webnovel

Chapter 41: Samantha

Ang nakaraan nung Grade 6 sila Kenny...

Sa classroom,

"I like you Kenny... " sambit ni Samantha.

Hindi naman na kibo si Kenny na nag aayos ng gamit n'ya dahil uwian na ng mga oras na yon at sila nalang ni Samantha ang natitirang taong andoon.

"Kenny!"

Isinukbit na ni Kenny ang bag n'ya at kinuha na rin nga ang bag ni Samantha "umuwi na tayo."

"Ayoko!!!" Sigaw ni Samantha.

"Baka hinahanap ka na ni kuya Jemie ang alam nun..."

Napahinto sa pag sasalita si Kenny ng binato s'ya ng eraser ng board ni Samantha.

"I said! I LIKE YOU!"

Kenny put Samantha's bag tsaka n'ya pinagpag ang damit n'ya para mawala yung mga bahid ng chalk na nag mula sa eraser "bakit di ka nagsasalita?! Sinabi ko na ngang gusto kita KENNY!!!"

"Umuwi na tayo! Tigilan mo na yan!"

"Gusto nga kasi kita!"

Ang pinaka ayaw ni Kenny ang na dudumihan ang uniform n'ya kaya di talaga nito naiwasan na magalit kaya naman para mapakalma rin si Samantha sinipa n'ya ang mga upuan. "SINABI NG UMUWI NA TAYO!"

Natahimik naman si Samantha sa ginawang iyon ni Kenny "mga bata pa tayo Samantha, hindi pa tayo handa sa kahit anong relasyon siguro kapag alam mo na ang ibig sabihin ng sinasabi mo sakin baka may chance pa tayo pag tapos natin ng College."

Dumating namang bigla si Thew "anong nangyayari dito?"

"Sige mauna na ko sa inyo."

At iniwan na nga ni Kenny si Samantha kay Thew "te— teka lang Kenny!!!"

"Wag mo na syang habulin Matt."

Si Samantha lang ang natawag kay Thew ng Matt bilang ang totoong name naman ni Thew ay Matthew. She always want to be unique from the others kaya lahat ng mga pangkaraniwan lagi nyang ginagawang kakaiba. Kaya kahit ang simpleng pag tawag ng mga names gusto nya iba sa lahat.

Naglalakad na papalabas ng School sila Samantha at Thew "ha? Nag tapat ka kay Kenny?"

"Um. Kaso di n'ya ko sinagot eh. Di n'ya siguro ako gusto."

"Ano? Baliw yon ah."

"Ikaw, may nagugustuhan ka na ba?"

"H— Ha? A— Ako?"

"Siguro dapat hindi muna ako nag tapat no? Ako kasi ang babae nakakahiya tuloy sa kaniya tapos na busted pa ako."

"No, its okay hindi mo naman kasalanan na nag tapat ka. Yung Kenny na yon ang dapat mahiya kasi binalewala ka niya."

"Pero okay lang, sabi naman n'ya kapag may chance pa kami gang makapag tapos tayo ng College baka maging kami. Tama naman s'ya mga bata pa tayo ewan ko ba bigla nalang kasing gusto kong mag confess sa kaniya eh."

"Na trigger ka siguro sa mga nagkaka crush sa kaniya kaya siguro nag tapat ka."

"Hehe... oo nga eh."

"Ahm... paano naman kung may mag confess sayo? Anong gagawin mo?"

"Sakin?"

"Um."

"Di ko rin alam baka gaya ni Kenny ang maging reaction ko."

"Ohhh... paano kung..."

"Hmm?"

"Wa— Wala... May icecream dun bili tayo?"

"Okay sige. Libre mo ko ha? Hehe."

"Sige ba."

Masaya lang si Thew na pinagmamasdan si Samantha habang kasama niya ito at nag eenjoy sa pag kain ng icecream naupo pa nga sila sa may waiting shed para mag intay na rin ng tricycle na mag sasakay sa kanila pa uwi.

"."

Nang makauwi naman si Thew sa kanila nag punta s'ya agad sa bahay nila Kenny.

"Pasok ka, nasa kwarto n'ya. Gusto mo bang tawagin ko?" Ang sabi ni Chinchay.

"Hindi na po ako nalang po ang bibisita sa kaniya don."

"Sige, ikukuha ko kayo ng mamimiryenda n'yo."

"Salamat po ate Chinchay."

"Sige."

At tumaas na nga si Thew at nag punta sa kwarto ni Kenny.

Knock... Knock...

"Bukas po yan ate Chinchay." Sabi ni Kenny na busy sa kaniyang sinusulat.

Pero pag bukas nung pinto hindi alam ni Kenny na si Thew pala iyon.

"Ayos ah. Chill na chill? Parang walang nangyari kanina sa school."

"Thew? Anong ginagawa mo dito?"

Sinugod ni Thew si Kenny at sinapak "alam mo bang umiyak si Samantha dahil sayo?!"

Tinulak naman ni Kenny si Thew.

"Ano bang ginagawa mo?! Baka nakakalimutan mo nasa pamamahay ka namin."

"Huh! Ano ngayon?! Wala akong pakialam ang point ko dito bakit parang wala ka man lang pakialam kay Samantha?! Andito ka busy mag sulat dyan na parang walang nangyare."

"Anong gusto mong gawin ko?! Mag hire ng clown para patawanin s'ya? O baka ikaw nalang pala ang dapat kong i-hire dahil masaya naman si Sammy kapag kasama ka."

"Ano?!"

"Tsss! Anong akala mo sakin tanga? Alam kong gusto mo si Samantha kaya nga galit na galit ka sakin ngayon eh kasi sakin nag tapat at hindi sayo."

"Ikaw!!!"

Sasapakin sana uli ni Thew si Kenny pero di na lang n'ya itinuloy.

"Mag kaibigan tayo simula pagkabata natin kaya alam kong may gusto ka kay Sammy."

Napaupo nalang si Thew sa kama na para bang nalulungkot.

"Nung una ko palang nakita si Sammy nagandahan na ko sa kaniya kaya nga lagi na akong nakikipag usap sa kaniya gang sa naging mag bff na tayong tatlo. Pero later on iba na ang nararamdaman ko para sa kaniya."

"Bakit kasi di ka mag tapat?"

"Ramdam mo kasing masaya sya kapag kasama natin s'ya yun din yung oras na nakikita kong mas gusto ka niya kesa sakin."

"Hindi ka pa nag tatapat paano mo naman masasabi ang bagay na yon?"

"Sira! Nag confess na nga sayo di ba?"

"Ang akin lang dapat inunahan mo na."

"Ikaw nga ang gusto at di ako. Eh ikaw? Hindi mo ba talaga s'ya gusto?"

"Ha? A— Ako? Nako, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Kung gusto mo talaga s'ya mag tapat ka malapit na tayong grumaduate baka mamaya mas maraming mag ka gusto sa kaniyang sa school na papasukan n'ya sa highschool."

"Hmm? Bakit lilipat ba s'ya?"

"Hinde ko alam, kalilipat nga lang nila di ba?"

Binato naman ni Thew si Kenny ng unan.

"Ehhhh... bakit kung maka pag salita ka parang iiwan na tayo ni Sammy."

"Hahaha... kasi nga baka dumami ang karibal mo syempre highschool na tayo sa susunod na pasukan eh malay mo maraming transferee anong gagawin mo?"

"Hmmm.... bahala na baka kasi mabusted ako eh."

"Busted ka na sure yon pero at least nag try ka."

"Ayos ah, supportive? Buang! Pero bahala na."

"Oo sige na umuwi ka na at mag palit ka na ng damit lagot ka na naman sa mommy mo ang dumi ng uniform mo."

Napatingin nga sa uniform n'ya itong si Thew "hala, oo nga, sige uuwi na ko sorry sa kanina."

"Yeh. Ge na."

At dali-dali na ngang lumabas si Thew na nakasalubong pa si Chinchay "bye ate Chinchay."

"Oh, san pupunta yon?"

"Uuwi na po." Sagot ni Kenny na bumalik sa pag susulat n'ya.

"Ha? Ginawan ko pa naman kayo ng sandwitch na paborito niya."

"Hayaan n'yo na po ako nalang kakain."

"Pero ayaw mo ng tuna sandwich ginawan kita ng eggsandwich."

"Ay, sige po inyo nalang yung kay Thew Hehe."

"Ikaw bata ka talaga. S'ya sige na kainin mo na yan at ako eh aalis na nakapag luto na ko ng dinner nyo ni Sir Bruce microwave mo nalang okay?"

"Opo."

Papaalis na sana si Chinchay ng tinawag s'ya ni Kenny "ano yon? May kailangan ka pa?"

"Ahm... paano po kung... sige na po uwi na kayo. He...He..."

"Ikaw talaga! Siya sige na intayin mo ang daddy mo wag mag bubukas ng pinto kung basta-basta okay?"

"Opo."

***

Lumipas ang ang ilang araw di pa rin na pasok si Samantha matapos nyang mag tapat kay Kenny kaya naman nag desisyon sila Thew at Unice na dalawin nila ito at niyakag rin nila na sumama si Kenny.

"Ba— Bakit ako? Kayo nag yakag sakin dito tapos ang mag do-doorbell lang ayaw n'yo?" Sabi ni Kenny.

"Wag na kayo mag doorbell." Bungad ni Gaile.

"Gaile!!!" Anila.

"Bakit pala di ka pumasok kanina?" Sabi ni Unice.

"Ahhh... sumama kasi ang pakiramdam ko. Pero okay na ko papasok na ko bukas."

"Pero bakit mo sinabing wag na kami mag doorbell? Wala ba dito si Sammy?" Sabi naman ni Thew.

"Ahhh... wala kasing tao dyan nasa hospital sila."

"Ha?!" Reaction nung tatlo.

"Anong nangyare?" Tanong agad ni Thew.

"Ah... lately di ba hindi na pasok si Sammy? May liver cancer kasi s'ya and lately nag trigger sabi na stress daw kaya ayun madalas sila sa hospital ngayon."

Ang sama naman ng tingin ni Thew kay Kenny.

"Saang hospital, pwede ba tayong bumisita?" Tanong agad ni Thew.

"Um. Actually papunta kami dun ni daddy kung gusto n'yo sumabay kayo."

"Sige. Ano Boys? G?" Sabi ni Unice.

"Oo sasama ako." Sagot agad ni Thew.

"Ikaw Kenny?" Tanong ni Gaile.

"Si— Sige."

Nang makarating sila sa hospital nakita nila si Samantha na walang malay pero nung nagising ito nanghihina s'ya.

"Sammy, don't force yourself hindi mo pa kayang bumangon." Sabi ni Jemie na bantay noon kay Samantha.

"Oo Sammy ayos lang dito lang kami wag mo kaming intindihin dito." Sabi naman ni Unice.

Ang nasa loob noon ng kwarto ni Samantha ay sila Jemie ang kuya nito at sila Gaile, Unice, Thew at Kenny lumabas naman muna ang mga nakatatanda para bigyan ng time ang mga mag kakaibigan.

"Salamat sa pag dalaw n'yo sakin." Ang sambit ni Samantha na nang hihina pa ng mga oras na yon.

"No worries, andito lang kami para sayo di ba Kenny?" Sabi agad ni Thew.

"O— Oo pagaling ka."

"Um. Salamat sa pag dalaw niyong lahat."

Makalipas ang ilang mga topic ng usapan iniwan nila Unice at Gaile yung tatlo nila Kenny "halika na." Ang sambit ni Gaile kay Jemie na hinala na palabas ng room.

"Sandali lang..."

Pag labas naman nila Gaile naging tahimik ang kwarto dahil walang gustong mag salita.

"Cough. Mag salita ka na Bro." Pabulong ni Thew kay Kenny.

"Ha? Bakit ako?"

"Ikaw ang may atraso kay Sammy ah."

"Tsk!"

"Ge na."

"Oo ere na."

Tinulak pa nga ni Thew si Kenny para lumapit kay Sammy "Bro!"

"Hehe... sige maiwan ko na kayo."

"Hoy!"

"Go!"

At umalis na nga din si Thew at yung dalawa nalang ang naiwan.

"Ah... Eh... kamusta ka?" Tanong agad ni Kenny at sabay naman nito na kinamusta din s'ya ni Samantha kaya natawa sila dahil parehas pa nilang kinamusta ang isa't isa.

"Well, I'm here still fighting."

"Pagaling ka miss ka na rin ng mga kaklase natin."

"Yeah."

Natahimik naman uli ang surroundings dahil nag kakahiyaan yung dalawa.

"Kailan ka lalabas?" Tanong ni Kenny at nakasabay na naman n'ya mag tanong si Samantha "sinabi mo ba sa kanila yung sinabi ko sayo?"

"Ha? Hi— Hindi. Pero si Thew alam nya nabanggit mo?"

"Ahhh... Oo sorry."

"Okay lang... pero si Thew may na sabi ba sayo?"

"Sakin? Wala naman pero lagi nya akong kinakamusta."

"Ohh... sorry kung hindi ako laging nag tetext o tawag sayo para kamustahin ka."

"Don't worry I understand ang gaya mong famous at bookworm di na..."

"SORRY!"

Nagulat naman si Samantha sa sinabi ni Kenny sa kaniya.

"Sorry kung... hindi ko..."

"No its okay, sabi nga ni Thew its your loss not mine."

"Ha?"

"In the end of the day were friends parin naman di ba?"

"O— Of course you and me sila Thew were friends."

"Thanks sa happy memories na nakasama ko kayo. Lalo ka na kahit na binasted mo ko. Hehe."

"Huy... wag ka namang ganyan."

"Hehe... para ma guilty na pinakawalan mo pa ko."

"Sammy naman."

"Joke lang, masyado ka kasing seryoso sana kapag may nakita ka ng babaeng para sayo sana ipaglaban mo na s'ya at wag mo ng iwan. Kasi kaming mga babae worth it kami."

"O— Okay?"

Kasalukuyan,

Nang gabi ring iyon iniisip ni Barbie ang kinuwento ni Gaile sa kaniya about kila Thew at Kenny pa tungkol kay Samantha.

"Pano ko naman mapag babati yung dalawang yun kung ganung kalalim pala ang pinag awayan nila? Bakit naman kasi nawala agad yung si Samantha eh ako tuloy ang napag didiskitahan ng dalawang kupal na yon. Eh, hindi naman kami talo. Hayssss... bakit kasi naging babae pa ko!" Sambit ni Barbie na nag papagulong gulong sa kama n'ya gang sa na hulog na nga s'ya.

Brag!

Narinig naman agad yon ni Kenny dahil saktong nasa pintuan na s'ya ng kwarto ni Barbie para sana tignan kung gising pa ito.

"Anong nangyayare? Barbie? Can you hear me? Are you okay?"

Sumakit naman ang likod ni Barbie kaya dahan-dahan syang tumayo at na upo sa kama n'ya "ayos lang ako. Nahulog lang ako sa kama."

"Buksan mo ang pinto. Lemme check you."

"Hindi na I'm fine."

Kahit ang sakit talaga ng pagkabagsak n'ya.

"Are you still mad at me? Bukasan mo na."

"Ewan ko sayo! Matulog ka na."

"No, hindi ako aalis dito hangga't di mo binubuksan ang pintuan mo."

Pabulong bulong naman si Barbie "Tsss! Bahala ka dyan last na pasok mo dine minulestya mo ko ninakaw mo ang first kiss ko mag dusa ka dyan."

"Barbie!"

"Ano ba?!"

"Buksan mo ang pinto kung ayaw mong sirain ko ito."

"Edi wow! Lagot kay tito pag uwi n'ya sure lasing yon tapos makikita..."

At walang ilang segundo bukas na ang pintuan dahil ginamitan ni Kenny ng duplicate key.

"What the?! Hoy!!! Lumabas ka!"

"Too late, nasa loob na ko. Haysss... ano naman kasing ginawa mo? Masakit ang likod mo?"

Dali-dali namang tinanggal ni Barbie ang kamay n'ya sa may bewang n'ya.

"Hi— Hinde! Wag... Wag kang lalapit sisigaw talaga ko!"

"Problema mo? Wala kong gagawin sayo. Sandali lang may kukunin ako."

"Hmm?"

At lumabas nga si Kenny at pag pabalik n'ya may dala syang patches para sa mga kirot ng kasukasuhan.

"Tumalikod ka."

"Ha? Ayoko nga! Baka kung ano na naman ang gawin mo sakin."

"Hayss... ang kulit." Pwersahan nyang pinatalikod si Barbie at tinaas ang damit.

"Hoy!!!"

"Tumigil ka nga! Lalagyan lang kita ng patches para mawala yang sakit ng likuran mo. Magaling ito kala mo dyan ito ang nilalagay ni daddy sa mga sakit nya sa likod at tuhod."

"Kahit na! Ayoko! Manyak!"

"Aba't! Okay fine. Ikaw mag lagay."

"Tsss."

At kinuha ni Barbie yung patches.

"Pumikit ka manyak!"

"Aba't! Di ako manyak!"

"Tsss! Ninakaw mo nga first kiss ko."

Natameme at namula ang mukha ni Kenny sa kahihiyan "o— oo eto na pipikit na nga!"

"Tsss!"

Pero mga ilang segundo pa ang nakalilipas hirap na hirap mag lagay si Barbie ng patches kahit naka tingin pa s'ya sa salamin dahil nga sa likod di n'ya mailagay ng ayos kasi di n'ya maabot.

"Sabi kasing ako na!"

"Ahhh!!!" Sigaw ni Barbie na sinampal si Kenny dahil nakataas ang damit nya ng mga oras na yon.

"Ikaw!!!"

"Manyak!"

"Huh! Mas sexy pa sayo si Gaile tsaka di ako interesado sa katawan mong wala man lang shape para kang poste."

"Ano?! Sinong poste? Kapal mo ah!"

"Bakit!? Totoo naman. Sa hubog mong yan di ka pag tatangkaan ng mga tambay dyan sa labasan dahil para kang tuod."

"Tuod?"

"Oo yung sanga na diretso lang walang kabuhay buhay."

"Hoy!!!"

Bigla namang kumirot ang likuran n'ya "aray ko... ang likod ko."

"Yan kasi sabing ako na."

Kinuha ni Kenny kay Barbie yung patches at s'ya na ang ang lagay.

"See, its done."

"Tsss!"

"I know, what I did to you last time is a bad thing pero yun kasi talaga ang nararamdaman ko para sayo. Masisisi mo ba ko?"

"Shut up!!! Labas!"

Tinulak ni Barbie papalabas ng kwarto n'ya si Kenny "teka lang may sasabihin ako."

Isasara na sana ni Barbie ang pinto pero iniharang ni Kenny ang kamay n'ya "don't pressure yourself hindi ko intensyon na madaliin ang sagot mo but I still like you pero kung hindi mo pa ako gusto handa akong maging bestfriend para sayo."

"Ano?"

"Um. Treat me as your bestfriend wag na sana tayong mag away you can rely on me always call me when you need me. Andito lang ako para sayo lil' sis."

Tinulak ni Barbie si Kenny at sinara ang pinto.

"Little Sis? Huh! Baliw talaga sya lil' sis? Tapos nag confess sya sakin? Sira ulo!"

"Goodnight lil'sis. Sleep well."

Binuksan ni Barbie ang pinto at sinabing "have a nightmare kuya Pervy." At dali-dali nyang sinara ang pinto.

"Ano? Hoy! Anong kuya Pervy? Barbie!!!"

Chương tiếp theo