webnovel

DEVIL'S PLAY

"Shit! Hindi ko talaga makalimutan iyon!" tili ng puso ni Maricon habang nakahawak sa labi. Kahit isang linggo na ang nakakalipas, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang nasa labi pa rin niya ang mainit na labi ni Baldassare. Everything was still so clear to her. Everything was still so dear to her.

Mayroon pa rin namang magagandang alaala si Maricon bukod sa halik na iyon pero ewan ba niya. Ang moment nilang iyon ni Baldassare ay ang parang isa na sa pinakamasayang araw ng buhay niya. Pakiramdam kasi niya ay binago siya nang halik na iyon. Deep within her heart, she felt something weird inside. It was good though. It was... bliss.

Mabuti na lang ay naipasa na niya ang isa pang manuscript na sequel din ng huling approve niya. Nagagawa na niya ngayong magpagulong-gulong sa kama habang kinikilig. Mabuti na rin ay wala si Baldassare. Nagpaalam itong babalik muna sa hell. Dahil doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong i-imagine ang kilig moment na iyon. Lalo pa siyang kinilig nang maalala ang lahat matapos siyang halikan ni Baldassare.

Ang buong akala niya ay magwo-walk out ito pero nagkamali siya. He just stared at her and she melted. Para siyang ice cream sa harapan nito na natutunaw. Ni hindi niya magawang gumalaw. Palibhasa ay gusto rin niya ang pakiramdam na natutunaw sa harapan nito. Kinikilig siya ng husto.

He asked her if she was okay. Na-appreciate ni Maricon iyon. Masaya siya na inaalam ni Baldassare ang pakiramdam niya. Giving her impression that he was a caring demon. Bukod doon ay patingin-tingin din ito. Pinakikiramdaman ang bawat kilos niya at nakaalalay lagi.

Dahil doon ay tuluyan na niyang nalimot kung ano at sino ito. For her, Baldassare was just a man. A very gorgeous man. Hindi mahirap magustuhan.

Napasinghap si Maricon sa naisip. Hayun. Inamin na rin niya kung ano ang weird feeling na nabuo sa puso. Mayroon siyang gusto kay Baldassare. Tingin niya ay hindi naman imposible iyon. Sa mga nakita niyang katangian nito? Hindi na siya magtataka kung bakit nahulog ang loob niya rito.

"Maricon?" tawag ni Baldassare at kumatok sa pinto.

Napabangon si Maricon sa kama at agad na inayos ang sarili. Good thing, Baldassare knows how to knock. Isa iyon sa mga gusto niya rito. Hindi ito basta-basta pumapasok lalo na sa kuwarto niya. Kakatok muna ito. Laging hinihintay ang pahintulot niya.

"Yes?" aniya at nang masigurong okay na siya at binuksan na niya ang pinto. Kumabog ang dibdib ni Maricon nang magtama ang paningin nila ni Baldassare. Ramdam niya ang pagiinit ng mukha at katawan.

Magmula nang halikan ni Baldassare si Maricon ay lagi na lang ganoon ang pakiramdam niya. Everything changed. Every time she was with him and they were close, it felt like his warmth was cloaking her whole being.

"Are you okay? Kanina pa kita hinihintay na lumabas." tanong nito.

Muntik nang mapangiwi si Maricon. Hindi na niya napansing nakabalik na ito dahil naging busy siya sa pagi-imagine sa kuwarto. Napakamot na lang ng ulo si Maricon. "Nakahiga kasi ako at iniisip ang susunod kong isusulat." pagdadahilan niya.

Napatango ito at iginiya na si Maricon sa kusina. Napangiti siya nang makitang ready na iyon. Kare-kare ang ulam. Nag-magic na naman ang poging demon.

"Any plans for today?" tanong ni Baldassare pagkaupo ni Maricon.

Napatango siya. "Maglilinis lang naman sana."

"Okay. No need." anito at pumitik. In just one snapped, everything is clean!

Napamaang si Maricon. "Ano na lang ang gagawin ko?"

"Rest?"

Napabunghalit nang tawa si Maricon. "Rest na naman? Kailangan ko ring magbanat ng buto. Lagi na nga lang ako nagsusulat, simpleng paglilinis na lang ang pinaka-exercise ko." angal kuno niya pero deep inside, naaliw siya dahil handa talagang tumulong ang guwapong demon.

"Okay, okay." suko nito at pumitik. Sa isang iglap, nagkaroon ng kalat. Napangiti na lang si Maricon at na-satisfied.

Kumain na siya. Dahil hindi naman kumakain si Baldassare ay hinayaan na lang siya nito hanggang matapos. Ginusto siyang tulungan ni Baldassare na maghugas ng pinggan pero dahil sa reason niya na exercise ay hindi na siya nito nagawang pigilan.

Napapangiti na lang si Maricon ng hindi na gamitin ni Baldassare ang kapangyarihan. Inaalalayan na lang siya sa mga ginagawa hanggang sa alisin nito ang suot na coat, tie at polo. Pawis na pawis ito. Napanganga siya nang lumantad ang magandang pangangatawan. He possessed a dashboard abs! He was ridiculously athletic!

"Do I look sexy?" na-amaze na tanong ni Baldassare.

Namula ang mukha ni Maricon sa pagkapahiya. "H-Hindi, ah!" deny niya.

Napangisi si Baldassare at lumapit. Nataranta si Maricon. Napatili tuloy siya at nagkulong sa kuwarto. Halos sumabog na ang puso niya sa lakas ng kabog!

Dinig ni Maricon ang malakas na tawa ni Baldassare sa labas ng kuwarto. Napasabunot na lang siya sa sarili dahil alam niyang wala na siyang lusot.

"Open the door!" hamon nito.

"Ayoko!" kinakabahang sagot ni Maricon.

"Coward!" kantyaw nito.

"Kahit na!"

Natawa na lang si Baldassare. Parang nakikiliti tuloy ang puso ni Maricon. She loves hearing him laugh. It made her heart thrilled.

At salamat na lang sa pagiging gentleman ni Baldassare. Dahil doon ay hindi na siya nito pinasok sa kuwarto. He just let her stayed there.

She smiled at the thought.

Chương tiếp theo