webnovel

Kabanta: Daddy's Home

Ang saya ko ngayon dahil nakauwi na si papa. Pero nakakapagtaka lang... bakit biglaan ata ang pag-uwi ni papa. Ang alam ko kasi, tuwing December lang sila umuuwi.

Pero ang mahalag, nandito na si papa. Makakasama na namin siya ulit. Kaya binilisan ko na ang pagpapalit ng damit upang matulungan ko pa si mama na eprepare yung paboritong ulam ni papa na chorizong pancit.

"Bret, tawagan mo nga ang kapatid mo. Bakit hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon. Baka dumating na yung papa mo at wala pa siya. Baka magalit 'yun." utos ni mama habang inaayos ko ang lamesa. "Sige na." dugtong pa niya.

Kaya hindi ko na lang tinapus ang ginagawa ko at bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Saan ba kasi yung kapatid ko at hindi pa siya nakakauwi.

*Dialling

*Totottttttttt...

*Tototttttttt...

Out of coverage area daw. Hah? Bat di ko siya makontak. Ang pumasok agad sa isip ko ay kung baka napahamak na yung kapatid ko. Kalat pa naman ang balitang may nangrerape sa kabaling barangay.

Baka na pano na 'yun. Kailangan kong sabihin kay mama 'to. Pero baka mas mag-alala pa si mama. Echat ko lang muna mga kaibigan niya, baka may alam sila.

"Good evening Jazelby. Matanong ko lang kung magkasama ba kayo ngayon ni Letecia?"

*delivered/send

*Typing...

"Ay. Opo ate. Magkasama po kami ngayon. Hindi siya nakapagpaalam na pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng mga materials para sa project namin dahil na low bat siya." reply ni Jazelby.

"Ahhh... okay. Pauwi na ba kayo? Sabihin mo sa kaniya na uuwi si papa ngayon." reply ko.

"Okay po." mabilis nitong sagot sa akin.

Pagkatapus, bumalik agad ako sa kusina para ipaalam kay mama na nasa mall pa si Letecia. Baka nag-alala na 'yun dahil natagalan ako.

"Bakit ang tagal mo atang tawagan yang kapatid mo! Saan na raw siya?" wika ni mama habang nililipat ang pancit sa malaking lagayan.

"Kasi po... nasa mall pa raw sila. May binili lang na materials para sa project raw nila." sagot ko kay mama habang nilalagay ko ang mga plato sa lamesa.

"Bakit hindi siya nagpaalam sa atin bago siya pumunta ng mall! Yang batang 'yan." medyo galit na sabi ni mama. "Sige na. Maghanda ka na para sabay pagdumating na yung kapatid at papa mo, okay na." dugtong pa ni mama.

Kaya binilisan ko na ang paghahanda para matapus na ako agad. Bumalik sa akin ang katanongan kung bakit nga biglaan ang pag-uwi nila papa. Kaya tinanong ko si mama tungkol dito.

"Ma!" pagtawag ko kay mama na ngayo'y nakaupo sa upuan, sa dulo ng mesa.

"Bakit?" tanong niya tapus tumingin sa akin.

"A-ahhmmm... Bakit biglaan yata ang pag-uwi nila papa ngayon? Diba sa December pa uwi nila!"

Hindi naman sa... hindi ako masaya na uuwi si papa. Nakakapagtaka lang kasi.

*Tokkk...

*Tokkk...

May biglang kumatok ng dalawang beses sa pintuan.

"Tingnan mo nga. Baka papa mo na 'yun." utos ni mama.

"Sige po ma."

Mabilis kong tinungo ang pintuan dahil excited na akong makita ulit si papa. Miss na miss ko na kasi siya.

Bawat segundo ng pagbukas ko, ng pinto. Katumbas nito ang saya na aking nararamdaman. Makikita ko na si papa.

Nang tuluyan ko ng nabuksan ang pinto. Naging blangko ang lahat ng paligid. Walang ingay na naririnig, walang ibang iniisip, at walang ibang makita. Kundi ang tanging buong katawan ni papa na ngayo'y nasa harap ko na.

Agad kong niyakap si papa ng napakahigpit. At unti-unti na ring tumutulo ang aking mga luha mula mata hanggang sa panga ko. Pumapatak sa bandang likuran ni papa.

"Kamusta ka na, nak?" tanong ni papa sabay pag-awat ng yakapan namin.

"Okay na okay pa. Ikaw pa? Parang tumaba ka 'ata, eh." sagot ko kay papa ng napakasaya.

"Hahaha... ikaw talagang bata ka." at tinitigan ako ni papa. "Halika ka nga dito." wika niya at binuksan niya ang kaniyang mga braso na nakahandang yayakapin ko siya.

Niyakap ko siya ulit. Ramdam ko ang saya at pananabik na nararamdaman ni papa ngayon dahil sa lakas ng pagtibok ng puso niya.

"Hon?" sobrang pananabik ang umukit sa mukha ni mama ng makita si papa.

"Hon?" gayun din si papa.

Tumakbo si mama papunta kay papa at nagyakapan sila agad ng napakahigpit. Umiiyak na si papa. Nakikita ko ang bawat paglabas ng luha niya sa kaniyang mga mata. Nakaharap kasi si papa sa akin ngayon habang yakap-yakap si papa.

"I miss you so much, hon." malambing na pagkakasabi ni papa. Sabay halik sa forehead ni mama.

Kitang-kita ko ang labis na pagka-miss ni papa kay mama. Ang paghalik niya na may malalim ba kahulugan. Lahat ng pagod at pangungulila niya sa amin ay napalitan ng saya at labis na pagmamahal.

"I miss you so much din hon. Kami ng mga bata, miss na miss ka namin." sagot ni mama na sobrang basa ng mukha dahil sa mga luha niya.

Nang makita kong basang-basa si mama dahil sa mga luha niya. Agad akong tumungo sa kwarto nila mama at papa para kumuha ng panyo, pangpunas sa mukha nilang dalawa.

Nang biglang tumunog ang phone ko. May nag chat. Alam kong sa messenger 'yun dahil sa ringtone pa lang. Kaya agad kong tiningnan kung sino ito.

"Ate, pasundo naman dito sa highway. Wala na kasing sasakyan papasok sa barangay natin." chat ng kapatid ko.

"Okay, sige. Hintayin mo ako diyan." reply ko.

Ito talaga yung pinaka ayaw ko sa lahat. Okay na okay na sana ako dito bahay. Tapus, gagambalain ka pa. Grrr... wala akong choice kundi ang sunduin yung kapatid ko. Hindi naman puwedeng si papa ang susundo. Eh, galing pa siya sa byahe. Syempre pagod pa 'yun.

Si mama naman, hindi marunong magdrive. Ako na lang talaga. Kaya lumabas na agad ako ng kwarto at bumalik sa sala para iabot nila mama at papa ang panyong dala ko.

"Ma, pa. Susunduin ko lang si Letecia. Nasa highway daw siya, naghihintay. Wala na raw kasing sasakyan na maghahatid sa kaniya papasok dito sa atin." pagpapaalam ko kay mama at papa sabay abot ng panyo sa kanila.

"Okay, sige. Mag-ingat kayo hah!" wika ni papa.

"Bilisan niyo at kakain na tayo pagdating niyo. Pero hinay-hinay lang sa pagdridrive!" paalala ni mama.

Ito si mama, hindi ko maintindihan minsan. Ang labo kausap. Bilisan raw namin pero maghinay-hinay sa pagdridrive. Siguro, gusto niya kaming magmadali pero mag-iingat. Nagamit na tulog ang critical thinking ko.

Kinuha ko muna ang susi ng motor namin sa ibabaw ng refrigerator. Pagkatapus, pinaandar ang motor at umalis agad.

Nandito na ako ngayon sa highway at nakikita ko na ang kapatid ko sa malayo. Kilalang-kilala ko ang tayo at uniforming suot nito. Parang kanina pa 'to naghihintay ng sasakyan na maghahatid sa kaniya. Pero wala nga talaga.

"Hoy, halika na." pasigaw kong tawag sa kaniya na nakasimangot ang mukha niya.

"Eh, nakakainis eh. Kanina pa ako dito pero walang gustong humatid sa akin. Gutom na ako." padabog siyang sumakay.

"May surprise kami ni mama sayo!"

"Ano naman 'yun?" galit niyang tanong. Hindi pa siya nakaka-move on sa nangyari.

"Surprise nga diba?" maldita kong sagot. Akala niya hah. Haha.

Hindi na kami nag- usap hanggang sa umabot kami ng bahay. Nauna na siyang bumaba at dumiretsong pumasok sa bahay.

Hindi pa ako nakapasok sa loob ng bahay ay biglang sumigaw nang napakalakas si Letecia.

"PAPA!!!"

Natawa na lang ako sa narinig ko. Papa's girl kasi yang kapatid ko. Spoiled kay papa. Kaya ganiyan na lang ka grabe ang reaction ng kapatid ko.

Pumasok na ako sa loob para makakain na kami. Gutom na rin kasi ako. Sa bango ng ulam na luto ni mama, gugutomin ka talaga.

Sabay kaming kumain ng hapunan. Puro kuwento at subo ng pagkain ang ginawa namin. Nakakamiss talaga ang ganitong eksena namin sa hapagkainan. Miss talaga namin si Papa.

Chương tiếp theo