webnovel

60: The Dark Horse of the Dungeon.(2)

60: The Dark Horse of the Dungeon.(2)

.

.

Lumipas ang mga oras, hanggang sa pagdating ng After lunch. 

.

Nawala ang Crystal barrier sa Cell room ni Chris. 

.

'ok, time to enter the Dragon'. 

Excited at blood pumping ang pakiramdam ni Chris.

.

Sabay sila ni Liza, naglakad palabas ng District area nila, at may Guard na sumusunod sa kanilang likod. 

.

"so, tutal nasa placing 1000 ka, siguradong madami kapang makakalaban. By the way balita ko may ginalit kang Preso Kamakailan---si Jingi".

Sabi naman ni Liza habang wide strides ito sa paglakad at umaagaw ng atensyon ng mga nasa Open Grounds. 

.

Madaming mata ang nakatingin kay Liza at mukhang ngayon lang sila nakita ni Chris. 

.

"ahm, sino mga yan? "

Tanong ni Chris sa mga naka Black uniform na mga preso. 

.

"ah sila, ngayon lang ulit sila napalabas para sa Walking---sila mga nasa Death row list. Pero buhay pa sila sa ngayon dahil sinasabak sila sa Underground---kapag nanatili sila sa top 1000, sa lugar na iyon ay maaaring mapawalang bisa ang kanilang bitay----kaso kill or be killed ang laban doon--at doon din ako sumasali unlike you---"

Kumindat si Liza kay Chris. 

"----sa underground nasa placing ako na top 200".

.

"whut?, so hindi Ka na lumalaban sa CentralDistrict?, "

Sabi naman ni Chris. At tila mas naintindihan na nya ang lahat. 

.

"yah, walang thrill sa CentralDistrict, like i said---- ang tunay na DuelPlatform ay nasa Underground District---".

Napalingon ulit sina Liza sa kanilang paligid kung saan madaming nagkalat na mga naka itim na Uniform. 

.

Ang ilan na nakatingin kay Liza ay nanlilisik na mga mata at mukhang sikat si Liza sa Underground.

.

"Mukhang, may bagong tuta si Liz, hmmmf, may puppy toy na sya".

.

"khuh, tutal naisipan nya ulit tumanggap ng kasama, hayaan nating mahatid ulit sa hukay ang kasama nyang iyan".

.

"i still remember last 2 years ago, khe!, sayang yung babaeng yun at sya ang naging kasama nya----hindi sana sya namatay sa kamay ni Boss ha ha ha".

.

Madaming negative reactions naman kay Liza sa mga Death-row listers na mga ito.

At ganun din ang mga ilang bigatin sa Underground district.

.

Huminto sa paglalakad si Chris, at ngumiti sya sa mga nakatingin kay Liza. 

"hey!, kita kita tayo sa UndergroundDistrict , sana mabigyan nyo ako ng maayos na laban".

Isang kalamado at naglalaman ng Killing intent ang ipinaramdam ni Chris sa lahat ng mga malalakas na presong naroon. 

.

"HA HA HA HA HA!!! "

Tawanan lang ang Maririnig sa buong paligid at walang negative comments. Pahalatang hindi importante ang sinabi ni Chris, nag mukha lang syang joke sa paningin nila. 

.

"tara na Chris, masyado pang maaga sayp para sabihin yan----tapusin mo muna mga laban mo sa CentralDistrict".

Mahinahon namang sinabi ni Liza kay Chris.

.

hinatak nya ang kamay ni Chris at nagpatuloy na silang nagtungo sa CentralDistrict. 

.

'may 20-30, na talagang naramdaman kong mahirap kalabanin sa hinaharap---'.

Nakaramdam si Chris ng mga titig na tila nangangahulugang tunay na malalakas na kalaban, o magiging kalaban nya sa hinaharap. 

'----sigh, the Thrill of Dangers nga naman'. 

.

-----

.

Sa Present day expeditions sa northern Lands. Tumaas ang Death rate sa mga nagdaan na mga araw. 

.

Mapa Tao man o sa panig ng ibang Alliance. Ay nakatanggap ng ganitong trahedya sa pag e-explore sa mga lupaing iyon.

.

Naging misteryo ito sa loob ng 100,000 years matapos ang mga digmaang maganap noon.

.

Ngayon ay naglabasan naman ang Dangers na nanggaling sa mga un-sealed BlackMountains.

.

Nagbabadyang maulit ang kaguluhan at kadiliman na bumalot noon sa mga naiwang henerasyon sa mundong iyon sa ngayon.

.

(Pure blood Dragons, DarkNether Monsters, MythicMonsters, TitanBerserkers at madami pang Giants na unti unting pumili ng kanya kanyang lugar sa malawak na lupaing iyon.)

.

*i feel the urge to Adventure that Dangerous Lands--- ha ha ha. Kailangan ko mag cultivate brad*.

.

Ganun din ang nangyare sa ilang parte ng karagatan na hindi parin nasasakop ng Oceanic alliance ay naging domain narin ng mga nakalabas sa un-sealed BlackMountains. 

.

-----

.

Si Bianca ay naka tayo sa harapan ng kanyang magiging Fortress. At balik na ito sa dating anyo ganun din ang taglay nitong Noble Aura na tila magpapaluhod sa mga makakakita nito.

.

"Tapos na din sa wakas".

Masaya ang mga kasamahan ni Bianca.

.

"ok, guys, oras na para tawagin ang ilang branch families sa DungeonRealm, ipaalam kay ina na naibalik ko na sa dating anyo ang DragonianFortress".

May Nobility sa bawat salita ni Bianca at handa na itong pangahawakan ang titulo bilang bagong Reyna ng DragonianFortress.

(tutal ayaw ng kanyang ina umalis sa memorial land ng asawa nito, ehdi sya na nga mamumuno sa DragonianFortress)

.

*yah, automatically na sya ang Queen----parangDynasty lang naman*

.

-----

.

Pumasok na si Chris sa CentralDistrict at nakilala sya agad ng ilang kasalubong sa daan. 

.

"mukhang sasabak na sya sa DuelPlatform. he he he"

.

"tara, subukan nating sumuporta sa kanya---malay natin manalo sya ngayon".

.

"tsk, imposibleng manalo sya. Si Boss ata makakasagupa nya sa platform. Ha ha ha ha"

.

"oh balita ko may ginalit syang ---oh anjan na pala si Jingi!! "

.

May anyo naman na dumating sa entrance ng CentralDistrict. Ito ay ang blonde afro, medyo mexican ang hitsura at may mga babae sa tabi nito. 

.

"sya si Jingi, nalaman kong nag request sya na labanan ka sa Platform. Mag iingat ka, mabilis sya".

Sabi ni Liza kay Chris. At napahawak sa kanyang balikat. 

.

"ehh?, mabilis? "

Natatawa naman si Chris, dahil sa huling nangyari kay Jingi. 

.

(ha ha ha ha. Mabilish---)

.

*tinamaan ng wooden hand---ha ha ha*

.

-----

.

Agad namang kumaway si Megan at tinawag sina Chris at Liza. Kapansin pansin na may mga kasama si Megan sa lugar nito, at may karagdagang lamesa at dalawang Sofa. At dalawang babae na tila kapareha nya ng Uniform. 

.

"oh, so handa kana sumabak, he he he. Tinawag ko mga kaibigan ko sa ngayon para sa isang magandang show".

Sabi naman ni Megan, at ganun ding bumaling ang tingin ng dalawang babae kay Chris.

.

"ah, sige---mukhang naghihintay na si Jingi sa iyo sa platform".

Sabi naman ni Megan, at itinuro si Jingi na nasa loob na ng DuelPlatform.

.

Naglakad na si Chris at pumasok sa loob ng platform.

.

Agad namang sumugod si Jingi ng walang hudyat.

.

Tang! ---(bell rings)

.

Sakto naman ay papalapit na ang sipa ni Jingi. 

.

Swoop! ----(countered hit)

.

Nag tama ang kanilang sipa, at ganun din ang sumunod nilang mga atake, mapa siko, kamao o mga sipa. 

.

'magaling sya, Megan, bat hindi mo ilaban ang mga nasa top 200 sa kanya sa CentralDistrict. Eh nasa top 500 lang si Jingi'. 

Telepathy ng babaeng may Pink short hair, at may shades.

.

'hayst. Rebecca, baguhan palang si Chris sa Aking Dungeon. Gusto ko malaman kung papasa sya sa UndergroundDistrict'. 

Telepathy naman ni Megan sa dalawa. 

.

'pero, tulad ng nasa balita, maaaring hindi sya Magus, or Wizard. Marahil talagang kagagawan lang ito ng DarkEntity sa kanya'. 

Sabi naman ng Black straight hair na may eyeglasses. With darkpurple eyes. 

.

'Joan, sa totoo lang ginawan kang nila ng Kaso si Chris, dahil sa influence ng UltraLightning sect elder. Tiyak naman ako na no Choice ang DJC. Nasa second position sa Top Powers ng Human alliance ang Sect na ito'. 

Telepathy naman ni Megan. Pero ginawan nya ng paraan ang file-case ni Chris.

'-----tutal, ang 50 years na ipinataw kay Chris na pagkakulong ay ginawang 5 yrs. mula sa kanyang Backers'.

.

Nagbigay hint si Megan sa dalawa na may mga matataas na Backer si Chris sa High Powers. 

.

Bumibilis ang mga pag-atake ng kalaban kay Chris.

.

Chris naman ay daling umiwas sa mga atakeng ito.

.

Parang pinapahalata nyang nahihirapan na sya. 

(ha ha ha. Nahahatak naman sa patibong ang kalaban nya)

.

Walang tigil naman ang Sigawan at hiyawan ng mga manonood. 

.

'mukhang napapagod na sya sa pag-ilag nya. ha ha ha'. 

Ngayon ay biglang umiba ng atake si Jingi kay Chris. At gumamit na ito ng mga mabibigat na atake pero medyo bumagal sya. 

.

'tsk, huli ka----'. 

Sa isipan naman ni Chris. 

.

Bam----(heavy hit)

.

Biglang umiba ang posture ni Chris at sa isang high kick nito, sapul naman agad ang kanang pisngi ni Jingi. 

.

Splirt! ----(blood)

.

Nagtalsikan ang mga ngipin sa platform. At ganun din ang dugo ni Jingi sa kanyang bibig. 

.

Natahimik ang Audience sa pag sisigaw. 

.

Napa-atras si Jingi at nakaramdam ng pagkahilo at numbing cheek. 

.

At papalapit na ang ending strike ni Chris. Ang CorkScrew punch mula sa kanang kamay nito. 

.

Thud!! -----(heavy sharp hit)

.

Tinamaan sa dibdib si Jingi, at napabugso ng madaming dugo sa kanyang bibig. 

.

At agad napadapa sa sahig ang katawan nito. 

.

'kung nilakasan ko pa ang suntok--- tiyak, hihinto na ang pagtibok ng puso nya'. 

Tila may konting awa pa si Chris.

.

"Manatili ka muna jan Chris".

Sumenyas si Megan sa ilang mga Preso. At mukhang sunod sunod ang makakalaban ni Chris sa araw na iyon. 

.

"oh, salamat".

Yumuko naman si Chris at ganung humarap ito sa makakaharap nya. 

.

Isang babae. At short hair ito medyo halatang may galing ito sa laban. 

"dont worry, hindi kita papahirapan".

Kalmadong sinabi ng babaeng ito. 

.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ilang palitan palang ng atake ay, hindi na makatayo ang babaeng ito sa mga hidden attacks ni Chris sa kanya. 

'sorry, hindi ako nananakit ng babae, kaya acupuncture attacks nalang ginawa ko'. 

.

'isang Acupuncture skills?, at sa actual combat nya ginamit?'

Telepathy ni Joan kay Megan. 

.

'hindi ko alam na bihasa sya sa ganung bagay, wala din ito sa file-case at bio data nya.'

Telepathy naman ni Megan. 

.

'isang Medic, na magaling sa MartialDao, at isa din syang Magus base sa report---isa syang talent na ----tekka ano ba cultivation stage nya? '

Tanong naman ni Rebecca sa telepathy mode. 

.

'Master stage level 4----Physical unknown----he he he, oh diba kakadismaya. Pero bagay sya dito dahil restricted ang Qi at Aura sa mga laban'

Telepathy ni Megan sa dalawa. Pero halatang hindi maalis sa isipan nya kung bakit may Backer sa High powers si Chris. At hindi lang iisa kundi tatlo. 

.

Ang mga sumunod na laban ay sadyang na bilis na pabilis natatapos. Merong instant Knockdowns, mga paralyzed Girls at mga duguang lalake naman. 

.

At iisang tao ang sunod sunod nilang nilabanan. Ito ay si Chris. At sa mga laban na iyon unti unti namang nagkaroon ng supporters si Chris sa audience. Sa araw ding iyon binansagan si Chris na DarkHorse sa loob ng CentralDistrict.

.

Kumalat ito sa mga iba pang Districts sa RoyalDungeon. Umaboy din ang usaping ito sa mga Kilalang malalakas sa Underground District.

.

'mukhang walang makakatalo kay Chris sa Top 500, ipapasok natin sya sa list ng top 300, at sa susunod diretso na syang makakalaban ang mga nasa top 200 ng CentralDistrict'. 

Sabi naman ni Joan kay Megan by Telepathy.

.

'yah surely namang hindi aangal si Megan'. 

Dagdag naman ni Rebecca.

.

'ok, ok. Kakausapin ko muna si Chris. Malay natin ma pressure sya'. 

Hindi maiwasan na ngumiti si Megan at bumaling kay Chris ang tingin nya. 

.

'kailan ka pa nagkaroon ng awa, Megan. Mukhang nakakita kana ng ideal man mo ah. He he he'. 

Biro naman ni Joan kay Megan. 

.

'ssshhh!!, hindi ah. Malayong ideal ko si Chris. At isa pa, masyado syang mahina sa Cultivation'. 

Agad namang sinabi ni Megan na may Pasabog effect.

.

Magkakasunod ang panalo ni Chris at ganun ding, napagod sya sa araw na iyon. Ang kanyang mga galaw ay pag-atake ay mas na refined.

'bukas din, mag-uumpisa na ako sa tunay kong attacking training'. 

.

(basics lang mga galaw nya nung huling mga laban----masasabing dagdag intensity lang sa kanyang mga galaw ang trainings na ginagawa nya)

.

*yah, from zero to hero ----to legend ----to Mythical----To be a God*.

.

Chương tiếp theo