webnovel

RAA : Distressed Day

Maayos naman ang first day ko sa school. Walang masyadong ganap like any other first day of school noong mga nakaraang school year kundi puro introduction lamang ng mga students at teachers ang nangyayari. Hindi ko pa namemeet yung ibang teachers ko kasi hindi pa sila pumapasok. And I don't know kung madadagdagan pa ang mga classmates ko pero hindi na-occupy ang lahat ng upuan sa section namin. We were just 40 all in all kanina.

By the way, hindi pala ako uwian sa bahay namin kundi nagdodorm ako na malapit lang din sa school. Pero wala na akong poproblemahin sa bayad dahil sagot na din ito ng amo ng Mama ko. Wala na din kasi akong uuwian. Hindi ko pa pala nababanggit na patay na ang mama ko dahil sa sakit na pneumonia. And ever since, hindi ko nakilala ang ama ko. Wala ding pinakilala si Mama sa akin na mga kamag-anak namin kaya laking pasasalamat ko sa amo ni mama nang nagpresenta siyang tumulong sakin para makapag-aral.

"Ooopss! Sorry!"

Wait, anung nangyayari? Nasapo ko nalang ang ulo kong nauntog sa gilid ng pader ng hallway. Ang sakit! Parang mabibiyak yung ulo ko sa sakit. Tiningnan ko ang aking kamay na ginamit ko sa pagsapo, pero wala namang dugo.

Napalingon nalang ako sa isang estudyanting tumatakbo na nanggaling sa direksyon ko. Siya yung estudyanting bumangga sakin ngayon ngayon lang kaya nauntog ako dito sa pader.

'Gago yun, ah!'

Pero bakit yun tumatakbo? Tumingin ako sa paligid pero parang wala man lang gustong tumulong o tanungin ako kung okay lang ako. Iyong iba nilalampasan lang ako na parang walang nangyari. Iyong iba nama'y nagbubulungan lang.

Napaayos nalang ako ng tayo. Medyo nahihilo pa ako sa lakas ng impact ng pagka-untog ko sa pader at kumikirot pa ng kaunti ang bahaging nauntog pero feeling ko kaya ko namang maglakad papuntang classroom.

Maiikli ang mga hakbang ko nang magpatuloy sa paglalakad. Paliko na ako sa hallway sa bandang kanan nang biglang may humila sa akin, tinakpan pa ang mga bibig ko at pinasok ako sa isang room na sure akong hindi siya classroom kasi iba ang itsura nito sa classroom na may maraming upuan at may board. This room seems like an office or a clubroom.

"What the hell? Who are you?"

Tanong ko nang tinanggal na nito ang kamay na katakip sa bibig ko sabay sara ng pintuan. Tumambad sa akin ang isang babae na medyo chinita, kasingtangkad ko lang, hanggang balikat ang kanyang brownish na buhok, at medyo maputi.

"Shhhhh... Huwag kang maingay, okay?"

"What? Why? And Who are you? Pagkatapos mo kong hilahin at dalhin dito, now you're telling me na wag akong maingay?"

Whoahhh.. Anu ba tong nangyayari sa akin? Kanina lang may bumangga sa akin and nobody seems to care. Ngayon naman, this?

"Just lower your voice baka marinig nila tayo. By the way, I'm Margaux Castro. A Corfe-A student. I've just saw you kanina na binangga ng isang estudyante. Are you, alright? Sa tingin ko medyo malakas yung pagkakauntog mo sa pader."

"Oh that, Yeah I guess I'm okay now. By the way, I'm Alexis Reine Casamere, a Corfe-B student. And why are you dragging me here so suddenly. We barely know each other. In fact, we've just met today. If you want to be my friend, this is not really a good way to befriend a person."

Whoahh..... Best in English na yata ako. Pero medyo nainis kasi ako dahil nasira na mood ko kanina pa lang. Nakumpirma ko na tuloy na ganito pala ako pag naiinis. Natututong mag-english kahit wrong grammar. And in fairness, sosyal.

"Oh, I'm so sorry for that. Anyway, nice meeting you. Would it be okay if I'll call you Reine?"

"Anything you like."

Sagot ko sabay tango. Well, yun naman talaga ang tawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin except sa mama ko na tawag sa akin ay "Leklek". And it sounded so baduy and childish. So mas okay na din yung Reine keysa dun.

"Nice meeting you, Reine. Sorry talaga sa paghila ko sayo, but I need to do that baka kung anu pa mangyari sayo. Its Tuesday and its chaos. And it seems you don't even know what is happening."

"Huh? Bakit? Anung meron?"

Buong pagtataka kung tanong. Wala kasi akong matandaan na may event ngayon or may meeting or something na announcement.

"I bet you didn't read the handbook, did you?"

"Obviously."

Bigla akong nagulat nang biglang may sumabat sa pag-uusap namin. Wait, akala ko kaming dalawa lang ang nandito. Lumingon ako sa may gilid, may isang mesa at may isang lalaking nakaupo sa upuang nandun. Kumunot ng konti ang aking noo nang makilala ko ang lalaki. He's Andrei Stefan Leland, my classmate and my seatmate.

Prente itong nakaupo, nakatutok ang paningin sa librong hawak hawak niya at hindi man lang tumingin sa amin.

"Oh! By the way, that's Stefan. I know you already know him since you're both from the same class. And he is also the president of this club."

So, isa palang clubroom itong pinasukan namin. Nakaupo na din si Margaux sa isa sa mga upuang nandun. At kinumpas niya ang isang kamay as a sign of telling me to sit sa isa ding bakanteng upuan.

"What is the name of this club?"

Puno ng kuryusidad na tanong ko.

"This is the Raven Eye Royale Club."

Sambit ni Margaux sabay turo sa mga letrang nakapost sa itaas na bahagi ng dingding na may logo ng isang raven with very sharp eye na para bang buhay ito. Nacringe tuloy sako bigla. Para kasing nakatitig sa kanya yung mga mata ng raven.

"Okay, so can you explain to me what is happening dahil litong-lito na ako and I don't understand everything what is going on."

Napasapo nalang ako sa aking noo. Pakiramdam ko naiistress na ako.

"That's because you didn't read the handbook."

Napalingon nalang ulit ako kay Stefan nang bigla siyang magsalita ulit. That very cold voice na nakakacringe din pakinggan. Now, he's staring at us or should I say, he's staring at me with those deep-set raven eyes. Kaya siguro Raven Eye Royale ang name ng club na ito kasi parang raven eyes ang mga mata ng president nila.

Napasimangot nalang ako. Ano naman kung hindi ko binasa ang handbook ng school? If I know, basically pareho lang naman iyon sa mga handbooks ng dati kong school like published school rules and regulations and etc. Hindi ko din naman binasa lahat ang mga iyon dati as long as I'm doing my duty as a student I know wala akong maviolate na rules.

"Bakit ba sobrang big deal yung about sa pagbabasa ng handbook? Anung meron?"

I turned to Margaux and asked. Hindi ko yata kayang nakatingin ng matagal kay Stefan.

"Okay, let's start with the basic. This school is not just like any other school in the country. Yes, this offers quality education, but not safety. This school welcomes gangsters, juvenile delinquents, and any immoral people. The school didn't care who you are as long as you can pay. They even legalized gangs here or even dangerous activities that may or may not turned out into bloody one."

Naglolog yata ang utak ko kaya napatitig nalang ako kay Margaux.

"There are 4 clubs dito sa school na kilala, kinatatakutan at tinitingala ng lahat. Nagcocompete sila sa mga academic or non-academic events dito sa school like intramurals and others. Isa na itong Raven Eye Royale Club. The other three are the Devil Smile Royale Club, Flaming Heart Royale Club, and the Sovereign Mind Royale Club."

Pagpapatuloy pa ni Margaux. Mataman naman akong nakikinig. Pero sa loob ng isipan ko halos hindi ko maprocess ang mga naririnig ko mula sa kanya.

"I can't explain it all of you at once. If you want to know all about this school para maintindihan mo ang lahat ng nangyayari mabuti sigurong basahin mo ang student handbook. But,today's activity, since today is Tuesday, is what we called 'Distressed Day' which happens every Tuesday and Friday. Anyone can do whatever they want to distress like you can hurt anybody whether it's a teacher or a student, which is which na nagbibigay sayo ng stress or anything you want to do to distressed yourself like not going to class or anything. It's like Freedom Day but this version is what we called 'Distressed Day' because primarily it is to distressed ourselves."

"What happened to you earlier is an example. Hindi namin alam kung anung ginawa ng estudyante na iyon bakit siya tumatakbo at walang pake kung may mababangga man siya but probably he has done something, or someone is after him."

Nagflashback naman sa isipan ko ang nangyari sa akin kanina. So, that explains it. Medyo nagsink in na sa utak ko ang mga nangyayari kahit hindi namin alam kung anu talaga ang nangyari sa lalaki. Did he commit a crime or is he the target? But she doesn't care to know anymore. Ang gusto lang niya ngayon ay malaman ang lahat lahat about sa school na ito.

"He stabbed a teacher to death."

Namilog ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ni Stefan na nakatingin sa laptop. Probably dun niya nalaman ang balitang iyon. Bigla naman nitong hinarap sa kanila ang monitor ng laptop at tumambad sa kanilang mga mata ang lalaking nakauniporme ng katulad ng mga teachers niya, naliligo sa sariling dugo at dilat pa ang mga mata.

Napaiwas nalang siya ng tingin sa larawang nasa laptop. Parang bumaliktad yata ang sikmura niya sa nakita. Kung hindi lang medyo matibay ang sikmura niya baka napaduwal na siya.

"Bakit walang nagsusumbong ng mga ganitong krimen sa pulisya?"

Tanong niya na umiiwas pa ding tumingin sa larawan.

"Because, whatever you want to do during 'Distressed Day' is considered legal."

Sagot sa akin ni Stefan na ngayon ay inhiharap na ulit sa sarili ang laptop.

"Pero bakit niyo ako dinala dito sa clubroom niyo? At bakit niyo sinasabi sa akin ang mga ito? Where in fact, hindi niyo ako kilala at hindi niyo ako kaclose man lang."

"Because you'll join our club."

Napanganga nalang ako sa sinabi ni Margaux na ginawaran pa ako ng matamis na ngiti.

Chương tiếp theo