webnovel

THEY ARE NO LONGER DEVILS

"A-ANO'NG NANGYAYARI sa'yo?" kinakabahang tanong ni Maricon kay Sierra. Hindi na kasi ito gumalaw. Nakahawak lang ito sa ulo at nakayukyok sa isang sulok. Mariing nakapikit ang mga mata at nangangatog sa takot.

Matapos itong mai-ressurect ay agad silang ikinulong sa kuwarto para doon maghintay. Magiging delikado ang lahat dahil ise-seal ng mga legendary devils at anghel si Hades sa impyerno. Dahil doon ay matyaga silang naghintay.

Pero tahimik si Sierra. Parang lutang. Hindi niya ito makausap nang maayos hanggang sa naiyak ito at sumiksik lang sa isang sulok. Kahit ano'ng gawin ni Maricon ay hindi niya ito mapakalma.

"Maricon!" sigaw ni Baldassare.

Nanigas si Maricon. Tama ba ang narinig niya? Tinatawag siya ni Baldassare? Kumabog ang dibdib niya.

"Maricon!" sigaw ulit nito at doon bumukas ang pinto ng kuwarto. Bumungad ang hinihingal na lalaki. Natulos si Maricon sa kinatatayuan. Ni hindi niya nagawang kumilos. She was overwhelmed. Seeing Baldassare made her cry.

"Damn it..." nanlalambot na anas ni Baldassare at inilang hakbang lang ang distansya nila. Agad siya nitong niyakap nang mahigpit. Tuluyang naiyak si Maricon nang maramdaman ang init ni Baldassare. His manly and lovely scent made her realized that he was real! That was really happening! Finally, she was in his arms again...

"Are you okay?" alalang anas nito at bahagyang lumayo para titigan siya.

Sunud-sunod ang tango ni Maricon. Seeing Baldassare staring at her tenderly made her heart melts. "Oo. Pero si Sierra. P-Parang na-trauma yata siya..." alalang saad niya.

Agad nitong nilingon si Sierra na nakasuksok pa rin sa sulok. Doon naman dumating sina Inconnu, Demetineirre at Mfiel. Agad niyakap ni Inconnu si Sierra at pinatahan pero hindi pa rin ito kumalma.

"She's traumatized." ani Mfiel at lumapit. Hinawakan nito ang ulo ni Sierra at umilaw ang kamay nito. Hindi nagtagal ay unti-unting kumalma si Sierra at nakatulog.

"What did you do?" tanong ni Inconnu.

"Inalis ko sa memory niya noong nasa impyerno siya. Wala siyang ibang maalala kundi matapos mamatay ay blanko na. Nagising na lang siya ngayon." ani Mfiel at nilingon si Demetineirre. "How about you? Are you okay?"

Demetineirre shrugged. "Sanay na ako sa impyerno."

Tumango si Mfiel. Tumayo naman si Inconnu at inihiga sa kama si Sierra bago ulit humarap. "Is this the end?" tanong nito.

Umiling si Mfiel. "No. Not yet." anito at lumabas.

Takang sumunod silang lahat. Nadatnan nila si Mfiel na gumuguhit ito ng simbulo sa gitna nang garden ng simbahan gamit ang dulo ng espada. Nang matapos ay nakita nilang korteng malaking pentagram iyon. Sinugat ni Mfiel ang sarili at pinatakan ng dugo ang mga guhit. Matapos ay bumunot ito ng isang pakpak at dinasalan iyon. Matapos magdasal ay sumilab ang pakpak nito at naging abo. Isinaboy nito iyon sa ibabaw ng guhit at buong puwersang inilapag ang dalawang kamay sa gitna.

Bigla silang nasilaw sa liwanag na sumabog sa buong kalawakan. Hingal na hingal si Mfiel. Ilang segundo itong nakaluhod bago nakuhang tumayo saka sila hinarap.

"Now, it's really over." hingal nitong saad.

"What happened?" tanong ni Baldassare.

"Rune of an Angel. Isang abilidad naming mga angel na puwedeng gamitin minsan sa isang taon. Ang Rune of an Angel ay isang spell para makalimutan ng lahat ng na-involve sa inyo ang tungkol sa mga madidilim na pangyayari. It requires half of our power. Isang taon ang hihintayin namin bago maka-recover. And I don't mind using half of my power just to help all of you. Ang mahalaga, matatahimik na kayong lahat." paliwanag nito at ngumiti.

Hindi napigilan ni Maricon ang sarili. Niyakap niya si Mfiel. "Thank you so much." taos pusong saad niya. Deep inside her heart, she was truly grateful. Kung wala ito, nagkada-letse na talaga ang lahat.

"Thanks," saad din ng mga legendary devils at isa-isang kinamayan si Mfiel. Hindi matigil ang pagpapasalamat nila sa angel.

"I am really grateful about what happened but, I want to see Kaye." pigil hiningang saad ni Demetineirre.

"Alam mo ba kung saan nakatira? Ihahatid na kita." ani Inconnu.

Napakamot ng ulo si Demetineirre. "I'm not sure. Hindi ko alam kung nasa apartment pa rin siya."

Tinapik ni Inconnu ang balikat nito. "Don't worry. We'll find her." anito at hinarap na sila. "Mauuna na kami. Sierra needs to rest to."

"I need to go." paalam din ni Mfiel.

"Puwede ka pa bang bumalik sa langit?" tanong ni Baldassare.

Umiling si Mfiel. "No. I'm a fallen angel. I decided to stay here and watch humans." anito saka lumipad. Hindi na nila ito nagawang pigilan ni Baldassare hanggang sa naiwanan na sila. Muli, hinarap ni Baldassare si Maricon.

"I'm sorry." masuyo nitong anas.

Ngumiti si Maricon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang haplusin ni Baldassare ang pisngi. "Sorry din sa mga naging pagkukulang ko."

"I missed you like crazy," anas ni Baldassare. Desire and love were written in his eyes, making her heart beats so damn wild.

"Ako rin." aniya at tumingkayad. Hindi na niya napigilan ang sarili. Siya na ang sumiil nang halik kay Baldassare. Agad naman itong tumugon. He kissed her like there's no tomorrow.

"Tell me. Ano ba ang dapat kong gawin para hindi ka na mawala pa sa akin?" mainit na tanong ni Baldassare sa pagitan ng mga labi nila.

Napangiti si Maricon. "Pakasalan mo ako. Kahit saan ako magpunta, iyo lang ako at akin ka lang."

"Then let's do it. Marry me right this very minute." anas ni Baldassare.

Napabungisngis si Maricon. "Hindi ganoon! Kailangang kausapin pa natin si mama. Hindi bale. Tuturuan kita sa tamang proseso." aniya saka ngumisi. Alam niyang hindi pa sanay si Baldassare sa pagiging tao kaya aalalayan niya ito.

Napatango si Baldassare. "Oh, okay."

"Ako ang bahala." aniya at kinindatan si Baldassare.

Napangisi si Baldassare. Hindi nagtagal ay hinalikan ulit siya. Halos hindi na nila tinigilan ang isa't isa. Bawing-bawi talaga ang ilang araw na pakikipaglaban nila kay Hades.

***

"DEMETINEIRRE? INCONNU? Saan kayo pupunta?"

Agad napalingon sina Demetineirre at Inconnu kay Father Arman nang lumabas ito sa sasakyan. Nasa mukha ang pagtataka at gulat. Hindi na magtataka si Demetineirre dahil sa pagkakaalam nito ay patay na siya.

Matapos ayusin ni Inconnu si Sierra sa back seat na tulog pa rin ay saka nila ito hinarap.

"Iuuwi na ho namin si Sierra. Wala pa rin kasi siyang malay." ani Demetineirre at napabuntong hininga. "Alam ko na mahirap intindihin pero ganito ang nangyari..." aniya at sinabi ang lahat.

Napatango si Father Arman. "Nasabi naman sa akin ni Mfiel ang lahat. Naisip kong puntahan si Kaye."

"W-What?" gulat na tanong ni Demetineirre.

Ngumiti ang pari. "Laging nagpupunta si Kaye rito para dalawin ka. Naging malapit na rin siya sa akin kaya alam ko na rin kung saan siya nakatira." paliwanag nito.

Doon lumabas si Kaye sa sasakyan. Luhaan ito pero nasa mukha ang matinding pananabik at tuwa. Napanganga si Demetineirre. Biglang-bigla siya! Hindi niya inaasahan iyon! Halos maiyak siya sa saya!

"Dem..." luhaang tawag ni Kaye.

"Oh, Kaye..." anas ni Demetineirre at dali-daling lumapit. Agad niyang niyakap ang dalawa at naiyak na rin siya. He was thankful. Mabuti na lang, niligtas siya sa impyerno at nakasama ito!

"Damn, I missed you. So much!" mainit na anas ni Demetineirre at siniil nang halik si Kaye. She responded with so much heat and passion. And right there and then, all his worries suddenly vanished.

Nagsipatakan ang luha ni Demetineirre. Makita lang ang pagmamahal sa mga mata ni Kaye ay sapat na sa kanya. "This is so sweet. What did I do to deserve this?"

Ngumiti nang matamis si Kaye kahit na lumuluha. "Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, Dem. Pero isa lang ang alam ko. Mahal kita at mamahalin pa kita sa abot ng makakaya ko." masuyo niyang saad.

Demetineirre kissed his son's forehead and Kaye. Oh, he was really happy. Finally, they end up together. It may not be forever but at least, they could be together as long as they can be...

***

"HOW'S MY daughter?" tanong ni Silvestre—ang ama ni Sierra. Dahil hindi nito naalala na namatay si Sierra at nabago ang katotohanang iyon, sa memory ng lahat ng nakakilala kay Sierra ay buhay ito at kasal sila. Ang balita niya rito ay nawalan ng malay si Sierra at iuwi niya sa bahay. Nagpatawag na rin siya ng doktor. Nakahinga ng maluwag si Inconnu nang sabihin ng doktor na napagod lang ang babae kaya nahimatay.

Inconnu was happy. Sa ngayon ay binabantayan niya ang asawa. Halos ayaw niya itong iwanan. Nakatitig lang siya rito habang nagiinit ang puso. Until now, he couldn't believe it. He could still be free from melancholy.

"She's fine. Ang sabi ng doktor ay wala tayong dapat na ipagalala." aniya.

"Oh, thanked God." anas ng matanda at naupo na sa tabi ni Sierra.

Sumikdo ang puso ni Inconnu. Right. He must start thanking God. Kahit isang anghel ang tumulong sa kanila, it was still God's will. Hindi mangyayari ang lahat ng iyon kundi dahil dito.

God... I am not worthy of your grace and salvation but here you were, you gave me something impossible. Thank you for being so merciful. Thank you for giving us this rare chance. Ipinapangako ko, I may not be perfect but I'll do everything I can to be a good son...

Napahinga nang malalim si Inconnu matapos kausapin ang panginoon. Umasa siyang maririnig kahit paano.

"Hmm..." ungol ni Sierra.

Kumabog ang puso ni Inconnu. Agad niyang inantabayanan ang pagmulat ng mga mata ni Sierra. Kinakabahan din siya. Paano kung traumatized pa rin ito? Ah, madudurog ang puso niya oras na makitaan ito ng takot...

"I-Inconnu..." masuyong tawag ni Sierra.

Natunaw ang puso ni Inconnu. His eyes watered. He missed the way she called him. Hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ng buong higpit si Sierra. Pumatak ang luha niya nang maamoy ang mabangong amoy nito.

"God, I missed you so much." anas niya. Nagiinit ang puso at mga mata.

"Me too." anas nito.

And they both sealed their anticipation with passionate kiss. Napatikhim na lang si Silvestre na siyang gumising sa kanilang dalawa. Napapahiyang naghiwalay sila.

"I think everything is okay now. Aalis na ako." ani Silvestre at tumayo. Naglakad na ito papuntang pinto nang pumihit ulit para magsalita. "Matagal na rin kayong kasal. I want a grandson or a granddaughter, okay?" bilin nito.

Natawa sina Sierra at Inconnu. Nang lumabas na ang matanda ay ngumisi si Inconnu kay Sierra. Napatili na lang ang babae ng daluhingin niya ito.

"How do you feel?" anas ni Inconnu. Kahit nasasabik sa babae ay gusto pa rin niyang alamin ang pakiramdam nito. God, she'd be in hell for how many months! Nakakapagalala ang pinagdaanan nito.

"I'm excited. Kiss me." anas ni Sierra at pumikit.

Napalunok si Inconnu. Umikot ang sikmura niya sa pananabik. Paano pa niya tatanggihan ang labing nakaawang ni Sierra? Damn! There's no other way! He kissed her passionately until they made love.

Chương tiếp theo