webnovel

CHAPTER 22

MAG-EXPLORE raw siya kung gusto niya pero pagtingin ni Ruby sa labas ay nakita niyang masyadong matingkad ang sikat ng araw. Nag-iingat siyang huwag ma-sunburn kaya nagpasya siyang mamaya na lang mamasyal sa isla. Ang kabahayan na lang muna ang lilibutin niya.

Wala siyang tukoy na pupuntahan. Hinayaan lang niyang dalhin siya ng paa kung saan matipuhan ng mga iyon. Isang parang library ang napasukan niya. Ang unang kumuha ng pansin niya ay ang mga librong nasa shelves. Mahilig siyang magbasa pero hindi na niya nagagawa dahil sa pagkaabala sa job hunting niya.

Nilapitan niya ang isa sa naglalakihang shelves. Sa isang rack ay ilang libro lang ang nakalagay kaya ang mga iyon ang inuna niyang usisain. Nakilala niya ang title ng una niyang nahugot mula sa shelf. Bahagi iyon ng isang series. Nabasa na niya ang isa sa mga iyon nang makabili siya sa pinuntahan niyang book fair dati. Sexy romance na may halong suspense iyong mga kuwento sa series.

Ang cover niyon ang naka-attract sa kanya, sa tutoo lang. Painting ng isang babae. Nakahiga ito, nakabuka ang bibig, nakapikit ang mga mata. She looks as if she is in the throes of a most wonderful orgasm. Iyong posisyon ng kamay nito ay ibinibigay ang impresyon na pinapaligaya nito ang sarili pero hindi na makikita nang malinaw iyon dahil may tabing na silk cloth ang ibabang bahagi ng katawan nito. Nakaka-trigger ng pagnanasa ang illustration. Kuhang-kuha kasi ng artist ang ekspresyon ng isang babaeng idinuduyan sa sensual na kaligayahan. Naramdaman ni Ruby na nag-iinit ang katawan niya kaya parang napasong isinuksok na niya agad pabalik ng shelf ang hawak niyang libro.

Ang sumunod niyang napansin ay ang naka-grupong mga litrato sa ibabaw ng isang rack. Ang mga iyon naman ang inusisa niya. Marami sa mga iyon ay litrato ng isang may edad na babae. Hula ni Ruby ay iyon ang lola niya. Inabot niya ang isa sa mga naka-frame na litrato. Pinagmasdan iyon.

Aristocratic ang dating ng babae. Pero napansin niya ang pagkakahawig ng mommy niya rito. Sosyal na bersiyon nga lang si Doňa Henrie. May inaabot na kung anong award sa matanda. Iyong ibang kuha nito ay sa kung saan-saang social events.

Ang ibang litrato ay halatang luma na. Napatingin si Ruby sa isa sa mga iyon at nakilala niya ang mommy niya na kasali sa apat na mga kabataang nasa larawan. There were other photos of her mother taken during different stages of her growing up years. Pero may isa na namukod-tangi sa mga iyon. Kuha iyon ng mommy niya na may kargang toddler. Alam agad ni Ruby na siya iyon. Ipinadala siguro iyon ng mommy niya kay Doňna Henrie dati. It warmed her heart to think that her grandmother not only kept the photo. Inilagay pa nito iyon sa frame at idinisplay. Laking panghihinayang na naman tuloy niya na ni hindi na niya ito nakilala. Hindi kaya ito nagkaroon ng soft spot man lang para sa kanya?

Hindi ka nga pinamanahan, hindi ba? At ni hindi kinilala. Para bang ni hindi ka nabuhay sa mundo.

May pait na umakyat sa sikmura niya. Nag-init din ang mga mata niya. Kung ano ang dahilan, hindi niya eksaktong matukoy. Basta na lang na naging emosyonal siya. Magtutuloy-tuloy siguro ang pagpatak ng luha niya kung hindi niya napansin ang isang bagay na nakausli nang bahagya sa likod ng isa sa mga shelves na katabi ng dingding. Parang painting iyon pero hindi masiguro ni Ruby kaya nilapitan niya iyon at hinila. Napaawang ang bibig niya nang makita kung ano iyon. Painting nga. Mas malaking bersiyon iyon ng cover ng libro na nakita niya.

Ewan kung dahil sa size niyon pero mas nasagap niya ang erotic vibe na hatid ng larawan. She could almost hear the gasps coming from the woman's mouth and feel the heat she must be feeling for her to look that way. Pero bakit may ganoon doon?

Kikilatisin pa sana niyang mabuti ang painting pero narinig niya ang pagbukas ng pinto. Mabilis na niyang isiniksik ulit sa likod ng shelf ang larawan.

"There you are. Akala ko nalaglag ka na sa bangin o kinain ng mabangis na hayop nang hindi kita matanaw sa labas," ani Aegen.

"May wild animals dito?" Namilog ang mga mga ni Ruby.

Bahagyang tumawa ang lalaki. "Biro lang iyon. Maliban sa 'kin eh walang puwedeng kumain sa iyo rito."

His words sent a shaft of heat down her body. Pakiramdam nga ni Ruby ay biglang tumindi ang global warming. Sa tinging itinuon kasi nito sa kanya ay obvious na may iba pang kahulugan dito ang salitang kumain. It made her squirm because it reminded her that it was exactly what he did to her. Eat her till she came.

"Ang daming books." Iniba na lang niya ang topic para ma-distract siya. Humarap siya ulit sa shelf saka nagkunwaring sinisilip niya ang mga titles ng librong nakasalansan doon.

"Book lover si Doňa Henrie. Feel free to read anything you like."

"Umm...mamaya na lang. Magpapahinga na lang muna siguro ako," sabi ni Ruby. Hindi siya pagod pero gusto niyang magkaroon muna ng distansiya sa pagitan nila.

Chương tiếp theo