webnovel

Babysitter

KYLE

Nagising ako dahil sa sobrang init na nararamdaman ko, pagtingin ko, nasa kwarto ako ngayon.. Teka, diba kanina lang nasa trabaho ako, tsaka kasama nina Elle na maglalunch kami dapat, paanong ----. Biglang sumakit ang ulo ko. Tipong gusto ng sumabog. Pero teka, sino nga ang naghatid saakin dito?

Napatigil ako sa pag-iisip nang bilang pumasok si Elle dala-dala ang isang tray na may bowl doon..

"Mabuti naman at nagkamalay ka na.." Sabi niya, "Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot.." Dagdag niya pa.

"Anong nangyari, Elle?" Tanong ko sa kanya. Bigla niya namang hinawakan ako sa noo ko.

"Nahimatay ka kanina dahil sa over fatigue. Since magkapitbahay lang naman tayo, ako na ang nagprisinta na maghahatid sayo pauwi." Sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa noo ko... " Kumain ka na, Kyle. Tapos uminom ka ng gamot. Mataas pa rin ang lagnat mo." Sabi niya.

Sinubukan kong bumangon, pero bigla akong natumba sa kama. Nahihilo ako tsaka parang naduduwal pag tumatayo ako.

"Tsk. Hindi ko sinabing tumayo ka dyan. Ako na ang bahala." Sabi niya. Ginabayan niya ako sa pagsandal sa headrest at nilagay ang tray sa lap ko.

"Ahhh" Sabi niya sabay subo ng pagkain saakin.

"Nguyain mo ng mabuti para matunawan ka kaagad." Parang nanay ko naman siya. Napaka-maalaga naman nito!

Hanggang sa matapos akong kumain, nakatingin lang ako sa kanya. Napansin niya sigurong tinitignan ko siya kaya nagsalita siya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Pagbibiro niya saakin. Umiling ako.

"Wala naman. Napaka-maalaga mo pala." Biglang sabi ko.

"Ganyan lang talaga ako sa mga maysakit, inumin mo na to." Sabi niya saakin. Kinuha ko naman yung gamot at ininom ito. Kinuha niya ang baso saakin at nilagay sa tray.

"Magpahinga ka muna." Utos niya saakin at inalayan ako sa paghiga.

"Aalis ka na ba?" Malungkot kong tanong sa kanya. Umiling siya.. "No, dito lang ako hanggang sa maging okay ka na." Sabi niya.

"Salamat, Elle." Tanging sambit ko bago tuluyang nalunod sa antok ko. Pero may naramdaman ako na parang malamig na bagay na pinatong sa noo ko. Face towel na may malamig na tubig?

Naalimpungatan ako dahil sa mabangong amoy. Tumayo ako para tignan kung ano yun.

"Ano ka ba naman, Patty! Lahat na lang nilalagyan mo ng malisya!" Rinig kong sabi ni Elle. Naka-earphones siya habang nagluluto.

"Shut up, Vanessa. Pareho lang kayo ni Patty, kaya kayo madaling masaktan kasi mga assumera kayo!" Sabi niya tsaka nilagay sa plato ang niluluto niya. Pancake pala ang niluluto niya. Napansin niya siguro yung presensya ko kaya tumingin siya saakin.

"I'll be hanging up, guys. Tsaka pakisagot na lang yung tawag ng mga clients ko. Salamat." Sabi niya tsaka tinanggal ang earphones sa tainga niya.

"Pancakes, gusto mo?" Alok niya saakin.

"Bakit tumayo ka kaagad? Tsskk. " Sabi niya ulit saakin.

"And now, you're acting like my mom. " I said to her while smiling. Ngumiti lang siya saakin tsaka inalalayan akong umupo.

Nilagyan niya ng pancake ang plato ko. "Kaya mo na bang kumain ng magisa o susubuan pa kita?" Tanong niya ulit saakin.

"Kaya ko na, medyo okay na rin naman ako eh, tsaka bumaba na yung lagnat ko.." Sabi ko sa kanya. Bigla naman niya akong hinawakan sa noo. "Tama ka, wala ka na ngang sakit. Mabuti naman at ayos ka na." Sabi niya at huminga ng malalim.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa uulitin, magpahinga ka rin. Kalabaw nga napapagod, ikaw pa kaya na tao lang? Ikaw talaga!" Ngumiti lang ako sa kanya saka siya niyakap.

"Salamat.." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik..

"I'm just returning the good deeds you've done to me, Kyle. " Tugon niya saakin. Humarap kami sa isa't-isa..

"But, other than that, I want to say thank you so much. Thank you for taking care of me.. Elle. Thank you very much!" Pag-uulit ko.

"Oo na, you're welcome. Kain na tayo!" Sabi niya.

Nagtawanan naman kaming dalawa ni Elle.

Nagtitigan kaming dalawa ni Elle. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at doon ko napansin na ang ganda pala ng kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga pisnging mapupula. Hanggang sa tignan ko siya sa kanyang mga labi. Kahit tingin lang, malalaman mo na malalambot ang mga ito. Ano pa kaya kung nadampian ito ng aking mga labi? Bumalik ang tingin ko sa kanyang mga mata. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

Teka...

Bakit biglang tumibok ng mabilis yung puso ko?

Don't tell me...

After ng lagnat....

Sakit naman sa puso ang haharapin ko?....

No way!

Chương tiếp theo