webnovel

59: The Dark Horse Of the Dungeon.

59: The Dark Horse Of the Dungeon. 

.

.

Madaming sigawan dito, madaming hiywan duon. Mga nanonood ng laban na nagaganap sa Octagonal Duel platform.

.

'mukhang, ma eenjoy ko nga ang lugar na ito'. 

Pilit ngiti naman si Chris. At napansin ito ni Liza. 

.

"hey chillax, syempre newbie ka, kukuha ka muna ng Tag no.# mo duon kay Dora---".

Itinuro ni Liza Ang Chief Dungeon na si Megan nakaupo ito sa isang sofa at nanonood sa laban. 

.

Hindi alam ni Chris kung ilang preso ba talaga ang nasa loob ng Mini stadium, pero base sa space ng lugar na iyon maaaring umabot sa 100,000+ ang mga naroon. 

.

May Crystal screens sa itaas ng duel platform. At naka project duon ang kaganapan sa laban. 

.

Ang naglalaban ay isang Babae at isang maskuladong lalake. 

.

"raaaggghhh!!! "

Isang mabilis na sipa mula sa kanang pa ng babae ang nagpatumba sa kalaban nito.

.

Tumalsik ang ilang dugo mula sa lalake sa flooring. At hindi na ito nakatayo pa. 

.

"ok, next match----oh hey Chris naparito ka".

Galak naman at agad hiantak si Chris sa sofa itong si Megan. 

.

"ahm, gusto ko ----"

Magsasalita sana si Chris ng bigla syang binigyan ng Dogtag ni Megan. 

.

"your turn, go".

Teasing na napa yakap si Megan sa kanang braso ni Chris. 

.

Halatang ramdam naman ni Chris ang dalawang kayamanan pero hindi sya nagpahalata at kalmadong tumayo.

"ako na agad?, oh well. Mukhang tradisyon na dito ang Newcomer, ay agad sasabak sa laban".

.

Kumindat naman si Liza kay Chris. Na tila nahulog si Chris sa patibong ng dalawang babaeng ito. 

.

Naglakad na si Chris papunta sa Duel platform. 

.

"sa tingin mo Tibo, ilang atake lang ang itatagal nya? " 

Sabi ni Megan kay Liza. 

.

"hindi ko alam Dora, pero wala akong nahalatang kakaiba sa kanya simula ng makasama ko sya. Maaaring isang atake lang sya ng kanyang kaharap".

Sabi naman ni Liza at napa upo sa sofa, sa tabi ni Megan. 

.

Tang tang!! -----(bell)

.

Mula sa kabilang Banda, ay isang lalakeng tila hindi na napagod sa kaka snort, at nanlilisik ang mga mata.

.

'oh well, i see Danger'.

Napa isip si Chris, at nakahanda sa biglaang pagatake ng kalaban nya na may tangkad na 7ft at malaki ang katawan. 

.

Maririnig ang mga cheers mula sa panig ng kalaban ni Chris.

.

"Boss, basagin mo na ang mukha nyan!!"

.

"bigyan mo sya ng malutong na sapak!! "

.

"patayin!!! "

.

Mga sigaw ng karamihan. 

.

Agad lumusob ang kalaban nya, ng isang suntok mula sa kanan.

.

Agad namang inilagan ni Chris, pero agad naman syang tinamaan ng sipa mula sa kaliwang paa ng kalaban, sa kanyang tiyan. 

.

Thud----(hit)

.

Napa sandal si Chris sa Barbed Fence ng Duel platform sa lakas ng sipang natanggap nito sa kalaban.

.

'sh*t, mukhang pinilian nila ako ng mabilis na malaki na halimaw'. 

Naiinis naman si Chris at mukhang na setup talaga sya ng Dalawang babaeng iyon. 

.

Lumakas ang mga sigawan at cheer ng mga supporters ng kalaban nya. 

.

Nakangiti naman si Megan at lumingon saglit kay Liza. 

"Tibo, mukhang may itatagal sya sa laban".

.

"Dora, pero tiyak na ang susunod na atake ay hindi na nya matatanggap".

Sabi naman ni Liza na tila may iniisp itong iba. 

.

(ha ha ha. Nag tatawagan sila ng Tibo at Dora . ha ha ha)

.

Lumusob nanaman ang kalaban ni Chris, at agad syang pinaulanan ng suntok. 

.

Swoop---swuupp---(missed hits)

.

Nailagan ni Chris ang mga suntok, at ramdam parin nya ang sakit sa kanyang tiyan. Pero bumibilis na ang paggalaw ni Chris. 

'tsk, Boxer! -----'.

.

Napansin na ni Chris ang galaw sa paa ng kanyang kalaban, at naantabayanan na nya ang susunod na sipa sa kanang paa nito. 

.

Sumipa nga ang kalaban nya, at tatamaan na si Chris.

.

ng bigla namang umikot ang katawan nya, at nakahanda naman ang sweeping kick nito mula sa kanang paa nya. 

'tsk, pagdating sa bilis ng pagsipa, masyado kang mabagal'.

(slow motion )

.

Ang sipa ni Chris ay kumonekta sa kanang bahagi ng ulo(sentido) ng kalaban. 

.

Bam----(fast hit)

.

Yumanig saglit ang bandang itaas na pare ng katawan ng kalaban, at ganun namang napa baling ang mukha nito sa lakas ng sipa ni Chris. 

.

Flop! ----(knock down)

.

Natahimik ang lahat. Ganun namang hindi na nasubo pa ni Megan ang piraso ng Chips sa kanyang kamay, at nahulog ito.

.

"Megan, totoo ba ito? "

Hindi alam ni Liza kung paano nanalo si Chris sa bilis ng pangyayaring iyon. 

.

"ewan?, ang tahimik eh, baka panaginip lang".

Sabi naman ni Megan.

.

Dahan dahang naglakad palabas ng DuelPlatform si Chris. At ganun nga ay nakatitig lahat ng mga mata kay Chris. Ganun nga ay bago pa man makalabas si Chris sa DuelPlatform. 

.

Mabilis na kumapit ang dalawang kamay sa likod nya at, sinubukan syang hatakin pabalik sa laban. 

.

Swwwoppp!! Bam!! ----(Fast Heavy hit)

.

Isang high kick sa kaliwang sentido naman ang pinakawalan ni Chris gamit ang kanyang kaliwang paa. Halos bumaling todo sa kanan ang ulo ng kalaban. 

.

Tumalsik ang dugo sa flooring, at ganun nga ay nakatayong knockout ang kalaban ni Chris. Ito ang nagsilbing katibayan na panalo si Chris sa sandaling iyon. 

.

Nag ingay ang ilan at mas lalo silang nagalit o nainis kay Chris. Sigawan dito at sigawan doon.

.

May dalawang Guards naman ang kumuha sa katawan ng natalong kalaban ni Chris. 

.

Lumapit na si Chris sa pwesto ni Megan. 

.

"ayan---- tapos na Entrance exam ko para sa lugar na ito".

Sabay kaway nito kay Megan na hawak ang DogTag sa kamay nito. 

.

"oh, my, anung klaseng MartialDao/Move ang ginawa mo?".

Curious si Megan dahil ngayon lang nya nakita ang ganung klaseng mga serial kicks. 

.

(parang Taekwondo lang naman---pero sadyang revised para sa actual Battles at may pagka street fight ang dating)

.

*Mixed Martial Arts kamo, pero sa kwento tinawag nila itong Martial path or MartialDao----Wuxia eh*.

.

-----

.

Matapos ang laban na iyon, lumabas na sina Chris at Liza sa CentralDistrict ng Dungeon. Konti lang ang mga nahuhulog na nyebe sa sandaling iyon at kalmado ang hangin. 

.

"woah, may galing ka din pala, at tinalo mo ang pinaka mahina sa top 500".

Sabi naman ni Liza kay Chris. 

.

"WHAT!!, TOP 500, so you mean sya ang pinaka mahina sa 500 listed na combatant ng CentralDistrict!!?".

Laking gulat ni Chris, na parang mapapadura ito ng dugo sa mga sandaling iyon. 

.

"oh bakit?, CentralDistrict Lang yan chong!, wala ka sa actual Underground platform---tsk!, sa katunayan nasa top 150 ako oh diba astig ko noh, kung seseryoso ako baka nasa top 20 pa ako".

Sabi naman ni Liza kay Chris at may Pride naman sa anyo nito. 

.

Hindi na nakapag comment si Chris sa sinabi ni Liza, bagkus nagpatuloy ito sa paglakad. 

.

"oy!, hey!?, saan ka pupunta? "

Nagmadaling humabol si Megan kay Chris at ganun naman itinulak sa tabi si Liza. 

.

"Tsk! Dora!, kailangan magtulak ganon?!"

Pa sigaw naman na sabi ni Liza.

.

Kumapit si Megan sa kaliwang braso ni Chris.

"sorry kung medyo nasa top 500 ang pinili ko sa unang match mo. Gusto ko kasi makita talaga yung taglay mong galing sa MartialDao."

Palusot naman na paliwanag ni Megan. 

.

Tila mas lalong nakaramdam ng hiya si Chris, nasa top 500 na nga yung kalaban nya, at pano na kaya kung nasa top 1000 ang pinili sa kanya, ehdi mas lalong masisira Pride ni Chris dahil sadyang nasa lesser combatants makaka laban nya. 

.

"ahm, ok lang saken ang nakalaban ko, he he he. Mauna na ako ----dahil inaantok ako".

Palusot naman ni Chris kay Megan. 

.

-----

.

Sa PurpleMoon.

.

Bansang Coryet

.

Sa 12th city. 

.

Umuulan ng nyebe sa kalangitan, agaw pansin ang mga Winter lights na naka display sa bawat lugar sa lansangan, may ibat ibang shapes ang mga glims stones para sa mga WinterLights na mga ito.

.

Si Anna ay tila naliligaw na sa kakahanap sa natirang Aura ni Chris. 

.

'naks naman, laging nawawala ang aura nya ngayong malapit na ako sa kanya, hu hu hu hu'. 

Malungkot at naka pouty lips si Anna. At may ilang pagkakataon na napapawow ang mga nakakasalubong nyang mga lalake, minsan mga babae at kinukunan sya ng litrato na parang isa syang artista. 

.

May biglang umakbay sa kanya. 

.

"hey wanna date with me, babe?, want 20,000 spirit stones? ".

Sabi ng isang chinito na mala KPoop este KPOP ang dating. At bahagyang humipo sa kanang hita ni Anna.

.

Natahimik si Anna, at parang walang emosyon ang mga mata nito. At sandali nyang hinayaan ang pagkakahipo ng kamay ng lalakeng iyon sa kanyang hita. 

.

"oh, come on, just one night babe, i'll add 20,000 more. he he he----kuh!! "

Natahimik ito bigla ng may marinig syang tunog sa kanyang ibabang parte. (birdie)

.

Zaagg!! -----(pierced)

.

"hayst, saan ko na kaya mahahanap si Chris".

Tila walang nangyare at nagpatuloy na naglakad si Anna. Balik sa pouty lips at malungkot na hitsura. 

.

Samantalang ang lalakeng humipo sa kanya, ay nanatiling nakatayo, hangang sa tuluyan ng naging frozen ang buong katawan nito at may butas sa kanyang ano---dun sa ano--(Birdie is gone, only a single bloody hole left)

.

Pumasok sya sa isang PlanetBucks branch, at umorder ng HotChoco.

.

Sa Crystal screen sa dakong gilid. At nanonood ang ilan sa balita. 

.

"News: ----St. Cessia, ay automatically disqualified para sa finals, at ganun namang inaabangan ang laban ng Team ScarletSwordsmen at BloodMoon team 3 month from now----" 

.

Nasa screen ang Hitsura ni Chris at ganun namang naibalita ang pagkakulong nito sa RoyalDungeon.

.

Ang hinahanap ni Anna ay nasa Crystal screen, kaso todo focus sya sa kanyang order na masarap na Hot Choco, at hindi na nya nakita pa ang Hint kung nasaan ang hinahanap nyang si Chris. 

.

(pagkakataon nga naman, kaso masarap naman kasi Hot Choco eh)

.

*parang pag-ibig lang yan, yung tipong naghahanap ka ng Loyal, nasa tabi mo na nga iniiwasan mo naman*.

.

## ha ha ha, naghahanap ng Loyal Face, base parin sa hitsura yan Guys ##

.

-----

.

Pagsapit ng gabi. Malakas ang buhos ng nyebe sa labas ng RoyalDungeon.

.

Nakahiga si Chris, at kakatapos lang nitong kumain. 

.

'Ang mundo ng mga Deities, Crystal Fragments----atkung ano-ano pang mga bagay na nasa nakaraan kong buhay---- ang 9th layer ng Divine Realms----'.

Tila wala ng pake si Chris sa kanyang nakaraang buhay. At naka focus lang sya ngayon sa kaligtasan ng kanyang mga kasama. Dahil napag desisyonan nyang si Dread ang tunay na may-ari ng mga ala-alang iyon at ipinagkaloob lang ito sa kanya---sa pansamantalang panahon lamang. 

.

"yow, gising ka pa? "

Boses ito ni Liza na nasa kabilang Cell room. 

.

"yah, ahm. Matanong kita, kung may isang wish ka na matutupad---ano naman ang napili mo? ".

Tanong ni Chris. 

.

"oh, isa lang, yun ay ang kapayapaan----letse, bat ba kailangan mong itanong ang mga ganyang bagay! ".

Nainis naman agad si Liza na tila minsan nagiging mabaiy pero bigla ding bumabalik sa pagiging Suplada at tibo be like. 

.

"he he he. Wala lang. Sige na nga matutulog na ako, papasok ulit ako bukas sa CentralDistrict".

Sabi naman ni Chris.

.

Napangiti lang si Liza, at naipikit narin nito ang kanyang mga mata. 

.

-----

.

Kinaumagahan.

.

Isang panalo nanaman ang laban ni Chris. 

.

Ganun nga at, araw araw na syang nag eensayo, minsan limit nya ang karne at gulay lang ang kanyang kinakain. 

.

Todo sya sa hapon na pag sasanay sa kanyang Basic Attacking moves. Mga simpleng bagay na pinaka fundamentals ng isang laban. 

.

"kanina pa sya dyan sa harap ng wooden dummy, at panay basic attacks lang naman nakikita ko".

.

"tsk, nalapasok lang sya sa Top 1000, ganyan na sya khe!, hintayin nya at may tatalo sa kanya na tulad ko! ".

.

Madaming negative reactions naman sa mga nakakakita sa Basic Exercises ay Basic attacking trainings ni Chris sa open grounds. 

.

Walang pake si Chris sa mga sinasabi ng ilan. 

"bilang mga empty heads, ni simpleng mga galaw lang hindi nyo na maiiwasan kapag ako kaharap nyo". 

Mahinang sabi ni Chris sabay kagat sa isang celery? ----whut!?.

.

(yaackk! I hate celery, ptuyy!! )

.

*ako din hindi ko matagalan lasa ng raw celery*

.

## sikreto ng mga athletes yan---tanong nyo kay Brandon Vera at Manny Paquiao ##

.

-----

.

Lumipas ang dalawang linggong pagkakulong ni Chris. At hindi muna sya sumabak ulit sa DuelPlatform. At nag focus sya sa basics. 

.

'dodging, side steppings, blockings, tugging, sprinting, high jumps, push ups, crunches, splitting, thrustings, squats, -----'

Isa isang inalala ni Chris lahat ng mga natapos nyang Training moves at methods. 

.

"oh, parang hindi ka tumigil sa pag-eehersisyo ah. Musta na basics mo?, ha ha ha ha ha. Baka magulay ka lang sa susunod na laban kid! "

Patawang sabi ng lalakeng may blonde afro na buhok. At may lima itong alagad na mga babae. 

.

"oh thanks sa paalala, i-che-check ko yan"

Kalmado naman si Chris at nag umpisa nanamang i-straight jabs ang Wooden dummy. 

.

"tsk!, mukhang hindi mo ako kilala kid!? "

Nainsulto naman ang lalakeng ito at sinubukang hatakin ang kanang balikay ni Chris. 

.

Pero hindi nya nahuli. 

.

At ganun nga na inulit nya ito, pero kahit anong gawin nya, sadyang busy si Chris at hindi sya mahuli ng mga kamay ng lalakenh iyon. 

.

Pak!!----(wood)

.

"aruy!! --@'6@5'4*/----shete!! "

Tinamaan naman ng kamay sa wooden dummy ang mukha ng lalakeng makulit. 

.

"ahy. Pasensya na may kailangan ka pa ba? ".

Mukhang sinadya ni Chris na suntukin ang kaliwang braso ng woodendummy para rotate ito ng mabilis. Sakto naman tinamaan sa mukha yung makulit na lalake. 

.

"may araw ka din saken!!---tara girls! "

Umakbay na ito sa dalawang sexy hot na babae sa kanyang magkabilang kamay. 

.

Dumugo ang ilong nito at pinunasan ng isa sa kanyang mga alalay na babae. 

'tsk!, pwes tutal pupunta ka sa DuelPlatform ----ako makakaharap mo!'

.

-----

.

Habang lumilipas ang oras, at mga araw. Isang linggo nanaman ang lumipas at sa isang sipa ni Chris sa woodendummy ay halos masira na ito. 

.

Isang gabi na malamig at tumila na ang pagbuhos ng nyebe. 

.

Napansin ng Guard ang woodendummy na laging pinagsasanayan ni Chris. 

'-----kailangan malaman ito ni Chief.'

.

Nagulat sya sa marka ng suntol sa woodendummy na tila gawa sa hindi ordinary wood lang ang dummy na ito. 

.

-----

.

Sa labas ng pinto ng kwarto ni Megan. 

Naka suot sya ng pantulog na robe at kaharap nya ang Guard na iyon. 

.

"---whaaaat, ang woodendummy na gawa sa ironwood ---may markang kamao?!, malalim ba?!".

Gulat na tanong ni Megan. 

.

"hindi gaano malalim, medyo konti lang medyo may Crack pero---konti".

Mahinang sabi ng Guard na iyon. 

.

"kahit na!, imposibleng may makamarka sa ganung uri ng kahoy!, unless isa syang----".

Napangiti si Megan at kumalma ang ayos nito. 

"---ok, sige makakabalik kana sa pwesto mo, wag mong ipapaalam sa kahit na kanino, ang nakita mo, at isa pa palitan mo na yung Woodendummy ngayon na mismo----".

Sabi naman ni Megan at akmang isasarado na ang pintuan. 

.

"masusunod Chief".

Yumuko ito saglit at agad nagmadaling binalikan ang Training grounds.

.

Ng makahiga na si Megan sa kanyang kama, hawak nya ang isang Bless stone.

'sigh, maaari ko syang isabak sa Dungeon Arenas sa pinaka hilagang parte ng PurpleMoon----tutal 5years naman syang makukulong, at mas mapapabilis ang paglabas nya kapag nanalo sya duon'. 

.

Sa katabing lamesa sa kama ni Megan naroon ang Folder at File-case papers ni Chris. 

.

Mukhang nakasulat na sa File-Case ni Chris ang pagkakulong nito ng 5 taon. At pirmado ito ng tatlong stamps.

.

-----

.

Kinaumagahan, maagang nagising si Chris para sa Warm up. Konting stretching, push ups, pagpawisan lang saglit sapat na. Nasa loob sya ng kanyang Cell room. At naka hubad ang pang itaas nito, ganun namang nakasuot parin ang bracelets na parang shackles lang.

.

"whew, para akong nasa non-cultivator world".

Sabi naman ni Chris sa kanyang sarili. 

.

May napadaan na mga intern guards kasama ang dalawang Guards sa pamamasyal sa mga Cell rooms.

.

"ok guys, dito naman ang mga new ---- new---- wanted---man".

Natulala ang isang Guard sa anyo ng katawan ni Chris, na pinagpapawisan at may sparkles effect. 

.

Ganun ding natulala ang ilang mga babae sa taglay ng katawan ni Chris, isang makamandag na makakaakit sa sinong babae. 

.

"ahem, Girls, ipag patuloy nyo lang".

Paalala ni Chris sa dalawang Guards na babae. 

.

At ganun nga ay nagpatuloy na silang maglakad pero, nakabaling parin ang tingin ng mga intern Guards kay Chris. 

.

'so many Beauties, too hard to resist, tsk tsk tsk'.

Ganun nga at pumasok na sa banyo si Chris para maligo. 

Chương tiếp theo