webnovel

TRUTH

"ONE, TWO—three! Fire!" sigaw ng isang demon at nilatigo si Baldassare. Napasigaw na lang siya sa sakit. Ramdam niya ang pagtama ng matulis na sungay ng isang mabangis na hayop ang nakadikit sa dulo ng latigo. He was experiencing that kind of nightmare, day and night. Damn it. Will he still be alright?

Kinuha ni Hades ang scroll at isinumpa siya. Sa ngayon ay nasa demon form ulit siya. He wanted to prolong his agony. Kung human form ay hindi raw siya tatagal. Hades said, he would forever his slave.

Walang ibang gusto si Baldassare kundi ang mapuntahan si Maricon at mapaliwanagan. Sa puntong iyon ng buhay niya, balewala na sa kanya kung mamahalin pa siya nito. Oo at gusto niyang mangyari iyon. Sobrang gustong-gusto. Gayunman, hindi siya tanga. Pagkatapos na lang ng lahat? Kakapit pa ba siya na mamahalin pa rin nito?

Doon napatunayan ni Baldassare kung gaano kamahal si Maricon. He's willing to take everything just to make it up to her. At kung sa huli ay hindi pa rin siya nito mapapatawad, tatanggapin niya iyon. He made a terrible mistake. It was unforgivable.

"Are you reflecting on your sins now?" anang malagom at malamig na boses ni Hades.

Hirap na iniangat ni Baldassare ang ulo para makita ang hari ng impyerno. Halos hindi na niya maibukas ang mga mata. Pati iyon ay bugbog-sarado na. Gayunman, sa gitna ng paghihirap ay kita pa rin niya ito. Nasa mga mata ang matinding galit ni Hades. Katabi nito si Joaquin na malamig na nakatitig sa kanya.

"W-Why would I? T-That scroll wasn't yours... a-alam kong sa tatay ko iyon..." hirap niyang anas at naubo. Bumulwak ang masaganang putik mula sa bibig ni Baldassare.

"You little shit... parehong-pareho kayo ng tatay mo! Pareho kayong ubod ng yabang!" hinihingal na anas ni Hades.

Natigilan si Baldassare. Nagtaka siya sa nahimigang galit ni Hades sa ama niya. Tumaas ang sulok ng labi nito nang makita ang nagtatanong niyang mga mata.

"Listen very well. Minsan ko lang itong sasabihin. Tutal, alam mo na ang tungkol sa scroll. Ginawa iyon ni Asmodeus para matalo ako! I really hate your father's guts!" amin nito at tinapakan ang mukha niya. Naipaling pakanan ang mukha ni Baldassare pero kita pa rin niya ito.

Doon sinabi ni Hades ang lahat. Biglang-bigla si Baldassare. Matapos ay doon niya naintindihan ang lahat. May halong pagganti si Hades. Kaya hindi siya nito pakakawalan kahit kailan!

At sa kabila noon, nakaramdam ng galit si Baldassare. Napakatagal na panahon siya nitong niloko at ginamit!

"Ah!" sigaw niya nang diininan ni Hades ang pagtapak sa ulo niya.

"Fuck you, Baldassare!" galit na asik ni Hades.

"We're even now! Ang tagal mo akong niloko at ginamit! Ngayon, dapat mo lang tanggapin ang mga kasalanan ko! Palayain mo na rin sina Demetineirre! Alam ko na mayroong spell para mangyari iyon! Pabayaan mo na kami ni Maricon! Kalimutan mo na ang mga sinabi ko! Pabayaan mo na kaming lahat!" buong tapang na sigaw ni Baldassare.

Right there and then, he also finally understand Demetineirre and Inconnu. When you fall in love, you'll do the craziest things. Be wrong when everything was right or be right when everything goes wrong. And when you love someone, you would find the right way or turn the wrong way just to see the person you love.

"Don't you dare say their names. Nagiinit ang ulo ko!" singhal ni Hades at diniinan ang pagtapak sa ulo ni Baldassare!

Napaigik na lang siya sa sakit. Naiyak na rin siya sa kawalang magawa. Deep down inside, Baldassare was asking himself. Wala na ba talagang paraan? Habang buhay na lang ba siyang magiging ganoon? Ah, he didn't know...

"You're mine forever. You hear me? Hindi kita pakakawalan!" gigil na saad ni Hades at tinapakan pang maigi ang ulo niya. Pakiramdam ni Baldassare ay mapipisa na ang ulo niya.

"And your girl, I will get her. Joaquin and the other demons will do the mission you failed to do." gigil na dagdag nito na tuluyang nagbigay ng matinding takot kay Baldassare.

"P-Parang awa mo na... P-Please... not Maricon..." luhaang pagmamakaawa ni Baldassare. Nagtangka siyang hawakan ang paa ni Hades at halikan. Kahit ano ay handa siyang gawin para lubayan nito si Maricon!

Pero isang malakas na sipa lang ang napala niya. Halos nagdilim ang paningin ni Baldassare. Gayuman, hindi siya tinigilan ni Hades. Pinagtatadyakan siya nito at patuloy siya sa pagpapakawala nang masakit na ungol.

Tumigil lang si Hades nang tawagin ng isang demon. May kaguluhan daw sa Avernus at agad naman nitong pinuntahan.

Gayunman, hindi pa rin nagkaroon ng katahimikan si Baldassare. Nagpatuloy ang mga demon sa paggulpi sa kanya dahil iyon ang bilin ni Hades. At habang binubugbog, si Maricon ang nasa isip niya.

Sana, dumating ang araw na mapatawad siya nito dahil wala siyang nagawa para ipaglaban ito...

Chương tiếp theo