webnovel

Birthday (2)

"Huy, tara nang kumain." Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Lance pala.

Oo, kasama din siya at pati na ang ate ko. Nagsitayuan na pala sila at nagpunta na sa kusina para kumain. Tumayo na din ako at sumunod sa kanila. Naupo ako sa tabi ni Mia at si Stan pala ang nasa tapat ko. Tatayo na sana ako para makipagpalit ng upuan kaso naunahan ako ni Stan, tinawag niya kaagad si Lance at Ate para makipagpalit sila ng girlfriend niya. Lalo tuloy akong na-offend.

Wala ako sa mood habang kumakain kahit noong kinantsawan ako ni Dan na manlibre dahil may cash prize ako. Third place lang ang nakuha ko sa competition. Syempre masaya ako pero may kulang talaga. Tuloy ang kwentuhan habang kumakain kami. Ako, salita ng konti dito, salita ng konti doon. Hindi na nila tinanong kung may problema ako, siguro inisip na lang nila pagod lang talaga ako. Totoo naman. Nalaman ko din na uuwi pala yung magaling na girlfriend ni Stan dahil hindi pinayagan magovernight.

Pagkatapos namin kumain, inilabas ni Andy ang Owee (courtesy of Gintama) niya. Obvious bang hindi ako interesado. Habang kagulo silang lahat doon sa salas, kaming dalawa ni Mia, nagpunta na sa banyo para magpalit. Pinagdala ako ni ate ng gamit. Ako, matutulog na kung makakatulog sa gitna ng ingay. Si Mia, for sure manunuod yun ng bagong Korean Drama na dinownload ni Dan sa iPad niya. Bago maghating gabi pa kasi ang simula ng movie appreciation time namin.

"Tutulog na?" pabirong tanong ni Dan pagkabalik namin.

"Oo. Haha," sagot ko sa kanya tapos dumila ako.

Naiisod na nila yung mesa pati na din ang mga sofa. Malawak ang salas nina Andy kaya hindi kami sikip. Naupo ako doon sa sofa na tinulugan ko kanina. Si Mia, kagaya din ng kanina, sa kabila naman na katapat ko. Pinanood ko sila saglit. Lahat sila busy at may kanya kanyang ginagawa. Yung magsising irog, may sariling mundo at si Dan at Keith naman muna ang naglalaro. Hindi nagtagal nagsawa na akong panuorin sila at tinamaan na ako ng antok.

Nahiga na ako ng medyo nakapamaluktot pero sa kanila pa din ako nakaharap. Tinakluban ko ng unan ang aking mukha. Nagulat na lang ako ng may biglang may tumama sa akin na medyo malamig na tela.

Inalis ko agad ang unan sa mukha ko at hinanap ang salarin. Nakangiti siya. "Kumot. Baka lamigin ka na naman," paliwanag ni Keith.

Hindi ko siya sinagot, binuka ko na lang yung kumot na ibinato niya at ginamit. Bago pa ako tuluyan magtalukbong, dagdag pa niya, "Kung gusto mo ng unan, libre pa 'tong hita ko."

Nagulat, nahiya at natawa ako sa sinabi niya. At hindi lang ako ang nagreact ng ganun. "Che," sagot ko ng pabiro. "Hindi ko kailangan ng matigas mong hita."

Pagkatalukbong ko ay narinig ko pang sinabi niya, "Sus, sarap nga ng tulog mo kanina."

Natawa naman yung iba at parang si Aya ay nanunukso pa. Hindi ko na lang binuksan uli yung kumot at nang hindi ko namamalayan, nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko, si Mia at si Dan na lang ang tao sa salas. Busy silang dalawa manuod para mapansin ako. Tiningnan ko ang orasan at babagong ten pa lang. Medyo groggy pa ako nang bumangon na ako, napakamot pa ako sa braso ko at napahikab ng malakas. Napatingin yung dalawa sakin.

"Nasan sila?" tanong ko sabay kusot ng isang mata.

"Nasa labas. Naglalaro ata ng basketball," sagot ni Mia.

Gabing gabi na eh. Wala talagang magawa yung mga yun. May maliit na court kasi sa gilid ng bahay nina Andy.

"Hindi ka sumali?" tanong ko kay Dan.

"Saglit lang pero maganda na kasi 'tong nangyayari," sagot ni Dan.

"Oo. Kaya wag mo na kaming abalahin," sabi naman ni Mia.

Napangiti na lang ako. Ang adik talaga nitong dalawa. Bumalik na kaagad sila sa pinapanood nila. Ako naman, lumabas para mahimasmasan ng antok. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Itinaas ko ng todo ang dalawa kong kamay at nag-unat nang biglang nagbukas yung gate.

Napatalon ako ng konti sa gulat at napasigaw ng, "Palaka kang tunay!"

Chương tiếp theo