"MARICON... COME on now... don't make this hard for us..." anang malagom na tinig. Nangatog sa takot si Maricon. Wala siyang ibang magawa kundi ang yakapin ang sarili. Hindi talaga tinantanan ng demon si Maricon mula nang makauwi.
Nang dumating ang mga magulang ni Maureen ay agad na niya itong iniwanan. Natatakot siyang madamay sila. Nagawa niyang makaalis sa ospital dahil nakahiram ng rosary sa mga magulang ni Maureen.
Hindi na siya umuwi sa Laguna para makasama ang ina dahil ayaw niya rin itong madamay. Sa condominium unit siya dumiretso. Nagsaboy siya ng asin sa buong unit. Matapos ay nagkulong siya sa kuwarto at ipinasok doon ang lahat ng santo.
Pero matigas ang demonyo. Bulong pa rin nang bulong. Alam ni Maricon na anytime ay magpapakita ang demon at iyon ang ayaw niyang mangyari. Noon ay nahimatay siya kay Baldassare. Paano na lang sa bagong demon? Baka ikamatay na niya ang sobrang takot!
Ah, Baldassare. Nasaan na kaya ito? Bakit hindi na ito nagpakita? Bakit hindi na ito bumalik? Nagaalala na rin talaga si Maricon pero wala siyang magawa!
"Maricon..."
"Tama naaaaa—!" hindi makapagpigil na tili ni Maricon. Bumukal ang masagang luha. Parang sasabog na siya sa paghihirap ng kalooban!
"Don't waste my time anymore, Maricon. Get the rope! Now!" sigaw ng demon. Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng isip niya. Biglang nagkaroon nang pagyanig. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya.
Sobrang natakot si Maricon. Pakiramdam niya ay gigibain nito ang unit niya! Nagdasal siya nang nagdasal hanggang sa unti-unti naman iyong tumigil.
"Maricon? Maricon?"
Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Joaquin! Luhaan siyang napatingin sa pinto at napalunok.
"N-No... patay na si Joaquin... d-dinadaya lang ako ng d-demon..." pagkumbinsi ni Maricon sa sarili. Napahawak siya sa buong ulo. Paulit-ulit niya iyong sinabi.
"Maricon, open the door. Let me help you..." pakiusap nito.
"Patay ka na!" sigaw ni Maricon at niyakap pang maigi ang sarili.
"Yes. You killed meeeeeeee—!" sigaw din ni Joaquin. This time, he was banging the door! At sa tuwing nagpapakawala ito nang malalakas na balya, yumayanig din ang buong unit niya!
"Dahil sa'yo, naging demon ako! Natatandaan ko na ang lahat! Ibinalik ni Hades ang memory ko! You deserve to dieeeeeeee! Die, Maricon! Dieeeeeee!" sigaw ni Joaquin. Lalong nangilabot si Maricon nang mahaluan ang boses na parang galing sa ilalim ng lupa!
"Joaquin!" tili ni Maricon nang tuluyan nitong magiba ang pinto. Natutop niya ang bibig nang bumungad ang demon form ni Joaquin. Para itong kabayo na mayroong hindi mabilang na sungay dahil sa dami. Kulay pula ito at malaki ang pangangatawan. Nababalutan ito ng itim at makakapal na balahibo. Pula ang mga mata nito. Nagsisilabasan ang mga matutulis na pangil.
Pero unti-unti iyong nawala. Umusok si Joaquin at sa pagkawala ng usok ay unti-unti ring nagbago ang itsura at bumalik sa pagiging tao.
Naiyak si Maricon. The coldness of Joaquin's eyes broke her heart big time. Alam niyang mayroon siyang partisipasyon sa nangyari dito.
"You killed me. Bakit ayaw mong bumawi sa akin? Magpakamatay ka rin. Come on. Get rid of these salts. Let me in. I will help you." pangungumbinsi nito. Wala na ang boses na malumanay ni Joaquin. Naging husky iyon.
"No..." luhaang sagot ni Maricon. Nagkadailing siya dahil alam niyang hindi iyon ang sagot. He needs to accept the fact and forgive her that she couldn't love him the way he wanted to...
Nanlisik ang mga mata ni Joaquin. "You're so selfish!" sikmat nito.
"Hindi totoo 'yan! H-Hindi mo lang natanggap ang desisyon ko. Sa ating dalawa, ikaw ang selfish! Hindi mo na inisip si tita Jocelyn!" luhaang sumbat ni Maricon.
"How dare you!" sigaw ni Joaquin at humangin nang malakas. Panay na rin ang bayo nito sa dingding at nag-crack iyon. Talagang gigibain nito ang unit niya dahil sa galit!
"I'm sorry for not loving you! But you have to accept it!" luhaang giit din ni Maricon.
"Nooooooo—!" sigaw ni Joaquin. Hindi pa rin matanggap ang pagkabigo.
He stomp his feet. Nag-crack ang sahig. Nataranta si Maricon. Napakapit siya dahil lumakas ang paglindol! Paulit-ulit iyong ginawa ni Joaquin hanggang sa nahulog ang mga asin sa crack na ginawa nito!
"Got you," malamig na anas ni Joaquin na hindi na napansin ni Maricon kung paano siya nagawang lapitan at sakalin!
"J-Joaquin... arkkk... argh... ugh..." masakit na ungol ni Maricon at napahawak sa kamay ni Joaquin na walang kahihirap na inangat siya. Nanlaki ang ulo ni Maricon ng hindi na maramdaman ng mga paa ang semento!
"Kill yourself!" malamig nitong saad at tinalian siya ng lubid sa leeg.
"H-Huwag—"
"Do it!" singhal ni Joaquin. Naging mabilis ang kilos nito. Kumuha ito ng silya at itinayo siya doon. Pumitik ito. Sa isang iglap ay nabiyak ang kisame. Lumitaw doon ang mga bakal. Matapos ay itinali ni Joaquin ang lubid.
"Do it." nagngingitngit na ulit ni Joaquin.
"I-I can't... I'm sorry..." luhaan niyang tanggi.
"Fuck you!" galit na sigaw ni Joaquin at inambahan siya ng sampal. Napatili na lang si Maricon.
"Lumayo ka sa kanya!" singhal ni Baldassare na hindi na napansin ni Maricon na nakatayo na pala sa pinto ng unit niya. Naiwan sa ere ang kamay ni Joaquin at gulat na nilingon nila ito.
Kumabog ang dibdib ni Maricon nang magtama ang paningin nila ng lalaki. Halos maiyak si Maricon dahil sa sobrang pagsasalamat. Dumating si Baldassare! He came on the right time!
Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nakatakas kay Maricon ang itsura ni Baldassare. Duguan ito at sira-sira ang damit. Hinihingal din. Mayroon itong hawak na itim na scroll.
Ano ang nangyari rito?
***
"Eeeeeeeeeh!" sigaw ni Maricon ng walang babalang pinutol ni Joaquin ang tali gamit ang pinatulis nitong kuko saka siya pinasan na parang sa isang sako ng bigas at inilayo kay Baldassare. Nagpapalag siya pero malakas si Joaquin. Ibang-iba na ito sa dating lalampa-lampang kaibigan. He became wild and dangerous!
"You!" galit na asik ni Joaquin kay Baldassare. Hindi siya nito pinansin. Hinawakan lang siya nito nang mahigpit. Halos bumaon na ang matutulis nitong kuko sa hita niya at napaigik na lang si Maricon sa sakit.
"Put her down." malamig na utos ni Baldassare. Kahit hirap, kita pa rin sa mga mata ni Baldassare ang determinasyon. Mukhang handang makipagpatayan kay Joaquin!
Nanlisik ang mga mata ni Joaquin. "Alam ko na ang lahat, Baldassare! Pinatawag ako ni Hades at sa akin ipinatuloy ang misyon mo sa babaeng ito na nababagay lang sa kanya! This bitch frustrates me. Bilang ganti sa pagtanggi niya, ako mismo ang magbibigay sa kanya kay Hades at wala kang pakialam dito!" singhal ni Joaquin na nakapagpagulat kay Maricon.
"M-Misyon?" naguguluhang tanong niya.
Ibinaba si Maricon ni Joaquin at hinawakan sa magkabilang balikat. Isang masamang tingin ang iginawad ni Joaquin bago ito sumagot. "Tama! Ang misyon ni Baldassare ay bulungan ang mga tao para magpakamatay! Dinadala niya sa impyerno ang mga kaluluwa at ginagawang mandirigma. Siya rin ang bumulong sa akin noon kaya lumakas lalo ang loob kong magpakamatay! At ikaw! Dapat ka rin niyang bulungan para makuha ang kaluluwa mo at ialay bilang bride ni Hades! Pero naiinip na siya dahil hindi ka pa rin nakukuha ni Baldassare!"
"Maricon! I will explain everything!" natatarantang singit ni Baldassare. Kita niya ang guilt sa mukha nito na nakapanghina sa kanya.
Natawa nang nakakaloko si Joaquin. "Don't tell me, you'll still listen to him? After all he'd done? Marami siyang binulungan at dinala sa impyerno! Hindi lang ako! Maraming namatay ng dahil sa kanya!" singhal ni Joaquin sa mukha ni Maricon.
And Maricon couldn't just ignore it. Luhaan at nagtatanong ang mga matang napatingin siya kay Baldassare. Tuluyang lumbog ang puso niya nang makita ang matinding hiya sa mukha nito. He looked sorry and defeated.
"B-Baldassare..." halos hindi humihingang anas ni Maricon.
"I'm so sorry..." nagsisising anas ni Baldassare at puno nang lambong ang mga mata. Ramdam niya ang sinseridad nito pero sobra siyang nasaktan. Iaalay pala siya ni Baldassare kay Hades! Iaalay na parang isang sakripisyo! Damn him!
And now, she realized everything. Naalala niya ang pagiging matyaga nito hanggang sa makuha ang tiwala niya. Mayroon pala itong maitim na balak kaya nagtiyaga ng todo!
"Maricon, listen to me," nakikiusap na saad ni Baldassare.
Tinakpan ni Maricon ang magkabilang tainga. "Tama na!" sigaw niya at napahagulgol.
"Kill yourself. End everything," sulsol ni Joaquin at ibinigay ang tali.
"No—!" sigaw ni Baldassare at pinigilan si Joaquin. Nagsalita si Baldassare ng hindi maintindihang lengguwahe at nagsilabasan ang apat na spirit warriors. Naglalakihan ang mga itim na pakpak at itim ang bakal na armor. Hindi kita ang katawan ng mga ito. Naglalakihan ang mga espada at inatake ng mga iyon si Joaquin.
Dahil hindi handa si Joaquin ay natamaan ito. Nabitawan siya. Agad siyang dinaluhan ni Baldassare. Hindi nakatakas kay Maricon na tinakbo lang siya ni Baldassare at hindi ito nag-teleport para makalapit.
Pero hindi na iyon nagawang usisain ni Maricon. Napaigtad siya ng sumigaw si Baldassare.
"Run!" utos ni Baldassare.
Biglang nalito si Maricon nang magsimulang yumanig. Tuluyan na siyang hindi nakaalis dahil natalo ni Joaquin ang mga spirit warriors at nagawa silang harapin!
"Baldassare!" tili niya nang suntukin ni Joaquin si Baldassare. Bumulagta ito at duguan ang bibig. Pero hindi ito sumuko. Hirap man, pinilit pa ring lumaban!
Walang ibang nagawa si Maricon kundi ang magdasal. Sana, matigil na ang lahat. Sana, tigilan na siya ng mga demon!
"Maricon," anas ng isang malamyos na tinig.
Luhaang napatingala si Maricon dahil doon nanggaling ang boses. Kita niya ang liwanag na nagmumula sa butas na kisame. Palaki-iyon nang palaki. Paliwanag nang paliwanag hanggang sa masilaw na siya.
"I heard you. Pasensya ka na kung natagalan ko. Pangako, hindi na ako aalis. Hindi kita hahayaang malapitan pa ng mga demon,"
Pakiramdam ni Maricon ay isang uri nang mainit na palad ang boses na iyon. Hinahawi ang takot niya at pangamba. Dahil doon ay natigil siya sa pagiyak.
At unti-unting nagkaroon ng hugis ang liwanag sa harap ni Maricon. Naging malaking lalaki. Nagtataglay ito ng maamong mukha at mayroong itim na pakpak. Niyakap siya nito. Pati ang pakpak nito ay bumalot sa kanilang dalawa. Bigla na lang siyang nahilo at nawalan ng malay.