webnovel

MISSING YOU

"INCONNU, WHAT the fuck?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Baldassare dahil sa biglaang pagsulpot ni Inconnu sa impyerno ng hubo't hubad! Nabigla din si Inconnu sa bilis ng pangyayari. Nandoon na, bigla pa siyang bumalik sa impyerno!

Gusto ng iuntog ni Inconnu ang ulo sa nasusunog na bato. Unti-unti na rin siyang bumalik sa katawang demon—mahaba ang sungay, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, malalaki ang ilong at naglalakihan ang mga pangil. Pula ang balat at malalaki ang mga galamay.

Napabuga ng hangin si Inconnu ng makita ang replica niya sa paanan. Unti-unti iyong nagiging abo dahil tinamaan ng umaapoy na punyal sa likuran. Automatic siyang nagbalik sa impyerno dahil doon.

Gusto nang sumabog ni Inconnu sa gigil pero nagpakapigil siya. Nananakit na rin ang puson niya pero wala siyang ibang magawa kundi ang tiisin iyon. Isang pitik ang ginawa para tuluyang nawala ang replica niya.

"What are you doing in here?" mainit ang ulong tanong ni Inconnu kay Baldassare na tiim siyang pinanonood sa lahat ng kilos.

"Hades' order. Inaatake ang 66th legion ng mga natitirang loyalista ni Buer. Your team is losing. I came to the rescue," paliwanag nito at itinaas ang dalawang kamay, astang nagtataka sa nangyayari sa kanya. "What the fuck is this, Inconnu? A replica? Where have you been? Kaya siguro natatalo ng walang kwentang alagad ni Buer ang mga tao mo ay dahil hindi mo sila naima-manage ng tama. Gaano mo na ito katagal na ginagawa?"

Mariing ikinuyom ni Inconnu ang mga kamao. Napakasimple ng mga tanong ni Baldassare pero hindi niya masagot. Papaano ba niya sasagutin iyon? Ah, hindi niya alam kung papaano! First time in his damn history, he didn't know what to think! He was so fucking doomed.

"You're a wise demon, Inconnu. Kaya mo nga ito nagagawa, kaya ka nakakaalis dito ng walang nakakapansin dahil sa galing mo. Pero huwag mong kakalimutan ang ginawa ni Demetineirre. Unless you are ready for the consequences,"

"What consequences?" mainit ang ulong balik ni Inconnu at napabuga ng hangin. "Hindi ako nasisiraan ng ulo sa isang tao kaya malayong magaya ako kay Demetineirre, okay?"

"Are you trying to convince me or are you convincing yourself?"

Natigilan siya at tiningnan ito ng masama. Agad naman nitong itinaas ang mga balikat. "I was just saying," takang sagot ni Baldassare at napailing.

"Mind your own fucking business, Baldassare," malamig na saad ni Inconnu. May halong babala iyon. Alam niyang ire-report ni Baldassare iyon kay Hades at aaminin niya, kinakabahan siya. Hindi malayong magimbestiga si Hades oras na malaman nito iyon. Yari siya rito. Okay lang kung siya lang ang malilintikan. Kaya niyang harapin ang anumang parusa. Sanay na siya sa pagpapahirap ng kahit na sino'ng demon.

Pero papaano kung makarating dito ang tungkol kay Sierra? Papaano kung pati ito ay madamay? Ah, hindi niya iyon mapapayagan. Nanliit ang mga mata ni Inconnu. Kung anuman ang nagtutulak sa kanya ngayon kung bakit siya nagkakaganoon, hindi na muna niya iisipin. Ang mahalaga, masiguro niyang hindi mangyari ang kinatatakutan niya.

"What if I didn't, Inconnu? What are you going to do?" malamig na tanong ni Baldassare.

"Then I have to kill you now," malamig niyang saad saka pumitik. Sa isang iglap, dahil sa kapangyarihang pinakawalan ni Inconnu ay umulan ng sibat para patamaan si Baldassare.

At dahil isang matalinong diablo din si Baldassare, agad itong nakapagbulong ng incantation para mabalutan ito ng invisible armor. Dahil doon ay nasunog ang lahat ng sibat na muntikan ng tumama dito. Matapos iyon ay nagkaroon din ng mga evil spirits sa paligid ni Baldassare para atakehin siya anumang oras.

Hindi naman nagpadaig si Inconnu. Mabilis niyang pinagana ang isip. Hindi niya hinayaang maatake siya ng evil spirits. He reversed all the spells and the evil spirts vanished. Sa tuwing tinatawag ni Baldassare ang mga evil spirits at lagi naman niyang nire-reverse ang orasyon. Hindi alam ni Baldassare ang paraang alam niya dahil pamana pa iyon ng tatay niyang isang dating duke demon ang mga alam niyang orasyon.

Hanggang sa nagiba ng taktika si Baldassare. He started to called fiends. Naglalakihan ang mga iyon. Siya naman ay nagsimulang ilabas na rin si Alfredö, ang evil spirit na inaalagaan ni Inconnu para sa ganoong pagkakataon. He was his secret ang ultimate weapon. Nagsisilbing armour niya ito at walang anumang sandata o orasyon ang puwedeng makapinsala kay Inconnu habang nasa loob siya ni Alfredö. Alfredö possessed all his powers. Kinokontrol niya ito sa isip. Kasing laki ito ng bundok. Kahit parang usok na nagfo-form ng tao, mahirap pa rin itong gibain at kalabanin.

"We'll die in here, Inconnu. Are you ready for that?" malamig na tanong ni Baldassare.

"If that's the only way to stop you, then so be it. Let's die," malamig din niyang sagot. Deep inside, he felt sorry for Sierra.

Biglang piniga ang dibdib ni Inconnu nang maalala ang babae. Mamamatay siya ng hindi man lang ito nakakausap at napapaliwanagan. Sigurado siyang naghihintay ito sa pagbabalik niya. Papaano niya ito mapapaliwanagan kung mamatay siya ng ganoon na lang?

"Liar. You want to go back and see your human," malamig na panghuhula ni Baldassare at tumaas ang isang sulok ng labi. Hindi pa naglipat sandali, pumitik ito at nawala ang lahat ng mga fiends. Itinaas nito ang dalawang kamay para ipakitang nawala na ang lahat ng pagtatangka sa buhay niya. "Kung handa kang mamatay, ako ay hindi. Alam kong oras na maglaban tayo, pareho tayong mamatay. Pantay ang kapangyarihan natin, Inconnu. Hindi sira ang ulo ko para ibuwis ang buhay ko para lang mapatunayan iyon sa'yo. Marami akong pangarap at plano. Ayokong matapos lang ang buhay ko dito,"

Nagtiim ang bagang ni Inconnu. Hindi niya alam kung matatawa o iuuntog ang ulo. Wise din talaga itong si Baldassare. Tama nga rin naman ito. Alam niyang pareho lang sila ng lebel ng kapangyarihan.

"Let's finish our mission. Kill Buer's loyalist, report to Hades and... go back to your human," nakangising saad ni Baldassare.

"Papaano ko masisigurong hindi ka sisira sa usapan," malamig niyang tanong. Aba, kailangan niyang makasiguradong hindi ito makikialam sa diskarte niya.

Balewala itong nagkibit balikat. "Like I said, I don't want to die. Rest assured na wala akong narinig at nakita..." anito at sinimulang atakehin ang mga demons sa hindi kalayuan.

Hindi muna kumilos si Inconnu. Nagisip siyang maigi. Tinimbang niya ang lahat hanggang sa napahinga ng malalim. Kilala naman niya si Baldassare. Kilala niyang hindi ito susugal. If he was after the throne, matagal na sana nitong ginawa iyon noong buhay pa si Demetineirre.

Dahil doon ay lihim na napatango si Inconnu. He started to kill Buer's loyalist. Binilisan niya para makapag-report kay Hades'. He needed to go back to mortal world as soon as he can. Napatango si Inconnu dahil sa naisip.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"IHA, ARE you okay? Are you ready for tomorrow's inauguration?" nakangiting untag ng daddy ni Sierra. Napaigtad pa siya dahil masyado siyang lulong kakaisip kay Inconnu. Namamatay na siya sa pagaalala dito na nauuwi sa tampo. Hindi na rin kasi niya alam ang iisipin sa lalaki. Magmula ng mawala ito ay hindi na ito nagparamdam.

Natutukso na siyang hukayin ulit ang itim na libro para tawagin ito pero naisip niya, hindi ba't dapat ay huwag niyang gawin iyon? Ligtas na siya kung tutuusin kundi nito tutuparin ang deal. Buhay ang daddy niya at intact pa rin ng virginity niya. Winner na siya sa lahat ng winner.

Pero bakit ganoon? Parang... hindi iyon ang gusto ng kalooban ni Sierra. Gusto na niyang batukan ang sarili. Mukhang nalulong na siya sa demon. Kaya ngayong bigla itong nawala, pati utak at puso niya at natangay nito...

"Yes, dad. Ready na ho ako bukas. Huwag ho kayong magalala. Aalagaan ko ho ang Silverware kagaya ng ginawa ninyong pagaalalaga," pangako niya.

Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. "Thank you for your hard work and dedication, iha. Isa na lang ang gusto ko: ang makahanap ka ng lalaking magaalaga sa'yo."

Natawa siya kahit pa binalot ng lungkot ang puso. Hindi niya mapigilan dahil agad bumulong ang puso niya kung sino ang lalaking gusto niyang makasama. It was Inconnu—the beast she made a deal.

Bigla siyang nakaramdam ng pagaalala. Ano na lang ang iisipin ng daddy niya oras na malaman nitong nahulog ang loob niya sa demon na nagpahirap dito? Siguradong magagalit ito. Ang ideyang iyon ay lalong nakapagpaalala kay Sierra...

"Iha, you have everything. Nasa edad ka na para magasawa. Wala ka pa rin ba'ng nagugustuhan sa mga manliligaw mo?" usisa nito.

Hindi tuloy napigilan ni Sierra ang matawa. "Mga manliligaw? Kung makapagsalita kayo, parang pila naman ang mga manliligaw ko. Wala nga akong manliligaw at okay lang naman iyon sa akin."

Sumeryoso ito. "Marami ang kumakausap sa akin sa opisina. Mga VP natin na binata at anak ng kaibigan ko. Humihingi sila ng permiso sa akin na maligawan ka. Ni isa sa kanila ay hindi ka man lang nilapitan?" takang tanong nito.

Natigilan si Sierra hanggang sa naalala ang sinabi ni Inconnu. Mukhang natakot ang mga lalaking ituloy ang panliligaw dahil sa mga dahilang sinabi ni Inconnu.

Gayunman, hindi niya na nagawa pang sabihin iyon sa ama. Iniba na lang niya ang usapan dahil baka kung saan pa mauwi iyon.

"Dad, huwag na ho nating pagusapan ang mga lalaki. Why don't we talk about your suit? Nakapagpatahi na ho ba kayo? Kung hindi pa, sasamahan ko kayong pumunta sa paborito ninyong sastre." alok niya.

Iwinasiwas nito ang mga kamay. "I am fine. May maisusuot na ako at naka-ready na iyon."

"That's nice," nakangiting sagot niya at nagkuwento pa siya ng tungkol sa mga plano niya sa Silverware hanggang sa tuluyan na nitong nakalimutan ang tungkol sa mga manliligaw niya.

Ilang sandali pa ay nagpahinga na sila. Kinabukasan ay naghanda na siya para sa inauguration. Nagpa-salon pa siya para maganda ang ayos niya. Isang black halter dress ang suot niya at abot iyon hanggang talampakan. Mayroon iyong slit hanggang gitnang hita kaya kitang-kita ang makinis niyang hita. Stilettos ang sapin niya sa paa. Hinayaan naman niyang nakalugay ang buhok at nakayos iyon pakanan para kita ang makinis na likuran.

Nang sumapit ng oras ay sabay na silang nagpunta ng ama sa hotel. Agad silang sinalubong at kinamayan ng mga empleyado at matataas na taong imbitado hanggang sa pinakilala sa kanya si Stephen—anak ng kaibigan ng daddy niya na CEO ngayon ng SOS Inc. Ang SOS ay kumpanya ng mga nagma-manufacture ng mga fishing boats dito sa Pilipinas.

"Finally, I had the chance to talk to you. Masyado ka kasing busy. Sa tuwing tumatawag ako sa office mo, kundi busy ang phone ay nakaalis ka na," nakangiting panimula ni Stephen ng mapagisa sila.

Biglang kinutuban si Sierra. Mukhang isa ito sa mga lalaking tinutukoy ng daddy niya. Napalunok siya at pinigilang mapakamot ng ulo. Honestly, Stephen looked nice. Kagalang-galang sa suot na dark blue suit. Malinis ang pagkakagupit at gel ng buhok. Matangkad ito bagaman may kaunting kapayatan. Maputi din ito at makinis ang balat. Nababakas din ang kabaitan sa mga mata at ramdam niya ang paghanga nito sa kanya.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay walang makapang damdamin si Sierra dito. Lihim siyang napabuntong hininga dahil alam na niya ang kasagutan: dinala na rin ni Inconnu ang puso niya sa pagalis nito kaya hayun siya, hindi na magawang makaramdam ng anuman para sa iba...

"Right. Kaya pasensya ka na kung hindi kita mae-entertain," magalang na sagot ni Sierra at napalingon sa entablado ng tawagin na siya para ipakilala. "I have to go now,"

"Oh, okay. Go ahead," nakangiting sagot nito. Nakangiti man, bakas pa rin ang panghihinayang sa mga mata. Alam ni Sierra na nakuha nito ang ibig niyang sabihin at mukhang iginagalang naman nito ang desisyon niya dahil hindi na ito nagbitaw pa ng ibang salita.

Umalis na siya at nagpunta siya stage. Nagpalakpakan ang mga tao at ipinakilala siya. Nagkaroon siya ng kaunting speech at nakangiting tiningnan niya ang ama. Natunaw ang puso niya ng makitang mukhang proud na proud ito.

Hindi na niya pinatagal ang speech. Ilang sandali pa ay bumaba na siya at sinamahan ang ama. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang alas dose ng gabi at umuwi na silang magama.

Pagdating sa kuwarto ay napabuntong hininga na lang si Sierra. Wala pa rin si Inconnu. Pakiramdam niya ay lalong nagdilim ang mundo niya. She was missing him terribly...

Napabuntong hininga na lang siya at matamlay na nagbihis.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" hindi mapigilang tanong ni Miss Reggie Oropesa, ang secretary ni Sierra. Twenty four years old na ito at three years ng nagta-trabaho sa Silverware. Dati itong secretary ng daddy niya kaya ngayong lumipat na siya ng opisina, ito na ang naging secretary niya. Mabait ang babae, masipag at maasahan.

Tumango si Sierra kahit pa gusto na niyang mamilipit sa sakit ng puson. Second day ng period niya. Sa tuwing ganoon ang araw ay nanakit ng todo ang puso niya. Uminom naman na siya ng gamot pero mukhang hindi umepekto sa kanya.

"I'm fine." aniya saka pinirmahan ang mga dokumentong hinihintay ni Reggie. Matapos ay iniabot na niya iyon dito.

"Ma'am inform ko lang po kayo na ang meeting ninyo mamayang twelve ay nagpa-reset po bukas. Wala na po kayong meeting ngayong araw,"

Napatango si Sierra at napaisip. Habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam niya kaya sa huli ay nagpasya siyang umuwi na lang para makapahinga. Tutal ay wala naman na siyang importanteng meeting.

"Okay then. Tatapusin ko na lang ang mga dapat pirmahan para makauwi na," pinal na saad niya saka binilinan si Reggie. Nang matapos ay lumabas na ito at tinapos na niya ang trabaho.

Saktong alas onse ng umaga ay umalis na siya. Nagmaneho na siya pauwi at nadatnan niya ang ama na nakaupo sa garden. Agad niya itong nilapitan at hinalikan. Mukhang nagulat ito dahil sa aga niyang umuwi kaya pinaliwanagan niya. Nang malaman nito kung bakit ay agad na siya nitong pinagpahinga.

Umakyat na siya at dumiretso sa kuwarto. Nagbihis na siya at nahiga sa kama. Hindi naman siya makatulog dahil sa nararamdamang sakit pero minabuti na lang niyang ipikit ang mga mata at magpahinga.

Napasinghap na lang si Sierra ng maramdamang mayroong naupo sa tabi niya. Kumabog din ang dibdib ni Sierra ng maamoy si Inconnu. Bumilis ang tibok ng puso niya pero hindi niya magawang magmulat ng mga mata. Kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lang siya ng tadhana.

Ilang beses na ba iyong nangyari? Maraming beses na. Dahil sa sobrang pangungulila sa demon, minsan ay nagkakaroon na siya ng ilusyon. Akala niya, nakita niya ito sa malayo pero paglalapitan niya, ibang lalaki pala. Nahahawig lang nito o kagaya lang ng tindig.

Minsan ay dinadaya na siya ng pakiramdam. Akala niya, may nakatingin sa kanya pero paglingon niya ay malalaman niyang nagiisa lang pala siya sa kuwarto o opisina. It was so damn frustrating. Dahil doon ay mas lalo niyang napagtitibay na lumbay na lumbay na siya kay Inconnu.

She missed the way he teased her. The way he touched her, the way he make her turn on. She also missed the way he talked to her. The way he looked at her, the sound of his voice... the sound of his breath against her ears... the warmth of his body against her back.

Ang dami-dami niyang nami-missed kay Inconnu at unti-unti na siyang mamatay sa pangungulila dito...

"Inconnu..." wala sa sariling anas niya at napabuntong hininga.

"What happened? You looked sick,"

Bigla siyang napamulagat ng marinig ang boses nito. Biglang kumabog ang dibdib niya ng makitang nakaupo nga ito sa tabi niya! Matamang nakatitig sa kanya. Napalunok siya. Hindi makapaniwalang nasa tabi nga niya ito!

Chương tiếp theo