacation. Halos nagpapalitan lang silang dalawa sa pag-aaya sa akin na gumala ng gumala na ako na lang ang sumuko dahil sa dami nilang gustong puntahan. While Shiro and Jupiter videocalls me whenever and wherever they are just to know what I've been up to. Kaya masasabi kong naging masaya naman ang bakasyon ko. Pinunan nila ang puwang na iniwan ng mga magulang ko. Saglit kong nakalimutan ang mga problema at ang pagkabigong hatid ni Vaughn Carlo the III.

Muli akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang maalala ang huling naging paguusap namin. Mula ng araw na magtapat si Akihiro sa akin na kaharap sya, hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap. Vaughn avoids me more than usual that's why I kept my distance since then. Sa isang buong linggo ng final exam namin ay ako na mismo ang unang umiiwas sa kanya. I feel like my feelings will be a burden if I continue showing it to him. Hindi na rin ako nagpupunta sa kwarto nya at sinisiguro kong wala pa sya sa tuwing daraan ako sa kwarto nya papunta sa kwarto ko. Magkabilang dulo ang kwarto namin dalawa kaya minsan ay nagkakaroon pa din ng pagkakataon na magkakasalubong kami. But like always, I feel a pang of pain every time that happens and he won't even give me second glances even our eyes met. Kaya kahit mahirap ay hindi na ako nagpapakita pa ng kahit anong emosyon sa tuwing makakasalubong ko sya na madalas kong ibigay sa mga taong hindi ko kilala.

Akihiro on the other hand, after that day he confessed, we didn't have the chance to talk about it even after we bid goodbye to him. Hindi nya na inopen pa ang tungkol sa bagay na iyon na laking pasasalamat ko dahil hindi ko din alam ang dapat sabihin. I don't want to hurt him. I admit Akihiro is special but not like how special Vaughn is, but I knew that I still have to give him an answer.

My phone rings that made me come back to my senses and I answer it immediately when I saw Shiro calling.

"I will just drop off my things in my room and then we can go." I said happily when he asked where I am. Hindi ko mapigilan ang matawa ng marinig ko ang pagmamaktol ni Jupiter sa kabilang linya na nag-aaya ng gumala. They both came two days ahead of me, and knowing Shiro who just wanted to slack off on his room and do nothing, Jupiter is now bored.

"Where are you?" Shiro asked.

"I'm on the third floor now. Tell Ju to wait for a bit. Mabilis lang ako." My room is on the third floor and theirs are in fourth floor. "You know what? Just come down here. Para di na ko aakyat." Utos ko bago lumiko sa pasilyong papunta sa kwarto ko.

"Vaughn is here too. He came back yesterday." Napahinto ako hindi dahil sa sinabi ni Shiro kundi dahil sa paglabas ni Vaughn sa kwarto nya looking fresh and gorgeous as usual.

Our eyes met but none of us utter a word. It's been a month but I still have the same symptoms whenever I see him. Tila mas lalo ngang lumala iyon matapos ang isang buwan na hindi ko sya nakita. I admit, I missed him badly but that's it, I need to get my shit together. Alam ko kasing hindi na kami pwede pang bumalik sa dati. Iniwas ko ang tingin sa kanya ng marinig ko ang pagtawag ni Shiro sa pangalan ko mula sa kabilang linya, bago muling nagpatuloy sa paglalakad habang pilit na kinakalma ang puso kong walang kasing bilis at kasing lakas ang pagtibok sa mga oras na to.

"I know but it's fine. I'll see you guys then. Bye." Paalam ko kay Shiro ng makabawi ako sa kabiglaan sa muling pagkikita namin ni Vaughn. I ended the call and put my phone in my pocket with trembling hand.

Tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako upang ihakbang ang mga paa para lagpasan sya at pilit na inaalis sa isipan ang pagrehistro ng pabangong gamit nya pagdaan ko sa gilid nya. I came up this far, I should keep on doing it. Kahit ano naman kasi ang gawin o sabihin ko, alam kong hindi ako magkakaroon ng espesyal na pwesto sa puso nya. It's my fault for crossing the line that isn't supposed to be crossed. I'm the one who destroyed our friendship that's why we're back to zero. We're back to being strangers.

My heart almost stopped beating when I felt his firm hand on mine when I walk past by him. I stopped and looked at him. Nakayuko lang sya habang hawak ang kamay ko nang mahigpit. My eyes went to his trembling hand on mine and I smiled sadly when I saw the dragon bracelet, the seal of the king. Seeing it reminds me of ADA's golden rule: Always give respect to the king.

"I'm sorry I forgot." Mahina kong wika bago dahan-dahang tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko. "Hello King." I greeted that made him looked at me as if he was hurt by what I said.

But I try to ignore it and turn my back on him once again. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang naguumapaw kong damdamin para sa kanya, kaya hangga't maaari ay iiwas na ako habang kaya ko pa. If I won't, there will be no next time for me. Tuluyan na akong malulunod sa pagkahulog sa kanya at walang kasiguraduhan na masasagip nya ako. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng lungkot nang maisip ko na marahil ay pareho kami ni Akihiro ng nararamdaman sa mga oras na to. Falling in love with a friend is the most stupid thing to do, yet we can't call it a mistake. Hindi naman pagkakamali na mahulog ako sa kanya, pagkakamali ko lang na masyado kong pinanindigan ang nararamdaman.

Naipikit ko na lang ang mga mata ng muli nya akong hawakan ng mahigpit. I wanted to curse myself for being so damn weak when it comes to him. Dahil unti unti ko ng nararamdaman ang pagkalas ng lahat ng kandado sa pintuan ng puso ko sa ginagawa nya.

I met his gaze and saw the longing in his eyes that made me speechless.

"You can stop now." He said in a very sad tone. "You won."

My brows knotted. I don't understand a single thing he's saying. "Won? In what?"

"I admit defeat." He said and the next thing I knew, he's already hugging me tight. So tight that it's hard to breathe. Especially when he told me those three words.

"I miss you."

Three words, eight letters. It's not the words I expect him to say but it has the same effect of what I wanted to hear.

At sa tatlong salitang yun, tuluyan ng bumukas ang lahat ng kandadong nagsara sa puso ko. Pero sa pagkakataong iyon, alam kong kailanman ay hindi na muling magsasara ang pinto ng puso ko para sa kanya.

Chương tiếp theo